Craving Pleasure (Hunk Omega...

By warcornxx

69.9K 1.3K 39

π—ͺ𝗔π—₯π—‘π—œπ—‘π—š: 𝗠𝗔𝗧𝗨π—₯π—˜π—— π—–π—’π—‘π—§π—˜π—‘π—§ π—₯+𝟭𝟴 π‡π”ππŠ πŽπŒπ„π†π€ π’πŽπ‚πˆπ„π“π˜ 𝟏: π‡π”π†πŽ "Desper... More

CRAVING PLEASURE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
WAKAS
AUTHOR'S NOTE

KABANATA 10

1.4K 40 2
By warcornxx

KABANATA 10: Plans

NALA

Unti-unti kong binuksan ang mata ko dahil may narinig akong nabasag na siyang gumising na natutulog kong diwa. Kasunod nito ang malutong ngunit mahinang mura na nagmumula sa pamilyar na tinig.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga sa malambot at puting kama nang mapagtanto na nakatulog pala ako habang hinihintay si Hugo na makabalik galing sa five-star hotel na nagkakagulo pa rin bago kami umalis. Pagkaakyat namin sa rooftop ng five-star hotel kanina ay sumakay kaagad kami sa chopper at binaba kami sa helipad ng isang yate. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay nasa dagat kami ngayon.

Sa kadahilanang nakapatay ang ilaw kaya hindi ko malinaw na maaninag si Hugo pero base sa nakikita kong pigura ay nakaupo siya sa sofa na hindi kalayuan sa kama kung saan ako.

"Hugo?" tawag ko sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin sa direksiyon ko. Tila naging glow in the dark ang kakaibang kulay ng mata niya nang magtamang muli ang paningin naming dalawa sa dilim.

Tumayo ako. Maglalakad na sana ako papunta sa direksiyon niya ngunit nagsalita siya, "Stay put. Don't come near me," mariing utos niya pero hindi ako nakinig. May kakaiba sa boses niya, hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.

Naglakad ako papunta sa may switch ng ilaw at walang pag-aalinlangang pinindot 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang basag ang flower vase na nasa gitna ng lamesa kanina habang si Hugo naman ay maraming dugo ang nasa braso't pilit niyang pinipigilan ang pag-agos ng mga ito sa pamamagitan ng puting tela na nakaharang doon.

"Ano'ng nangyari?!" bulalas ko pero wala akong narinig na kahit na anong tugon mula sa kaniya.

Wala siyang suot na pang itaas pero wala akong pakialam doon.

"Fuck those bastards!" mura na naman niya habang malalim ang paghinga.

Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa niya dahil nasa kabilang bahagi niya ako pero ang nasisiguro ko lang ay may tinanggal siya sa balat niya.

"Ano ba'ng ginagawa mo, Hugo?! Pwede bang sabihin mo naman sa 'kin para alam ko ang gagawin ko!" nagpa-panic na sabi ko.

Isang malakas na mura ang kumawala mula sa bibig ni Hugo at kasunod nito ang pagbato niya ng kung anong bagay sa sahig. Tila naubusan ako ng dugo sa muka nang mapagtantong bala iyon na punong-puno ng sariwang dugo mula sa kaniya.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay punong-puno siya ng pawis sa noo maging sa dibdib niya. Mabibigat din ang paghingang kumakawala sa bibig niya na para bang guminhawa ang pakiramdam niya nang matanggal niya ang balang iyon na nakabaon sa braso niya. Nakapikit ang mata niya at umiigting din ang perpektong panga niya habang nakasandal ang likod sa sandalan ng couch.

Kusang humakbang ang paa ko papalapit sa kaniya. Pagkatapos ay umupo ako sa katabi niya. Nanginginig ang kamay na inalis ko ang kamay niyang may hawak na tela na nakaharang sa kaniyang sariwang sugat. Ang puting tela ay naging pula na dahil sa dugo niyang bumalot doon.

Nabaril ba siya dahil bihigay niya sa akin ang bulletproof jacket na suot niya kanina?

Napalunok ako. Kinuha ko ang bulak na nakalagay sa ibabaw ng lamesa at nilagyan iyon ng alcohol. Hindi ko na muna nilinisan ang mismong sugat niya dahil alam kong hindi pa siya nakakapag-adjust sa sakit.

Wala siyang ginamit na kahit na ano'ng anesthesia kaya sobrang hirap ma-imagine ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Seryoso akong tumayo at pumasok sa banyo para kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na pamunas. Maaaring maimpeksiyon ang sugat niya kapag hindi ito nilinisan kaagad.

Marunong akong maglinis ng mga sugat dahil kay Mama. Nakikita ko ang mga hakbang na ginagawa niya kapag nililinisan niya ang mga sugat ko noon dahil sa pakikipagbasag ulo ko sa kung saan-saang fraternity. Hindi ganito kalala ang mga naging sugat ko dati pero alam kong parehas lang ang proseso ng paglilinis nito.

"You don't have to do this. I can take care of myself," paos na sabi ni Hugo pagbalik ko dala-dala ang maliit na plangganang may lamang maligamgam na tubig.

"Hindi 'to libre. Kapalit ng panggagamot ko sa sugat mo ay kailangan mong sagutin lahat ng itatanong ko sa 'yo," seryosong sabi ko at tinitigan ang mata niya. "Alam kong kaunti lang ang pinag-aralan ko pero hindi ako tanga at hindi iyon rason para hindi mo sabihin sa 'kin ang nangyayari na muntik ng kumitil sa buhay nating lahat," dagdag ko pa.

Kumurap siya ng ilang beses. Umiwas ako ng tingin. Pinagpatuloy ko ang maingat na pagpunas sa sugat niya. Nang tuluyan nang nawala ang lahat ng dugo sa braso niya ay napansin ko ang malaking tattoo sa upper biceps niya.

Marahan ko itong hinaplos. Hindi ko alam na may binabagayan din pala ang mga tattoo. Isa itong malaking dragon na hanggang siko niya ang sakop. Bagay na bagay ito sa kayumanggi niyang balat. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Tahimik niya lang ako tiningnan at sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng emosiyon ang mga mata niya.

Pagod. 'Yon ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang ibig sabihin nito?" maingat kong tanong na tinutukoy ang kaniyang tattoo.

Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim. Tumayo siya bago magsalita, "I will tell you later everything you want to know. I'll just take a bath. Would you let me?"

Marahan akong tumango habang nakatingala sa kaniya. "S-Sige pero pa'no 'yang sugat mo? Kaya mo bang maligo nang mag-isa?" nag-aalalang tanong ko. 

Ngumisi siya. "It won't kill me. Kaya kong maligo ng mag-isa, hmmm, unless you want to join me," pang-aasar niya pa.

Inirapan ko lang siya. "Huwag kang assuming. Nag-aalala lang ako sa sugat mo!"

Sa halip na sumagot ay mas lalo lang siyang ngumisi. Naglakad na siya patungo sa banyo at kaagad na sinara ang pinto nito. Bumaba naman ang tingin ko sa balang nasa sahig na katabi ng basag na flower vase.

"Ano ba talagang nangyari sa'yo, Hugo? Sino ka ba talaga?" mahina kong bulong at pinikit ang aking mata ng mariin.

Pagkatapos kong linisan ang nabasag na flower vase ay tinapon ko ito sa trash bin na nandito sa loob ng cabin nitong yate. Maging ang puro dugong bulak ay tinapon ko na rin. Ang bala na bumaon kanina sa braso niya ay pinatong ko lang sa lamesa dahil hindi ko alam kung saan 'yon dapat itapon.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng malambot na kama nang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas doon si Hugo na nakatapis lang ng tuwalya sa bewang habang tumutulo pa ang butil ng tubig mula sa buhok niya. Napansin ko rin na may gasa na nakapalibot ngayon sa sugat niya. Kaya pala ang tagal niya sa banyo dahil ginamot pa niya ang sarili niya.

"Wala ka bang damit?" nakakunot noong tanong ko.

"I don't have. Why? Do you want to have a peek at my dragon behind this towel?" pilyong sabi niya. "I won't stop you from staring at my cock, though," bulgar niyang dagdag.

"Gago!" mura ko at binato siya ng unan na kaagad niya namang naiwasan.

Masama ko siyang tiningnan. Ang malakas niyang tawa ang umakupa sa tahimik na cabin kaya natigilan ako. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng malakas at halos makita na ang gilagid niya.

Sa loob ng dalawang linggo kong pagtatrabaho sa kumpaniya niya ang madalas ko lang nakikita sa kaniya ay ngumisi kapag inaasar ako o hindi kaya'y sumeryoso sa trabaho. Bukod sa dalawang 'yon ay wala na akong ibang nakikita sa kaniya kung kaya't hindi ako makapaniwala na nagawa niyang tumawa sa harapan ko dahil sa sarili niyang kalokohan.

Napansin niya marahil na natigilan ako kaya tumigil din siya sa pagtawa na para bang na-realize ang ginawa niya. Tumikhim siya at umiwas ng tingin sa akin. Bahagyang kumurba ang labi ko dahil alam kong nahiya siya kahit na wala naman siyang dapat ikahiya.

Pinulot niya ang damit niya na sinabit ko sa may sofa kanina dahil may kaunting dugo pa rin doon. Kinuha niya ang cellphone niya doon at may tinipa bago nilagay ito sa tainga niya habang nakahawak ang isa niyang kamay sa may balakang niya sa panlalaking paraan.

"Fang..." bungad niya sa kausap. "Bring my clothes for one week... Yes... Make it fast or I'll kill you."

Napasinghap ako dahil sa huling sinabi niya. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na kayang sabihin ni Hugo ang mga ganitong bagay. Kaya niyang pumatay ng buhay ng ibang tao na hindi nakikitaan ng kahit ano mang pagsisisi sa mata niya. Kayang niyang gawin lahat ng lumalabas sa bibig niya. Pero kahit gano'n hindi ko magawang matakot sa kaniya kahit na pwede niyang kitilin ang buhay ko ngayon mismo dito sa kinatatayuan ko.

Binababa niya ang phone niya at naglakad siya patungo sa may lamesa. Kinuha niya ang bala na pinatong ko doon at nilagay niya sa magazine ng baril niya na kinuha niya sa bulsa ng isang itim na jacket.

Napalunok ako. "A-Ano'ng gagawin mo?" utal na tanong ko.

Minasahe niya ang batok niya habang nakatingin pa rin sa baril na hawak niya.

"This bullet that they buried into my skin is the bullet that will lead them six feet underneath the ground," malamig niyang sabi na naging dahilan ng pagtaasan ng buhok ko sa batok at braso.

Huminga siya ng malalim at nilagay ang baril sa loob ng drawer bago bumaling sa akin.

"Now, ask," utos niya. "Yet my answer is limited. I have the right to decline to answer your questions if they go beyond the line. The less you know, the more you can live peacefully. Understood?"

Umupo siya sa sofa at pinatong ang dalawang braso sa sandalan nito bago muling ibinaling sa akin ang kaniyang paningin. Hindi ako umupo kagaya ng ginawa niya. Nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa kaniya.

"Sino ka ba talaga, Hugo?" unang tanong ko. "Plinano mo ba na ipadala ako sa seminar na 'yon kasama sina Jiline para ipahamak ako?!"

Hindi ko alam kung saan galing ang tanong na 'yon sa utak ko pero kanina ko pa iniisip 'yon. Malaking palaisipan sa akin ang pagkakakilanlan nina Jiline, Bina, Wilson at Justine. Nang makita ko silang makipaglaban kanina alam ko na kaagad na mataas ang pinag-aralan nila. Hindi totoo ang lahat ng pinakita nila sa akin. At hindi nakatakas ang kaisipan na plinano 'to ni Hugo at hindi ko alam sa kung ano'ng motibo!

Nag-igting ang panga niya bago magsalita, "I want you to know me more, Nala." Kinilabutan ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. "Not because I introduced myself, but because you wanted to know me too. I know that you already witnessed half of my identity earlier, yet I want you to know the whole of me. All of me."

"Bakit?"

He chuckled. "I don't know." Dinilaan niya ang ibaba ng labi niya. "And yeah. You're right. I planned everything."

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya nang lumabas 'yon sa bibig niya.

"A-Ano?" Ang buong akala ko ay tatanggi siya. Akala ko ay sasabihin niyang wala siyang kinalaman doon!

"I used you as bait to lure out those bastards that are trying to kill me using you," seryoso niyang sabi.

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Hindi lang ako ang may plano dito. They also planned this because they know I am being closed to you. They want to hurt me. But I knew all along that the seminar was fucking fake, yet I bit their plan in order to execute mine."

Napahilamos ako ng muka ko dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

"Teka nga hindi ko maintindihan, Hugo. Sinasabi mo ba na kaya mo lang ako pinasama sa seminar na 'yon para maisagawa mo 'yong plano mo?!"

"Yes."

"Tarantado ka pala eh! Alam mo bang pwede akong mamatay dahil sa ginawa mo?!" bulalas ko at binato na naman siya ng unan.

"Fuck!" daing niya at hinarang ang walang sugat niyang braso panangga sa unan. "Could you please calm down? I'm not done yet!"

Tiningnan ko naman siya ng masama. Pinag-cross ko ang dalawang braso ko sa ibabaw ng dibdib ko at hindi na nagsalita.

"I'm not stupid enough not to know that there's a spy in my company. My enemies thought that we had a relationship. That's why they sent me an invitation regarding that seminar for those who did not finish high school. I already have a hint that they already know you. That's why I bit their bait." Ngumisi siya. "I sent Jiline, Bina, Justine, and Wilson with you to keep you safe, but those idiots didn't do their job well. Thankfully, I saw you despite the darkness of that fucking hall."

"Plano ba nila na patayin ka at ako no'ng araw na 'yon?" matapang kong tanong.

"Yes."

"Bakit?"

"Because if I died, malaking karangalan 'yon para sa kanila. I'm not afraid to die, though, because I know I am not going to die alone. I'll take them with me."

WARCORNXX

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 1.1K 39
Naging babysitter ang baklang si Rey Jhon Zialcita sa isang dalagitang si Gabriella Chan na hindi man lang naranasang maghiwa ng sibuyas at nakukuha...
16.1K 1.4K 46
Note: If you are not into cheating kind of stories, you can skip this, as there are many cheating issues written in this book. **** [BOOK ONE | COMPL...
354K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
107K 5.5K 63
This is a story of a lone survivor of a devastating tragedy. She embarked on a quest to practice her magic while remaining silent about her true iden...