Enchanted Academy: War Betwee...

بواسطة EvasiveSpecter

22.6K 951 43

||COMPLETED/UNEDITED|| Samantha Astrea was just an ordinary girl until she accidentally entered the academy... المزيد

MUST READ!!!
CHAPTER 01
CHAPTER 02
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 03
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 04
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 05
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 06
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 07
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 08
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 09
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 10
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 11
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 12
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 13
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 14
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 15
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 16
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 17
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 19
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 18

408 19 0
بواسطة EvasiveSpecter

•••𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃𝙴𝙴𝙽•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Naglalakad ako sa hallway papunta sana sa Office ni Supremo nang may pumigil sa 'kin.

”Sammy!” tawag ni Rex sa 'kin.

Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya na nasa likod ko.

”Hi!” ngiting wika ko sa kaniya saka kumaway. Nabigla naman ako nang salubungin niya ako nang yakap.

I-I miss him…

”I'm really worried! Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na kahapon ka pa pala nakabalik dito!” galit niyang wika sa 'kin pagkatapos niyang kumalas sa pagyayakapan naming dalawa.

”Uhmm… biglaan kasi e.” ang nasagot ko na lang sa kaniya.

He's back. Being a nagging friend everytime na hindi ko siya sinasabihan sa kalagayan ko.

”Kahit na mmy! Balak ko na sanang punatahan ka ngayon eh. Then there I found out na nandito ka na pala.” galit pa rin niyang wika sa 'kin.

”Sa'n mo naman narinig na nandito na ako?” tanong ko sa kaniya kasi wala na akong ibang maisip na sasabihin sa kaniya.

”Words spread here just like a wild fire, here in the campus, Samantha. When it comes to you. You know that you're always the topic of every school kahit saan ka pa lumipat.” Somehow, naka-relate ako sa sinabi niya.

Napangiti ako nang dahil sa sinabi niya, ”You're right though.” maikli kong sagot.

”Okay ka na?” aniya.

Tumango ako, ”Okay na. Kaya wag na mag-alala okay?” ang sabi ko rin sa kaniya.

”Buti naman kung gano'n.” sinabi niya iyon na para bang ngayon lang siya nakahinga ng maluwag.

”Sa'n punta mo? Hatid na kita.” nakangiti na niyang wika sa 'kin.

Umiling naman ako, ”Hindi na. Kaya ko na sarili ko Rex. Hindi na ako bata.” Hinawakan naman niya ang kamay ko na ikinabigla ko.

”Sige na! Minsan lang naman eh! Na miss lang naman kita.” parang bata niyang wika sa 'kin.

Naalala ko na naman ang nakaraan naming dalawa. Kung noon binigyan niya ako ng kakaibang pakiramdam sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na ito sa 'kin, pero ngayon… wala na. Hindi ko alam kung bakit nadidismaya ako. Nadismaya akong hindi ko na nararamdaman ang pakiramdam noon kapag kasama ko siya. At nanghihinayang din ako.

Bakit ba? Umaasa pa rin ba ako?

Mabilis kong tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at seryoso siyang tiningnan. Nasaksihan ko ang ngiti niya na unti-unting naglaho. Tiningnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata.

”Rex… kung ano man tayo noon, kalimutan mo na lang. Iba na ang sitwasyon ng buhay natin ngayon kaya please lang. Magseryoso muna tayo ngayon lalo na't may mundo pa akong ililigtas.” seryoso kong wika sa kaniya na ikinatahimik niya.

Nakita ko rin ang pagiging seryoso ng mukha niya.

”Mukha ba akong nagbibiro?” napalunok ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

”Masama na ba ako kung kukunin kita muli? Huh?” and for some reason I sense obsession in his words. Hindi ko alam pero natakot ako ng bahagya sa ginawa niya.

”Rex…” mapagbanta kong wika sa kaniya.
Bigla na lang siyang tumawa kaya nangunot ang noo ko.

”Joke lang mmy. Hahaha! Ang dali mo talaga mauto ano.” napalunok na naman ako at nakahinga ng maluwag nang dahil sa sinabi niya. Akala ko totoo na eh. Hayop na lalakeng 'to.

Nahampas ko siya nang dahil sa kapilyuhan niya at saka inirapan katulad nang ginagawa ko sa kaniya noon.

”Aray huh!” reklamo niya na inirapan ko naman muli.

”Diyan ka na! May pupuntahan pa ako.” hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis na sa harap niya.

Hindi ko naman siya naramdaman na sumunod kaya naman ay napanatag ako. Akala ko kukulitin na naman ako eh!

Nasa main building na ako ngayon sa office ni Grey nang may nakabanggaan ako. To my surprise, it was Yasmen. Masama siyang nakatingin sa 'kin kaya mabilis kong pinulot ang libro na nahulog mula sa kaniya.

”Sorry.” ang nasabi ko na lang sa kaniya.

Kasalanan ko ata, kasi hindi ako nakatingin sa daan. Lumilipad na naman kasi ang isipan ko kay Grey. Bigla naman siyang ngumiti sa 'kin kaya na weird-uhan na naman ako sa kaniya.

”Okay lang. Sa susunod tumingin ka naman sa dinadaanan mo at nang makita mo kung sino ang binabangga mo.” matapos niya 'yung sabihin ay marahas niyang hinablot ang libro sa 'kin at walang pasabing  nilagpasan ako. 

Napailing nalang ako sa kaniyang ginawa. Baka epekto lang 'yun sa kaniya no'ng malaking black hole.

•••~♦~•••

*knock!*

”Come in!” dinig kong wika ni Supremo mula sa loob ng kaniyang office.

Huminga muna ako ng isang beses pagkatapos ay pinihit ko na ang doorknob at saka pumasok sa office niya. Nakita ko siya na may inaasikasong papel at hindi siya nakatingin sa 'kin. Pero alam ko na alam niiya na nandito ako ngayon sa harap niya.

”Supremo…” mahinahon kong tawag sa kaniya kaya naman napaangat siya ng tingin sa 'kin.

”What are you doing here? You should rest not won---”

”Nandito ako para makipag-usap sa'yo patungkol sa paaralan at mga estudyante.” seryoso kong wika sa kaniya.

Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko, ”What are you talking about, Samantha?” nahimigan ko ang pagtataka sa kaniyang boses.

Ibinaba niya ang ballpen niya at saka tumayo para salubungin ako nang yakap ngunit umiwas kaagad ako sa kaniya at mabilis na umupo sa upuan na kaharap ng table niya.

”Samantha…” tiningnan ko lang siya at hindi sinagot.

”Gusto kong hingin ang permiso mo upang ipalaganap sa buong paaralan ang desisyon ko bilang isang prinsesa ng mga diwata,” ani ko sa seryosong tono.

Nakita ko ang pagbagsak ng kaniyang balikat at walang emosyon siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina. Hindi ko na lang pinansin pa ang reaksyon niya.

”Anong klaseng desisyon ba?” nahimigan ko ang galit sa tono niya pero hindi ko na lamang iyon inabala.

Muli niyang kinuha ang ballpen niya at itinuon ang atensyon sa papeles na kanina niya pa hinahalukay.

”Gusto kong sabihin sa 'yo na kung maaari ay sisimulan na nang lahat ang pag-eensayo para sa nalalapit na labanan sa kadiliman.” sa wakas ay nasabi ko na rin sa kaniya.

Nakita ko na nahinto siya sa pagsusulat ngunit hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Nagpatuloy muli siya sa pagsusulat at sinagot ako.

”Bakit sa 'kin ka nagpapaalam eh kung kaya mo namang gawin 'yun. You're a princess after all.” parang galit pa niyang wika sa 'kin.

”Alam ko. But they said legal process should---”

”Then your wish is granted! Now you may leave,” aniya sa malamig na tono.

”Hindi ka man lang ba gagawa nang papeles at pi--”

”No need! My words are enough to be an evidence. Now leave, kasi marami pa akong gagawin.” for some reason, bigla akong nakaramdam ng guilt sa ginawa ko sa kaniya kanina.

Hindi ako nakasagot ng mga ilang minuto kaya nahinto na naman siya sa ginagawa niya at agad na napatingin sa 'kin. Nakita ko ang pagka-irita sa kaniyang mukha na hindi ko ipagkakaila na bumagay sa kaniya.

Isa siguro ito sa nagustuhan ko sa kaniya. Ang laging nakasimangot niyang mukha.

”May kailangan ka pa ba? Mahal na diwata?” he sarcastically said habang diniinan pa talaga ang salitang 'diwata'.

Umiling naman ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. ”W-wala na. S-sige alis na ako.” 'yun lang ang naisagot ko sa kaniya bago ako nagsimulang umalis sa harap niya at tumungo sa pintuan.

Sa paghawak ko ng busol ay kaagad akong napahinto at mabilis na hinawakan ang aking ulo dahil bigla na naman itong sumakit habang may mga imahe akong nakikita na hindi ko mawari kasi malabo ito.

”Argh!” mahina akong napadaing nang mas sumakit pa ito.

”Samantha! Why? May masakit ba sa 'yo?” nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Supremo.

Doon ko lang din naramdaman ang  kamay niya sa magkabilang balikat ko na animo'y inalalayan ako para hindi matumba. Naipikit ko pa ang mga mata ko nang dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko alam pero paulit-ulit kong nakikita sa ulo ko ang mga imahe ng tao na nagtatawanan at isang batamg babae na masayang-masaya rin na nagtatawanan sa kanila.

”Sam- Argh!” mabilis kong naidilat ang aking mga mata nang marinig ko rin ang pagdaing ni Grey sa harap ko.

Masakit man ang ulo ko ay ininda ko iyon. Nag-aalala ko siyang tiningnan na nakahawak na sa kaniyang dibdib. Ang hindi ko alam, umiilaw na pala ang aking dibdib at siya ang nakakaramdam ng sakit nito.

Hahawakan ko na sana si Grey para sana tanungin siya nang pareho kaming mapaatras kasi bigla na lang bumukas ang pintuan. Bumungad sa 'min doon si Grayson na may seryosong mukha nang magtama ang aming paningin.

”Oh? Anong nangyayari sa inyong---”

Hindi na natapos ang sinasabi ni Sun nang tuluyan na akong nawalan ng balanse at nasalo naman niya ako. Pero hawak ko pa rin ang kabilang braso ni Grey na may iniinda pa ring sakit sa dibdib.

Damn! Hindi naman ako ganito dati eh!

”Samantha?” kahit nakapikit ang mata ko ay nahimigan ko rin ang pag-alala sa boses ni Sun.

”Go take her to the clinic.” dinig kong wika ni Grey.

Gusto kong magsalita ngunit parang umurong ang dila ko sa hindi ko malamang dahilan.

Kahit na kinarga na ako ni Sun ay hindi ko pa rin binitawan ang braso ni Grey habang naiiling ako. Naramdaman ko naman na sapilitan niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Pero hindi ako nagpatinag sa kaniya.

Nakagat ko na ang labi ko ng dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking ulo. Mukhang mabibi-ak na ata ang ulo ko sa sakit nito.

”Get your hands off, Samantha!” galit na ang boses ni Grey ng marinig ko iyon.

”Grey… Just come with us! There's no time!” galit rin na wika ni Sun.

Nasugatan na siguro 'tong labi ko dahil sa lakas nang pagkagat ko. Pero bahala na.

Naramdaman ko na naglakad na kami habang hawak ko pa rin ang kabilang kamay ni supremo.  Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na nahiga sa isang malambot na kama habang iniinda ang sakit.





𝚃𝚘 𝚋𝚎 𝚌𝚘𝚗𝚝𝚒𝚗𝚞𝚎𝚍…

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

80.6K 4.2K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
Song of The Rebellion بواسطة Yam

الخيال (فانتازيا)

10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
110K 3.8K 51
The girl who can control the four elements. This story is unedited and cringe. Kung ako sa inyo wag nyong basahin. Sinulat ko ito nung 12 ako so pan...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...