Don't play with me, Coach ||...

By gurlxmilo

7K 193 50

Don't play with me series 4: Don't play with me, Coach In a relationship, not only people can be an obstacle... More

Don't play with me, Coach
Prologue
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Announcement
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63

1

327 5 12
By gurlxmilo

Chapter 1
GGSS

**✿❀ ❀✿**

"La mia bambino, hindi ka pa ba d'yan tapos?"

Napangiwi ako ng sigawan na naman ako ni Kuya Tonton. La mia bambino? Mukha pa rin ba akong baby sa paningin n'ya? Kanina pa s'ya ganyan. Kanina pa ang panay ang sigaw n'ya sa labas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ba s'ya nagmamadali at naaasar na ako.

"Sino ba kasing may sabi na hintayin mo ako!" I screamed in annoyance because of my brother.

"Ba't ba ang init ng ulo mo? Ikaw na nga 'yung hinihintay. Ikaw pa galit?" tanong n'ya at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko. Kasunod n'yang pumasok si Kuya Aus na abala sa cellphone.

Napairap ako. Sigurado akong abala na naman s'ya kaka-message do'n sa Claire na 'yon. Actually, I don't like Claire for my brother and I don't know why. Basta ayaw ko lang baka siguro dahil iniisip ko 'yung nararamdaman ng kaibigan kong si Ellaine para sa kapatid ko? I think so...nagkibit-balikat na lamang ako.

"Bakit ba kasi ang tagal mo? Baka mahuli tayo n'yan pare-pareho sa pagpasok natin," saad pa ulit ni Kuya Tonton.

I looked at him annoyed. "Kung naiinip ka kakahintay sa'kin, Kuya. Eh, 'di mauna ka na!" Tinuro ko pa ang pinto ng kwarto ko sabay hawak ko sa bewang. Kung hindi lang panay ang katok nila Kuya. Eh, 'di sana ay tapos na ako sa mga gamit ko kakaayos, 'di ba?

"Wala kasi akong sinabi na hintayin n'yo ako. Marunong naman akong magmaneho ng kotse. Sadyang oa lang kayo ni Kuya Aus kaya hindi n'yo ako pinapayagan. Bakit ba kasi ko nagkaroon ng dalawang kuya na sobrang oa?" dagdag ko pang sambit at napahawak sa sintido ko.

Totoo kaya ang sinabi ko. May sarili na akong kotse pero bihira ko lang magamit dahil sa sobrang oa ng mga Kuya ko. Baka daw kasi madisgrasya ako kapag nagmaneho ako ng sasakyan. Like what the f*ck, 'di ba? Para sa'n pa 'yung pinag-aralan kong pagmamaneho kung hindi naman nila ako pinapayagang mag-drive ng sarili kong kotse?

At ang worst pa ay sila ang gumagamit! Nakakainis, 'di ba? Ano 'yun? Hinihintay yata nilang palumain muna nila bago nila akong payagang gamitin 'yon. May mga sarili naman kaming kotse pero nakikigamit sila ng may kotse nang may kotse. Regalo 'yon sa'kin ni Shawn 'yung kotseng 'yon ng nag-eighteen ako. Pero kung bibilangin ko kung ilang beses ko lang 'yon na gamit ay halos bilang lang sa daliri.

I heard Kuya Aus chuckle at what I said. "Chill, La mia ragazza carina."

Huminga ako ng malalim. Bakit ba gan'to pa rin ang atawag nila sa'kin? Hindi ako cute! Dahil maganda ako! Ang co-corny naman gata ng nga Kuya ko!

"Pwede ba h'wag n'yo na akong tawaging ganyan? Dalaga na ako at hindi na bata, okay?"

Parehong natawasa sa'kin sina Kuya ng sabihin ko 'yun. Lumapit sa'kin si Kuya Aus at bahagya pang ginulo ang buhok kong maayos kong tinali. Kaya inis kong inalis ang kamay n'yang nasa buhok ko. Kung hindi ko lang sila Kuya baka matagal ko na silang pina-ambush. Char. I love my two brothers so much.

Kahit gaganyan-ganyan sila ay may pagka-sweet sila sa'kin. Maybe because I'm the only girl in our family that's why they treat me like this.

Kinuha ni Kuya Tonton ang bag kong dalawa. Bakit dalawa? Dahil ang isa ay gamit ko pang-volleyball may practice kami at ang isa naman ay 'yun 'yung gamit ko para sa pagpasok sa mga subject ko. Katulad ko ay may dalawang bag ding hawak si Kuya Aus. Siguro ay may practice din s'ya sa soccer.

Panigurado akong nando'n na naman ang kaibigan kong si Ellaine at manonood 'yon. Lagi naman kaya hindi na ako magtataka kung s'ya pa ang mauna sa pag-upo sa harapan para mapanood n'ya ng mabuti si Kuya Aus.

Hindi ko talaga alam kung bakit nagustuhan ng kaibigan kong 'yon. Yes, let's say...my brother is handsome and charming but I think those two characteristics aren't enough for a woman to like a man, right?

I don't really understand my friend. Hindi naman mabait si Kuya Aus dahil babaero 'yan. Hindi ko alam kung bakit gusto ng mga babae ang mga babaero 'tsaka 'yung hindi nagseseryoso. Ayaw ko sa mga lalaking gano'n. Ayaw na ayaw ko.

Natigilan ako ng makita kong nasa hapagkainan namin ang isang nilalang na kinaiinisan ko buong buhay ko. Gusto kong matawa ng nakakaloko dahil feel at home ang g*go. Wow! Bahay n'ya, 'to? Bakit mas nauuna pa s'yang kumain kaysa sa may-ari ng bahay? Grabe din sa kakapal ng mukha, eh, 'no?

"Hindi naman masyadong makapal ang mukha, 'no?" tanong ko. Naglakad ako papalapit sa may ref namin para kunin ang ube halaya at milk na lagi kong iniinom sa tuwing umaga o kung kailan ko gusto.

Sina Kuya ay nilagay na muna sa kotse ang mga gamit namin kaya nauna akong pumunta sa kanila dito sa hapagkainan namin ta's 'to ang bubungad sa'kin. Pakiramdam ko ay mas lalong nadagdagan ang pagka mainitin ng ulo ko.

"Good morning, boo," nakangiting bati n'ya sa'kin ta's tumayo 'ya para aalalayin akong makaupo sa tabi n'ya.

Sa halip na do'n ako umupo sa tabi n'ya ay hinila ko 'yung upuan na malayo sa kaniya at do'n ako naupo kaya napanguso s'ya sa ginawa ko. Hindi ko na lang s'ya pinansin at kumain na. Wala sina Mama at Papa dahil alam kong maaga lagi silang umaalis ng bahay para sa trabaho kaya madalas kaming tatlo lang ng mga Kuya ko ang nandito sa bahay at laging tumatambay dito ang kinaiinisan ko.

"Bakit hindi ka dito umupo?" tanong n'ya at hindi ko s'ya pinansin.

Hindi ko alam bakit ako naiinis sa kaniya simula pa lang dati. Basta hindi kami magkasundong dalawa. O baka ako lang talaga ang may problema sa aming dalawa? Maybe.

"Bakit nandito ka na naman, ha?" mataray kong tanong habang hindi s'ya tinitignan. Pumasok na sina Kuya sa kusina at hindi man lang sila nagulat na makita nilang nandito ang asungot na 'to sa aming bahay at nakikikain pa.

"Oh, buddy, good morning," masayang bati ng asungot sa dawa kong kapatid.

"Ang aga mo yatang manligaw, champ?" natatawang tanong ni Kuya Tonton dahilan para kumunot ang noo ko.

At sino naman ang nililigawan n'ya dito sa bahay namin? 'Yung mga single na kasambahay namin dito? Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko naman maitatanggi na mga magaganda ang mga kasambahay namin kaya hindi na ako magtataka kung isa sa kanila ay na titipuhan ng asungot na 'to.

"Hindi naman yata sumusobra ang kakapalan ng mukha natin, 'no, bro?"

Hindi ko alam kung sarkastikong sinabi 'yon ni Kuya Aus kay asungot dahil natawa lang silang tatlo. Ano'ng nakakatawa do'n? I don't understand and I don't understand why this asungot is here in our house. Lagi s'yang nandito at kulang na lang ay dalhin n'ya ang mga damit n'ya o gamit.

"Boo, tabi tayo," masayang sabi ng asungot at hinila pa ako nito papunta sa may backseat ng kotse ni Kuya Tonton. Hindi ako nakapalag ng bigla n'ya akong hilain. Muntik pa akong mapa-subsob sa may semento dahil sa panghihila n'ya sa'kin. Kaya sinamaan ko s'ya ng tingin ngunit nag-piece sign lang s'ya.

"Bakit ka ba nandito? Umalis ka nga," inis na sabi ko dahil bigla na lang s'yang pumulupot sa may braso ko na akala mo ay close kaming dalawa. "'Wag ka ngang kumapit sa'kin na para bang close tayo!"

"Awts naman. 'Wag ka naman masyadong harsh sa'kin, boo," malambing n'yang anas at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko sa'king katawan. Talagang nangilabot ako sa sinabi n'ya. Sh*t!

Nagda-drugs ba 'to? Wala akong matandaan na close kaming dalawa. Yes, magkaibigan ang family namin at kapitbahay pa namin sila. Yes, close din s'ya sa mga kapatid ko pero ako? I hate boys. Wala akong kaibigang lalaki pero kakilala? Marami.

Hanggang sa maihatid kami ni Kuya Tonton sa university namin ay hindi ako tinigilan ng asungot na 'to! Puro nga tawa sina Kuya imbis na tulungan ako. Masaya sila na nakikita akong naaasar sa lalaking 'to. Hindi ko alam ang name nito kaya puro ako asungot. Naririnig ko naman ang name n'ya pero nakakalimutan ko dahil wala naman kasi akong interes na kilalanin kung sino 'tong asungot na 'to.

"Pwede ba! Bitawan mo na ako?" sigaw ko dahilan para makuha namin ang atensyon ng mga ibang tao.

Kaya naman nahihiya akong napayuko. Kasi naman! Papunta na ako sa practice namin pero hanggang ngayon ay nakabuntot pa rin s'ya sa'kin. Wala ba s'yang practice? Ang alam ko ay kateammates s'ya ni Kuya Aus.

"Bakit ba naiinis ka sa'kin, boo? Gusto lang naman kitang ihatid sa university gym volleyball court natin," sagot n'ya.

"Bakit mo naman ako ihahatid? Eh, kaya ko namang mag-isa," sabi ko habang inis pa ring nakatingin sa kaniya.

Ngumiti s'ya sa'kin ng matamis at bahagya pang pinisil ang ilong ko. "Ang cute mo, boo. Mas lalo yata akong nahuhulog."

"Oo, talagang ihuhulog kita kung hindi mo ako biibitiwang bw*sit ka!"

Napanguso s'ya. "Bakit ba inis na inis ka sa'kin? Gwapo naman ako, ah?"

Gwapo? Sa'n banda? Bakit hindi ko makita? Mahangin.

Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy-tuloy na sa pagpasok ko sa court ng volleyball. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi na n'y ako sinundan pa. Buti naman dahil naiinis ako sa kakasunod-sunod n'ya sa'kin. Naiinis ako sa panay ang pangkukulit n'ya at isa pa masyado s'yang mahangin.

At masyado din s'yang GGSS...gwapong-gwapo sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
352K 23.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.7M 72K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
14.9K 281 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: