Always

By BravingKD

24.4K 891 152

This story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Scienc... More

Author's NOTE
PROLOGUE
Always - 1
Always - 2
Always - 3
Always - 4
Always - 5
Always - 6
Always - 7
Always - 8
Always - 9
Always - 10
Always - 11
Always - 12
Always - 13
Always - 14
Always - 15
Always - 16
Always - 17
Always - 18
Always - 19
Always - 20
Always - 21
Always - 22
Always - 23
Always - 24
Always - 25
Always - 26
❤️
Always - 27
❤️
Always - 28
Always - 29
Always - 30
Always - 31
❤️
Always - 32
Always - 33
Always - 34
Always - 35
Always - 36
Always - 37
U ❤️ T
Always - 38
💔❤️
Always - 39
🧑❤️🏡
Always - 40
💔
Always - 41
✈️
Always - 42
Always - 43
Always - 44
Always - 45
🥺🚼💔
Always - 46
🚼❤️
Always - 47
Always - 48
What To Expect
Always - 49 Part 1/2
Always - 49 Part 2/2
Always - 50
Part 50
Always - 51 Letting Go Is The Purest Form Of Love
Always - 52 Someday
Always - 53
Always - 53
Always - 53
Always - 54
Always - 54
Always - 55
Always - 55
Always 56
Always - 57
Always - 57
Always - 58
Always - 58
Always - I DO
Mr and Mrs VILLARAMA
Always - Girl Dad
ANNOUNCEMENT!!!
Reality 🥺
Reality 2
Always
Always and Forever
A/N
A/N

Always - 55

294 18 2
By BravingKD

Good Morning! ❤️

Part 3/3

----

TRICIA'S POV

Hindi talaga kita susukuan. Work ka lang diyan babalik balikan kita hanggang magkabalikan tayo.



"Trish?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Kumusta ka na?" Nakangiting tanong ni Kuya Chris.




Ngumiti rin ako pabalik. "Kuya Chris, okay naman. Ikaw? Si Ate Selina at Karlo?" Sunod sunod na tanong ko.



"Okay naman. Naiwan sila sa Pilipinas. May importante at urgent daw kaming pag uusapan ni Uno. Since nakita kita parang alam ko na kung ano at bakit niya ako pinapunta dito."





Nagtaka ako sa sinabi niya. "Ha? Anong ibig mong sabihin, Kuya Chris?" Tanong ko.



"Hmm. Wala. Wala. Anyway bakit nandito ka? I mean dito sa baba? Halika sa taas." Pag aaya niya.


Tumungo ako at bumuntong hininga bago sumagot kay Kuya Chris."Ayaw ako makita ng pinsan mo. Kanina dinalhan ko siya ng breakfast pero kumain na daw siya. Tapos ngayon eto lunch." Sabay pakita sakanya ng daladala kong lunch bag. "Pero umalis daw si Uno sabi ng receptionist niyo dito."


Napailing siya. "Trish, nasa taas lamang si Uno. Ganito akin na yang dala mo at dadalhin ko sakanya."


"Sigurado ka? Baka magalit 'yon?" Pagaalalang wika ko.


Kinuha niya sa kamay ko ang lunch bag. "Trish, konting pasensya pa sa pinsan ko. Konting suyo at konting effort pa ha? Mahal ka niya. Wag mong sukuan. Hmm?"


Tumango ako. "Wala naman akong balak sukuan siya. This time I won't let go, Kuya Chris. I will do whatever it takes para makapasok ako ulit sa buhay niya."



He smiled. "Good to hear that. Sige na maiwan na muna kita. Ako na mag bibigay sakanya netong prinepare mo. Mag ingat ka."


"Thank you, Kuya Chris. Pakisabihan din siya na wag kalimutan gamot niya ha? Tsaka wag siyang mag papagod."


"I will. Sige na. See you around." At tuluyan na siyang nagtungo sa elevator.




Habang nag lalakad ako pabalik sa apartment ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Kuya Chris. May importante at urgent daw kaming pag uusapan ni Uno. Since nakita kita parang alam ko na kung ano at bakit niya ako pinapunta dito. Ano kaya ang ibig niyan sabihin? Hindi kaya biglang bumalik na lamang si Uno sa Pilipinas? Hindi pwede. Dapat kung babalik siya ng Pilipinas ay okay na kami. Hindi kaya itinatago niya na naman sa akin ang tungkol sa sakit niya? Mas lumala ba ito kaya siya nandito sa NY? Erase, erase! Wag ka ngang mag overthink Patricia. Wala lamang ang sinabi ni Kuya Chris.


"Ate Trish, kumusta? Hindi ka pa din pinapansin?


Laglag balikat akong tumingin kay Jill." Hindi pa din."


"Kaya mo yan. Konting push pa."


"Kailangan kayanin, Jill. Mahal na mahal ko 'yong tao. Ngayon ko lamang narerealize na ang tanga tanga ko kasi pinakawalan ko pa. Jill, what if -




" What if ano? What if may iba na pala siya? What if ayaw niya na talaga? "


Tumango ako."Oo, what if may iba na kaya iniiwasan niya na ako? I mean hindi mahirap mahalin si Uno. He is an ideal guy - he is mine pero sinaktan ko." Malungkot na pahayag ko.




"Ate Trish, what you two had can't be replaced easily. What you had is different. Kitang kita naman kay Kuya Uno na mahal ka pa din niya, siguro may mga hesitations lang siya at 'yon ang kailangan mong alisin. You need to assure him. O, malalate na ako, fighting lang! "


UNO'S POV

"O" he handed me a bag. "


"Nandyan pa siya?" Tanong ko.

Ngumisi siya na mapang asar. "Alam mo Uno, hindi din kita maintindihan. Nandyan na si Trish oh. Bakit pinahihirapan mo pa sarili mo?"


"Ayaw ko lang masaktan ulit."



"Hindi ka ba lalong nasasaktan diyan sa ginagawa mo? Mukhang araw araw nandito 'yong tao ah." Tumango lamang ako."May mali si Trish, sige given na 'yon pero nasaan na ang Uno na risk taker? Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Kung iiwan ka niya ulit pag may dumating na pag subok then that's it. Wag mo ipag damot sa sarili mo maging masaya. Kitang kita ko naman kung gaano ka kasaya noon kay Tricia. And mahal na mahal mo siya wag mo ng subukan pang i-deny."


Sila talaga ni Ate Aiks ang may sense na kausap in situations like this. Alam na alam nila ang dapat sabihin without taking sides.



"Take the risk, Uno. Sige ka baka dahil diyan sa takot na yan may magmahal na iba kay Trish. Alam ko na alam mo na hindi siya mahirap magustuhan. Marami lamang talagang kontrabida sa love story niyo pero ideal girl pa din siya. Tandaan mo yan." Tinapik niya pa ako sa balikat bago nag paalam." Mauna na ako sa conf room sumunod ka after mo kumain."

Sa loob ng isang buwan lagi ko siyang nakikita. Ang aga niya lagi sa opisina para maghatid ng breakfast. Kahit hindi ko siya pinapansin bumabalik pa din siya sa tanghali para maghatid ng lunch at ganoon din sa meryenda. Sa hapon nadadatnan ko pa din siya sa baba para mag bigay ng dinner. Minsan pa sa dami ng ginagawa ko, ginagabi na akong umuwi. Nakakatulog na siya sa lobby sa kahihintay. Naguguilty man ako pero hinahayaan ko lamang siya.




Pilit kong itinatago sa sarili ko pero masaya ako na nakikita ko siya umaga pa lamang. Tulad ng dati natutunaw at tinatamaan pa din ako sa mga ngiti niya. Mahal na mahal ko pa din talaga siya. Siya pa din talaga.






Nakangiti akong pumasok sa building ng opisina. Luminga linga pa ako sa paligid ngunit wala ang taong bumubuo ng araw ko. Wala si Tricia. Hinayaan ko na lamang at kinalma ang sarili ko. Baka tinanghali ng gising. Sure mamayang lunch dadating 'yon. Ngunit lumipas ang tanghalian ay wala man lamang akong natanggap na tawag mula sa receptionist para itanong kung paaakyatin ba siya o sasabihin na wala ako. Lumipas ang oras wala akong natanggap na tawag galing sa baba. Past 6PM na ako umalis ng opisina ngunit wala pa din akong nasilayan na Tricia sa pagbaba ko ng lobby. Habang naglalakad ako pauwi ng apartment ay naisip ko na baka napagod na siya. Baka nag sawa na.




I am almost ready to sleep pero hindi mawala sa isip ko kung bakit hindi pumunta si Tricia sa opisina kanina. Hindi ako mapakali. Baka naman may nangyari sakanya on the way to the office? Hindi wala 'yon nag sawa na 'yon. Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit hindi ako makatulog kaya minabuti kong tawagan si Jill.


Jill: Hello, napatawag ka.

Me: Nag hahanap lamang ako ng kawentuhan. Kumusta ka sa work mo?

Jill: Ah. Talaga ba? O baka naman gusto mo lamang malaman bakit walang naghatid ng pagkain sayo today?

Me: Ha? Hindi ah.

Pero deep inside 'yon naman talaga ang dahilan kung bakit ko siya tinawagan. Gusto ko malaman kung okay lang ba si Tricia. Pero hindi ako dapat mahalata ni Jill.


Jill: Okay sabi mo e.

***Silence***

Jill: O, akala ko ba naghahanap ka ng kakwentuhan? E bakit natahimik ka na dyan. Aminin mo na kasi gusto mo malaman bakit hindi pumunta sa opisina mo si Ate Trish, today. Kunwari ka pa. Pabebe ka din e.

Me: Hindi nga sabi e. Sige na by-

Jill:Nakipag date si Ate Trish.

Me: Ano? Nakipagdate? Kanino?

Jill: Sabi ko na nga ba. Kunwari ka pa gusto mo naman talaga malaman. Oo, nakipag date siya. Nakipag date sa alak. Isang buwan ka na daw kasing nililigawan pero hindi mo pa din siya pinapansin.

Nakikinig lamang ako sa sinasabi ni Jill.

Jill: Broken hearted na daw siya. Ayun, bumili ng alak. Nasobrahan. Nalasing. Hindi makabangon para hatidan ka ng pag kain. Inatake pa ng hyperacidity kaya lalo ng hindi nakagalaw

Me: Bakit kasi uminom? Alam naman niyang bukod sa mahina siya sa alak e bawal sakanya.


Jill: O, concern yarn? Ayaw ayaw ka pa ha. Ewan ko sayo. Ewan ko sainyo.

"Jilllllllllll!"

Mag sasalita pa lamang sana ako ng marinig ko ang sigaw na iyon sa background. Sure ako na si Tricia 'yon.


Me: Hello, Jill. Anong nangyari?

Pero wala na ako narinig na sagot mula sakanya. Naputol ang tawag. Mukhang may masamang nangyari sa lakas ng sigaw ni Trish. Parang baby pa naman 'yon pag nalalasing lalo na pag inaatake ng hyperacidity niya. Paalaga.



Hahayaan ko na lamang sana pero hindi din ako mapakali. Bumalikwas ako sa kama at nag suot ng jacket. Alam ko naman kung saan ang apartment ni Jill. Baka kung ano na nangyari. Paalis na sana ako ng maalala ko na dalhin ang medicine kit na binigay niya. Kasama iyon sa sa lunch bag na ibinigay niya noong isang araw. Lahat na yata ng gamot ay nandito.


Hindi kalayuan ang tinutuluyan nila ni Jill. Lakad takbo ako at hingal na hingal pa ng nag door bell sa tapat ng unit nila. Nakailang pindot pa ako bago ako pinag buksan.


"O, bakit nandito ka?" Tinawanan niya pa ako nang mapang asar. "Hindi ka nga concern. Wala ka ngang pakialam. Tingnan mo o, pawis na pawis ka pa."

Hindi ako makasagot dala na rin ng hingal.

"Pasok. Baka ikaw ang gamot."

Continue Reading

You'll Also Like

43K 1.3K 31
Risa and Leni may have their LQ's but surely meant for each other. They will meet people who will either be good for them or will leave a scar on the...
555K 9.8K 51
Your heart, waiting for it to be followed. Your pain, waiting for it to be worth it. And you, waiting for it to be brave enough. Cover made by SLOTHA...
13.8K 708 45
A fan made LeGine (Lea Salonga and Regine Velasquez-Alcasid) story, it's all about girl love. Which may open everyone's heart, to accept theirselves...
410K 6.5K 80
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...