Always 56

334 23 3
                                    

Good Evening! ❤️

Salamat sa patuloy na pag babasa. Malapit ng matapos ang kwento. We are now down to 2 chapters.
--------




UNO'S POV

"Pasok. Baka ikaw ang gamot."


"Hindi na, Jill. Ito baka kailangan niya 'to." at ibinigay ko sakanya ang medicine kit na daladala ko.


"Alam mo ang arte mo. Hindi ka pupunta dito kung hindi ka nag aalala at siguro naman alam mo na Dr si Ate Trish at alam mo din na may mga gamot dito? Tigilan mo ko diyan sa pag iinarte mo at pumasok ka na dito."





Nag aalala naman talaga pero nag aalinlangan din na kapag nakita ko si Tricia ay mawala na nang tuluyan ang angas ko. Hinila na ako ni Jill papasok kaya wala na din akong nagawa.





" O, ikaw ang mag abot sakanya niyan. Sige na. " Sabay balik sa akin ng medicine kit.




Natigilan pa ako. Para akong sinemento sa kinatatayuan ko.



"Kuya Uno, ano na? Go!" Utos niya.



Pag pasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Trish na nakabalot ng kumot. Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto niya. Sa bed side table ay nakita ko ang picture namin na kuha from the night I proposed to her. Katabi noon ay ang 5 weeks scan ni Primo.



"Jill, iwan mo na lang diyan. Mamaya ko na iinumin."



Napatikhim ako na ikinagulat niya. Inilibas niya ang kanyang mukha at humarap sa kinatatayuan ko. Kinuskos niya pa ang kanyang mga mata at nag pikit mulat.




"Nanaginip ba ako? Or talagang madami lamang akong nainom? Kamukha mo kasi 'yong mahal ko." Pag katapos noon ay muli siyang nag balot ng kumot. Makalipas ang ilang segundo ay humarap ulit siya sa akin. "Totoo ka diba? Si Uno ka? Hindi panaginip? Nandito ka sa kwarto ko?" Sunod sunod niyang tanong.


"Kausap ko si Jill kanina may narinig akong sigaw akala ko kung anong nangyari. Sa susunod kung hindi mo naman pala kaya ay wag kang uminom. Ito 'yong binigay mo na medicine kit mukhang ikaw pala ang may kailangan."






Tatalikod na sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Bakit ayaw mo akong balikan? May iba na ba? Bakit ayaw mo ko pansinin pero nandito ka? Miss na miss na kita alam mo ba 'yon? At mahal na mahal kita. Kahit anong gawin ko ikaw at ikaw pa din ang gusto ko." Kitang kita ang sama ng pakiramdam sa mukha niya pero pilit pa din siyang nag sasalita.




" Mukhang madami ka ngang nainom. Uminom ka na ng gamot at magpahinga ka na"




Hindi ko alam paano siyang mabilis na nakatayo para mapigilan ako sa pag labas. Humarap ako sakanya at walang kaabog abog ay hinalikan niya ako sa labi. Sa mga oras na ito ay parang wala siyang pakialam. Tuloy tuloy lamang siya. Nadala ako sa lalim ng halik niya. God! I missed her lips. Sinabayan ko siya but she is so aggressive. Ngayon lamang siya naging ganito na para bang wala na siyang pakialam kung may makakita sa aming dalawa. Pakiwari ko ay gusto niyang ipag sigawan na siya lamang ang pwedeng mag may ari ng mga labi ko. Ako rin ang unang kumalas. Dahil sa hindi ko malamang dahilan ay agad akong lumabas sa kwarto. Napasandal pa ako sa pintuan ng maisarado iyon.



Nasulyapan ko si Jill na mukhang takang taka. "Kung mag iinarte ka pa d-

hindi ko na narinig pa ang sinasabi niya basta ang alam ko may gusto siyang sabihin. Bumalik ako sa loob ng kwarto. Hindi na ako nag salita and this time ako na ang humalik sakanya. Hindi naman niya ako pinigilan.Tulad ko ay ramdam ko din ang pananabik niya. Kung gaano ako ka agresibo ay ganoon din ang tugon niya.




AlwaysМесто, где живут истории. Откройте их для себя