Clutch of Affliction

By m00_nica

10.9K 195 43

Taming Heart Series #1 The silence was her comfort, since the beginning. Loves to stay in her comfort zone, s... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Note

Chapter 14

454 5 0
By m00_nica

"Liza, pasuyo ako nito sa table 6," tawag sa akin ni Nika.

Tumango naman ako at inabot ang tray para ihatid ito sa table 6.

Nag-p-part-time ako rito sa isang restaurant sa Laguna. Pang dagdag sa gastusin sa bahay at sa pag-aaral

Fifth year architecture student na ako ngayong taon. Dahil summer break pa, mas sinisipagan kong mag trabaho para malaki ang kitain ko.

Mahirap kumita lalo na at wala kang kilala sa lugar maski isa. Noong bago pa lang ako ay nangangapa pa ako at hindi alam kung paano makikisama. Pero nakaka-adjust naman na ako dahil apat na taon na ako rito.

Ilang taon na ako nag-p-part time sa restaurant na ito at laking tuwa ko dahil mabait ang may-ari. Malaki rin ang pasahod kaya p'wede na pang bayad sa upa at pang dagdag sa mga gamit ko sa school.

Libre ang pagkain dito kaya di na kailangang gumastos pa. Sapat na sa aking kumain ng tatlong beses sa isang araw.

"Naku, sa susunod na buwan pala ay pasukan niyo na!" saad ni Ma'am Pia, may-ari ng restaurant.

Tumango ako. "Opo, kaya baka half day ulit ang magiging pasok ko po sa inyo."

"Ayos lang iyon, ano ka ba!" ngiti niya. "Isang taon na lang pala ay mag tatapos ka na! Nakaka-proud naman! Panigurado ay proud din ang magulang mo!"

Ngumiti ako ng mapait. "Salamat po, Ma'am," ani ko.

"Naku, walang anuman! Masaya ako't tinanggap kita noon dahil sa rekomenda ni 'Nay Vina!" aniya.

Napangiti ako ng matamis. Naalala ko noong bago pa lang ako sa Laguna. Dahil kay 'Nay Vina at sa apo niya, nandito ako ngayon.

Nang pauwi ako ay maingay ang paligid. Maraming bata ang naglalaro kahit gabi na. Maraming nag titinda sa paligid at maraming tao na nag kukuwentuhan at nag tatawanan.

Nang pumasok ako sa eskinita namin ay nabawasan ang ingay kaya naka hinga ako nang malalim. Medyo malapit na ang bahay na tinutuluyan ko kaya mas lumaki ang ngiti ko.

"Amara, nakarating na ako," masaya kong bati.

Si Amara ang apo ni 'Nay Vina.

"Magandang gabi, Liza," naka ngiti niyang ani at tumingin sa direksyon ko. "Wala pa si 'Nay Vina dahil may dinaan saglit."

"Kumain ka na? Tara, may dala akong pagkain, pinadala ni Ma'am Pia."

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko. "Salamat," aniya nang alalayan ko siya paupo.

"Walang anuman, ganda," biro ko.

Humagikgik naman siya. "'Wag ka nga mag bibiro pag gabi, baka maniwala ako,"

"Tigilan mo ako, Amara. Talagang ang maganda ka!"

Ngumuso naman siya. "'Yung mata ko lang ang hindi," rinig kong bulong niya.

Napatingin naman ako sa mata niya. Kulay hazel brown ito at singkit.

"Ang ganda ng mata mo, Amara."

"Anong silbi ng mata ko kung wala akong nakikita?" malungkot niyang saad. 

Yumakap ako sa kaniya. "Kahit hindi ka nakaka kita, nagawa mong iligtas ako, Amara," bulong ko. "At nandito ako para mag silbing mata mo."

"Salamat, Liza," ngiti niya. "At kumain na tayo."

Natawa na lang kaming dalawa. Kumuha naman ako ng dalawang pinggan at dalawang kutsara.

"Ayan," ani ko, nilalagyan ng pagkain ang plato niya. "Masarap 'to,"

Kinapa ng kutsara niya ang plato para hanapin ang pagkain. Nang maisubo niya ito ay unti-onti siyang ngumiti.

"Wow, adobo! Salamat, Liza! Paborito ko ito!"

Natuwa ako at nagustuhan niya. Masayang-masaya siya habang kumakain. Nag kukuwento ng mga nangyari sa kaniya buong araw.

"Alam mo ba, sabi ng doctor ay p'wede pa raw akong makakita!" masaya niyang kwento.

Nagulat ako at naiiyak na. "T-talaga?"

Pati siya ay naiiyak na rin. "Oo, sobrang saya ko kanina kasi akala ko talaga ay wala nang pag-asa ang mga mata ko."

"Sabi sa'yo, eh! Basta maniwala ka lang, kaya 'yan!"

"Gusto ko makita mukha mo, Liza," sabi niya.

Ngumiti ako. "Hayaan mo, hintayin mo lang ng onti at makakakita ka na ng magandang dilag," biro ko.

"Anong mga kayabangan 'yan, huh?" biglang singit ni 'Nay Vina na kararating lang.

"'Nay naman! Aatakihin ako sa puso!" reklamo ni Amara.

Lumapit naman si 'Nay Vina upang humalik sa pisngi ni Amara. Nag-bless naman ako sa kaniya.

"Kaawan ka," aniya. "Apo, mukhang masarap 'yang pagkain niyo, ah?"

"Dala ni Liza, 'Nay,"

"Talaga? Naku, salamat, 'nak," baling niya sa akin.

"Si Nanay naman, parang others!" biro ko na ikinatawa nilang dalawa. "Kain ka na, 'Nay."

Umiling siya. "Gusto ko man ngunit ako'y busog na. Napilit ako kumain sa handaan at may dala pa nga ako."

Nakita ko naman na may dala-dala siyang plastic na may mga pagkain.

"May cake riyan, chocolate, paborito niyong dalawa."

Bumungisngis si Amara at umabot hanggang tainga ang ngiti ko.

"The best ka talaga, 'Nay! Love you!" ani Amara.

"Medyo puma-plastic ka na, apo," biro ni Nanay.

Natawa kaming dalawa ni Amara.

"Mana sa akin, 'Nay," ani ko.

"Mukha nga," gatong niya. "O siya, ako'y mag papahinga na at maaga pa ako bukas. Kayong dalawa na ang bahala rito."

Nag-good night naman kami sa kaniya. Pumunta na siyang kwarto para matulog. Maliit lang ang bahay na ito. Magka rugtong ang sala at kusina. May iisang kwarto kung saan kami natutulog.

Sa loob na apat na taong naririto ako sa Laguna, dito ako napadpad.

Sobrang swerte ko at napunta ako sa kanila. Kung hindi ay baka...

"Liza, p'wede ba patulong ako rito?" tawag sa akin ni Amara.

Lumapit naman ako sa kaniya at tinulungan siyang mag ligpit ng mga pinag kainan. Nag bihis kasi muna ako dahil naiinitan na ako.

"Gusto mo labas tayo bukas, Amara?" tanong ko habang nag huhugas ako ng mga pinag kainan.

"Talaga?" gulat niyang tanong at mukhang excited.

"Saan mo gusto?"

"Hmm..." nag-iisip niyang saad. "Kahit saan,"

"Okay! Tara na at matulog!" inalalayan ko siyang pumunta sa kwarto at hiniga katabi ni Nanay.

"Wala ka bang pasok bukas?" usisa niya.

"Nag-day off muna ako sa restaurant dahil bibili akong mga gamit ko. Pero papasok ako para mag-cashier bukas kay Mang Tiktik."

Natawa siya. "Cute talaga ng pangalan niya,"

"Oo, pang maligno,"

"Kayong dalawa talaga," saway ni Nanay.

"Sleep talking ata si Nanay," biro ni Amara.

Naghagikhikan kami ni Amara.

"Baka naman pinapagod mo masyado sarili mo, Liza," nag-aalalang sabi ni Amara.

"'Wag mo nga ako alalahanin! Sa ganda kong 'to!"

"Anong connect, beh?" ngiwi niya.

"Ang connect ay kung maganda ka, wala ka nang dapat problemahin pa."

"May bagyo ata at ang lakas ng hangin," rinig kong bulong ni Nanay.

"'Nay! Natutulog ka na pero kontrabida ka pa sa aking beauty!"

Tulad ng napag-usapan namin ni Amara kagabi, kasama ko siyang namili ng mga gamit. Bago kami bumili ay namasyal muna kami sa plaza. Maraming mga nag bebenta ng mga samut-saring bagay. May pagkain, damit, gamit sa bahay, at kung ano ano pa.

Maraming tao ngayon dahil linggo at madalas ay kasama ang pamilya nila. Sunday is family day, ika nga.

"Neng, bili ka na nito, oh!" tawag pansin ng ale sa amin.

Nakita ko namang ang mga tinda nito ay bracelet, kwintas, at mga singsing.

Hinawakan ko si Amara para igiya s nag titindang ale.

"Wait lang, bibili lang ako."

Pumili ako sa mga paninda at may mga umagaw ng tingin ko.

Ang ganda.

"Ate, ito po bibilhin ko," inabot ko sa kaniya ang tatlong napili ko. Pulos kwintas ito na gold. "Wala po bang discount, Ate?"

Tinignan naman ako nito at ngumiti. "'Yun lang pala! O siya, five hundred na lang iyang tatlo."

"Salamat po!" ngiti ko at kinuha na ang mga binili.

"Salamat din, hija,"

Humawak ako ulit kay Amara at niyakap ang isa niyang braso.

"Tara, anong gusto mong kainin?"

"Ice cream!"

Napatawa ako at nag hanap ng ice cream parlor.

"Beh, parang ang mahal naman dito!" bulong ni Amara sa tabi ko.

I chuckle. "Minsan lang naman,"

"Aba at mukhang galante ka today,"

"Kasi nga pretty tayong dalawa today!"

"Ay ikaw today lang, pero ako every day."

Bigla akong kinilabutan. "Wow, yumayabang ka na,"

"Mana sa'yo, beh,"

Nagtawanan kaming dalawa at pumili na kung ano ang gusto naming flavor. Pagkatapos naman naming kumain ng ice cream, dumiretso kami sa bilihan ng mga gamit. Medyo maraming tao dahil malapit na rin ang pasukan. Isang buwan na lang ay mag-uumpisa na naman ang impyerno.

"Nag-enjoy ba kayo?" salubong sa amin ni Nanay Vina.

"Opo," sabay na sabi namin. "May pasalubong po kami,"

"Kayo talaga! Bakit may pasalubong pa? May pera ka pa ba, 'nak? 'Di ba ay mahal ang mga gamit mo?"

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "'Wag ka na pong mag-alaga, 'Nay. Mayroon pa po akong tira at mayroon din po akong ipon."

"Hindi niyo ako sinasama sa yakap niyo, ah?" tampong ani Amara.

Nilapitan ko siya at niyakap. "May surprise ako,"

"Ano namang surprise mo?"

Kinuha ko sa bulsa ko ang binili ko kaninang mga kwintas. Kinuha ko ang isa at isinuot iyon kay Amara.

"Tada!"

Hinawakan niya ang kwintas sa leeg niya at kinakabisado ito.

"Hulaan mo kung ano design,"

Napa isip siya at pilit kinakapa ang kurba ng kwintas.

"T-thank you, Liza," she sobbed.

"At s'yempre, hindi p'wedeng wala si Nanay!" kinuha ko naman ang para sa kaniya at isinuot ito.

"Naku, nag-abala ka pa, 'nak," madrama niyang ani. "Salamat,"

"Ang gaganda niyo na!" biro ko.

"Bakit star ito, Liza? Kasi I am your shine?" biro ni Amara.

"No, because you're my sun and moon,"

Natawa kaming tatlo.

"Joke lang," ani ko. "'Cause you are the star that became my angel."

You saved me when I am lost. You the angel that was sent that night to save me.

You and Nanay were an angel.

"Naku, may pasok pa po pala ako kay Mang Tiktik! Una na po muna ako. Mauna na rin po kayong matulog dahil baka madaling araw na po ako maka uwi."

"Bakit madaling araw? Eh, 'di ba hanggang ten lang kayo kay Tiktik?" taka niyang tanong.

"Ah, pupunta pa po kasi ako kay Ma'am Bea, may tatapusin lang po na gawain."

"'Nak, baka naman masobrahan ka na sa trabaho?" nag-aalalang aniya.

"Maganda ako, 'Nay! Kayang-kaya ko 'yon!" biro ko.

"Niyayabangan mo na naman ako," iling na aniya. "O siya, mag-iingat ka, huh?"

"Ingat ka, beh, 'wag mo kalimutang ako pinaka maganda sa ating dalawa," ani Amara.

Marami akong part-time job dahil nga maganda ako.

Namamasukan ako kina Ma'am Bea para mag-ayos ng mga pagkain sa grocery store. Kumbaga, ako ang nag lalagay ng mga restock. Samantalang ang trabaho ko naman kay mang Tiktik ay mag-cashier. Sa isang grocery naman iyon.

Hindi naman talaga Tiktik ang pangalan ni Mang Tiktik. Palayaw niya lang ito at mukhang sanay na ang mga tao.

Noong unang dinig ko nga ng pangalan niya ay muntik na ako maiyak sa katatawa pero pinigilan ko dahil baka hindi ako tanggapin.

Matanda na si Mang Tiktik at mukhang papanaw na.

Lord, sana hindi niya ito marinig.

"Hija, ito na ang sahod mo ngayong araw," abot ni Mang Tiktik ng sahod ko.

Five hundred ang sahod ko tuwing papasok ako. Malaki na iyon para sa akin. Weekends ang schedule ko kay Mang Tiktik.

"Late na, Liza, sana ay bukas ka na lang pumunta," salubong sa akin ni Ma'am Bea.

"Ayos lang po, Ma'am, may trabaho rin po ako bukas kaya ngayon na lang po ako mag-aayos."

"Kay sipag mo talagang bata ka," iling niya. "O siya, ikaw na ang bahala riyan."

Nagpaalam na rin siya at pumunta sa office niya.

Ilang oras ang ginugol ko sa pag-aayos ng mga grocery. Marami kasi ang kailangang ilagay. Mga necessarry needs ng mga tao tulad ng sabon, shampoo, panlaba, conditioner, kape, biscuits, at snacks.

Sunod naman ay nag-mop ako para bukas ay hindi na kailangan mag linis.  Tatlong beses sa isang linggo ako mag trabaho rito.

"Ito na ang sahod mo ngayong linggo, Liza," abot sa akin ng brown envelope.

Malugod ko itong tinanggap. "Salamat po, Ma'am,"

Alas tres na ng madaling araw at kauuwi ko lang galing trabaho. Hindi naman nakakatakot umuwi ng ganitong oras sa lugar na ito. Maraming tambay sa labas ngunit hindi naman sila nakaka takot. Kilala rin kasi sina 'Nay Vina at Amara sa lugar na ito.

Hindi tulad sa ibang lugar na maraming p'wedeng gawing masama sa'yo, sa lugar na ito ay wala kang ipag-aalala.

Natulog na ako sa tabi nila Amara at Nanay Vina. Malalim na ang tulog nila dahil nga madaling araw na. Naka yakap pa si Amara kay Nanay.

Mag kasing edad lang kami ni Amara. Mas matanda nga sa akin ng ilang buwan.

Niyakap ko na si Amara nang maka higa na ako. Kinumutan ko na rin sila para hindi sila lamukin at lamigin. Medyo malamok kasi sa lugar namin.

Binuksan ko naman ang cellphone ko at in-open ang Facebook. Gumawa ako ng bagong account na iba ang pangalan para hindi nila malaman na ako iyon.

I've reached this far. Congrats, self! Congrats, everyone!

That is his latest post. There are lots of comments saying congratulations.

Today was their graduation.

I saw photos of him with his family and friends. There's a photo of him with his twin, Lucas. I saw them complete in one frame. They look happy.

They look so proud of what they achieved. Even, I feel so proud of them. I shed a tear because of happiness. I am smiling until I fell asleep.

Congrats, everyone! I am happy that you reached one of your dreams! I will be always proud of you! Arya, Ate  Jessy, and I were proud of all of you.

"Liza! Kumusta?" salubong sa akin ni Mia na kaklase ko.

Mabilis lumipas ang isang buwan kaya balik klase na naman.

"Ayos lang, Mia. Ikaw?"

Ngumuso siya. "Galing kaming Switzerland. Ayaw ko pa nga sana umuwi kaso no choice," ngiwi niya. "Anyway, iaalok ko sana sa'yo 'yung dati kong mga gamit. Bibili kasi akong mga bago."

"Anong mga gamit?"

"Drafting table, fine liners, t-square, at marami pang iba. Sayang kasi, baka pwede mo pang magamit," ngiti niya.

"Magkano?"

"Sa'yo na 'yon," aniya. "Hindi mo kailangang mag bayad."

"Hindi ko ata matatanggap 'yan, Mia. Sobra-sobra na ang binibigay mo sa akin."

"Wala ka nang magagawa, Liza, pinadala ko na sa bahay niyo."

Napatulala ako. "Mia!"

Tumawa lang siya. "Tara na, baka ma-late tayo sa klase!"

Unang araw pa lang ay marami na agad kailangang gawin. Pinagagawa agad kami ng floor plan.

Dalawang subject lang kami ngayong araw kaya umuwi ako bandang tanghali. Pagkarating ko sa bahay ay bumungad sa akin ang drafting table.

"'Nak, may padala sa'yong mga gamit. Mia ang pangalan," ani Nanay Vina. "O siya, alis muna ako dahil may trabaho pa."

Nang maka alis na si Nanay Vina ay inasikaso ko na ang mga gamit ni pinadala ni Mia. Halos kada taon ay may ibinibigay siya sa akin.

"Amara, alis na ako at papasok na kina Ma'am Pia," paalam ko kay Amara na kumakain ng ice cream, pasalubong ko kanina.

"Ingat ka," kaway niya.

Araw-araw naiiwan si Amara dahil parehas kaming may trabaho ni Nanay. Pero umuuwi si Nanay tuwing tanghali, hapon, at gabi para pakainin si Amara. Pero kapag maaga ako nakaka uwi ay hindi na kailangan umuwi ni Nanay.

Mananahi si Nanay sa isang patahian malapit sa amin. Kapag minsang rush ang gawa nila ay kami lang ni Amara sa gali. Minsan ay si Amara lang kapag may trabaho rin ako.

Mahirap pag sabayin ang trabaho at pag-aaral. Pasok sa umaga, trabaho naman sa hapon at gabi. Bago ako matulog ay kailangan may naumpisahan na ako sa mga school works.

Halos hindi na ako nakaka tulog ng maayos dahil busy lagi. Mahirap kasi gumawa ng floor plan, lalo na at mga buildings na ngayon ang pinagtutuunan namin ng pansin.

Wala akong ka-close sa block mates ko dahil bukod sa irregular ako, busy ako sa trabaho. Hindi ako nakakasama tuwing gagala sila. Sasama lang ako kapag may kinalaman sa school. Tulad ng projects, thesis, at group works.

Ang buhay ko ngayon ay malayong-malayo na sa buhay na naka sanayan ko noon. Ngunit mas malaya ako ngayon. Mas magaan ang loob ko rito.

Masakit man talikuran ang kinagisnan ko, masarap sa pakiramdam na malayo ako sa lugar kung saan pulos sakit ang dala.

I am grateful you saved yourselves from this monster.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 287K 61
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
10.2M 640K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
836K 8.3K 68
𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐨𝐲𝐬 ✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦ don't forget to vote, share and comment. 🤍
4.2K 109 30
Way of Love: Buena Series #1 Irene Delgado was involved in an accident 5 years ago. She believed that her father was with her when she woke up. But t...