AGS 4: The Best Man's Wedding

By LenaBuncaras

132K 7.5K 2.5K

ALABANG GIRLS SERIES #4 Sabrina Dardenne lives like a princess all her life, and the only wish of her parents... More

The Best Man's Wedding
Prologue
Chapter 1. Breakup
Chapter 2: Big Brother
Chapter 3: Guardians
Chapter 4: Arranged
Chapter 5: Empty
Chapter 6: Rare Glare
Chapter 7: Temptation
Chapter 8: Sneak
Chapter 9: Ghosted
Chapter 10: Tear
Chapter 11: Fallen
Chapter 12: Embarrassing Moments
Chapter 13: Missing Point
Chapter 15: Unwanted
Chapter 16: Scarred
Chapter 17: Ceremony
Chapter 18: Conflict
Chapter 19: Luncheon
Chapter 20: Homeless
Chapter 21: Mishaps
Chapter 22: Dead End
Chapter 23: J'adoube
Chapter 24: Challenged
Chapter 25: Practical
Chapter 26: Dedicated
Chapter 27: Manager
Chapter 28: Incoming
Chapter 29: Cards Against Humanity
Chapter 30: Unexpected Proposal
Chapter 31: Chosen
Chapter 32: Spoiled
Chapter 33: Prodigal
Chapter 34: Home
Chapter 35: Caregiver
Chapter 36: Pre-Val
Chapter 37: Valentine
Chapter 38: Trust
Chapter 39: Prelude of Bad News
Chapter 40: Biased
Chapter 41: The Wedding
Chapter 42: Memories
Chapter 43: Recollection
Chapter 44: Warmer
Chapter 45: Last Resort
Chapter 46: Very Good
Chapter 47: Solved
Chapter 48: The Legend
Chapter 49: Come Back
Chapter 50: At Last
Calvin Dy

Chapter 14: Disappointment

2.3K 151 67
By LenaBuncaras


"Issue mo na naman sa Earth, Sabrina?"

I was glaring at Clark. Ang sabi ko kasi sa kanya, sunduin niya ako sa gym. He did without asking why. Dinala ko siya sa locker area, and it was a good thing na halos nag-uwian na lahat ng clients dito at waiting na lang kami kay Will na kausap ang ilang staff niya sa back office.

"Kanina ka pa pino-forward sa 'kin ni Nery, tawag ka raw nang tawag. Ano ba? Na-miss mo agad ako?"

"Ang kapal mo," sabi ko.

"E, ano nga?"

Clark wore a cream and navy blue smart suit. He looked like he came from a corporate meeting. Sa barkada ni Kuya, si Clark lang ang walang stable job. And stable means one work at a time.

He's jumping from one business to another. Kukuha siya ng branch, kukuha ng manager for that branch, then he would just check the business every now and then. Nakikipag-partner siya sa mga magha-handle ng business at doon lang siya naka-stay bilang capitalist. Puro lang siya pirma at sobrang rare niyang maging busy nang buong araw sa iisang work lang.

Kung maging busy man siya, malamang dahil umiikot siya sa lahat ng mga "kumare" niya para lang sumagap at magdala ng tsismis.

"Kuya admitted na ikaw ang nagpapalit ng placing ng closets niya," sabi ko, nagkrus pa ng mga braso.

"Yeah. And so?"

"Sinabi mo ba kay Kuya na kasama mo 'kong nanonood ng porn before?"

"Ay, wow." Naituro niya ang mukha ko. "Kailan kita sinamahang manood ng porn, aber?"

"I already told you when!"

"Kailan nga? Ikaw ang sumagot," sabi niya at ipinasok ang magkabila niyang kamay sa loob ng suit niya para lang mamaywang sa harapan ko.

"When I was a kid, ano ba!" pigil na pigil na sigaw ko.

"Ah, when you were a kid. Alam ko bang nanonood ka n'on?"

"No," mataray kong sagot habang tinataasan siya ng kilay. "But you were there, and I was there, so we've watched it together."

"No, we didn't," mataray din siyang sagot habang nagba-bobble ang head sa akin, ginagaya ako. "Let me remind you: you sneaked into Rico's room, at walang permiso 'yon mula sa kahit sino sa bahay n'yo. Ikaw lang ang nanood, hindi ako."

"But you played it."

"Nakita mo?"

I paused for a second because I didn't remember him watching it like how I watched it kasi busy siya sa papers niya, but I reasoned out again.

"You still played it."

"Pero nanood ako?"

"But you still played it!"

"Nanood nga ako?"

"You fucking played it, of course it counts!"

"Ah, ha-ha! Wow." Now, he was mocking me with his sarcastic laugh. "You know what, Sabrina, hindi ko alam ang point ng topic natin. Ayokong makipag-argue sa ganito ka-petty na reason."

"Pero sinabi mo nga kay Kuya?" pagpilit ko ng dahilan ng anxiety ko mula pa kaninang umaga.

"Gusto mong sabihin ko ngayon?"

Kusa nang lumipad ang palad ko para paluin siya sa braso. "Clark! Hindi ka na nakakatuwa!"

"Bakit ba! Ano'ng gusto mong sabihin ko?"

"Sinabi mo nga kay Kuya?"

"Sasabihin ko nga ang alin?"

"Yung ginawa ko!"

"Alin doon?"

"Yung ginawa ko nga!"

"Na alin nga?"

"I already told you!"

"Alin nga?"

"Aaargh! I hate you!" I yelled at him and I stormed out of the locker room para mag-walkout.

Wala na ba talaga akong makakausap na matino sa kanilang lahat?!

"Sab, ang sakit mo talaga sa ulo kahit kailan."

"Hey!"

He wrapped his whole right arm around my waist and he lifted me like a weightless bag from his side.

"Clark! Isa!"

We went out of the gym and all I did was slap his arms hard para lang ibaba ako.

"Clark!"

"Sab, seryoso, pinahihirapan mo lang ang sarili mo."

Saka lang niya ako ibinaba sa may parking lot, sa tapat ng isang royal blue Camry. Napasandal agad ako sa pintuan ng passenger seat nang ipatong niya sa bubong ng sasakyan ang magkabila niyang palad para ikulong ako sa kinatatayuan ko.

Malakas at malamig ang hangin ng gabi pero biglang uminit sa puwesto naming dalawa.

Mula sa dim light ng lamp post na malapit sa amin, nakatitig lang ako sa seryosong mga mata niya.

"Hindi ako pumunta rito para lang pagbintangan mo ng kung ano-ano," seryoso niyang sinabi habang tinatapatan ang bigat ng paghinga ko. "We've been together for years. Bumalik ka rito sa Pilipinas ten years ago. Have you ever considered that decade bago mo 'ko sabihan ng mga bagay na hindi ko naman ginawa, hmm?"

"But you knew that I did it . . ." My tears formed in my eyes out of fear. "And you told Kuya about it . . ."

He let out a sigh of defeat and bowed his head. "Sab . . ." Another sigh and he raised his head again to look at me straight in the eyes. "Kung closet ni Rico ang pinoproblema mo, yes, ako ang nagpalipat n'on. Bakit? Kasi wala kang ibang mapagtataguan sa kuwarto ni Rico kundi doon lang. Alam ko bang nagtago ka roon? No. Pero may common sense ako para maisip na baka nga nasa closet ka. And please lang, tigilan mo na 'tong kaka-overthink mo. Hindi naman 'to dapat pinoproblema pero pinoproblema mo."

At that moment, napalitan agad ang anxiety ko ng guilt. I didn't want to digest his words because I already knew I was wrong for not thinking about those years na walang nag-bring up ng past ko bago ako bumalik dito sa Pilipinas.

He stood up straight and grabbed my arm para maialis ako sa pintuan ng kotse niya.

"Ite-text ko na lang si Will. Sasabihin kong uuwi ka na."

If he was Kuya Ronie, for sure, he would throw me inside his car and warn me not to annoy him even more, or else, he would put me inside the car's trunk along with his spare tire. But I guess I was lucky that he wasn't Kuya.

He opened the door and calmly asked me to hop in para maihatid na niya ako kasi may hahabulin pa siyang nine o'clock dinner date.

And that earned another glare from me habang paalis na ang sasakyan.

"You already have a date pala, pumunta ka pa rito. Nang-iinsulto ka ba?" naiirita kong sinabi. "And nine o'clock? Ganoong time? Really? After that, ano na? Dadalhin mo sa hotel at bukas ka na ulit magpapakita sa 'kin as if nothing happened?"

"Sab, libreng tumahimik, oo, alam mo 'yon?" Ni hindi niya ako tiningnan, paikot-ikot siya ng tingin mula sa gilid at likod habang inaatras ang kotse papuntang service road.

"Will said, gumagawa ka ng paraan about sa wedding. Eto na ba 'yon? Are you dating someone so Mum will change her mind of pushing our marriage?"

I heard him sigh and didn't bother answering me.

"If you have no plan on taking things seriously, puwede bang layuan mo na lang ako?" dagdag ko pa. "I've already messed up with Ivo. Ni hindi nga ako nakapaglabas ng sama ng loob kasi forced ako to be okay. And now what? You're bothering me with your—"

I stopped because of the incoming call. Clark opened the speaker as he stared at the road for a right turn in the middle of the traffic.

"Sir Clark, Madame Tessa and Directress Ali already notified your office for your nine p.m. appointment."

My eyes were shifting from the phone's screen and Clark's serious face, checking the road and the stoplights.

"Tell Tita Tess I'm with her daughter. On the way na ba sila?"

"Madame Tessa said so, sir."

Clark pouted, thinking of an answer, and I was puzzled about what was happening.

Si Mum saka si Tita ba ang ka-date na sinasabi niya?

"Ano na lang, pakisabi . . ." Ang bigat ng paghinga ni Clark, kagat-kagat niya ang labi habang nakatitig nang mabuti sa daan saka sumulyap sa smartwatch niyang biglang umilaw mula sa pagkakahawak niya sa steering wheel.

It was already 8:55 and we were far from my condo. Nasa Pasig kami! Nasa Ayala ang condo ko! Kulang ang one hour sa bigat ng traffic.

"Tsk, pakisabi male-late ako nang kaunti."

We were supposed to go right mula sa intersection paderetso sa condo ko, but he turned left, so I guess, uunahin talaga niya sina Mum at Tita.

Well, kung ako rin naman siya, sila talaga ang uunahin ko.

"You should have told me about them before you went to Will's," I said.

"Pakibasa nga ulit ng text ko."

"Text mo?"

Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa ng slacks, at saka ko lang na-realize na missing ang bag ko!

"Shit!"

"O, bakit?"

Ay, wait. Wala nga pala akong bag. Iniwan ko pala sa shop.

"Huy, Sab, ano 'yon?"

"Nothing." I took my phone again and checked our previous convo.

Sabrina: CLARK!!!!

Clark: Ano na naman?

Sabrina: PUMUNTA KA RITO SA GYM NI WILL. NOW NA

Clark: Busy ako, pasundo ka na lang kay Will.

Sabrina: I'M ASKING FOR YOU! HUWAG KANG MAGTURO NG KUNG SINO-SINO

Clark: Maka-caps on ka naman, gagalet?

Sabrina: GO HERE! NOW!!!

Clark: May date ako gagi.

Sabrina: I DON'T CARE!!!

Clark: Mana ka talaga kay Tita Tess.

Clark: Saglit pupunta na. Bayaran mo gas ko ha.

My eyes automatically shifted to my right outside the window.

Fuck.

Kung mababasa 'to ni Mum, for sure, ika-cut na naman n'on ang credit line ko as punishment.

"Alam mo, Sabrina, hindi sa lahat ng oras, dapat pinaiiral mo 'yang katigasan ng ulo mo."

I wanted to answer him, pero feeling ko, lalo lang akong nanliliit sa puwesto ko.

He's making things complicated. Ni hindi na nga ako nakakasunod sa nangyayari. It felt like he was ten steps ahead of me, and I couldn't follow him anymore.

"May dinner date kami ngayon nina Tita Tess at Tita Ali. Kung ayaw mong magisa ng nanay mo, umiwas-iwas ka sa puwesto namin. May dala kang wallet."

"Iniwan ko sa shop," sabi ko habang nakaiwas pa rin ang tingin sa kanya.

"Lumayas ka sa shop nang wala kang wallet? Paano ka uuwi niyan?"

"I'll call Kuya na lang para sa service."

Another sigh from Clark and I could see him comb his hair out of annoyance at the car window's reflection.

"Sab, malapit na ang wedding ni Patrick. Kapapanganak pa lang ni Melanie. Ang dami naming inaasikaso. Hindi nakakatulong na dumadagdag ka pa sa stress namin ni Rico."

"Hindi naman mangyayari 'to kung pinakasalan na 'ko before ni Ivo, e!"

"Mag-i-Ivo ka pa, e pinagpalit ka nga ng gagong 'yon sa iba! Sab naman, huwag kang puro ganda. Kaya nabubuwisit sa 'yo kuya mo, e."

"Magsama kayo ni Kuya! Pareho kayong kontrabida ng buhay ko."

I felt lost this time. Nangangapa ako ng gagawin. Overwhelmed ako ng napakaraming bagay na hindi ko makontrol. What did they want me to do? Just wait until everything messed up even more?

The car stopped in front of the Grand Hyatt and Clark's outfit was perfect for his appointment.

"Uuwi na 'ko," sabi ko. "Hihiramin ko muna 'tong kotse mo."

Clark's eyes spoke nothing but boredom, so I guess he wasn't mad about me taking his car.

"Siguraduhin mo lang na uuwi kang buo, ha."

"Ten minutes away lang ang bahay ko rito, sana hinatid mo na lang muna ako."

"Wow, gold ka ba?" Kinuha niya ang messenger bag niya sa likod, and that was another luxury brand na, for sure, gift pa rin sa kanya. "Kukunin ko 'yang susi sa 'yo after ng meeting ko dito. Umayos ka, ha. Kapag may gasgas 'tong kotse, si Tita ang sisingilin ko pambili ng bago."

"You wish! Tse!"

Clark went out of the car and I shifted my seat to the driver's seat. Umikot na ako sa façade ng hotel para makaalis na.

Ang sama talaga ng ugali. Ihahatid na lang ako, hindi na nilubos-lubos.

Pero bakit kaya may meeting siya kina Tita Ali? Si Mum, maiintindihan ko pa. But Tita Ali? About business ba? I couldn't think of anything aside from business para mag-usap sila kasama ni Tita.



♥♥♥



Friday afternoon when Kuya asked for my presence sa shop ko. And his reason? Stag party raw ni Patrick. And I was like . . . stag party tapos kasama ako?

Sa loob-loob ng utak ko, pasasayawin ba 'ko ni Kuya habang nakahubad sa harap ng barkada niya?

I've been to so many bachelorette parties, and wild nights are the best. Pero tingin ko, mga weird guy talaga sina Kuya because my expectations of a stag party are wild, wet, and unforgettable. However . . .

"Ready na yung barbecue?"

"Ayaaaaan, sa wakas, 'tang ina, makakainom na rin!"

I was surprised when I saw Melanie drinking straight from a bottle of rum. Nakaupo sila sa sahig. Nakaurong ang mga furniture sa gilid. At nasa bungalow kami ni Calvin na located sa may Las Piñas.

Walang party. Nakalatag ang mga bote at baso sa sahig. Nandoon sa picnic mat ang mga pagkaing nasa plato. Chips, nachos, and dips, may shawarma pockets, some pika-pika, buttered tofu, shrimp, and some kebab and barbecue.

Nandito si Jaesie at hindi kasama ni Kuya pagsundo sa akin. Si Melanie, nakasalampak sa sahig at umiinom (malamang kasi hindi na siya buntis), nandito rin si Kyline, for sure kasi siya ang maid of honor nina Patrick kaya wala siyang out of town trip. At mga naka-casual attire lang sila at hindi naka-bikini or what. Walang ibang babae maliban sa amin.

Si Patrick, namimili ng kanta sa songbook. May nagpe-play namang song sa flat screen TV sa gilid naming lahat. Si Will ang may hawak ng mic pero nakikitingin din siya kay Pat ng option. Si Leo, tinutulungan si Kyline sa pagdala ng mga pagkain. Si Calvin, sunod-sunod ang subo ng nachos habang nakayakap sa gilid ni Melanie na umiinom pa rin.

Puwede ko na bang i-disown ang kapatid ko without his knowledge? Aware ba siya kung ano ang ginagawa sa stag party?

"Sab, libre maupo," sabi ni Clark na kauupo lang din sa sahig katabi ni Leo.

Kahit litong-lito, naupo pa rin ako.

Eto na 'yon? Wala man lang ka-thrill-thrill.

The song started and Patrick was the one singing. And it was odd for him to sing TS's song.

"Nice to meet you, where you been? I could show you incredible things . . ."

But Patrick sang a bit of rock rather than pop.

Nakatingin lang ako sa kanilang lahat at parang may sari-sarili silang ginagawa.

Bakit ba ako dinala rito ni Kuya?

"Got a long list of ex-lovers, they'll tell you I'm insane. 'Cause you know I love the players and you love the game . . ."

Inabutan ako ni Will ng tinusok na tofu gamit ang maliit na fork.

"Hindi 'yan nakakataba. Kuya mo nagluto niyan," disclaimer agad niya.

"Thank you," sarcastic kong sagot saka kinuha ang fork. Napapikit ako nang mariin kasi ang sarap at ang bango ng butter. Nalulusaw sa bibig ang tofu.

Napakuha pa tuloy ako ng dalawa pang small cubes ng tofu.

Bakit ba ang sarap magluto ni Kuya? Tapos ako, itlog lang, nasusunog ko pa. 

"Boys only want love if it's torture. Don't say I didn't, say I didn't warn ya . . ."

"O, isang shot lang 'to. Huwag kang magdadagdag," sabi ni Will at binigyan ako ng isang shotglass na hindi ko alam ang laman pero yellow drink. Sila naman ang nagtimpla so I would trust them.

I drank the contents of it and squinted for a second after I felt the thin, sharp line drawing from my tongue down to my esophagus.

"Whoa." Vodka. Wow.

It was a small portion but it was enough to bring sweat to my nape and forehead. Ang init sa lalamunan at batok.

"Kanina pa kayo?" tanong ko habang namamapak ng pulutan nila.

"Yeah. Almost an hour na rin."

"Bakit dinala ako rito ni Kuya?" Nguya lang ako nang nguya habang nakatitig kay Will.

"Basta."

"What is it nga?"

"Basta isipin mo na lang masaya tonight."

Kusa nang nanliit ang mga mata ko habang nakatingin kay Will. "Ang weird n'yo."

"Hahaha! Mag-enjoy ka na lang, Sab."

"Wala bang lalabas na naked girl ngayon para sumayaw?" tanong ko pa, at parang ako na ang makakaubos ng tofu nila.

"Sab, don't expect. Marunong humawak ng kutsilyo at baril ang mga babaeng nandito ngayon. May balak pa kaming huminga bukas."

"Hahaha! What about me? Hindi ako marunong."

"Then good for us. Safe kami sa 'yo."

At last, naupo na rin si Kuya sa tabi ni Jaesie at patuloy pa rin sa pagkanta sina Patrick.

Stag party raw ni Patrick, pero para lang silang may simpleng outing. Sa Sunday na ang kasal ni Patrick at bukas, kailangan na naming pumunta sa Laguna for preparation. May pre-wed photoshoot pa bukas nang buong araw kaya kailangan ko pang mag-prepare ng isusuot ng boys para sa shots.

I could tell na sobrang solid ng barkada ni Kuya na until now, buo pa rin sila. And if one of them needed help, they provide.

Nakakainggit kasi hindi ganito ka-solid ang circle ko because mainly ang daming plastic sa friends ko na kilala lang ako because I'm a Dardenne. My childhood was full of bad memories and isolation. Wala akong childhood friends maliban kina Mat at Clark. Nasa U.S. ang iba kong friends na rare ko nang makausap.

During my college years, wala akong friends na nagtagal because college friends are not meant to last. Hindi lahat ng nakasama mo sa first year, kasabay mong ga-graduate sa fourth year. Walang constant. And now, sa sobrang fucked-up ng status ko as a person, puro mga fake people ang napunta sa akin at waiting lang magkamali ako bago ako pagtulungan.

Ang hopeless naman ng life ko, my gosh.

Nakasandal lang ako sa balikat ni Kuya habang sinusubuan niya ako ng puwede kong kainin sa mga nasa picnic mat.

Kanina pa sila nagkukulitan at na-focus ang topic sa boys kasi nga "stag party" and guys are in the hotseat for tonight. All of them got a small white board (it was Eugene's boards but Leo took it for tonight's game), doon sila magsusulat. Girls lang ang wala kasi kami raw ang so-called hostess and audience.

"Okay! Okay! Game!" sigaw ni Melanie, nakataas ang kanang kamay habang nakatitig sa phone niya at parang naroon ang binabasa. "Sino!"

Clark made a drumroll sound as he tapped his fingers in the air.

"Sino ang pinakanakakabuwisit sa barkada?" panapos ni Melanie.

The boys wrote on the board and I peeked at Kuya's answer. He wrote Clark.

"Jae, hula." Melanie pointed the mic at Jaesie as if she was really hosting a TV game show.

"Clark," Jae answered.

"Grabe naman," nakangising sagot ni Clark habang nakatitig sa board niya.

"Ky?" Mel pointed at Kyline.

"OMG. Wait . . . Clark is makulit, e."

"Two points kay Clark!" Mel shouted. "Ikaw, bebegerl." She pointed the mic at me.

"Uh . . . si Kuya?"

"HAHAHA!" the boys laughed all together.

"Ay, grabe!" Mel yelled once again and the boys showed their answer.

"Early Bird, Rico, Ronerico Dardenne, Ronerico, Master Chef, Clark."

Gulat na gulat silang tumingin kay Kuya sa tabi ko.

"Hoy, grabe! Seryoso ba 'to? Dino-dogshow n'yo si Daddy Rico, ha," Mel said, grinning.

"How dare you, people?" di-makapaniwalang sagot ni Kuya sa kanilang lahat.

"Dude, let me explain!"

The boys were all smiles as they defended their answers to Kuya. Kahit tuloy kami natatawa sa kanila.

"Will, explain," Mel said, and let Will speak.

"Si Rico ang pinakanakakabuwisit kasi kapag nagtanong ka sa kanya, kakalkalin niya lahat. Yung wala naman sa topic, ida-drop niya. Real talk kung real talk pa. Hindi siya tatagal sa usapan nang hindi siya nananalo."

"Hahaha, I second the motion!" Jae laughed and punched Kuya's arm.

"Nakakabuwisit kausap si Rico kasi gusto ka niyang hulihin sa sarili mong bibig," sabi ni Leo. "Maganda siya kausap kapag business and serious matter. Pero kapag personal, iwasan mo kundi mabubuwisit ka lang."

"Come on, guys." Kuya definitely couldn't believe what he was hearing right now.

They all have the same answer. Nakakabuwisit naman kasi talaga kausap si Kuya, buti hindi lang ako ang nakaka-feel n'on.

"Okay, next question!" Melanie continued. "Sino!"

Another drum roll from Clark.

"Sino ang pinakamagastos?"

"Magastos in what sense?" tanong ni Patrick.

"Sa babae, sino?"

They wrote on the board and I peeked at Kuya's answer again. He answered Leo.

My eyebrows met because of that. Ang alam ko, si Leo ang pinakakuripot sa kanilang lahat.

"Girls, sino?" tanong ni Melanie. "Ako, si Pat. Gastador 'to, e."

"Rico," Jae said.

"Patrick?" Kyline answered with doubt.

The boys showed their answers.

"Leopold, Leo, Leo, Leopold Scott, malamang ako, Pareng Leo."

"Bakit si Leo?" sabay-sabay naming tanong na mga babae.

"If we're gonna based on the expenses, ha," Kuya started, "si Leo talaga. Probably because he had Kyline when he was twenty. Ako, recent lang kami ni Jaesie. Yung franchise ko, hindi 'yon considered as expenses kasi may ROI ako roon. So basically, hindi siya gastos after I got my money in return."

"Same reason kay Early Bird," Patrick said. "Ginagastusan ko rin naman si Melanie sa dates namin before, but not to the extent na monthly akong naglalabas ng pera. Si Leo kasi, siya ang bumibili ng plane tickets ni Kyline saka pocket money, and sometimes, kasama si Eugene. So accumulated expenses na walang return, as in pure gastos lang, si Leo talaga."

"Ooohh . . ." Even Kyline didn't know about that. Or maybe she knew, but since rich guys sina Kuya at Patrick, baka na-overestimate niya.

"Okay, next, game." Melanie scrolled down her phone and shouted again. "Sino!"

Another drum roll.

"Sino ang pinakamaraming naging jowa!"

Tawanan sila nang tawanan at hindi ko alam kung sino ang isasagot aside kay Patrick na crush ng bayan.

"Crush ng bayan, lady edition, sino ang hula mo?" interview ni Mel kay Jaesie.

"Mel, really, ha?" natatawang sagot ni Jaesie. "I'll go with Patrick."

Puro kami Patrick, but the boys said otherwise.

"D, Calvin Dy, D, Calvin, Vin, the one and only Calvin Dy ho-ho. Bakeeeet?" biglang sigaw ni Mel. "Hindi ba si Patrick?!"

"I'll explain why not me," Pat started. "That time na nakipag-agreement sa amin si Calvin para sumama sa group, single kaming lahat n'on. NBSB kaming magbabarkada. Sumama sa amin si Calvin just to get more girls pa. Nagka-girlfriend lang ako during my second year, second sem. Then . . . I stopped entertaining girlfriends after 25. So more of flings na lang, walang commitment. Si Calvin kasi until now, may girlfriendsssss pa rin hahaha!"

"Uy, in fairness, ngayong month, wala, ha," Mel said and pointed her mic to Calvin. "Bakit wala? Takot ka kay Daddy?"

"Sira." Kinurot ni Calvin ang pisngi ni Mel. "Kaya ako walang girlfriend ngayon kasi ang hirap mong alagaang babae ka!"

Tawa kami nang tawa nang sunod-sunod na dropping sound mula sa mic ang narinig sa speaker habang pinupukpok ni Mel si Calvin sa balikat at braso.

As far as I know, Calvin was helping Patrick to take care of Melanie. Although, buong barkada naman ni Kuya ang naka-assist sa kanila, but hands-on kasi si Calvin compared sa iba. Siguro kasi special talaga for them ang baby ni Mel.

After Mel and Calvin's mini-wrestling moment, she came back with her questions.

"Sino!"

Another drum roll, but this time, it was Will and his exposed legs as his drums.

"Sino ang pinakamayabang?"

"Ay, isa lang! Namumukod-tangi!" sabi ni Clark kaya nagtawanan ang boys.

Puwede bang sabihing si Kuya? Naiirita kasi ako sa kayabangan niya, e.

"Girls, sino?" Mel asked.

"Si Pat?" Jae and Ky answered.

"Not really mayabang, ha," Kyline defended. "I mean, Patrick has so many rights to be. So parang bagay sa kanya."

"Kyline, for real?" Patrick couldn't believe what Ky said.

The boys showed their answers and us, the girls, weren't shocked either.

"Daddy Rico por da win, Rico, Ronerico Dardenne, Early Bird, me for sure, Rico pota walang aangal kundi sasapakin ko."

Kuya shrugged as if he had accepted the truth beforehand.

"Magtatanong pa ba kami kung bakit?" sarcastic na tanong ni Mel.

"I'm a Dardenne. It's a must," Kuya said confidently.

Jaesie looked at Kuya with disgust and annoyance. At asawa siya ng kapatid ko, ha. "Huwag na kayong magtanong. Pakiramdaman n'yo na lang," naiiritang sabi ni Jaesie sa amin.

"Game! Next, sino!"

Clark and Will made a drum roll together.

"Sino ang pinaka-affectionate and sweet?"

"Sa babae?" tanong ni Calvin.

"In general. Alam ko namang selective ang sweetness n'yong mga talipandas kayo," sabi ni Mel sabay paikot ng mata.

I was thinking about Will, and when the boys revealed, it was really him.

"William, Will, William Vergara, Will, Clark, Will."

"Wow, deserved," Jaesie said.

"Bakit si Will?" tanong ni Mel.

Si Leo ang naunang sumagot. "If we want someone to talk to without judgment, si Will talaga."

"Yeah, agree."

"Same."

"No doubt."

"E, bakit si Clark ang sagot mo, Will?" tanong ni Mel.

"Uhm . . ." Napatingin si Will sa itaas at nag-isip ng isasagot. "Actually, in general, lalo sa barkada, si Clark talaga, for me. Malamang kasi mas madalas kaming magkausap dahil nga halos lahat ng activity ko, activity rin niya. Kapag may kulang ang isa, sinasalo agad niya. Mabilis siyang mag-adapt. Siya ang pinakamadalas mag-sacrifice sa barkada kung tutuusin. Time, attention, connections. Hindi lang siguro halata kasi madalas siyang nagbibiro, pero wala itong barkada kung wala si Clark. Siya ang pinaka-binder namin. Mas affectionate si Clark para sa akin."

"I'll agree," Patrick seconded, and he was serious. "Dude, di ba, you said, gusto mong mag-army after grad. But you took up caregiving kasi sabi ko, wala akong personal nurse."

"Ang tagal na n'on!" nakasimangot na sagot ni Clark.

"Just so you know, guys, Clark failed his first year college because I failed my first year," Will added, and that gained silence from us just to listen.

"Dude . . ." Umaawat na si Clark. Umiiling na siya habang nakangiti nang sobrang pilit.

"Nah, dude, I know matagal na 'to, but big deal sa 'kin 'to kasi alam naman ng barkada na hindi ako ang pinakamatalino. Ilang beses akong bumagsak sa ilang subjects ko during college years," kuwento ni Will, at tahimik pa rin kaming lahat. "Hindi siya nag-take ng finals para lang masamahan akong mag-summer class. Si Leo, pampasabog ng utak ang course na tine-take niyan pero pumasa. Si Patrick, sinisiw lang, may breakdowns pa siya n'on. Si Rico, hindi na namin itatanong kasi hindi pa siya nagka-college, alam na niyang papasa siya sa exams niya. Buong barkada, mag-a-agree kapag sinabi kong si Clark ang pinakamautak sa aming lahat, pero hindi joke na ibabagsak mo ang isang sem mo para lang masamahan ang barkada mo sa failure niya."

Lumapit si Clark kay Will at pa-joke pa siyang umiyak habang niyayakap si Will mula sa gilid. "Haylabyu, dude. But I accept cash."

Hindi kami makatawa kahit nagbibiruan sila. Probably because that was a huge sacrifice for Clark.

And hirap mag-college, and it wasn't a joke to take that lightly. But Clark failed a whole sem just to let Will feel that he wasn't alone in his struggle.

"Tinulungan naman kami ng buong barkada sa review," dagdag ni Will. "Hindi lang naman si Clark. But I appreciate it a lot."

"Ako rin, no joke, pero thankful ako kay Clark," biglang pagsingit ni Leo. "Noong time kasi na depressed si Kyline after manganak, problema ko talaga kung sino ang mag-aalaga kay Eugene. E, ayoko ng nanny na ibang babae. Si Clark ang nandoon para mag-alaga sa anak ko."

Biglang lumapad ang ngisi ni Clark, at imbes na ma-touch kami, parang hindi maganda ang resulta.

"Kaso, 'tang ina, one week pa lang, ayaw nang magpakarga sa amin ni Eugene. Si Clark lang talaga ang gusto niyang kumakarga sa kanya."

"Huy, gago, ang dami kaya naming tricks na nagawa ni Eugene! Favorite ko nga yung 'play dead' para tulog agad."

"Ulol! Ginawa mong aso anak ko." Saka pinagbabato ni Leo ng balat ng peanuts si Clark na katabi ko lang. "Kaya ayokong ibigay sa 'yo si Luan, e."

"Hahaha! Kyline, hindi pa naman kayo kasal ni Leo. Ako na lang pakasalan mo! Kahit saang simbahan pa, basta ikaw!"

"Gago, tigilan mo asawa ko, ha!"

They were laughing at it, but I couldn't. Napasulyap ako kay Kyline na tumatawa lang sa kulitan nila.

Maganda si Kyline, maraming reason para magustuhan siya. Sobrang bait at hinhin pa. Something na hindi ako at hindi ko magagawa kasi hindi ako gano'n.

Nalipat ang tingin ko kay Clark na tawa lang nang tawa.

Paano niya nagagawang sabihin 'yon habang katabi lang niya 'ko knowing na ina-arrange nga ni Mum ang kasal naming dalawa?

Biglang sumamâ ang pakiramdam ko. Ewan ko pero tumayo na 'ko at umalis doon. I was expecting na may sisigaw para pabalikin ako, pero wala.

That wasn't my circle, though. Hindi ko sila friends. Siguro, sila-sila lang ang nagkakaintindihan sa jokes nila.

I was disappointed. It was more disappointing than seeing them with naked girls dancing around them.

Sana hindi na lang ako sumama.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

117K 2K 48
Love comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes d...
36.1K 832 27
Serano #1 (Completed) The sadness of Bullet It's really for me; I bet Is this what I get? I wish we didn't met Bullet of Pain How can I restart...
8.4K 640 15
[COMPLETED] Ike Sonja Claveria is Galeley's "Ex", and a few weeks before summer ends, Gal is tasked to do this challenge: Be Ike's girl for a whole d...
3.6K 424 52
SWEAT BOYS SERIES 01 COMPLETED- DECEMBER 25, 2020- MAY 3, 2021 By Tatterdemalion