H A U N T E D (NGS #11)

By Ineryss

2.4M 74.9K 32.6K

Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl... More

H A U N T ED
P R O L O G U E
1st Haunted
2nd Haunted
3rd Haunted
4th Haunted
5th Haunted
6th Haunted
7th Haunted
8th Haunted
9th Haunted
10th Haunted
11th Haunted
12th Haunted
13th Haunted
14th Haunted
15th Haunted
16th Haunted
17th Haunted
18th Haunted
19th Haunted
20th Haunted
21st Haunted
22nd Haunted
23rd Haunted
24th Haunted
25th Haunted
26th Haunted
27th Haunted
28th Haunted
30th Haunted
31st Haunted
32nd Haunted
33rd Haunted
34th Haunted
35th Haunted
36th Haunted
37th Haunted
38th Haunted
39th Haunted
40th Haunted
41st Haunted
42nd Haunted
43rd Haunted
44th Haunted
45th Haunted
46th Haunted
47th Haunted
48th Haunted
49th Haunted
50th Haunted
Epilogue

29th Haunted

44.8K 1.5K 770
By Ineryss

Haunted

Cruel

Halos umungol ako nang kapain ang pumipintig na ulo kinabukasan. I couldn't recall what we did but everyone passed out!

Pumipikit pa at halos walang ideya sa nangyayari sa paligid nang makapa ko ang matigas na bagay sa gilid.

I curiously opened my eyes and saw someone's back. Mabilis ang aking pagdilat lalo na't lalake iyon at topless pa!

What the hell?! Tumili ako at nalaglag sa kama sa sobrang pagpapanic. The guy groaned and glanced from the side to change the position of his sleepy head.

What the hell?! Tiningnan ko ang sarili at hindi naman ako hubad. Umahon ang ulo ni Louisse sa kabilang kama at umungol din nang kapain ang ulo na pumipintig.

Tumayo ako at tiningnan ang kama nang mapagtantong sa gilid ay walang iba kundi si Vanessa. She's naked! Oh damn her! Did they do it beside me?! Mga walanghiyang ito!

"Look!" I pointed the foreigner who's sleeping peacefully on the bed.

"Oh my gosh! May nangyari sa inyo?!" si Louisse na nagpanic din.

Umiling agad ako at itinuro si Vanessa na mukhang hindi niya napansin. Her face calmed down. Muli niyang kinapa ang ulo habang ako naman ay medyo nabubunutan ng tinik.

Oo gusto kong makipagbreak kay Roche pero hindi sa ganitong paraan 'no!

Matalim ang tingin ko kay Vanessa nang siya naman ang nagising. Nasa sala na kami ni Louisse at nakaupo sa sofa lalo na't nag-order agad ng maiinom at makakain para mawala ang hang-over.

"You bitch!" I glared at her.

"He's Italian! Hindi ko napalampas lalo na't ang pogi..." nangingiti niyang sabi at naka t-shirt at panty lamang.

Huling nagising si Hailey. Kita namin ang pagiging kuryoso niya sa lalake at wala sa sarili pang tinuturo ang kuwarto. Nginuso naming dalawa ni Louisse si Vanessa na busy sa telephone at nag-oorder ng makakain niya.

"Akala ko..." Hailey smiled at me meaningfully.

"Gaga. Hindi kaya ng konsensya ko 'yon..."

"Pero 'yung iba kaya nila," si Louisse na umagang umaga, bitter agad.

Sumimsim ako sa aking kape nang ang lalake naman ang nagising. We looked at him curiously. Isinuot niya ang t-shirt at dala dala na rin ang iilang gamit na nagkalat pa pala sa sahig ng aming room.

"Good mornin'," he greeted and looked at us one by one.

Hindi ako sumagot. Silang tatlo lamang ang ngumiti at bumati. Walang balak magsalita kung ano man ang nangyari at sigurado akong wala ring may gustong magpaalala.

"I should go..." he said and stood after wearing his shoes.

Si Vanessa ang naggiya sa kanya palabas. Nagtinginan si Hailey at Louisse sabay bungisngis.

"He's hot..." si Hailey.

"And probably good. Lucky Vanessa..." tawa ni Louisse.

Hindi na ako sumali sa kanilang katuwaan kahit ilang minuto iyong naging topic lalo na nang bumalik si Vanessa at nagkwento sa nangyari.

"Sa tabi ko talaga!" reklamo ko.

"Tulog ka naman. At sa sofa namin iyon sinimulan 'no..."

Our trip continued. And everytime I'll vent out my frustrations whenever I'm drunk, I realized the painful reality.

You can't always get the same energy no matter how you exert effort when it comes to their own problem.

Tumigil ako sa pag-iyak when my drama got interrupted by Vanessa who started ranting her problems too. We are all drunk so we're not on our senses.

I want the spotlight so much. I want them to focus on me first because it's killing me. The pain is throbbing inside my chest and I need to vent it out but... it felt like a burden to open up to the people who are loaded with problems too.

I wish I have my other version as a friend. I wish I get the hype whenever I want to pursue the dreams I want.

Am I being petty? Dapat bang baliwalain ko nalang itong nararamdaman ko? Lalo na't sa mga naririnig ko, parang mababaw at kaartehan ko lang naman.

But this isn't how Roche give advices. No matter how small it may seem to me, no matter how nonsense it may sound, no matter how petty it may appear to someone else, he will never invalidate my pain.

Sa kanya ko natutunang pahalagahan at bigyang pansin lalo ang sarili ko dahil alam ko, kahit maliit lamang tingnan sa ibang tao, kahit parang kaartehan lang naman, may karapatan akong masaktan. May karapatan akong umiyak.

Maybe there are friends you can always count on when you want to have fun. But those friends you can rely on when times are tough... that's rare.

I stopped talking about it. Pinilit ko nalang mag-enjoy, aliwin ang sarili at huwag isingit ang problema ko. I'm here to distract myself right?

"OMG! Look! Roche viewed my story!" wagayway ni Vanessa sa kanyang phone nang nasa Venice kami.

Kumakain ako ng gelato at sa taranta ko sa kanyang sinabi, natapon pa! Kumuha ako ng tissue sa aking signature bag na nakasabit sa aking palapulsuhan habang sina Hailey at Louisse ay nakikisilip na sa phone ni Vanessa.

"Ano bang story mo?" tanong ko habang abala pang punasan ang sarili.

"'Yung kagabi! Noong sumasayaw tayo sa isang Club!" saka niya hinarap sa akin ang screen ng kanyang phone.

It was my usual self. Tumatawa habang sumasayaw. But the worst part there, some group of guys were taken on the video behind my back and they're looking at me while dancing too.

"Delete it, Vanessa!" lapit ko lalo na't baka kung anong maisip ni Roche.

"What's wrong with this? Is he a jealous man? Akala mo naman talaga hindi 'yon fuckboy! He's worst than this on Clubs!" halakhak niya at inangat ang kanyang phone.

"That was before when we're not in a relationship so he has the rights to party. Kaso iba na ngayon. At pangit tingnan!"

"Alright, alright! I'll delete it! Geez..." saka niya inabala ang sarili na pindutin ang cellphone.

"What's with you, Cassey? You seem off. Iniiyakan mo na nga tuwing lasing ka, ngayon ganito kana ka... paranoid?!" she chuckled and shook her head.

Really? Hindi ko naitago ang iritasyon ko habang si Louisse ay papalit palit na ang tingin sa amin, si Hailey na medyo natatawa rin.

"Inlove na inlove ka doon, Cassey. You know his records in girls. Hindi natin alam..." sabay angat ng kilay ni Hailey.

"Malay natin nagch-cheat na 'yon behind your back. Their circles are wellknown not just for being a troublemaker but also a hustler in girls. They're experts. Narinig mo na bang may mga girlfriend ang mga 'yon na sineryoso? None," si Vanessa na ngayon ay ibinabalik ang phone sa kanyang bag.

"Guys... let's buy more gelato. Kulang lang tayo ng matamis..." si Louisse na pilit pinapahupa ang nagsisimulang tensyon.

It felt like a mirror. A mirror of my past self. The judgements... the accusations... the toxicity. It reminded me how I acted when Chey was having issues with Grey. Naia being friends with Ken's circles... and my former friend Almira having a crush with Wayt.

And I couldn't judge their opinions and reactions because this is my circle. This is how we viewed things. We are all in the same page, same boat, and same judgements. They're me from the past.

Siguro nag-iba lamang ako dahil may taong nagpaliko ng mga iniisip ko ngunit ganito ako noon. At mas masahol ako. Alam kong ako ang pinaka malala.

I want to get mad but the disappointment lingered more. Naririnig ko naman ang sabi sabi, ang mga pangit na sinasabi ng lahat sa circles ko, lalong lalo na sa akin. But I never realized it. Ngayon lang na ako mismo ang nakarinig sa mismong opinyon namin sa tuwing may ganoong sitwasyon kaming nababangga.

My mistakes was like a ghost straight from the past who's seeking for its justice. Marami akong pagkakamali noon na hindi man lang naitama, at hindi inamin.

Iniisip ko ang iniisip ni Roche ngayon sa akin. He's probably thinking I'm having too much fun that I forgot to message him. I forgot to check on him. I forgot to update him. I forgot that he's my boyfriend.

"Cassey do you have an extra? Pwede ikaw sa tix ko pauwi? I'll pay you once nasa Manila na tayo I promise..." si Vanessa nang bumibili na kami ng ticket.

"Sure!" I smiled a little.

Hindi lang ata souvenirs ang mga pasalubong ko lalo na't pati sama ng loob ay binaon ko na rin ata. Hindi ko alam kung para saan lalo na't sa dami daming naisip ko, parang ang hirap isa-isahin.

Humihikab pa ako at nakikipagyakapan sa mga kaibigan ko para magpaalam sa airport ng NAIA nang mag beep ang aking cellphone.

Hindi ko muna iyon ch-in-eck at nakaidlip pa saglit sa sumundong family driver. Dumeritso ako sa bahay. Si Mommy na nasa sala at abala sa mga papeles ang nadatnan ko.

"Cassey!" she stood.

Noong umiyak ako kay Dad, basang basa ko agad na makakarating iyon kay Mommy. They're probably curious. Mababaw naman lagi ang luha ko pag stress ako ngunit alam ko, nag-aalala siya.

"Do you want to talk to me, hija?"

I sighed and hugged her. Pagod ako. At parang natuyo na ang luha sa aking mga mata.

"What's the problem? Are you worried with what happen to your cousin? You know I won't let that, hmm? Stop being stress, okay?"

I smiled and nodded. Hindi ako tuluyang humiwalay sa kanya. Niyakap ko ang kanyang baywang. Hinila niya ako paupo sa sofa.

"Mom..."

"Hmm?"

"I want to break up with Roche..."

"For what reason? Because he's a gardener? Hija... we know how much you like the idea of dating these elites—"

"That's my young self, Mom..." I confessed weakly.

Natigilan siya at dinungaw ako.

"Hindi 'yun ang rason?"

Umiling ako at mapait na ngumiti. Kita ko ang medyo pagkalito niya.

"He didn't like your instagram photos?" hula niya na medyo ikinatawa ko.

God. May ganoon ba akong moments? That's probably my seventeen-year-old self?

"Because I feel like I'm a burden to his dreams?"

"Burden?"

Tumango ako at pumikit. I rested my head against her soft chest. Hinawakan niya ang aking ulo at hinagkan iyon.

"Mapapanatag ka ba kung makikipaghiwalay ka?"

"Maybe?" namamaos kong sagot.

"Nandito siya kahapon, Cassey. I told him ngayon ang uwi mo. Kaya sigurado ako... nandito ulit siya mamaya."

I shut my eyes miserably. Oh how I missed my younger days. Parang mas gusto kong problemahin iyong out of stock kong toiletries kaya nagpapanic buying ako pag may stock na ulit. Ganoong problema lang ata ang nagpapasakit ng ulo ko. Hindi katulad ngayon na pakiramdam ko, pasan ko na ang buong mundo.

"I will talk to him," daing ko.

"Explain the real reason, okay? I know you when you're hurt, Cassey."

Kung noon ay madrama akong gumagawa ng script at may saulo na sa aking isip, ngayon ay tanging sarili at lakas ng loob lang ang baon baon ko. Hindi ko alam kung handa ako. Hindi ko rin alam kung makakausad ba agad ako pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa.

Is this what they called adulting? I'm not yet on my twenty-five but I felt like I'm already on my thirties. Kasi parang ang stress ko na.

Nagpahinga ako buong araw. Noong magising ay halos hating-gabi na. Mahaba ang aking tulog, dala na rin siguro ng pagod.

Tiningnan ko ang screen ng aking phone. Nakita ko ang mga text niya.

Dreyden:

Your Mom told me you're resting.

Dreyden:

I just want to check on you. Is it okay to see you for a while hmm? I promise it won't take long.

Bumangon ako at dinala ang aking cellphone lalo na't nauuhaw rin. Nagtipa ako ng mensahe.

Ako:

Just woke up. Sure. Gusto ko ring mag-usap tayo

Ibinaba ko ang phone at binuksan ang ref. Kinuha ko ang pitsel ng tubig nang mapansing umilaw ang aking phone at bumalandra ang kanyang tawag.

Kumunot ang aking noo lalo na't halos ala una na ng hating gabi. Bakit gising pa rin siya?

Ibinaba ko ang pitsel sa table at kinuha ang aking phone. Sinagot ko ang kanyang tawag saka ko inilagay iyon sa aking tainga.

I heard him sighed. Like he's relieved that I answered his call this time.

"Cassandra," he called softly.

Nanginig agad ako. Ang dami kong gustong isumbong sa kanya. Gusto kong maglabas ng sama ng loob ngunit alam kong hindi iyon makakatulong ngayon.

"Why are you still up?" pilit kong tanong sabay tikhim.

"I'm still outside..." he whispered.

"Outside?" kumunot ang aking noo.

"Nakausap ko ang Mommy mo kanina. Tulog ka pa raw. Uuwi na dapat ako kaso..."

My eyes slowly widened. Mabilis akong nagtungo palabas.

"This is enough. I just want to make sure you're fine. You should rest more. You're probably tired..." aniya.

"R-Roche," pigil ko lalo na't mukhang nag-aamba na siyang umalis.

"Hmm?"

"Can we talk? Now," sabi ko at kinuha na ang susi ng gate.

"Are you sure? Pwede akong pumunta ulit dito mamaya..."

Umiling ako at tuluyan nang lumabas ng bahay. Nagtungo ako sa gate at binuksan iyon. Ang lamig ng hangin ang agarang sumalubong sa akin dahil na rin sa sleeve less satin top at shorts short na aking suot.

"I'm sure..." saka ko nakita ang umiilaw na kotse sa gilid na naka park.

Nakita ko siya sa driver's seat. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang kanyang kabuuan.

Naka white shirt ito at medyo magulo pa ang kanyang buhok. Namumungay ang kanyang mga mata nang magtama ang tingin namin.

I slowly step forward. Mabilis ang kalabog ng dibdib ko. Lumakad siya ng kaonti at ramdam ko ang kagustuhan niyang salubungin ako but he restrained himself from doing it.

Sumandal siya sa ulo ng kanyang kotse at tinitigan ako nang malalim. Lumunok agad ako dahil pakiramdam ko, tila ba may ideya siya sa gagawin ko kaya ganoon siya makatingin.

I stopped infront of him. Hinaplos niya ang aking siko at marahan akong hinila patungo sa kanya.

"Closer..." he whispered.

Humakbang ako ng kaonti. Yumuko siya at hinagod ng halik ang aking pisngi. Iniwas ko ang tingin ngunit wala sa sarili ring naiwas ang aking ulo. I felt how he stopped and looked at me.

"We have a problem?" banayad niyang tanong.

"Baka... busy ako ulit... sa mga... ano..." fuck it!

"We'll postponed our plans? The beach? Picnic? Travel?" he reminded.

Tumango ako at pumikit. "Nagbabalak kaming pumunta sa California at uh... baka..."

Tumango siya kahit wala pa akong naidudugtong.

"It's fine. You need it."

Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Nasa dulo na ng dila ko ngunit sa paraan ng pagsagot niya, mahirap deritsuhin.

"So how's your trip with your friends? I saw it. You had fun..." he smiled.

Naalala ko bigla ang frustration ko.

"Bakit ka naka view sa story ng mga friends ko?" matabang kong tanong, hindi pa rin makatingin sa kanya.

"I was curious coz you're not sending some pictures..."

Mabilis ko siyang tiningnan.

"Kaya hahanapin mo ako sa friends ko? I told you I need space!" giit ko at gustong umatras sa iritasyon.

"I know. I'm sorry. I just want to check on you. I didn't message her..." saka niya muling hinila ang aking siko papalapit sa kanya sa marahang paraan.

Umiling ako. "Hindi mo naiintindihan eh! Ang sabi ko gusto ko ng space! Gusto ko munang hayaan mo ako!"

"I understand... come here. I miss you so much," mas lumambot ang tinig niyang may pagsusumamo.

Umiling ako lalo na't naipon na ata ang frustrations ko. Sa mga araw na hindi ko mailabas ang saloobin ko, sa mga araw na pilit kong sinasabi sa ibang tao ang nararamdaman ko at wala akong nakukuhang matinong sagot, sasabog na ata ako.

"I'll wait until you're not busy. Don't worry. You can always do the things you want, Cassandra. I won't stop you..."

"But you're getting clingy! Viniview mo ang story ng friends ko! Alam mo ba ang nararamdaman ko doon? Tapos ngayon... nandito kana naman! Dumadagdag ka pa sa alalahanin ko eh!"

"What's the matter, Cassandra?" Napatayo siya nang makita niyang pinagsasalo ko na ang sunod sunod na patak ng luha ko.

"Ayoko na, Roche! Pagod na ako!" atras ko ngunit sa sobrang gulat at lito niya sa sinabi ko, mabilis niyang hinawakan ang pulso ko.

"I want my space so much! I want to travel! I want to explore! At... simula noong naging tayo, parang nakalimutan ko na ang iba kong mga pangarap. Simula noong naging tayo, wala akong ibang ginusto kundi manatili sa Warehouse kung nasaan ka! Umiikot nalang ang buhay ko sa relasyon natin at nasasakal ako dahil hindi iyon ang totoong pangarap ko. Hindi iyon ang gusto ko," tulak ko sa kanyang kamay nang mag-amba siyang tumulong sa pagpalis ng mga luha ko.

Kita ko ang gulat niya ngunit ramdam ko kung paano niya iyon nilulunok at sinisikap na kontrolin ang emosyong kumakatok palabas.

"Travel. Paint. Have fun with your friends. Enjoy your own company. You know I will not stop you, Cassandra. You don't have to worry about those things—"

"And how about our relationship, huh? Nakita mo ba ang takbo ng relasyon natin?! Nagtatrabaho ka sa halip na... sa halip na ikaw ang kasama ko sa pagtatravel. You want me to settle for less and I hate it... I despise lowering my standards just so you can fit in!"

I saw how his shoulder loosened. Kung kanina ay kaya niyang hawakan ang siko ko, ngayon ay bigla niya iyong naibaba. It's like he's too hurt to hold me with full strength.

"You are willing to settle for less! Kaya hanggang ngayon, nandiyan ka sa Warehouse na 'yan! Iangat mo naman ang sarili mo dahil hindi ko kayang manatili roon habangbuhay, Roche! Hindi ko kayang magpanggap na ayos lamang ang lahat ng ito ngunit hindi! Pati ako nadadamay dahil nasa ibaba ka! I couldn't get to the top because this relationship is dragging me back to you!"

His lips parted. I saw my own reflection in his pained eyes. Gulat man sa sarili kong mga sinabi, ngunit hindi ko na iyon mababawi.

"Who told you?" kita ko ang galit sa mukha niya.

Umiling ako.

"Who fucking told you, Cassandra. Was it Crius?" his jaw clenched. "Stop fucking lying. I know what you're doing."

"Iyon ang nararamdaman ko sa relasyon natin, Roche. You know how much I want to succeed. You know how much I want to pursue my dreams! You know how it was frustrating to me when all I can do is to support them! At nakakainis dahil nagiging hadlang ang relasyong ito para sa mga gusto ko! Nakakainis dahil kailangan kitang unahin bago ang mga pangarap ko!"

He fixed his gaze on me. He was angry, yet he seems to be severely damaged. But I've made my decision, and I don't think I can change it. Walking away is the best—or perhaps the worst—decision I've made tonight, but I know it was the right choice.

"You're purposely hurting me..." his jaw clenched repeatedly.

Iniwas ko ang aking tingin ngunit matayog ang paninindigan sa gustong mangyari.

"Umalis kana. Tapos na tayo," matigas kong sabi.

He stood up and chuckled sarcastically. Halos kabahan ako sa namamaos niyang tinig na humahalo ang galit at sakit. Namulsa siyang naglakad patungo sa driver's seat at binuksan iyon sa galit na paraan. Ngunit hindi agad siya pumasok at nanatili pa sa pagitan noon, tumingin sa akin ngunit masyadong matabang ang hilaw na ngiti.

"Funny coz I can sense you're lying but it still hurts...." he smiled flatly.

Tumalikod agad ako at ayaw nang marinig pa ang iba niyang sasabihin dahil baka hindi ko mapanindigan ang katapangang pilit kong sinusuot. Mariin akong pumikit, naikuyom ang mga kamay.

"Mas madali bang durugin ako para mabitiwan lang kita, huh? You're damn cruel, Cassandra..."

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 267 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
77.1K 4.6K 18
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.8M 113K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...
4.8M 138K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...