You're My Missing String [GYT...

By gytearah

8K 91 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 08

155 1 0
By gytearah

CHAPTER 08 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Sabihin mo na sa amin kung nasaan ang Tatay mo, Quinto."

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya, kahit patayin niyo pa ako ngayon hindi ako aamin dahil wala akong dapat amin, paano ko naman malalaman kung nasaan siya e magkaiba kami ng kulungan." Sagot ni Mike kay Tito Drammy.

"Ibalik niyo na siya sa kulungan Tito, tama naman siya e, hindi niya malalaman kung nasaan si Rumel, magkalayo ang kulungan nila."

"Kapag ibinalik natin siya sa kulungan Tyra, tatakas lang ulit 'yan at baka nga itakas pa ng Tatay niya, mabuti na 'yong nandito siya para kung sakaling may gawin si Rumel ay may alas tayo, nasa atin ang anak niya."

"Mukhang wala naman po tayong mapapala sa lalakeng 'to Tito, umuwi na po tayo." Yaya ni Gwy

"Mabuti pa nga, doon na lang natin ituloy ang hapunan. Ibalik niyo na 'yan sa kulungan niya, bigyan niyo ng sapat na pagkain at tubig, h'wag hahayaang makatakas." Utos ni Tito Drammy

"Ikamusta niyo na lang ako kay Lyra, BWAHAHAHAH!"

"Tara na, malayo-layo pa ang byahe natin, kumain na lang ulit tayo pagdating sa bahay." Sabi ni Tito at ipinagbukas kami ng pinto. 

"Hindi ako nabusog, nakatitig lang ako kay Mike, wala siyang alam pero ako alam ko kung nasaan si Rumel."

"Sigurado ka ba Gwy? Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ni Tito

"Magtiwala na lang po kayo sa kanya Tito." Sabi ko

"Pagtingin nga ng likod mo."

"Kulay pula pa rin ba?"

"Oo, ipa-check up mo na kaya, baka allergies 'yan."

"Ayoko, natatakot ako."

"Ano ka ba Tyra, check up lang naman."

"Ayoko nga, normal lang siguro 'to atsaka ang dami ko pang gagawin, hahanapin ko pa ang kwintas ko."

Saan kaya ako mag-uumpisang maghanap? "Gwy, titigan mo nga ako ng matagal."

"Ginawa ko na 'yon, hindi ko makita, malayo."

"Malayo ba talaga o ayaw lang gumana sa akin?"

"H'wag ka nga maingay, baka marinig ka. Nakalimutan mo na bang nasa kotse pa rin tayo?"

"Ikaw kaya nagsimula d'yan, tulog naman si Tito Drammy e."

"Eh si Tito Chordie?"

"Wala siyang alam dun." Bulong ko, sa daan naman naka-focus si Tito Chordie at saka mahina naman ang mga boses namin. 

"Tyra, hindi ba tayo normal?"

"Normal tayo, may espesyal na kakayahan lang." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit kami ganito, ipinanganak kaming may kakaibang kakayahan ngunit mayro'n ding mga kahinaan.

"Gwy, Tyra, gising na, nandito na tayo sa bahay."

"Kuya Drammy, ginabi na kayo ah, saan kayo galing?" 

"May pinuntahan lang kami nitong kambal." Sagot ni Tito kay Tita Rainne.

"Chordie, pasok ka muna at maghapunan."

"Hindi na Kuya, hinihintay na rin ako ni Melody. Text mo na lang ulit ako sa susunod."

"Sige sige, salamat."

"Ingat po pauwi Tito."

"Halina kayo sa loob, may binili akong mga gamit para sa inyong dalawa, may dala rin akong prutas, nakakain na na kayo ng lychee?"

"Hindi pa po Tita Rainne, masarap po ba 'yon?"

"Sobrang sarap, pasok na tayo sa loob para matikman niyo."

"Mauna na po kayo, may titingnan lang po ako dito sa may garden." Sabi ko at inikot ang buong garden kung saan ako dumaan kaninang umaga nagbabakasakaling makita ko ang kwintas ko, hindi ako mapapakali hangga't hindi ko 'yon nakikita.

"Sana makita ko agad 'yon." Bulong ko habang nakatingin sa mga bituin.

"Alam mo bang paboritong tambayan ito ng Mama mo? Palagi siyang nakaupo d'yan sa inuupuan mo lalo na kapag bilog ang buwan."

"Talaga po? Siguro ang daming memories ni Mama sa lugar na 'to, namimiss niyo po ba siya?"

"Oo, sobra. Ang dami kong pagkukulang sa Mama niyo kaya sa inyong dalawa ni Gwy ako babawi." Niyakap ako ni Tito

"Pwedeng makisali? Gusto ko rin po ng yakap." Sabi ni Gwy at lumapit sa amin.

"Tito, pwede ko po bang hiramin ulit 'yong motor? Kailangan ko pong mahanap ang kwintas ko."

"Gabi na, baka kung mapa'no ka pa sa daan, bukas na lang."

"Opo."

"Pumasok na tayo sa loob, naghanda ulit ng hapunan ang Tita Alpa niyo, kumain na tayo para makapagpahinga ng maaga."

"Susunod na lang po kami Tito, ila-lock ko lang po ang gate. Gwy, mauna ka na sa loob."

"Hindi ako makahinga, Tyra."

"Ha? Uulan ba? Tara na sa loob."

Dere-deretso sa paglalakad si Gwy, tumigil siya sa tapat ng picture ni Mama at tumitig.

"Gwy, halika na dito." Tawag ni Ate Rainne pero hindi siya pinansin ni Gwy.

"Kain na po kayo, ako na po ang tatawag sa kanya."

Mahirap 'to, mukhang inaatake na naman siya. "Gwy, Gwy.."

"Oh?"

"Pigilan mo, pwede? Kakain na, h'wag kang pahalata d'yan." 

Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato. 

"Pagod lang po siguro siya sa byahe, paiinumin ko na lang po ng gamot."

"Kumusta ang lakad niyo? Naitanong niyo ba–"

Napatingin kami ni Tito Drammy kay Tita Alpa, hindi niya yata naalalang nandito si Ate Rainne.

"Opo, opo Tita pero wala raw po silang nakitang kwintas, bukas na lang po ako ulit maghahanap." Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Babalik daw ng sementeryo bukas si Tyra, mahal, baka doon nahulog."

Ang hirap talagang magsinungaling.

"Nawawala ang kwintas mo Tyra? Bibilhan na lang kita ng bago."

"Salamat na lang po Tita pero galing po kasi 'yon kay Papa e, kailangan kong mahanap 'yon."

"Galing kay Kuya Clefford?" Tumango ako.

Nakakunot-noo si Gwy, palinga-linga siya sa paligid at kanina pa siya tinitingnan ni Tito Drammy. "Sasamahan ko lang po si Gwy sa kwarto, babalik din po ako. Gwy, tara na sa kwarto, magpahinga ka na, pagod ka lang." Halos kaladkarin ko na siya papasok ng kwarto.

"Higa na, ikukuha kita ng tubig, nasaan na ba 'yong mga gamot mo?"

"Sino ka ba?!"

"H'wag ka nga'ng maingay, sige na, tulog na, paano ka na lang kapag wala ako?"

"Nasaan ba tayo?"

Hindi ako nakasagot, niyakap ko na lang siya. "Tatapusin ko lang ang pagkain ko tapos sasamahan na kita dito, h'wag kang lalabas ha, dito ka lang, dadalhan na lang kita ng tubig."

Ito talaga 'yong mahirap eh, hindi naman pwedeng kasama niya ako palagi.

"Kumusta ang kapatid mo? Ayos lang ba siya?"

"Opo Tito Drammy, h'wag na po kayong mag-alala, gano'n po talaga 'yon kapag pagod."

"Gano'n ba? Tapusin mo na rin 'yang kinakain mo at ng makapagpahinga ka na rin, ihahatid ko pa ang Tita Rainne niyo dahil masama daw ang pakiramdam ng Lola Rose niyo."

"Akala ko po dito kayo matutulog Tita Rainne, pupuntahan na lang po namin si Lola Rose sa bahay niyo sa susunod na araw."

"Sige sige, sasabihin ko kay Mommy, hihintayin namin kayo. Ate Alpa, magpapahatid muna ako kay Kuya ha, wala kasing kasama si Mommy sa bahay, nasa flower farm si Daddy ngayon."

"Sige, mag-iingat kayo."

Mag-aalas nuebe na, sana tulog na si Gwy.

"Ako na po ang maghuhugas ng mga plato Tita Alpa, parang umiiyak po si Clarry."

"Pupuntahan ko nga, ikaw na muna ang bahala d'yan ha."

"Opo."

Nine-thirty na ako nakatapos magligpit sa kusina, pabalik na sana ako ng kwarto pero– ''Ay multo! Ano ka ba naman Gwy, 'di ba sabi ko sa 'yo e h'wag ka na lalabas, doon ka lang sa kwarto, matulog ka na." Nakatitig na naman siya sa picture ni Mama.

"H'wag kang lalabas, dito ka lang, kukunin ko lang 'yong gamot mo." Napatakbo ako papasok ng kwarto, "Nasaan na ba ang mga gamot nun? Mefenamic, Memantine.."

Tumakbo ako ulit palabas. "Inumin mo na 'to Gwy, inumin mo na, kukuha lang ako ng tubig."

"Akala ko ba nagpapahinga na si Gwy. Oh, anong gamot 'to?"

Hawak-hawak ni Tito ang balat ng gamot na pinainom ko kay Gwy.

"Po? Ah, ano po 'yan, gamot po sa ano, sa puson po, masakit po ang puson ni Gwy, pinainom ko lang. Pasok na po kami sa kwarto, good night po Tito. Gwy, let's go."

Hindi pwedeng malaman nila Tito na may Alzheimer's ang kakambal ko.

* End of Chapter 08 *

A/N : Heyiee Chubbabies 💜 enjoy reading! Don't forget to vote and comment, keep rockin' rockerzz!! 🤘

>🎸

Continue Reading

You'll Also Like

3M 61.2K 58
Caroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcoho...
13K 57 5
Emma, an 18 year old school girl, lost her brother's cat due to negligence. Edward, the 20 year old older brother, was upset at first until he realiz...
384K 410 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
170K 186 12
This stories are not suitable for young readers.