Secretly Married To My Profes...

By EyeofMed

4.1M 135K 184K

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I h... More

Secretly Married to my Professor
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Wakas
Special Chapter-September
Special Chapter-Zahira
Special Chapter-Pamela

Kabanata 16

81.4K 2.9K 2.9K
By EyeofMed

***









"Are you okay?"





Nang kalauna'y ako na mismo ang nagtanggal sa kamay ni Zahira na nakahawak sa akin. Nakatingin lang si Clarence sa amin, siguro'y nagtataka kung bakit kami magkasama ngayon ng prof namin, at kung bakit ganoon na lang kung hawakan ni Zahira ang kamay ko.





"Ayos lang ako, m-ma'am Zahi." Sagot ko at napalunok, nag-iwas din ako ng tingin.





Siguro'y kung hindi lang namin kasama si Zeirah ay iniwan ko na si Zahira rito, baka umalis na ako. Nakakainis, bakit ba kasi sa dinami-rami ng lugar na pwedeng puntahan ni Clarence ay rito pa?





"Please, let's talk, Ember. Kahit saglit lang." Nandito na si Zahira at lahat pero heto pa rin si Clarence at patuloy na nagmamakaawa.





"Sinabi na niyang ayaw ka niyang makausap, Mr. Borja. Hindi pa ba malinaw iyon?" Sobrang lamig na sambit ni Zahira na ikinagulat ko, halata rin ang galit sa boses nito. "Let's go... Ms. Garcia." Saglit itong tumingin sa akin at maya't maya'y nakita ko ang pag-irap niya, gayon pa ma'y muli niya akong hinawakan at kinuha rin ang kamay ni Zeirah saka na kami umalis.





"Who is he, Ate Zahi? Is he your student? Bad person po ba siya? Is he courting Ate Ember?" Sunud-sunod na tanong ni Zeirah nang makarating kami sa parking lot.





Nagkatinginan kami ni Zahira dahil siguro'y pareho kaming hindi alam ang isasagot o kung paano iexplain sa bata ang nangyari kanina. She's just 2 year old pero parang matanda na kung magtanong sa mga bagay-bagay.




"He's Ate Zahi's student and he's also my classmate, baby. He's not courting me. May hindi lang kami pagkakaintindihan, I still don't want to talk with him kasi... I'm still not ready para kausapin siya." Sambit ko.





"Bakit hindi pa po kayo ready to talk with him?" Muling tanong niya kaya napakamot ako sa sentido ko.






Zeirah's looking at me with her innocent eyes. Hindi ko na alam kung paano ko sasagutin iyong tanong niya dahil kahit kailan na yata'y hindi na ako magiging ready kausapin ulit si Clarence. Hindi ko gusto si Clarence, never ko siyang gustuhan, galit lang ako sa mga ginawa niyang, una sa pagcoconfess niya sa karamihan tungkol sa nararamdaman niya sa akin, pangalawa sa panloloko niya sa girlfriend niyang nagcause pa ng matinding eskandalo, at iyong pagsabunot niya sa akin, nadamay pa ako.






"Do you still want to eat ice cream, Zei-zei?" Si Zahira ang nagsalita, siguro'y napansing hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya binago na ang usapan.





"Yes, Ate Zahi! Ice cream! Ice cream!" Nawala ang tingin sa akin ni Zeirah at tuwang-tuwa pa itong pumalakpak.






Napangiti ako nang makitang sobrang saya ni Zeirah, ang cute niya. Napaisip ako sa sinabi kanina ni Clarence. Kamukha ko si Zeirah? Pinagkamalan pa niyang anak ko ito kaya natawa ako sa isipan ko. Paano ako magkakaroon ng anak kung babae ang asawa ko? Ni hindi pa nga kami nagtatalik—bagay na ayaw ko rin namang mangyari. Iniisip ko palang ay para na akong kinikilabutan.





"I want strawberry ice cream, Ate Zahi. Ikaw, Ate Ember? What flavor do you want?" Tanong sa akin ni Ember nang makarating kami sa ice cream shop.





"Strawberry na lang din," paborito ko rin naman iyon since bata ako.





Napatingin ako sa paligid, parang pamilyar sa akin ang lugar na ito pero hindi lang ako sigurado. Parang napuntahan ko na ito pero imposible dahil unang beses ko palang rito, unang beses kong makapunta rito. Ang ganda kasi ng place, ice cream theme kasi malamang ice cream iyong binebenta nila rito. Karamihan ng nandito ay mga dalaga't binata or students. May ilan na nagbabasa ng libro at nagkukwentuhan. Napadpad ang mga mata ko sa grupo ng mga estudyanteng kalalakihan sa gilid na table. They are looking at us. Nang tignan ko ang isa ay kumaway ito and he mouthed hi. Ang bata, juice ko.





"Don't look at them," rinig kong sambit ni Zahira sa side ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pag-irap niya sa akin.





Luh, ano na namang ginawa ko?





"Tingin lang, para namang pakakasalan ko sila." Bulong ko sa sarili ko at umirap din.





"Tsk."




Ano bang problema nito?




"Are you two fighting?"





Sabay kaming napatingin ni Zahira kay Zeirah na ngayon ay nakatitig na pala sa amin, siguro'y kanina pa kami pinagmamasdan.




"No, baby." Agad na sagot ko. Gusto ko nga ay sabunutan na ang Ate mo sa sobrang sungit.




Lumipat ako ng upuan, pumunta ako sa tabi ni Zeirah dahil mag-isa niya pala roon at ngayon ko lang napansin. Si Zeirah na ang nag-adjust.




Habang kumakain kami ni Zeirah ay napansin ko si Zahira na kanina pa nakatutok sa cellphone niya. Ilalapag niya saglit sa table pero maya't maya niya rin itong chinecheck. Hindi niya rin masyadong ginagalaw ang inorder niyang ice cream na malapit ng matunaw. Hindi siya mapakali na parang may problema ito. At sinong kausap niya?





"Are you okay? Is there a problem?" Hindi mapigilan kong tanong kaya napatingin siya sa akin.




Saglit siyang tumitig sa akin bago nagsalita at bago niya muling nilagay sa maliit niyang shoulder bag ang cellphone niya. "Nothing." Tipid niyang sagot at saka lang pinansin ang ice cream na nasa harapan niya.





I know she's lying. Alam kong may problema. Pero ano naman kaya iyon? Sino ba kasing kausap niya? At ano nga bang pakialam ko? Kung ayaw niyang sabihin, eh 'di h'wag. Mamuti sana ang mata niya kakatingin sa cellphone niya. Umirap ako.





Matapos naming kumain ng ice cream ay hinatid na namin si Zeirah sa bahay nila dahil dumating na ang parents nila galing business trip. Gusto ko pa siyang makasama pero may klase na rin kasi kami bukas at walang mag-aalaga sa kaniya sa bahay.





Buong byahe ay tahimik lang si Zahira na tila may malalim na iniisip at may bumabagabag sa kaniya. Ayaw niya rin namang sabihin sa akin kaya paano ko siya matutulungan? Bahala siya sa buhay niya. Solohin niya ang problema niya, mas mabuti nga sigurong huwag na niya akong idamay.





Gabi na nang makauwi kami sa bahay dahil nagdinner pa kami sa bahay ng parents niya. Habang kumakain kami kanina ay maya't maya siyang umaalis para sagutin iyong tumatawag sa cellphone niya, napansin din iyon ng parents niya at sa tingin ko'y kinausap siya about doon, ayon nga lang at hindi ko narinig ang pag-uusap nila.





Padabog kong sinara ang pintuan ng sasakyan ni Zahira pero muli rin itong binuksan saka tinignan si Zahira. "Hindi ko sinasadya." Sambit ko at umirap saka muling sinara iyon.





Dumiretso na ako sa kwarto ko at agad na nagshower para kahit papaano'y mawala iyong inis ko—teka, bakit ba ako naiinis? Kahit nga lunukin niya iyong cellphone niya ay wala akong pakialam. Lumabo sana ang paningin niya.





It's already 10 and I still can't sleep. Nakailang posisyon na ako ng paghiga, tinanggal ko na rin ang unan ko at nilagay sa paa ko, tinakpan ko na rin ang mukha ko pero ganoon pa rin. Bakit ba hirap na hirap na akong makatulog?





Naisipan kong bumaba para kumuha ng pagkain dahil baka gutom lang ako kaya hindi ako makatulog. Bababa na sana ako nang mapansin kong nakabukas ang room ni Zahira, nakabukas din ang kaniyang ilaw, at parang walang tao sa loob. Hindi ko na lang iyon inalintana at baka nasa loob siya ng bathroom—pero bakit naman hinayaan niya ang pintuan niyang nakabukas? Napakunot tuloy ako ng noo.





Nang nasa baba na ako ay narinig ko ang pag-andar ng sasakyan sa garahe. Bigla akong natakot kaya muli akong pumunta sa taas para katukin si Zahira pero nakailang katok na ako pero wala pa ring Zahira na lumalabas kaya pumasok na ako sa room niya, walang tao.




Ibig sabihin nito'y si Zahira iyon. Saan naman kaya siya pupunta? Anong oras na't nagawa niya pa ring lumabas, ni hindi man lang ito nagpaalam sa akin.




Should I call her? Bakit ko naman siya tatawagan? For what? Para tanungin kung nasaan siya gayong hindi na nga siya nagpaalam sa akin. Bahala na talaga siya buhay niya.




Padabog akong bumalik sa room ko. Anong oras na nang makatulog ako. Halos dalawa o isang oras lang ang naging tulog ko. Mamaya sa klase ay lutang na naman ako. At tungkol kay Zahira, hindi ko alam kung anong oras siya umuwi o kung nakauwi na nga ba siya. Hindi ko alam at wala akong pakialam.





"Hoy, Ember, sakay na."




Kumunot ang noo ko nang makita ko sila Peter sa harap ng gate ng bahay namin. Anong ginagawa nila rito at paano nila nalamang dito ako nakatira?





"What the hell are you doing here?" Bulalas ko.




Ngumisi lang ang tatlong kumag. "H'wag ka ng magtanong. Sumabay ka na sa amin. Hoy, Kael, doon kayo sa likod ni Sweden, diyan si Ember, ang Misis ni Ma'am Zahi." Tawanan sila dahil doon.





I raised my middle finger. "Tangina niyo, paano niyo nalamang dito ako nakatira?"





"Gago, wala nga talagang naaalala. Hinatid ka namin nung nalasing ka kasi hindi kayang mag-isa ni ma'am Zahi, magwala ka ba naman, kulang na lang ay sipain mo siya sa mukha kasi sabi mo baka magalit ang asawa mo kapag sumama ka sa kaniya. Tanginang 'yan, Ember. Nakakahiya ka." Mas lalong lumakas ang tawanan nilang tatlo.





"S-seryoso?" Tanong ko at hindi makapaniwala. Ang init ng mukha ko ngayon, ramdam ko iyong pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Kahihiyan, Ember.





"Oo, gago. Halika na, sakay ka na at baka malate tayo. Para maikwento rin namin kung ano pa ang mga ginawa mo—"




"Magco-commute na lang ako." Sambit ko dahil ayaw kong marinig iyong kwento nila.




Tangina, akala ko ay tapos na iyon. Ibig sabihin ba nito ay marami pa akong kahihiyang nagawa noong nalasing ako? Napahilamos ako sa isipan ko.




"Halika na, it's already 8. Sobrang late ka na. Aarte pa." Si Sweden na ngayon ay nasa backseat at gusto atang dumugo ang ilong.





Dahil late na ako ay sumakay na lang ako. "Huwag na kayong magkwento." Agad na sambit ko at nilagay sa tenga ko ang earphone ko saka nagplay ng music.





Agad naman kaming nakarating pero pagkapasok ko sa room namin ay wala pang prof, wala pa si Zahira. Hindi ba siya nakauwi kagabi?




"Wala ata si Ma'am Zahi."




"Baka late lang?"




"First time niyang malate o umabsent."




"Sana nga ay wala. Hindi pa ako nagbreakfast."




Ito nga iyong unang beses na nalate si Zahira. Muli akong napaisip. Should I call mama and papa? Iyong parents niya? Para saan? Malaki naman na si Zahira. Baka nga nakipagtanan na—ano bang iniisip mo, Ember?




"Wala pa si Pam?" Tanong ko sa isa kong kaklase.




"Absent ata siya. Wala pa naman."




Natigilan ako pero agad ding napailing. Hindi, kung ano man itong naiisip ko ngayon ay malabong mangyari. Pam is my friend. Nag-ooverthink lang ako.





"Andyan na siya, late lang." Sambit ng isa kong kaklase sa harapan kaya napaupo ako nang maayos.





Pumasok si Zahira kaya natahimik ang lahat. Bago pa man ito nagsimula ay tinignan niya muna kami at tumigil ang malalamig niyang mga mata sa akin, umirap ako at hindi na siya muling tinignan pa. Halatang puyat ang mga mata niya, kacecellphone niya 'yan.





"Bring out 1/4 sheet of paper. Let's have a pre-quiz before I'll discuss our next topic." Plantyadong sambit nito kaya ang lahat ay naglabas ng papel na walang imik at reklamo, takot na lang nilang mapalabas.




"Huy, bring out 1/4 sheet daw. Wala kang papel?"




"H-ha?" Napatingin ako sa katabi ko na kasalukuyang dinidilaan ang natuping 1/2 sheet na papel.




"Sa 'yo na 'tong kalahati kung wala kang papel." Iaabot na sana niya iyon nang tumanggi ako.




"H-hindi na. May papel ako," sambit ko at hindi maitago ang pandidiri sa papel na basa ng laway sa gilid.





"Arte mo, kinakain mo rin naman iyong papel ng cheesecake noong bata ka."





Nilabas ko ang 1/4 sheet kong papel at hindi na pinansin ang katabi ko. Nagsimula na ang quiz na tila lumulutang ang isipan ko dahil siguro hindi sapat ang nahing tulog ko. Ayon at ni isa ay wala akong nakuha. Grabe tuloy iyong nakuha kong tingin dahil hindi sila sanay na nakakuha ako ng zero kahit sa pre-quiz. Maging si Zahira ay napatingin sa akin pero kada tingin niya ay siyang pag-irap ko sa kaniya.




Matapos ang discussion at post-quiz ay aalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Zahira.




"September."




"What?" Inis na tanong ko at muling umirap pero agad ding binawi nang mapansing nakatingin pala sa amin ang mga natirang kaklase ko sa loob. "P-po, m-ma'am Zahi?"




Ano na naman bang problema nita't tinawag niya ako?




Ilang segundo siyang tumitig lang sa akin. Tila nag-aalangan sa sasabihin. "Nothing." Sambit nito at nag-iwas ng tingin saka muli ng inayos ang gamit.




"Tsk." Tuluyan na akong lumabas ng room.





Nang maglunch ay didiretso na sana ako sa canteen nang mapansin ko si Zahira na tila nagmamadali, hawak niya ang cellphone sa kaniyang tenga at halatang may kausap. Hindi ko na sana siya papakialaman nang tila may humihila sa akin kaya sinundan ko siya. Dumiretso ito sa parking lot at agad na sumakay sa sasakyan niya saka ito pinaandar.





Agad akong pumara nang taxi nang makalabas na si Zahira sa school saka pinasundan ito sa taxi driver. Napakunot ako ng noo  nang makitang tumigil si Zahira sa isang hospital. Muli ko siyang sinundan hanggang sa loob at nakita kong pumasok siya sa isang room. Dahan-dahan akong sumilip, mabuti na lang at glass ang kalahating pintuan ng room na pinasukan niya.




Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko at agad na nakuyom ko ang mga kamay ko nang makitang kung sino ang pinuntahan ni Zahira. Parang may dumudurog sa puso ko—I can't even explain it. Ni hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko ngayon sa nakikita ko. Ang alam ko lang ay hirap akong makahinga na tila may dumadagan sa dibdib ko.




Dahil sobrang bigat na nang nararamdaman ko ay umalis na ako roon. Sana ay hindi na lang ako sumunod. Sana ay hindi ko na lang siya sinundan.





Pam was sitting in the hospital bed while she's hugging Zahira at ganoong din si Zahira sa kaniya. They were hugging each other.



















To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

331K 13.3K 48
Most Impressive Ranking #1 in boyxboy out of 8.8k stories. Hoax Azrael Vazanta-a man shrouded in mystery, his emotions concealed behind a mask of cha...
65.2K 1.8K 20
Her name is Brielle Lauren Griffin, the youngest student teacher from Merrol Hyde Academy. Sheʼs not just an ordinary teacher, because she is also a...
908K 16.1K 61
Season Series: The Original "Underneath the blankets of snow, our love blooms like a winter rose." WINTER AUGUSTINE A. PALERMO
5.4M 176K 55
"I'll make you scream in pleasure until you realize that I am way more better than him. I will take you on my bed and I would definitely punish you f...