An Old Summer Daydream (Old S...

By 4reuminct

9.5M 288K 398K

OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate compe... More

PROLOGUE
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE
sunny note

02

357K 13.3K 25.3K
By 4reuminct


"Congratulations to our highest in Gen Math, Estella and Yori!" 

Ngumiti lang ako at kinuha na ang test paper ko sa harapan, at ganoon din si Yori. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago bumalik sa upuan.

Naiinis ako! 

Simula noong naging kaklase ko siya ay palagi na akong may kaagaw sa spot. Palaging 'Estella and Yori' na ang binabanggit ng mga teachers! Hindi na 'Estella' lang! Mayroon na palaging 'Yori' na kasama! 

Hindi ako sanay. 

May kapantay na ako. Inaamin ko na! He was on the same level as me. 

"Ano ang score mo sa ELS?" Lumapit ako kay Yori pagkatapos ng Gen Math class. 

He was better at some subjects. I was better at some subjects too. Sa Math lang ay palagi kaming pareho ng score. 

"Why do you always ask me?" walang emosyong tanong niya habang nag-aayos ng gamit.

"Because you are my rival."

"I don't treat you as my rival." 

"A-huh? Bakit? Hindi ba ako worthy para maging rival mo?" sarkastikong sabi ko. 

"I'm not here to compete with you." He rolled his eyes and stood up, dala-dala ang wallet niya.

Kinuha ko rin ang wallet ko at sinundan siya dahil hindi pa ako tapos makipag-usap. Hindi naman break time pero hangga't wala pa ang teacher ay sumunod muna ako sa kaniya. Mukhang bibili siya sa cafeteria. 

"Are you joining the debate club?" tanong ko. 

Magsisimula na ang pag-sign up sa debate club. Mula sa club members ay pipili sila ay may labanan ulit para malaman kung sino ang ilalaban sa debate competition next year. 

Hindi kasi by grade level ang labanan. Pang-buong SHS na raw, eh may debate team na silang nabuo. Mga Grade 12 students sila, pero kailangan kong makapasok doon! Magsisimula raw ang training kapag may napili na, tapos hanggang summer ay may training pa para siguradong mananalo. 

Mayroong solo debate competition, iyong palagi kong sinasalihan na mag-isa lang, tapos mayroong partners, tapos may team. May tatlo kasing iba't ibang debate competitions from different programs din. 

"Oo," maikling sagot niya habang bumibili ng tubig. "Bakit? Ayaw mo?" 

"Siyempre, ayaw ko!" Sumimangot ako. "Baka maagawan mo pa ako ng spot!" 

"So, alam mong matatalo kita?" 

Kinuha niya ang water bottle at naglakad na ulit pabalik. Sumunod na naman ako sa kaniya!

"Siyempre, hindi! Pero feeling ko pareho tayo ng level ng intelligence! Paano kapag sinwerte ka at natalo mo ako kapag tayo ang pinagtapat, huh?! Eh di hindi ako natanggap! Kailangan ko ang spot na 'yon!" 

"I also need that spot," seryosong sabi niya habang sinasabayan ko siyang maglakad pabalik ng room. 

"Why? Because of the scholarship?"

Kapag kasi nanalo ka sa debate competition na 'yon, automatic na o-offeran ka ng scholarship ng iba't ibang universities. Manonood kasi ang mga representatives nila. 

"None of your business." 

"Ang sungit mo, 'no?! Inaano ba kita, huh?!"

"Seriously? Hindi mo alam?"

"Na ano, ha?"

"Nakakainis ka."

"Wow, nakakainis ka rin 'no!"

Huminto siya sa paglalakad nang makitang nasa loob na ng room ang teacher. Napaawang din ang labi ko. Nagsisimula na siyang magturo! Oh my gosh! Late kami?! 

Bakit ko pa kasi siya sinundan?! 

"Mauna ka na!" 

Tinulak ko siya nang mahina pero inalis niya ang kamay ko sa likod niya at sinamaan ako ng tingin. 

"Ikaw na," sabi niya pabalik.

"Ikaw na, kasi favorite ka niyan!" 

ELS teacher namin 'yon! Si Yori ang pinakamataas sa subjects niya kaya super favorite niya! Dapat siya ang mauna para hindi kami pagalitan. 

"Dali na! Kailangan kong habulin 'yong lesson!" 

Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang binuksan ang pinto. Napatingin ang teacher sa amin at natigilan sa pagtuturo. Pati tuloy ang mga classmates namin ay napatingin sa amin! 

"And why are you guys late?" kalmadong tanong ng teacher.

Tumingin ako kay Yori, hinihintay na siya ang sumagot. 

"I took Estella to the clinic, Ma'am." 

Ano?! Bakit ako ang ginamit nito?!

"Why? Is there something wrong, Estella?" 

"Ah... I vomited this morning, Ma'am. Okay naman po ako sabi ng nurse. Nasobrahan lang daw po sa kinain, and then binigyan lang ako ng medicine pampakalma ng sikmura," sabi ko.

Sinungaling. Grabe, hindi pa naman ako nagsisinungaling. Bwisit na Yori 'to! 

"Okay, take your seats." 

Oh, 'di ba?! Hindi nagalit! Gumana naman ang pagsisinungaling ko at paggamit kay Yori dahil favorite student siya sa subject na 'to. Hindi pa nakakaupo ay tinawag na si Yori ng teacher para tanungin tungkol sa pinag-aaralang volcanoes. Nakasagot naman siya kahit kakapasok lang namin. 

"Yiee, may paghatid sa clinic," pang-aasar ni Caitlyn. Friend ko na kaklase ko. Dito lang din kami nag-meet sa school na 'to. 

"Ano'ng mayroon? Enemies to lovers na ba?" Sumunod pa si Ollie. Kaklase ko rin. 

"Hindi 'no! May pinag-usapan lang kami!" tanggi ko kaagad. "Shh, huwag nang maingay. Baka magalit si Ma'am."

Nakinig na lang ako dahil kailangan kong i-pull up ang grade ko dito sa subject na 'to. Hindi sapat kahit mataas ang grade ko. I needed to do better. I needed to study harder. 

Pagkatapos ng ELS ay Oral Comm na, tapos finally, lunch break dahil wala kaming P.E. Every Wednesday at Friday lang ang P.E namin kaya mahaba ang lunch break namin ngayon. Two hours! 

Nilabas ko ang lunchbox ko at sa classroom na lang kumain dahil balak kong mag-aral. Nilabas ko rin ang libro ko at nagbasa habang kumakain ng hinanda sa aking lunch box ni Mommy. Unti-unti nang naubos ang mga kaklase ko sa classroom dahil lahat ay pumuntang cafeteria.

Nahulog bigla ang pencil ko at gumulong sa likuran kaya tumayo ako para pulutin iyon.

"Putek!" 

Gulat na gulat ako nang makitang nakahiga si Yori sa likod ng room. Naglatag pa siya ng kumot sa sahig at ginawang unan ang bag. Nakatakip ang mga mata niya ng panyo na inalis niya rin nang marinig niya ako. 

"What?" tanong niya nang tingnan ako. 

"Wala... Hindi ka kakain?" curious na tanong ko. Kami na lang ang naiwan sa room. 

"Mamaya." 

"Uhm... Okay. Hindi ba masakit sa likod diyan?" 

"Why? Are you worried about me?" Tumaas ang isang kilay niya. 

Luh! 

"Hindi 'no!" 

Inismiran ko siya at tumalikod na para bumalik sa pag-aaral. Ang kapal niya, ha! Kumain na nga lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ko habang natutulog siya roon sa likuran. 

May pumasok na kaklase namin pero nang makitang kami lang dalawa ni Yori ang naroon ay ngumisi siya at lumabas ulit. Ano ba 'yon?! 

Umiling na lang ako at nagsuot ng headphones para hindi ko marinig ang ingay nila habang nag-aaral ako. Two hours ang break kaya ang dami ko pang oras. Ginawa ko na rin ang mga assignments ko para wala na akong gagawin mamaya pag-uwi. 

Pero... problema ko rin 'yon. Ano na ang gagawin ko mamaya kung tapos ko na ang lahat?

Parang nakaka-guilty na kasi kapag walang ginagawa kapag nasanay ka nang lagi kang may ginagawa. 

Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko nang tapos na akong mag-aral at gumawa ng assignments. Inalis ko na rin ang headphones ko at tumingin ulit sa likod. Nagulat ako nang makitang nakaupo na si Yori sa sahig at nagbabasa na. Akala ko tulog pa rin siya! 

"Tingin mo ba mahirap ang quiz sa ELS next week?" tanong ko.

Akala ko ay magpe-pretend siyang hindi ako naririnig! 

"Hindi."

Yabang! 

"Paano ka nag-aaral?" curious na tanong ko. Baka may makuha akong tips sa kaniya.

"Nagbabasa." 

Obvious ba?! 

Sinandal ko ang braso ko sa sandalan ng upuan habang nakaharap sa gilid ang katawan ko. Nasa likod kasi siya kaya hindi ako makaayos ng upo habang nakikipag-usap.

"May oras ba ang pag-aaral mo?" 

"From seven P.M. until ten P.M. every night." 

"So ano ang ginagawa mo pagkauwi mo tapos maaga pa?" 

"Bakit ang dami mong tanong?" 

"Wala akong makausap."

Kami lang dalawa ang nasa classroom! Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaklase namin!

"Just talk to the wall." 

"Parang pader ka na ngang kausap, eh. Hindi mo na lang sagutin! May bayad ba 'yang hininga mo, ha? Ang hirap mong kausapin!" 

Bumuntong-hininga siya at padabog na sinara ang libro. Naistorbo ko pa 'ata siya. Nagtatanong lang naman! 

"I either help my sister with the restaurant or play games."

"Anong klaseng games? Board games?"

"E-games." 

"Mahilig ka pala roon?" 

Hindi niya ako sinagot at tumayo na lang para ibalik ang libro sa bag niya. Pagkatapos, kumuha siya ng Rubik's cube at umupo na lang, spreading his legs. Parang tamad na tamad siyang nakaupo roon.

"Nasaan na ang glasses mo?" tanong ko ulit. 

"I'm wearing contact lenses." Tinuro pa niya ang mga mata niya.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Humawak ako sa dalawang tuhod ko at nilapit ang mukha ko sa kaniya para makita nang maayos ang contact lenses niya. 

"May kulay?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga mata niya.

Hindi siya nakapagsalita at nilayo ang mukha niya sa akin. 

"Walang kulay." Nakaiwas na siya ng tingin sa akin.

"Hmm, okay. Ayaw mo ng red next time?" Umayos na ako ng tayo at bumalik sa upuan ko. "O kaya green? Or blue? Or grey?" 

"No." 

"Fine." 

Natahimik na naman tuloy sa room. Mabuti na lang at may pumasok na sa loob dahil ang init daw sa labas. Nagpalamig sa aircon ang mga kaklase ko habang ako ay sumunod kina Caitlyn para bumili ng scramble sa labas. Ang haba pa ng break time. 

Four o'clock natapos ang klase kaya pagkatapos ay pumunta ako sa may sign-ups ng debate club para ilista ang pangalan ko. Nagkaroon na rin ng mini-interview. Siyempre, sinabi ko lahat ng achievements ko. Nag-prepare pa nga ako ng parang CV para ilista lahat ng achievements ko sa debate. Sasabihan na lang daw nila ako sa results, pero alam kong tanggap na ako. Sana. 

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Yori na papasok naman. Hindi kami nagpansinan. Dumeretso na lang ako sa may gate dahil naghihintay na roon ang sundo ko. Gusto palagi ni Daddy na hatid-sundo ako gamit ang bulletproof na sasakyan dahil sa trabaho niya. Ganoon din kay Kye. 

Pero marunong akong mag-commute! Tinuruan ako ni Mommy noong wala siyang pasok. Weekend 'yon. Basta, mag-iingat lang daw ako. 

Kinabukasan, may P.E kami kaya nakasuot ako ng P.E uniform. White shirt na may logo ng school at navy blue lining ang pangtaas at track pants na navy blue naman ang pangbaba. Mayroon din kaming track jacket na ka-partner ng pants. Parehong kulay rin. 

Tinali ko na lang ang jacket sa baywang ko at inipit ang buhok ko. Naka-part sa gitna iyon at naka-braid para hindi ako mainitan. 

Naglagay lang ako ng pulbo, blush, at lip tint, at nagpabango na rin bago pumasok sa school. Lagi akong nauuna kay Kye dahil nine o'clock pa ang start ng klase niya. 

Pagkarating ko sa room ay kaunti pa lang ang tao. Naroon si Yori, nakaangat ang isang binti dahil nakapatong ang sapatos sa isang upuan habang may kausap na lalaki naming kaklase.

Iyon ang best friend niya rito. Si Jap. Hindi niya 'yon name. Nickname niya lang 'yon, at hindi ko alam kung bakit dahil ang layo naman sa pangalan niya. Half-Korean naman siya. Nagkakasundo silang dalawang multilingual. Pwede na nilang i-add si Lai sa group chat nila. 

Wala namang nangyari sa mga naunang klase dahil nakinig lang ako at hindi nakipagdaldalan sa mga katabi ko. Kailangan ko lang talaga ng focus, lalo na sa ELS. Dadating ang araw na malalamangan ko rin 'tong si Yori! 

"Tara na raw sa field, sabi ni Ma'am!" pag-announce ni Ollie. 

Kinuha ko na ang maliit kong towel at sinabit sa balikat ko bago sumunod sa field. Team Sports ang P.E namin kaya mapapasabak ako sa takbuhan. Magbabatuhan daw. Kapag natamaan ka ng bola ay out ka na. 

Ang team namin ang mauunang babatuhin ng bola. Unang bato pa lang galing kay Yori, alam kong ako na ang tina-target niya! Nakailag ako at nabato naman ng kabilang side ng team nila iyong isa ko pang ka-team.

Pabawas na kami nang pabawas hanggang sa ako na lang ang natira! 

"Bring it on, beybe!" sigaw ko, nang-aasar. 

Umilag ako nang umilag. Ang lalakas bumato kaya hindi ko masalo. Nang si Yori na ulit ang may hawak ay bumwelo pa siya bago bumato. Yumuko ako. Pagkatayo ko at pagkalingon ko sa kabilang side ay tumama sa gilid ng mukha ko iyong bola! 

"Aray!" Napahawak kaagad ako sa mukha ko. Ang lakas noon, ah!

"Oh, time out muna!" sigaw ni Caitlyn sabay takbo sa akin. "Okay ka lang, sis?!"

Napailing ako habang hawak ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay magkakaroon pa ako ng pasa sa gilid ng mukha ko! Ano na lang ang sasabihin ni Mommy?! Ni Daddy?! Baka magwala 'yon! 

"Sige, next team na. Mister Alanis, samahan mo muna si Miss Martinez sa clinic."

"Huh?" Nakita kong nagulat si Yori sa sinabi ng prof, nagtataka kung bakit siya, eh hindi naman siya ang bumato sa akin.

"Sige na, ikaw ang nakatama sa kaniya."

"Huh? Hindi po ako-"

"Ako na lang, Sir! Kaya ko naman mag-isa!" Nilagpasan ko si Yori at naglakad na lang papunta sa clinic. Ang init pa sa field. 

Habang naglalakad ako, may naramdaman akong nakasunod sa akin.

"Bakit sumunod ka pa? Kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko kay Yori.

"It's hot," sabi niya habang hawak ang collar ng shirt at parang pinapagpag 'yon para magpalamig ng katawan. 

Tumakas lang pala sa P.E ang siraulo! Nagamit niya na naman ako bilang palusot, ha! 

Pinaupo ako ng nurse at binigyan ng ice pack para ilagay sa gilid ng pisngi ko. Habang hawak ko ang ice pack ay pinupunasan ko ang pawis ko gamit ang towel. Tinaas ko rin ang track pants ko hanggang sa tuhod. Umupo naman si Yori sa katapat kong clinic bed. Nakatingin lang siya sa bintana habang hinahangin ng electric fan ang buhok niya. 

"Nilabas na ba ang results sa debate club?" tanong ko sa kaniya para hindi masyadong tahimik. Hindi ako sanayt.

"Yes. We got in."

"We?" Kumunot ang noo ko. "So tiningnan mo rin ang pangalan ko kung nakapasok ako, huh? See?! You see me as your rival too!"

Hindi siya sumagot at napailing na lang. 

Siyempre, expected ko nang makakapasok ako sa debate club! Hindi pwedeng hindi! Ang dami ko kayang napanalong competitions! Kawalan nila ako kapag hindi nila ako tinanggap. 

"Tara na. Okay na siguro 'to," aya ko pagkalipas ng mahabang katahimikan.

Tumayo siya at lumapit sa akin kaya medyo napaatras ako. Tinungkod ko ang kamay ko sa likod ko habang nakaangat ang tingin sa kaniya. Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit! 

"Let me see." Hinawakan niya ang kamay ko para tanggalin ang ice pack na nakadikit sa pisngi ko. 

Tiningnan niya nang mabuti ang pisngi ko bago binalik ang ice pack doon. 

"Let's stay here for a few more minutes." Bumalik siya sa pwesto niya kanina.

"Okay..." Umiwas ako ng tingin. 

Bakit naman ako kinabahan? Si Yori lang naman 'yan! 

Wala na, awkward na ulit! Ang tahimik na naman! Hindi na lang ako nagsalita at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili.

Nakatingin lang sa bintana ng clinic si Yori habang hinahangin ang buhok dahil sa electric fan. Nakaupo lang din ako sa tapat niya at nakatingin naman sa gilid. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa mag-ring na ang bell. 

Bumalik na rin kami sa room pagkatapos dahil lunch break na. Pagkapasok na pagkapasok namin sa room ay binigyan kami ng makahulugang ngiti at tingin ng mga kaklase namin! 

"Yieee," sabay-sabay nilang sabi.

Huh?! 

Anong... Anong yie?! 

Hindi sila pinansin ni Yori at tuloy-tuloy lang na pumunta sa upuan niya. Ako naman ay todo iling! Bakit nila kami inaasar?! 

"Hindi, ah! Never!" tanggi ko. "Ang issue n'yo!"

Parang mga siraulo ang kaklase namin! Nanggaling lang kami sa clinic, pagbalik namin ay ano?! Loveteam na kami?! Never!

Nagkaroon ng meeting sa debate club noong sumunod na araw tungkol sa gaganaping competition para makapili kung sino ang ilalaban next year. Naghanda na ako ng mga possible topics. Halos lahat na ata ng debate topics ay nakuha ko na sa mga dating competitions. 

Noong Friday, pagkatapos ng klase ay ginanap na ang labanan. Individual kaming magdedebate at maglalaban-laban sa isa't isa. Papalit-palit lang ng kalaban, depende kung sino ang mananalo. 

Hanggang sa kaming dalawa na ang magtapat ni Yori. Sinasabi ko na nga ba. 

Ang debate topic namin ay about animals being kept in zoos. Ugh, nakakainis! Ayaw ko sa opposing side pero iyon ang napunta sa akin! Wala akong choice kung hindi makipagtalo pa rin sa stand na 'yon. Yori did it effortlessly. Parang hindi nga siya nag-iisip at basta nagsasalita na lang dahil parang automatic na sa kaniya 'yon. 

Para siyang robot na may naka-store na knowledge. Naka-program na siyang sumagot, ganoon.

Wala na akong masabi! Napangisi siya pagkatapos dahil alam niyang napanalo niya ito. Ngayon lang! Hmp! 

Sa weekend pa raw kami ie-email tungkol sa final team. Kami na kasi ni Yori ang last na naglaban. Pagkalabas namin ng room ng debate club ay madilim na. 

Nag-message na ako sa driver na magpapasundo na ako, tapos naghintay na lang ako sa waiting shed sa tabi ng gate. May guard naman kaya safe ako roon. 

Kaso naroon din si Yori. Nakatayo siya sa may tabi ng waiting shed, habang ako ay nakaupo. Magkalapit lang kami at parehong nakatingin sa harapan.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kaniya. 

He looked at his watch and then shook his head. 

"Bakit?" tanong ko ulit, nagtataka. 

"I'm waiting for something." 

"Ano?"

Hindi siya sumagot at nilabas ang phone. Naglaro na lang siya kaya hindi ko na siya inistorbo. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay niya pero parating na rin siguro 'yon.

Mayamaya, wala pa rin. Naroon pa rin kaming dalawa at ang awkward na naman ng katahimikan. Hindi ba siya nangangawit? Kanina pa siya nakatayo roon. 

"Ayaw mong umupo?" Umusog ako.

"No, aalis na rin ako." 

Okay?  Pero hindi pa rin siya umalis.

Nakita ko na ang sasakyan namin na paparating kaya tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. Magpapaalam na sana ako kay Yori nang makita kong nagsimula na siyang maglakad paalis. I pursed my lips and shrugged before going inside the car. 

"Oh my gosh, Estella, ano'ng nangyari sa mukha mo?!" Lumapit kaagad si Mommy at binitawan pa ang mga dala-dala para makapunta sa akin pagkapasok ko ng bahay. 

"Natamaan lang sa P.E, Mommy. Nilagyan ko na po ng yelo kanina sa clinic." Mabuti naman at hindi siya nagalit! 

Abala lang akong mag-aral sa weekend. Kapag bored at tapos nang mag-aral ay nanonood ako ng documentaries o kaya nagbubuo ng puzzles. I liked puzzles. Kapag nagsawa na rin ako ay tumutugtog na lang ako ng violin. 

"Three steps up. Keep up ka, Dad," pang-aasar ko habang naglalaro kami ng board game ni Daddy sa may coffee table. Bored ako at narito siya kaya inaya ko muna siyang makipaglaro sa akin. 

Ni-roll niya ang dice. 

"Luh, ang daya! Bakit six?! Sana makain ka ng snake." 

Tutok na tutok ako habang ginagalaw niya iyong character niya. Six steps pero hindi siya nakain ng snake! Nakakainis naman! Nauna na siya sa akin! 

"Ayaw ko na nga." Ngumuso ako.

"Estella, not just because you're losing, you should already quit."

"Lagi ka kasing nananalo dito, Daddy! Bakit hindi na lang tayo mag-Word factory? Baka sakaling manalo naman ako roon! Ang dami ko nang alam na words!" 

"Of course, you tried reading a whole dictionary when you lost to me once." 

Tumawa ako nang malakas. Ginawa ko kasi talaga 'yon para lang matalo ko siya! Ayaw kong natatalo! Sobrang competitive ko kaya ginagawa ko talaga ang lahat! Nagsaulo pa ako ng mga words! 

Sinali pa niya si Kye noong nag-Word factory kami. Ngayon na lang ulit kami maglalaban. Sakto, bago kami nagsimula ay bumaba na rin si Mommy at sinama namin siya sa game. Ngayon ko lang siya makakalaban! 

Determinado akong manalo! Sobrang focused ko habang nag-iisip ng maraming words. Akala ko ay ang dami ko nang nalista, pero naubos na ang listahan ko, si Mommy at Daddy ay hindi pa tapos! Napasimangot ako at napatakip sa tainga ko. Ano ba naman 'yan! Hindi pa rin sila tapos!

Kinuha ko ang phone habang hinihintay silang matapos. Nagulat ako nang makitang nag-email na ang debate club tungkol sa results.

Debate team competing at Hansford Debate Tournament:

Estella Nataleigh V. Martinez & Yoritsune K. Alanis

Na naman...

Estella... and Yori...

Na naman! 

Palagi na lang may kasunod na 'and Yori' sa pangalan ko! Ano ba 'yan! Parang naging apelyido ko na siya!

Magka-team kami! Paano na 'to?! Paano ko siya matatalo kung magka-team kami, huh?! Paano ko siya matatalo kung partners kami?!

Napasapo ako sa noo ko at binasa ang mga susunod na details. May training program dates na roon, at ang pinaka-focused na training ay next year, summer. Finally, may gagawin na rin ako sa summer! 

Umakyat ako sa kwarto ko habang hinahanap ang Facebook ni Yori. May class group chat kami kaya nakita ko kaagad kung sino siya roon. Walang profile picture. 'Yori' lang ang name niya roon. 

Chinat ko kaagad siya.

Estella: nakita mu n ung results? magkateam tau gagi xD

Sineen niya kaagad ako. Akala ko ay hindi na siya magre-reply. 

Nag-reply nga pero like sign lang. Nag-type ulit ako ng message. 

Estella: ausin m lng bohai m kapag tau natalo lagot ka saquin

Yori: Can you type properly 

Yori: I don't understand

Estella: BASTA IPANALO NATIN 'TO OKAY?!

Yori: Okay.

Hindi na sana ako magre-reply para siya ang last chat pero dapat palaging nasa akin ang huling say. 

Estella: next time na ulit kita tatalunin :) 

Akala ko ay ise-seen na lang niya. Aba, nag-reply pa! Ayaw talagang magpatalo!

Yori: You wish. 

Ang kapal talaga! Sa susunod talaga... Matatalo ulit kita, Yori!

Siyempre, sabi ko nga, dapat ako ang huling say. Wala akong pakialam kung ako pa ang last chat sa aming dalawa. 

Estella: diba dapat nag-aaral ka na ngayong oras bakit nagchachat ka pa rin

Yori: Ikaw ang maingay dito

Estella: pero nire-replyan mo pa rin ako xD 

May pipindutin sana akong notification na lumabas sa taas ng screen pero bigla kong napindot 'yong tawag! Nag-panic kaagad ako at pinatay 'yon.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tina-type na napindot ko lang 'yon pero hindi ko na-send dahil nag-ring bigla ang phone ko. Nabitawan ko 'yon at lumayo sa kama habang nakatakip sa bibig. 

Tumatawag si Yori! 

"Hala, hala, ano'ng gagawin ko?!" Kinuha ko ulit ang phone at sinagot 'yon. I cleared my throat before talking. "Bakit-"

"Why did you call?" bungad niya. 

Napapikit ako nang mariin at sinabunutan ang sarili ko. "Napindot ko lang, okay?! Bye na!" mabilis na sabi ko.

"Okay. Bye," sabi niya. Akala ko binaba na niya dahil wala na akong marinig pero nakita kong nasa call pa rin naman kami.

Magsasalita na ulit sana ako pero naunahan niya ulit ako.

"See you tomorrow," sabi niya at binaba na ang tawag. Napanguso ako at matagal na napatitig sa chats naming dalawa bago ko pinatay ang phone ko. 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

181K 3.2K 27
[WARNING RATED SPG!] STANFORD SERIES #2 Marcus Cale Stanford and Calixtah Bonifacio DATE STARTED: JULY 19, 2020 DATE FINISHED: OCTOBER 19, 2020
12.4K 396 27
Sa kabila ng misteryosong pagkamatay ng ama ni Meteor Obañez, napilitan silang lumayo ng kaniyang ina sa probinsiya ng Laguna dala-dala ang mga tanon...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...