BABY ON BOARD

Da the_innocent

658K 8.7K 2.1K

Isang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Ar... Altro

PROLOGUE
CHAPTER I the past
Chapter II PARA KAY JANSEN
CHAPTER III PARA KAY ANDREW
CHAPTER IV PARA KAY KIM
CHAPTER V REALITY
CHAPTER VI The Plan
Chapter VII Andrew's girl?
CHAPTER VIII Bantay Sarado
CHAPTER IX DEBUT
CHAPTER X tuwing umuulan at kapiling ka...
CHAPTER XI I'm Back!
Chapter XII date with him
CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER XIV FIGHT
CHAPTER XVI DATE AGAIN
CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK
CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY
chapter xix i love you
CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO
CHAPTER XXI I'M SORRY
CHAPTER XXII UMUWI KA NA PLEASE
CHAPTER XXIII The Proposal
CHAPTER XXIV The Wedding
CHAPTER XXV A DAY WITH HIM
CHAPTER XXVI REVELATIONS
CHAPTER XXVII NIGHTMARE
CHAPTER XXVIII I LOVE YOU HUBBY.. FOREVER
CHAPTER XXIX FAREWELL
EPILOGUE
Important Note

CHAPTER XV NAG IBA KA NA

18.6K 292 155
Da the_innocent

A/N

sorry for the looong waiiit! Nga pala nag lagay na ako ng characters. Yung picture ni andrew nasa chapter 3, si kim nasa chapter 4 si jansen nasa chapter na para kaya J tapos si Barbie nasa Andrew's girl?

Nasa twitter nga rin pala ako hehehe @xandrachill

Haha thanks!

Eto na po:

CHAPTER 15 Nag-iba ka na

ANDREW'S POV

Maaga akong gumising dahil naghahanda nanaman ako ng breakfast. Kahit na nagkakalabuan kami ni Kim, hindi pa rin yun sapat na dahilan para kalimutan ko ang responsibilidad ko sa kanya at sa magiging anak namin. Gustong gusto ko pa rin syang alagaan.

Nasa pag-aayos na ako ng mga pinggan, ng lumapit sa akin si manang.

"naku, andrew baka kulangin yung niluto mo. May bisita pala kayo."

"po? Bisita? Wala naman p-"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi biglang dumating sa dining area si kim, pero hindi sya nag-iisa.. Kasama nya si Jansen. Muntikan ko ng maibagsak yung pinggan na hawak ko, eto nanaman naramdaman ko nanaman yung kirot sa puso. Hindi na ba titigil to? Palagi na lang bang ganito?

"ahm, andrew. Niyaya ko si Jansen na dito mag breakfast, okay lang naman sayo di ba?"

Eh kung sabihin ko na hindi okay? Papaalisin mo ba sya? Pipiliin mo ba ako? Papakinggang mo ba yung sinasabi ng puso ko ha kim? O patuloy ka na lang na magpapakabulag kay Jansen?

Waaaah!!! Ang aga-aga ang corni ko!

"ahhm.. Okay lang, tara na kumain na tayo."

Nakakaloko yung ayos namin ngayon, ako na nakaupo sa kanan, sa kaliwa si Jansen.. At syempre... Sa gitna si Kim. Dati, kaming dalawa lang ang magkatabi kapag nag bebreakfast. Pero ngayon? May jansen na sumisingit. Ang hirap makipagkompetensya sa atensyon.. Sa pag mamahal lalo na kung alam mo naman sa simula pa lang na hindi ikaw ang pipiliin nya na bigyan ng atensyon at pagmamahal.

Sinandukan ko ng rice si Kim tapos nilagyan ko ng hotdog at tocino. Ilalapag ko na sana sa table ni Kim ng makita kong naglalagay ng tubig sa baso si Jansen.

"inom ka munang tubig kim."

Iinumin na sana ni Kim, pero pinigilan ko sya.

"bawal sayo uminom ng malamig na tubig sa umaga baka sumakit ang tyan mo., eto inumin mo.. Nag timpla ako ng hot milk."

Tinitigan naman ako ng masama ni Jansen.

"bakit naman sasakit ang tyan nya?"

"kasi, hindi pa sya kumakain.. Wala pang laman ang sikmura nya kaya baka sumakit ang tyan nya kapag uminom agad sya ng malamig."

"anong tingin mo? Magaling ka na nyan? Ikaw na ang magaling sa ating dalawa?"

Tumayo si jansen at halatang napipikon na. Bakit ba sya nagkakaganyan? Inaalagaan ko lang naman si Kim. Kung ganito sya, na sa mga simpleng bagay lang hindi nya alam kung papaano aalagaan si Kim. Paano ko bibitawan si Kim kung ganyan sya? Kailangan pa yata nitong um-attend ng workshop.

Tinitigan ko na lang si Jansen.. At sa mga tingin ko na yun gusto ko ng iparating sa kanya na tumigil na sya sa mga pinaggagagawa nya. Na umpisahan na nyang umalis sa buhay namin ni Kim. Kasi habang nandyan sya. Mas nalilito si Kim at sa pagkalito ni Kim, mas nagiging komplikado ang sitwasyon namin.

"tama na Jansen, Please sit down."

Sabay sabay na kami sa pagkain. Pero, napakaewan talaga ng dalawang to. Talagang sa harapan ko pa naglalambingan! Parang walang tao dito! Ang lalakas ng loob na gawing luneta tong bahay!

"oh, may dumi ka sa bibig."

Pinunasan ni Kim yung bibig ni Jansen.

"how sweet of you"

Hinalikan ni jansen sa noo si Kim. Sige lang ipagpatuloy nyo lang yan! Kagatin sana kayo ng mga langgam sa sobra nyong kasweetan!! Magsisisi kayo at dito nyo pa piniling mag lambingan!

Nang maTapos na kaming kumain. Yung dalawa pumunta na sa living room at tsaka nanood ng tv. Tapos ako, naiwang walang ginagawa. Ayos din tong mga to. Di man lang ako niyayang manood.

Syempre, binabantayan ko si Kim. Umupo na rin ako sa sofa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napalingon ako sa kanilang dalawa at nakita kong nahilig yung ulo ni Kim sa balikat ni Jansen. Sila na sweet! Ako na loveless!!

Tumayo ako at dahan dahan kong pinatay yung tv. Napalingon naman sakin si Kim.

"andrew, nanonood kami ni Jansen."

"nanonood ba kayo? Eh naglalambingan nga lang kayo eh!"

Tapos nag walk-out ako, pero hindi ko inaasahan na susundan ako ni Kim.

"andrew! Ano bang problema mo ha!"

Hinampas ako ni Kim sa balikat. Medyo masakit yung pagkakahampas, pero okay lang. Mas gugustuhin ko pa ngang masaktan kakahampas nya kesa naman masaktan dahil lang sa may mahal na syang iba.

"wala naman akong ginagawa ah!"

Maang maangan kong sagot.

"alam kong nananadya ka na! Please andrew. Tumigil ka na! Patahimikin mo naman kami ni Jansen!"

Tsaka umalis si Kim. Pumunta na lang ako sa kwarto ko at doon nag isip isip. Kailan kaya ako magiging masaya? Gustong gusto ko na kasing maramdaman yun eh, puro na lang kasi kadramahan sa buhay ang nalalaman ko. Sa bawat araw na dumadaan, pinipilit ko namang maging masaya eh. Pinipilit kong makalimot. Pero wala eh, hindi ko kaya. Dumadating pa rin sa puntong lumalabas ang totoo kong nararamdaman. Minsan nga mas gusto ko ng maging plastic kesa magpakatotoo. Ang hirap kasing magpakatoo. At hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang pagpapakatotoo ko, ang hirap ng ganitong sitwasyon. Harap harapan na nila akong pinagmumukhang tanga pero eto pa rin ako. Nagpapaka okay kahit sobrang hindi na.

Ilang beses ko nang tinatong to sa sarili ko.. At ngayon, alam ko na ang sagot.

Bibitawan ko na ba si Kim?

"OO" oo, hindi dahil pagod na ako.Oo, hindi dahil sawa na akong suyuin sya. OO, hindi dahil takot ako kay Jansen.

OO dahil sa gusto ko syang maging masaya. Kung si Jansen lang ang makakapagpasaya sa kanya okay lang kahit kapalit pa ng gagawin kong to ay ang sobra sobrang pasakit. Okay lang tatanggapin ko basta para kay Kim.

Buo na ang desisyon ko, ito na ang tamang oras para magparaya.

KIM's POV

Kakauwi lang ni Jansen sa kanila. Nadagdagan nanaman ang masasayang araw namin na mag kasama. Ang saya ko lang talaga, sana dumating yung araw na hindi nya na kailangan pang umalis sa tabi ko. Na darating ang araw na kaming dalawa rin ang magkakasama sa hirap at ginhawa. Pero paano namansi Andrew?

Hindi ko naman kakayanin na basta basta na lang syang itapon. Mahalaga sakin sakin si andrew, sa loob ng pagsasama namin ay naging mabait naman sya sa akin.

"kim..."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko Si andrew. Lumapit pa sya ng kaunti sa akin at hinawakan nya ang kamay ko.tsaka nya inabot sa akin yung cellphone ko.

"andrew.. Anong ibig sabihin nito?"

"pinapalaya na kita"

Parang nabingi naman ako sa sinabi ni Jansen. Pinapalaya? Ibig sabihin pababayaan na nya akong mapunta kay Jansen? Pinapaubaya na nya ako kay Jansen? Ganun

Lang kadali yun? Bakit naman ganun?! Hindi nya man lang ba ako ipaglalaban? Napakabilis nya palang sumuko.

"pinapalaya na kita"

"pinapalaya na kita"

"pinapalaya na kita"

"pinapalaya na kita."

Eto na ba ang katapusan ng pagsasama namin ni andrew?pero ito naman ang gusto ko hindi ba? Ang tuluyang matapos ang lahat lahat sa amin ni Andrew. Pero bakit ng ibigay na nya sa akin.. Parang gusto kong sabihin sa kanya na ipaglaban naman nya ako!

Napaisip ako.. Bakit naman nya ako ipaglalaban, kung hindi namannya ako mahal? Yung anak lang naman namin ang dahilan kung bakit kami nag sasama.

Ngumiti ako kay Andrew. Yung ngiting kunwari masaya. Ayokong ipahalata sa kanya na nalungkot ako sa naging desisyon nya.

"s-salamat andrew"

Umalis na ako sa harap nya at nag punta na sa kwarto ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ako nalulungkot?haaaay. Ano bang klaseng puso meron ako?

Hindi kaya inlove din ako kay andrew?!

No! Hindi pwede! Dapat isa lang ang mahalin ko! At si Jansen yun.

ANDREW's POV

Lumabas muna ako ng bahay. Para kasing hindi ako makahinga kapag nasa loob ng bahay.. At sa tuwing nakikita ko si Kim.

Tama naman yung naging desisyon ko diba? Tama lang na hayaan kong maging masaya ang taong mahal ko. Ayoko na rin namang ipagpilitan pa ang sarili ko. Mas lalo labg akong nasasaktan. Ayos lang sana kung ako lang ang nasasaktan at nalulungkot,pero hindi eh..nadadamay si Kim. Darating din siguro yung babaeng para sa akin.

Pero... Sana si Kim na lang yung babaeng para sa akin. Sya na kasi ang gusto kong makasama forever. Alam mo yung pakiramdam na gustong gusto mo syang mahalin at alagaan pero hindi naman pwede dahil may ibang tao na nakalaan para mahalin sya at alagaan?

Siguro nga hindi ako yun. Pero okay na rin.. Atleast naiparamdam ko pa rin kay kim kung gaano ko sya kamahal. Hindi man nya maibalik sakin yung pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.. Okay lang. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit eh.

Dapat akong maging masaya. Dapat kong ayusin ang buhay ko.. Siguro dapat na akong mag seryoso sa buhay para na rin sa babaeng nakalaan talaga para sa akin.

Masakit mang isipin na darating ang araw na magkakahiwalay na kami ni Kim. Baka nga mamalayan ko na lang isang araw na nasa simbahan ako at pinapanood silang ikinakasal.

"lord.. Kayo na po ang bahala sa akin. Kayo na po ang bahala sa amin ni Kim. Kung may hindi kami ang para sa isa't isa.. Tatanggapin ko. Alam ko naman po, na the best kayong mag plano ng buhay. Kaya hindi ko na po ipipilit ang gusto ko isa lang naman po ang hihilingi n ko sa inyo. Sana.. Sana.. Alagaan ng mabuti ni Jansen si Kim. At kung sasaktan lang sya ni Jansen. Sana po Bigyan nyo ako ng chance."

God is the best listener. Masarap talagang mag kwento sa kanya. Pakiramdam ko nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

KIM'S POV

Dalawang araw.. Dalawang araw ang lumipas simula ng ibigay sakin ni Andrew ang space na hinihingi ko. Pero parang tuluyan na rin syang umalis sa buhay ko.

Binalik ko na rin sa kanya yung cellphone nya.

Paano ko nasabi?

Paano ba naman. Space lang hinihingi ko. Pero sobrang kadramahan neto ni Andrew, biruin nyo ha. Hindi nya ako kinikibo! At kakausapin nya lang ako hindi pa nya magawa! Magsusulat pa sya sa sticky note at ipopostsa ref! Yun.. Ganun lang kami mag-usap!

Pero sa totoo lang.. Namimiss ko na sya.

Namimiss ko na sya. Namimiss ko na yung pangungulit nya sa akin. Namimiss ko na yung paglalambing nya sakin. Namimiss ko na yung asaran namin.. Namimiss ko ang lahat sa kanya.

Hindi naman ako totally na iniwan ni Andrew. Inaalagaan nya pa rin naman ako. Inaalala nya pa rin ang kalagayan ko pero, iba na kami ngayon. Hindi na kami nag-uusap.

Malayong malayo na sakin si Andrew ngayon. Madalang na rin kaming magkita.. Maaga syang papasok sa school tapos gabing gabi na kung umuwi sa bahay.pakiramdam ko tuloy isang taon na kaming hindi nagkikita. At aamininko.. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin.

Katulad ngayon.. Matutulog na ako pero hindi pa rin kami nag kakausap ni Andrew

Tok tok tok.

"kim.."

"pasok po manang"

"oh, pinagtimpla ka ni Andrew ng gatas. Ang sabi nya, wag ko daw sabihin sayo na sya ang nag timpla.naku kayong mga bata kayo! Magbati na nga kayo at ako ang nahihirapan sa inyo!"

Hindi ko pinansin yung sinabi ni manang, lumabas ako ng kwarto ko.at dirediretso akong pumasok sa loob ng kwarto ni Andrew naabutan ko syang nagbibihis.

Muntikan pa akong matawa kasi nagulat si Andrew at nagmadaling isuot yung short nya.

"ano ba ha?! Hindi ka ba marunong kumatok?! At tsakaanong ginagawa mo dito?!"

"nakakainis ka!!!! Bakit ka ganyan?! Bakit hindi ko ako kinakausap?!! Bakit mo ako binabalewala? Hindi mo ba alam na namimiss na kita?! Hindi mo ba alam na palagi kitang iniisip? Pero ikaw... Binabalewala mo lang ako! Nakakaasar ka talaga andrew!"

Pinaghahampas ko yung dibdib ni Andrew. Hindi ko na kasi kaya yung ginagawang pandedeadma sakin ng supladong pogi na to!

Hinawakan ni Andrew ang kamay ko..

"eto ang gusto mo di ba? Binibigay ko lang."

Tsaka nya ako binitawan. At tsaka sya pumunta sa kama nya at nagtalukbong ng kumot.

Ang sakit pala. Ako rin pala ang dahilan kung bakit nya to ginagawa.

END OF CHAPTER

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
343K 9.6K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...