Wild Heart (Eastwood Universi...

By waurdltsj

467K 13.3K 2.4K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... More

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 9

9K 319 23
By waurdltsj

"Sumali ka na kasi!"

"E sa ayaw nga nung tao! Si Adira tanungin mo," tukoy ko kay Adira, na hanggang ngayon ay wala pa. Iniwan kasi ako nito nang tawagin siya ni Ms. Ferrucci to talk about something.

Nang maalala ang kanina ay agad akong napasimangot dahil naalala ko na naman ang pinagse-send ng pinsan nito sa akin.

Hindi ko rin alam kung saan niya nakukuha ang number ko. 'Yung mga ka-close o kaya naman 'yung mga nanghihingi lang naman ang binibigyan ko ng number.

"Nahihiya akong kausapin si Adira e!" Kamot ang ulo na saad ni Xavier at bahagya pang namumula ang pisngi. Napabaling ako ng tingin dito bago maningkit ang mata.

Bakit ba lahat ng nakikilala ko e may gusto sa kaibigan kong 'yon? Sabagay maganda naman talaga si Adira, medyo baliw lang talaga minsan.

"Pota, bakit ka mahihiya e walanghiya ka naman?! Hala siya, 'yon ang guluhin mo!" Taboy ko pero umiling iling lang ito at inisod muli ang upuan papunta sa akin.

Pinipilit na naman kasi ako nito na isali sa math quiz bee sabi daw ng SSC President. Si Xavier kasi ang vice kaya siya na naman ang nautusan. Ayoko naman kasi sumali kasi dagdag isipin pa 'yan. Hindi na nga magkandaugaga buhay ko tapos dadagdag pa sila.

At saka andyan naman si Coleen para sumali. Mas magaling 'yan sa akin sa math.

"Payag na kasi! Ako nga payag e," nakangising sambit kaya masama ko itong tiningnan kaya agad din nawala din ang ngisi sa labi nito.

Inirapan ko siya at binalik ang atensyon sa ginagawa, "E 'di ikaw sumali. Payag ka pala e," I muttered so I heard him groaned again.

"Sige na! Lilibre na kita! Kahit one week pa 'yan!" Nakasimangot na sabi nito kaya napatigil ako sa ginagawa. An evil smile started to crept on my face as I look at his grumbled face.

Ang magic word!

"True ba 'yan? One week, ha?" Natatawa kong tanong kaya sinamaan ako nito ng tingin bago tumango, na para bang labag na labag sa loob.

"Oo na! Sumali ka na dahil pagod na ako utusan lagi ni Boss," simangot na sabi nito sa akin. Natatawa naman na tumango ako bago mapailing. Basta pagkain, go ako! Aba, gipit na gipit na ako dito.

"Pumayag ka na, ha? Wala ng bawian---"

Napatigil ito sa pagsasalita nang marinig namin ang kalabog sa lamesa. Gulat kaming napabaling doon at nakita ang mukha ni Ma'am na halatang wala sa mood at handa na mambigwas ng kung sino sa sama ng timpla nito.

My classmates started to cower their heads in fear pero nanatili ang akin na nakatingin dito hanggang sa nanlaki ang mata. Wala pa si Adira. Lagot ka na naman at late ka, anteh.

"Stand up."

Ms. Ferrucci firmly stated before roaming her eyes inside. Nakayuko lang naman ang iba sa amin at ang iba ay pinaglalaruan ang mga gamit na makukuha ng kamay nila. 'Di ko naman mapigilan na mapangisi sa nakikita. Takot yarn?

"Chavez."

"Ma'am?" Gulat kong baling dito bago mapalunok ng makita ang mukha nito na sobrang dilim.

"Lead the prayer," sabi nito at binuksan ang laptop para i-prepare ang idi-discuss ngayon. 'Di ko naman maiwasan na magtaka sa sinabi nito.

Prayer? E hindi nga ako marunong non! Alam ko lang ata na dasal e 'yung sinasaulo pa, 'yung angel of God. 'Yon! Naalala ko pa naman hanggang ngayon. 'Yun kasi dinadasal namin nung grade 1.

"You're wasting time, Chavez," madiin na saad nito pero ang tingin ay nasa laptop. Kinakabahan na pumunta ako sa unahan at humarap sa mga ulupong.

Sige, magsitawanan kayo. Hambalusin ko kayo ng laptop ni Ma'am, tingnan niyo.

Sinamaan ko naman sila ng tingin that made them bowed their head in order not to burst in laughter. Mga hinayupak.

"Are you ready to---"

"What are you? Five?" Inis na sabat ng nasa likod ko kaya naman 'di ko maiwasan na makaramdam ng inis.

E kung ikaw na ang magdasal dito, Ma'am since alam mo naman kung paano? Anak ng-- dasal ko 'to, wala siyang pakialam.

Ipagpapatuloy ko na sana ang naudlot na dasal kanina nang may biglang nagbukas ng pinto at niluwa no'n si Adira na humahangos. Napangisi naman ako ng makita ang mas dumilim pa ata na aura ni Ma'am bago tumingin ng nang aasar kay Adira. Patay ka ngayon, accla.

"You're late, Ms. Tuazon," she muttered before walking towards my friend, who didn't feel the professor's dark aura.

Dahan dahan na bumalik ako sa aking upuan at doon naghintay dahil mamaya pa naman 'yong dalawa na papasok. Sige, take your time sa labas para wala nang lesson sa subject ni Ma'am since Friday naman.

"Hoy, question lang," sabat ng aking katabi sa right na si Andrea. Nilapit ko ang tenga ko dito dahil mukha siyang bubulong, "May something ba kay Adira at Miss---"

"Woi! Grabe! Something agad?" Medyo nagpa-panic kong saad bago ngumiwi ng weirdo ako nito tingnan. Napakamot ako sa batok, "Feel mo rin?"

"Ang alin?"

"'Yung init, 'te. Ang init, 'di ba?" Sarkastiko kong saad na nagpairap dito bago ako batukan. Aba't--

"Nagtatanong kasi ng maayos." Asar na saad nito bago ako tingnan ng naghihintay sa aking sasabihin.

"Feel mo rin tension, 'te? Hmm?" Taas kilay kong saad at tinuro ito kaya napangisi siya bago tumango. Natawa ako. Bading din 'to for sure.

"Duh? Lakas ata ng radar nito." She said before flicking her hair. Natawa naman ako lalo sa ginagawa nito bago mapatalon sa gulat ng marinig naman na parang may bumagsak sa likod pero si Adira lang pala 'yon na hindi na rin maipinta ang mukha sa sobrang inis.

Napaupo na rin kami ng marinig namin ang lagabog ng pinto nang maisara kaya humarap na kami sa unahan. Gago, nakakatakot mag-stay sa room na 'to.

Natapos naman ang lesson namin kay Ma'am nang sobrang nakakatakot. Ramdam mo talaga 'yung madilim na aura sa harap pati na rin sa likod namin dahil kay Adira. Naiwan naman ata si Adira sa room dahil pinag-stay ata ni Ma'am. Sus.

Papunta na ako ngayon sa office ng SSC para ipasa 'yung form na pinasagot sa akin kanina ni Xavier for the quiz bee. Lakas nga e, ako pa pinadala dahil may gagawin pa daw siya. Ang galing.

Pagkabukas ko ng office ay bumungad sa akin ang nakatayo na si Soleil at ang inis na mukha ni Astraea. Mukhang nang-iinis na naman ang Tuazon kaya siguro ganan ang mukha ng isa. Ibang klase.

"Get the fvck out, Ms. Soleil," mariin na banggit ni Astraea ng makita ako sa pintuan ng kaniyang office kaya napabaling rin ng tingin sa akin si Soleil at napangiti ng malawak.

"Oh, hello there, my future sister-in-law!" Maligayang bati nito at pinaghila pa akong upuan sa tapat ng table ni Astraea, na hindi ko tinanggap dahil aalis rin naman agad ako dahil gutom na ako.

Kunot noo ko siyang tiningnan, "Bodyguard ka ba nito at lagi kang nakadikit?" Tanong ko kay Soleil kaya napangiti na naman ito ng malawak at tumingin kay Astraea, na inip lang na nakatingin sa mga papel bago tumayo.

"Well, if she wants---"

"No," agad na sabi ni Astraea kaya napanguso ang isa. "Stop giving her more ideas, Dione." Inip na saad nito bago ako bahagian ng ngiti, "What can I do for you?"

"Ah, 'yung form sa quiz bee na pinasagutan ni Xavier kanina, ayan." She get it from me before nodding her head.

"You accepted it?" Tumango ako kaya napangiti siya at napabuntong hininga.

"Thank you. We're actually having a hard time finding a representative for Eastwood," ngiti nito at hinawakan ako sa kamay dahilan naman ng pag-ungot ng isa.

"Hey, stop her holding her hand," nguso ni Soleil kaya naman napairap si Astraea bago ito samaan ng tingin.

"I can hold someone's hand whenever I want, Soleil," inis na sambit nito at marahan na binitawan ang aking kamay. Ngumuso lang ang isa bago ngumiti ng malawak. Baliw.

"Una na ako. Gutom na ako e," paalam ko at handa na sana umalis ng tawagin pa ako ni Soleil.

"Sabay daw kayo ni Sidra." Napairap naman ako ng marinig 'yon at walang sabi na lumabas ng office.

Ramdam ko pa rin talaga 'yung inis ko kanina, punyeta. Mag send ba sa akin kaninang madaling araw ng kung ano anong memes tapos send ng send ng selfies niya kaya ayon hindi na ako nakatulog.

Aba, sino ba naman hindi makakatulog kung ganon kaganda na selfie ang ise-send sayo, 'di ba?

Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone kaya naman kinuha ko iyon sa aking bulsa pero agad din naman napabusangot ng makita ang ni-message nito sa akin.

Sidra Exie Tuazon
Where are you? I'm at the cafeteria now. Go here.

Inis na binalik ko sa aking bulsa ang cellphone at dumiretso sa library. Ha! Gold ba siya para sundin ko? Asa!

Ininda ko na lang ang pagtunog ng aking tiyan at nag advance reading na lang sa ibang subjects. For sure may magbibigay ng quiz diyan after ng school anniversary kaya mabuti na 'yung handa. Minsan kasi pag mababa ang score mo sa school na 'to, ipapahiya ka pa. Mga ugali, ugaling aso. Kala naman nila ay mga perfect sila.

I was peacefully reading the book when someone startled me by shoving the paper bag on my face.

Gulat akong tumingin sa may gawa no'n bago mapapikit sa inis. Nakangiti lang naman siya na akala niya ay nakatatawa akong panoorin.

"How did you find me?" Mahina kong sambit dahil baka masita kami ng librarian. Balita ko ay napaltan kasi 'yung mabait na nandito ng isang masungit kaya wala masyadong naglalagi ngayon dito.

"By using my eyes?" Nang aasar na banggit nito pero pinaningkitan ko lang siya ng mata kaya nawala ang ngiti nito sa labi. She cleared her throat before stating, "Fine, I saw you when I'm about to go inside the cafeteria." She grumbled before pouting na laking ikinagulat ko.

"Why are you avoiding me?"

"Ako? Luh? Hindi a!" Pag d-deny ko pero lalo lang itong ngumuso at umupo sa aking tabi.

"Yes, you are," she firmly stated and pout once again, "What did I do?" Parang bata na saad nito kaya hindi ko maiwasan na matawa sa isipan. Parang bata.

"Wala. Naaalibadbaran lang ako sa mga selfies mo." Barumbado kong sambit kaya naman ma-drama itong suminghap dahilan ng pag irap ko.

"Pangit ba?" Rinig ko naman ang pagkalumbay sa boses nito kaya lumingon ako sa kaniya. Nakita ko naman ang nakanguso na mukha nito kaya umasim ang aking mukha. Ewan ko sa kaniya.

"Huy!" She called me in a hushed tone before putting her chin on my shoulder. Natigilan ako sa ginawa nito.

"Ano ba?!" I harshly whispered.

"Pangit ba ako doon sa mga ni-send ko?" Lumingon ako sa kaniya at nakita na she's giving me those puppy eyes.

"H-Hindi..." Sabi ko na lang at iniwasan na bumaling ang tingin sa labi nito. Nakaka ano siya at naaano naman ako.

"Really? But you said na naaalibadbaran ka? Tsk," sinamaan ako nito ng tingin pero sinamaan ko din siya ng tingin. Lapit ka pa at mahahalikan mo talaga ang palad ko, tingnan mo.

"A-Anyways, I brought you l-lunch," she stammered before getting the tupperwares inside. Sinamaan ko naman muna siya ng tingin bago balingan ang mga pagkain.

"Ano 'yan?" Nguso kong tanong habang nakatingin sa pagkain na nasa harap. She smiled proudly at me.

"Buffalo wings," sabi nito ng nakangiti habang binubuksan ang mga tupperwares. Tatlo kasi ang dala niya, 'yung isa ang laman ay kanina at 'yung isa naman ay may laman na dessert.

Binigay niya sa akin ang kutsara at tinidor na nababalutan ng tissue bago iusod ang mga pagkain. She got the book from me at sinarado muna iyon. Ate Sid, once again, gestured the food from while smiling kaya nagsimula na akong kumain.

"Is it good?" Tanong nito ng akmang kakagat na ako ng buffalo wings. I glared at her.

"Hindi ko pa nakakagat," irita kong sambit kaya ngumiti lang ito sa akin at sinabi na kumain na daw ulit ako.

After kong makagat ay ay sumlyap muna ako dito bago ngumuya, nakatitig kasi ito sa akin animo'y hinihintay ang magiging reaction ko sa niluto niya.

She smiled at me, "What?"

I hardly gulp the food, "Dagat a!" Nagbibiro kong sabi kaya kumunot ang noo nito.

"It's too salty?" Ngiwing tanong nito at akmang kukuha na ng isang piraso pero agad ko na din tinampal ang kamay nito.

Sinamaan ko siya ng tingin pero iiling iling lang siya na pinanood ako na kumain. Medyo naiilang nga ako pero lamang talaga ang pagkagutom ko kaya hindi ko na lang din siya pinapansin.

"Are you free this Saturday?" Marahan na tanong nito habang inaayos ang mga pinagkainan ko. Pinagmamasdan ko lang naman siya gawin iyon habang ang ngiti ay pinipigilan na maipakita.

I shake off my thoughts and answered her, "Yes, I think so." Tango kong sagot dito kaya tumingin ito sa akin at binahagian ako ng ngiti.

"You think? You're not sure?" Paninigurado nito kaya napatango ako.

"Marama din kasi akong ginagawa," sabi ko at kinuha ang libro na inaabot nito sa akin. It's the one I'm reading earlier kaya maligaya ko itong kinuha.

"Right..." she trailed before giving me a smile once again, "Update me, then?"

I smiled at her, "Of course."














Nandito ako ngayon sa aking condo at busy na nag aaral para sa upcoming quiz bee na gaganapin daw doon lang din sa university namin. Ito na daw kasi ang napili na host ng karamihan kaya dito na lang nila napagpasyahan na iganap iyon.

Kakauwi ko lang galing university at ito na agad ang aking ginawa dahil bored rin naman ako at walang magawa sa buhay. Boring din naman kung manonood lang ako ng movie sa tv kaya ito na lang ang ginawa ko.

Nagbabasa ako ng libro when I heard the door bell rings. Napatayo ako kinauupuan at kunot noo na pumunta sa pintuan.

Walang atubili na binuksan ko ang pinto kaya walang atubili din na bumungad sa akin ang seryoso na mukha ni Dad kasama ang isang bodyguard.

My face became shocked, astonished when his face greeted me in my front door. I didn't even tell him where I'm currently living and yet he's here with his intimidating aura.

"Pa..." I breathed out. He looks at my back before looking back at me.

"Aren't you going to let me in?" His baritone voice started to intimidate me, that's why I held my head down.

"What are you doing here?" Mahina kong tanong at kabado na pinaglaruan ang mga daliri.

"It's rude not to let someone in, especially when I'm your father, Dione." He said habang ang mukha ay walang makikita na emosyon, which is a bad thing.

Napalunok ako, "Come in--- except for you." Pagpigil ko sa bodyguard ni Papa, na natigilan din bago bumaling kay Papa. It looks like he's asking for permission.

Asshole, mukha bang bahay ni Papa 'to at sa kaniya pa siya nagtanong?

"Do what she says, it's her home." Papa uttered at naunang pumasok sa loob. Tumingin naman muna ako sa bodyguard nito bago pagsaraduhan ito ng pinto at sumunod kay Papa. Napahinga naman muna ako ng malalim.

I found him in the living room, roaming his eyes around as if he's investigating, and he creased my forehead. I cleared my throat to get his attention, which I successfully did.

"How did you find my condo?" Mahina kong turan at dumiretso sa kusina para gawan siya ng kape. I know he likes it.

"I'm a lawyer, Dione," that statement alone made me understand what he's trying to say. Napatango na lang ako at hinintay na kumulo ang tubig.

Umupo ito sa stool na nandoon at muling pinalibot ang tingin sa paligid. Hindi ko naman maiwasan ma-weird-uhan.

"This is an expensive condominium building. How can you afford this?" Napatungo ako sa tinuran nito.

By him saying that, I felt so offended. There's nothing wrong with what he said. I just really don't know why I felt that.

"It's Mom's gift from my 18th birthday," I muttered before looking at him. His face turned from serious to dark nang mabanggit si Mom. He scoffed before standing up from his seat.

"It's ugly," he spat and made me bow my head.

"Well, at least I'm comfortable alone here," mahina kong turan na nagpatigil sa kaniya. He took a deep breath at naupo muli sa kinauupuan kanina.

"Enough with your cheater mother---"

"Stop saying that, she's still my mother---!"

"I said, stop mentioning her!" He angrily spats na pati laway niya pumunta sa mukha ko.

Anak ng pota-- sagwa!

I took a deep breath to calm myself before looking at him.

"What are we going to talk about?"

"I'm gonna transfer you to NYU and pursue medicine or law."

Halos malaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi. Sinabi niya lang naman iyon na parang wala lang kaya lalong nagngitngit ang aking kalooban sa sinabi niya. Napahinga ako ng malalim bago bigyan ito ng matalim na tingin.

Fuck. I thought he changed.

"No," one word and that cause him to look at me, infuriated. "And I thought we're already past that? Na-enroll mo na ako sa biology na program, 'di ba? Ano pa bang kailangan mo?"

"That's where I study my degree, Dione. Therefore, I concluded that if you stay and study at NYU, you'll like medicine---"

"Hindi pa ba sapat 'yung na-sabotage niyo na 'yung enrollment ko? For fuck's sake, let me have my peace!"

"I don't take no as an answer," he muttered, not answering my questions, that made me scoffed.

"Well, I don't take orders from someone. I'm not a freaking employee in Jolibee. Labas," I said in one breath at tinuro ang pinto.

He glared at me and was about to start a long rant but I cutted him off. I'm tired of his bullshit.

"Get out before I call the security, Pa. Don't make me do it," nagtitimpi kong saad at lumapit ng isang hakbang.

"I'm still your father, Dione."

I scoffed, "E parang hindi naman---"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin when I felt a slap on my left cheek. An unbelievable scoffed left my mouth before looking back at my father, who had a regret expression written on his face.

He just fucking slapped me. Wow.

"I'm only going to say this once; get out bago ko pa makalimutan na tatay kita," mahina kong bigkas at akmang lalapit na sana ito ng tinaas ko na ang aking kamay, "Don't."

"Get out, Pa." my lips quivered as I avoided pouring out my tears in front of him.

Narinig ko ang yabag nito papalabas hanggang sa marinig ko na ang lagabog na pagsarado ng pintuan. I unconciously sat on the floor with my hands, covering my face as the tears that I've been holding are finally out.

Every single thing that happened tonight, especially the part that he slapped me on my face, pained me a lot. How dare he barge into my place just to do that? How fucking dare him!

Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone na nasa bulsa ng aking shorts. Someone texted me.

When I saw the text, a small smile appeared on my face.





Sidra Exie Tuazon
I saw your Dad leaving the building angrily.

I kinda figured out what your situation is right now.

Is coffee and seaside good enough to make you feel better?


Continue Reading

You'll Also Like

806K 18.8K 33
Dela Frontera Series #1 Andrienne Dela Frontera - Vera Adeline Montero "I am completely charmed and eradicated by you, Dela Frontera." She sipped on...
529K 15.4K 88
what if yung playgirl na kilala nang buong school nyo dahil sa papalit palit nang boyfriend ay biglang nag bago nang landas dahil sa nangyaring hindi...
428K 15.9K 23
Zaeya Louise Ramontes came from a high-class family. Dala niya ang pangalan ng isang kilala at makapangyarihang pamilya. But when Zoe decided to take...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...