The Descendant: Marcos Fanfic...

By msjessiewrites

14.7K 398 86

Mula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang... More

The Descendant
Prologue
Chapter 1: Julianne
Chapter 2: Sister's Understanding
Chapter 3: High School Crush
Chapter 4: Locket Necklace
Chapter 5: Bongbong's Plan
Chapter 6: Interview
Chapter 7: Same
Chapter 8: Medical
Chapter 9: His Daughter
Chapter 10: Miting de Avance-Visayas
Chapter 11: Sandro's Knowledge
Chapter 12: A Father's Love
Chapter 13: Liza's Instinct
Chapter 14: Her First Love
Chapter 15: A Friend Request
Chapter 16: Miting de Avance- Mindanao
Chapter 17: Dance Performance
Chapter 18: Miting de Avance- Luzon
Chapter 19: Life and Death
Chapter 20: Ferdinand Marcos Sr.
Author's Section
Chapter 21: Tears of the Mothers
Chapter 22: Forgiveness
Chapter 23: The Return
Chapter 24: Mother and Child
Chapter 25: The Three of Us
Chapter 27: Run in the Rain
Chapter 28: Tears of a Daughter
Chapter 29: Visitors
Chapter 30: The Backstory
The Descendant Book 2

Chapter 26: Birthday

349 10 2
By msjessiewrites

Third Person

One month had past...

Nakalabas na mg ospital si Julianne at nagpatuloy ang pamamahinga sa kanilang bahay sa Pampanga.

Mula nang makauwi siya, ay hindi na siya pinayagan na lumabas pa ni Mariella dahil iniisip nito ang kaligtasan ng anak.

Isa pa, may lihim na binubuong plano si Mariella para sa anak na si Julianne.

At dahil sila lamang ang nasa bahay dahil nasa bahay ng Lola nila sina Karen at Gelo, magiging madali para kay Mariella at gagawing plano para kay Julianne.

Abala sa paglilinis sa kusina si Mariella habang nanonood ng tv sa sala si Julianne habang hawak ang cellphone nito dahil ka-chat niya si Jelay.

Pasimple siyang tinitignan ni Mariella at muling bumabalik ang atensyon sa ginagawa.

"Uy Beshy birthday mo na bukas... Anong plano ha? Maghahanda ba kayo? Punta ako ha..."- chat ni Jelay.

"Hmm di ko alam kay Mama kung magluluto bukas... Baka sa bahay ni Lola kami maghahanda..."- chat back ni Julianne.

"Ay ganon.. Sige tayo na lang after ng birthday mo... Nakakahiya kung makikikain ako sa bahay ng Lola niyo..."- reply ni Jelay.

"Sure ka? Sige mamasyal na lang tayo pagkatapos ng birthday ko"- reply ni Julianne.

Nilingon ni Julianne ang ina.

"Ma, pupunta ba tayo sa bahay ni Lola bukas?"- napatingin si Mariella sa anak.

"Ahh... Oo anak... Doon tayo maghahanda para sa birthday mo bukas"- tugon ni Mariella.

Muling tumuon sa tv ang dalaga at tumalikod si Mariella.

Lingid sa kaalaman ni Julianne, walang balak si Mariella na dalhin siya sa bahay ng biyenan para mag-celebrate ng kanyang birthday.

Iba ang nasa isip ng ina...

Alam niyang labis na masasaktan ang anak sa gagawin niya.

Sa araw mismo ng kanyang kaarawan...

----------

Kinagabihan, pasado alas nuwebe.

Mahimbing na ang tulog ni Julianne sa kwarto habang si Mariella naman ay nasa sala at nakaupo.

Tahimik at tila malalim na nag-iisip.

Hawak ang cellphone niya, paulit-ulit na binubuksan ang screen lock at paulit-ulit na tinitignan ang pangalang nakarehistro sa phonebook niya.

Ang pangalan ni Liza...

Hanggang sa humugot siya ng hininga, dinial niya ang number ni Liza at dinikit sa tenga hanggang sa sumagot ito.

"Hello? Mariella?"- tugon mula sa kabilang linya.

"H-Hello Ma'am, magandang gabi po..."- tugon ni Mariella.

"Kumusta ka? Kumusta si Julianne? May problema ba?"- sunud-sunod na tanong ni Liza.

"Ma'am... Gusto ko po sanang sabihin na... Maghanda po kayo bukas..."- tugon ni Mariella.

"Maghanda... Anong ibig mong sabihin?"- muling humugot ng hininga si Mariella.

Desidido na si Mariella sa kanyang pinaplano...

"Bukas... Ibabalik ko na siya sa inyo... Si Julianne ay ibabalik ko na sa inyo bukas... Sa mismong araw ng birthday niya..."- tugon ni Mariella.

Alam niyang nabigla si Liza sa kanyang sinabi dito.

"T-Talaga Mariella? Ibabalik mo na siya amin?!"- at bahagyang napangiti ng mapait si Mariella.

"Opo Ma'am... Para makasama niyo na siya at alam kong iyon ang dapat na mangyari..."- tugon niya.

"Salamat Mariella... Maraming salamat! Ibabalita ko ito kay Bong at sa mga anak namin..."- dinig niya ang mahinang iyak ni Liza

Alam niyang tears of joy ang namamayani sa tunay na ina ni Julianne kaya naman pipilitin niyang matuwa para sa kanila.

"Kahit simpleng handa na lang po para sa kanya Ma'am... Ang mahalaga ay makasama niyo na siya simula bukas... Ako po mismo ang maghahatid sa kanya sa bahay niyo... Kailangan ko po yung address niyo Ma'am"- tugon ni Mariella.

Bandang huli ay napagkasunduan na ng dalawang ina ang mga magaganap sa mismong araw ng birthday ni Julianne.

Sinend ni Liza ang address ng bahay nila kay Mariella kung nito ihahatid si Julianne.

Matapos makapag-usap ay nagtungo sa kwarto ni Julianne si Mariella.

Dahan-dahang tinahak ng ina ang loob ng kwarto hanggang sa marating niya ang natutulog na anak.

Umupo siya sa bandang gilid ng kama at marahang hinaplos ang buhok ng anak.

Muli na namang nag-init ang gilid ng mga mata ni Mariella at tumulo ang kanyang luha.

"Anak ko... Bukas birthday mo na naman... Pero hindi na ako at sina Karen at Gelo ang kasama mong magse-celebrate... Kundi yung tunay mong pamilya... Hinihiling ko sa'yo, na kung gaano mo kami kamahal ng mga kapatid mo, ay ganun din sana ang iparamdam mo sa kanila... Mahal na mahal kita anak..."- at dahan-dahang yumuko si Mariella.

Tinungo ang kanyang noo at hinalikan.

Kailanman ay hindi mawawala ang pagmamahal ng isang ina kahit pa sa anak na hindi niya kadugo...

----------

June 15, 2022

Bumaba ng hagdan si Julianne, suot ang biniling dress sa kanya ni Mariella.

Ang nakaupong si Mariella ay napalingon sa gawi ng anak.

"Ma? Kailamgan ba talaga naka-dress ako? Hindi ba puwedeng pantalon na lang tsaka blouse?"- sabi ni Julianne habang tinitignan ang suot na damit.

Napatayo naman si Mariella mula sa kinauupuan at tinungo ang anak.

"Anak birthday mo ngayon kaya dapat maganda ka... Bagay sa'yo oh! Alam mo bang tinawad ko pa iyan dahil nagandahan ako... Bagay naman pala sa'yo"- sabi ni Mariella at ngumiti sa anak.

"Sabagay... Minsan lang naman ako magsuot ng ganito..."- tugon ni Julianne at tumingin sa ina.

"Mas magiging maganda ka kapag inayusan na natin iyang buhok mo... Halika ayusin ko na para makapagbiyahe na tayo..."- tugon ni Mariella at hinila ang kamay ng anak.

Tumungo sila sa mahabang upuan at doon sinimulang ayusin ni Mariella ang mahabang buhok ni Julianne.

Marahang sinuklayan ni Mariella ang buhok ng anak na nakatalikod sa kanya.

Naisip niya na kailanman ay hindi na niya magagawa iyon...

Hindi na niya masusuklayan ang buhok ni Julianne...

Matapos niyang suklayan, kinuha niya mula sa bulsa ng mahaba niyang palda ang isang ipit sa buhok na may design na white ribbon.

Matapos niyang ayusan at siguruhing maganda na ang buhok ng anak, inaya niya na itong umalis.

Tumayo siya mula sa tabi ni Julianne.

"Halika na... At baka naghihintay na sila sa atin..."- tugon ni Mariella sa anak at tumayo na rin ito mula sa kinauupuan.

Nang makalabas na sila ng bahay, siniguro ni Mariella na nakakandado ang bahay at naglakad na sila paalis sa lugar.

----------

Hindi sila sumakay ng jeep, bagkus ay may nakita siyang blue taxi at doon sila sumakay.

Nagtataka naman si Julianne kung bakit sila sumakay doon.

"Ma? Bakit dito tayo sumakay?"- pagtatakang tanong ng dalaga.

"Gusto kong maranasan makasakay dito anak... At tsaka maalikabok sa jeep at mausok kaya dito muna tayo"- tugon ni Mariella sa anak.

Nilingon naman sila ng driver.

"Ma'am saan po tayo?"- napatingin sa gawi ng driver si Mariella.

"Sa terminal tayo ng bus papunta sa Maynila..."- napalingon si Julianne nang marinig niya ang destinasyon na pupuntahan nilang mag-ina.

Naglalaro sa isipan ng dalaga kung anong gagawin nila sa Maynila gayong sa Lola lang naman niya sila pupunta.

"Ma anong gagawin natin sa Maynila? Diba kina Lola tayo pupunta?"- kunot noong tinignan ni Julianne ang ina at nilingon naman siya nito.

Marahang hinawakan ni Mariella ang kamay ng anak.

"May bibisitahin tayo sa Maynila anak... Sandali lang naman yun tapos uuwi rin tayo... Yung... Yung kaibigan ko..."- at napatango naman si Julianne.

Hindi na nagtanong pa ulit si Julianne sa ina, bagkus ay marahan na lang muna niyang ipinikit ang mga mata habang bumibiyahe.

----------

Matapos ang higit sa dalawang oras na biyahe, narating nina Mariella at Julianne ang isang exclusive village kung saan nakatira ang mga magulang ni Julianne.

Ang mga Marcos...

Sakay sila ng puting taxi at pinapasok sila ng guard.

Binigay ni Mariella ang address ng bahay ng mga Marcos sa driver dahil baka marinig ni Julianne na sila ang pupuntahan nila.

Gusto niya rin na isurpresa ang anak.

Hanggang sa tumigil ang taxi sa harap ng mataas na gate.

Nagbayad si Mariella sa driver at tsaka na sila bumabang dalawa.

Tila namangha si Julianne sa itsura ng bahay na pinuntahan nila. Bukod sa mataas ang gate, may kalakihan iyon at halatang mayaman ang nakatira.

Nag-doorbell si Mariella at pinagbuksan sila ng isang lalaki na mukhang bodyguard.

"Halika ka na anak..."- hinawakan ni Mariella ang kaliwang kamay ni Julianne.

Habang dere-deretso silang papasok ng bahay, si Julianne naman hindi maalis ang atensyon sa mga magagandang bagay na nakakamangha sa kanya.

Hanggang sa isang babae ang sumalubong sa kanila.

Isa siyang bodyguard na PSG.

"Hinihintay na po kayo nina Ma'am at Sir sa loob..."- at sinamahan sila nito papasok sa bahay.

Lalong namangha si Julianne nang makapasok na silang dalawa ng ina. Maganda ang loob ng bahay at malawak. Hindi maipagkakaila ni Mariella na maging siya ay namangha rin.

"Mariella..."- natigil sa pagmamasid si Mariella nang marinig niya ang pagtawag sa kanya.

"Ma'an Liza?!"- nagulat si Julianne nang makilala niya ang babaeng tumawag sa kanyang ina.

Lumapit si Liza sa dalawa at hinawakan ang dalawang kamay ni Mariella.

Pagkatapos ay tinungo niya si Julianne at niyakap.

Lumabas mula sa kusina si Bongbong at marahang nilapitan ang tatlo.

"Kumusta kayo? Julianne kumusta ka?"- nilapitan ni Bongbong ang dalaga at marahan na tinap ang ulo nito.

"Kayo po yung may-ari nitong bahay?"- bahagya namang natawa ang mag-asawa sa tanong ng anak.

"Oo... Heto ang bahay namin.. Ang laki no?"- at napatango si Julianne.

"Alam naming pagod kayo sa biyahe. Tara sa dining room... May hinanda kami"- sabi ni Bongbong at inaya sila.

Sumunod silang tatlo sa kanya.

Iba't ibang mga putahe ang pinahanda ng mag-asawa para kay Julianne dahil birthday nito.

May napansin ding cake si Julianne sa gitna ng mesa.

"Cake? Sino po may birthday ngayon?"- napatingin ang mag-asawa sa kanya at nilingon siya ni Liza.

"Yung anak namin... Birthday ng anak namin na si Sabrina..."- medyo gumaralgal ang boses ni Liza habang binabanggit ang pangalan ng anak.

"Ahh... Edi ka-birthday ko po pala siya..."- sambit ni Julianne.

Nilingon ni Mariella ang anak at hinawakan sa ulo.

"Sinabi ko sa kanila na birthday mo ngayon..."- sabi ni Mariella.

"Oo, kaya naisip namin na tawagan ang... Mama mo... At dito kayo mag-celebrate..."- tugon ni Liza at napatango si Julianne.

"Halina kayo at nang makaupo na... Kumain ka ng marami ha Julianne..."- sambi ni Bongbong at bumungisngis si Julianne.

"Eh nasaan po yung tatlo? Sina Sandro, Simon at Vinny? Bakit kayong dalawa lang po?"- tanong ni Julianne.

"May mga inaasikaso sila ngayon. Pero mamaya uuwi rin sila"- tugon ni Liza.

Sa oras na iyon, pinagsaluhan ng apat ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa hapag.

Hindi alam ni Julianne na ito na ang huling birthday niya na makakasama ang inang nag-aruga at nagpalaki sa kanya...

----------

"Marami pong salamat sa pagkain!"- at sumilay ang matamis na ngiti ng dalaga na siya namang ikinatuwa ng mag asawa.

"Nabusog ka ba Julianne?"- tanong ni Liza at tumango ang dalaga.

"Ang sarap po ng mga handa niyo. Baka hindi na po ako makakain pag-uwi namin"- napalingon si Mariella sa anak.

Ito na ang oras na hinihintay ni Mariella...

Ang plano niya...

"Ah saan po yung CR niyo dito?"- tanong ni Mariella sa mag-asawa.

"Ah doon sa--" hindi na naituloy ni Bongbong ang sasabihin nang putulin siya ni Mariella.

"Itatanong ko na lang po sa PSG Sir..."- at tumayo si Mariella mula sa kinauupuan.

Sinundan naman siya mg tingin ni Julianne.

"Anak, magbabanyo lang ako ha... Sandali lang..."- at tumango naman si Julianne sa ina.

Lihim na dinala ni Mariella ang cellphone at ikinubli sa bulsa ng kanyang mahabang palda.

At nang mapansing malayu-layo na siya sa dining room...

Nagtungo siya palabas ng bahay...

Bago siya tuluyang makaalis, kinausap niya ang babaeng PSG na nag-assist sa kanila pagpasok sa bahay ng mga Marcos.

"Ma'am... Ipakikiusap ko sa inyo si Julianne... Siya ang nawawalang anak nina Ma'am Liza at Sir Bongbong... Pakiusap ko... Bantayan niyo siya at wag hahayaan na masaktan... Kayo na ang bahala sa kanya..."- at gumaralgal ang boses ni Mariella.

"Opo Ma'am... Makakaasa po kayo na babantayan namin siya..."- tugon ng PSG at lumabas na ng gate si Mariella.

Pagkasara ng gate ay muling nilingon ni Mariella ang malaking bahay ng mga Marcos...

At doon bumuhos ang emosyon niya...

"Patawad anak... Patawarin mo ako kung hindi ko na magagawa ang pangako ko sa'yo... Dito sa bahay na ito nararapat... Paalam anak..."- at mabilis na tinahak ni Mariella ang daan paalis sa lugar na iyon.

----------

Visuals

Julianne's outfit







Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 86 37
My boyfriend is a mafia king die or be mine It's up to you ?? When you meet a person that will tourn your life upside down what would you do will y...
20.8K 1.7K 49
Maria Imelda Alexandra Marcos, are one of the Marcos' modern generation Was it even a coincidence that she is the ONLY GIRL that had been born for t...
920K 56.1K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
23.4K 1.7K 55
"Loving you was a dream and always be a dream" (Prequel/Book 1 of STA) (A Bongbong Marcos fanfic) Date Started: May 2022 Date Finished: 08/01/22