Crossed Paths

By g4ilvvx_

16.8K 616 771

StudentxStudent (GxG) (ON GOING) Started : August 24, 2022 More

PROLOGUE
AUTHOR'S NOTE
CASTS
CHAPTER - 1
CHAPTER - 2
CHAPTER - 4
CHAPTER - 5
CHAPTER - 6
CHAPTER - 7
CHAPTER - 8
CHAPTER - 9
CHAPTER - 10
CHAPTER - 11

CHAPTER - 3

855 51 49
By g4ilvvx_

Molly's

+++

Pabalik na kami ngayon sa Hospital kasama ko ang kambal na kapatid ni Louise, galing kasi kami sa isang convenience store, saktong papasok na kami nang may nakita akong dalawang tao kaya natigil ako sa paglalakad.

"Oye hermana Molly, ¿por qué te detuviste?", muli akong napangiwi nang magsalita itong si Hettie, grabe kanina pa halos dumugo yung ilong ko kasi kanina pa niya ako ini-Spanish.

Kagaya kasi ni Louise ay mga english spokening dollars din itong mga kapatid niya kaya malapit na talagang mapulbos ang braincells ko, my gosh!

"Ha? I'm sorry baby Hettie, I don't understand", sabi ko dito tapos tinawanan ba naman ako.

"She's asking, why did you stop", bigla namang nagsalita itong si Harriet kaya lihim akong nagpasalamat sakaniya.

Babae si Hettie at lalake naman itong si Harriet.

Bahagya naman akong umupo para mapantayan ko silang dalawa.

"Okay, listen to me babies. I actually forgot to buy something at the convenience store so I have to go back...", paninimula ko at pilit na pinag-iisipan kung paano ko pa ieexplain sakanila.

"Are you saying that we should go back to my sister's private room first?", biglang singit ni Harriet kaya nakahinga na ako ng maluwag

"Ah! Yes yes! That's right", nakangiting sabi ko na ikinangiti niya din bago niya hawakan sa kamay ang kakambal nito.

"Okay hermana Molly, take care!", sagot ni Harriet.

"I will and take care you two", sabi ko naman at ginulo ang mga buhok nila.

"¡Vamos! Hettie!", sabi naman ni Harriet at nagsimula na silang naglakad. Safe naman na kasi nandito na din kami sa Hospital at alam nila kung nasaan yung kwarto ni Louise.

Pinanood ko lang sila at naiiling nalang ako kasi kahit mga simpleng Spanish words lang ang banggitin nila ay wala talaga akong maintindihan.

Nang mawala na sa paningin ko yung kambal ay dali-dali akong lumapit sa mga taong nakita ko kanina na naglalakad patungo sa parking lot nitong Cuervas Hospital.

Syempre hindi ako nagpakita sakanila at nagtago ako sa isang sasakyan pero siniguro ko na maririnig ko kung anuman ang pinag-uusapan nila.

Napansin ko na mukhang nagtatalo sila ngayon, alam ko naman na mali 'tong ginagawa ko pero curious ako eh.

Sila nga pala ang mag-asawang Cesora at kasama na nila ngayon ang anak nilang si Zavy.

"你真是个白痴! (Nǐ zhēnshi gè báichī!)", rinig kong sigaw ni Vice Governor at napasinghap ako nang bigla niyang sinampal ang anak nito.

"蜂蜜! 不要伤害我们的儿子! (Fēngmì! Bùyào shānghài wǒmen de érzi!)", sigaw naman ni Mrs. Cesora at niyakap nito si Zavy kasi sasampalin nanaman sana siya ng tatay nito.

Dahil sa nasasaksihan ko ngayon ay napapahilot nalang ako sa ulo ko. Pano ba naman kasi? Kanina lang ay halos dumugo na ang ilong ko sa pag i-Spanish saakin ni Hettie, iniEnglish pa ako ni Harriet tapos ngayon Chinese naman?

"对不起爸爸 (Duìbùqǐ bàba)", biglang nagsalita si Zavy at umiiyak na ito.

"Ano bang nagyari sayo ha!? Sa lahat ng babae si Liane pa talaga ang gusto mong gahasain!? Gago ka!", muli akong napatakip ng bibig ko nang biglang sinuntok ni Mr. Cesora ang anak nito sa mukha.

Ngayon ko lang nakikita na ganito kagalit si Vice Governor at hindi ko din inexpect na nananakit pala siya.

Gosh! Sobrang nakakadisappoint talaga si Zavy, crush na crush ko pa naman siya pero nakakadiri pala siya, pinsan pa talaga niya yung trip niya. Yuck!

"I'm sorry Dad, I'm sorry!", sabi ni Zavy habang nakaupo siya ngayon sa sahig dahil bumagsak niya sa pagkakasuntok ng Dad niya kanina.

Naisip ko naman silang kuhanan ng video kaya inilabas ko ang cellphone ko at nagrecord, hindi ko din alam kung bakit pero baka lang magamit namin sa future.

"Sorry!? Ano pang magagawa ng sorry mong hayop ka!?", sigaw sakaniya ni Mr. Cesora.

"Honey tama na! Wala na tayong magagawa kasi nangyari na!", sigaw naman ni Mrs. Cesora sa asawa nito habang inaaalalayan na makatayo ang anak.

"Masisisi niyo ba ako Dad? I really like her! A-and I love her, matagal ko na siyang gusto! G-gusto ko siyang makuha at gustong gusto ko na ako ang makauna sakaniya", nalaglag naman ang panga ko dahil sa narinig ko mula kay Zavy. Tangina?

Ano bang tumatakbo sa isip niya? Pota hindi niya man lang inisip na magkadugo sila ni President Laurio? Putakte ka Zavy! Mas lalo tuloy akong nandidiri sakaniya.

"Gago ka ba!? 她是你的表妹! (Tā shì nǐ de biǎomèi!)", muling singhal ni Mr. Cesora sakaniya.

"I know that pero wala akong pakialam kasi mahal ko talaga siya", sagot naman ni Zavy kaya naiiling na lang ako.

"Damn it Zavy! You're obsessed!", sigaw sakaniya ng Dad niya at muli niya itong sinampal.

Hays, grabe naman 'tong Zavy na 'to. Well, I can't blame him kasi napakaganda naman talaga ni President Laurio, ganon yata talaga kasi halo-halo ba naman ang lahi niya na kahit nga ako ay may paghanga sakaniya.

Pero mali pa din talaga si Zavy kasi kahit saang anggulo mo tignan ay relatives pa din sila.

Napapabuntong hininga nalang ako at muling nakinig sa usapan ng mga Cesora.

"Dad please! I know na obsessed na ako sakaniya and I really really want her", biglang sabi ni Zavy kaya muli nanamang napaawang ang bibig ko. Putakte, di ba siya titigil?

"Gustong gusto ko siyang makuha Dad at wala akong planong tumigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko", dagdag pa nito na nagpabuntong hininga kay Mr. Cesora.

"Let's stop this Honey, kumalma na muna kayong dalawa", pagpapatigil sakanila ni Mrs. Cesora.

"Zavy anak, magpahinga at magpalamig ka na muna, saka mo na lang ituloy yung balak mo...", biglang sabi ni Mrs. Cesora at hinawakan si Zavy sa balikat.

Tangina? Seryoso ba siya?

"Tumahimik ka! Wag kong kunsintihin ang kagaguhan ng anak mo!", sigaw ni Mr. Cesora sa asawa nito.

"Alam niyo ba kung gaano kayaman ang makakalaban natin dahil sa katarantaduhan ng lalakeng 'to!? Kapag hindi ka pa tumigil, madadamay tayong lahat!", baling ni Mr. Cesora sa anak nito at kinwelyuhan pa.

"Bakit Dad? Mayaman din naman tayo ah? Tsaka bakit ba kayo natatakot sa transferee na yon? Sa school siya ni lolo nag-aral kaya pwedeng pwede natin siyang paalisin", sagot ni Zavy sa Dad niya kaya muli siyang sinampal ng huli.

"Bobo! Hindi ka na ba talaga makaintindi Zavy?! Tigilan mo na yang kahibangan mo! Hindi mo kilala kung sino ang makakalaban natin! Sila ang-", natigil si Mr. Cesora sa sinasabi nito nang may mga sasakyang nagsidatingan ngayon dito sa parking lot.

May naririnig din kaming tunog ng chopper sa itaas na sa tingin ko ay pababa ngayon sa rooftop nitong Hospital.

Napatingin ako sa mga sasakyang dumating, puting magarang Van at Mercedes Benz ang lumitaw sa bandang kanan.

Ford Ranger pick-up truck at Limousine naman sa bandang kaliwa at may mga kasunod pa silang mga itim na sasakyan na sa tingin ko ay mga personal guard na nila ang mga iyon.

Dali-dali kong itinigil ang pagvivideo kasi may idea na ako kung sino ang mga dumating.

Gagi, nandito na ang angkan nila Louise!

"Nakita mo na? Sobrang yaman nila Zavy! Sobrang yaman ng angkan ng babaeng muntik mo ng patayin!", rinig ko pang singhal ni Mr. Cesora sa anak nito kaya napangisi ako.

Tumayo na ako at pasimpleng lumapit sa puting van nang bumaba na dito ang pamilyang Browns-Green kabilang ang Tita Sydney ni Louise at ang asawa nito.

Bumaba naman sa Mercedes Benz ang iba pang Tita ni Louise sa parehong side ng mommies niya ganon din sa mga iba pang sasakyan. Grabe, ang lalakas ng mga dating nila.

Kilala kasi sila dahil nga sila ang pamilya ng mga bisexual women at bawat isa sakanila ay may kanya-kanyang propesyon lalo na sa pagmomodelo.

May mga journalist, singer, dancer, mga owner ng naglalakihang kompanya sa loob at labas ng bansa-ah basta, nakakalula na talaga kung iisipin.

Nang sinalubong ko na sila ay sinamahan ko na sila sa private room ni Louise, pansin ko nga din na napapanganga yung mga nadadaanan naming mga tao kasi marahil ay nakikilala nila yung mga kasama ko.

+++

Hermione's

Magpapahinga na sana ako nang magsidatingan naman ang mga lola at tita ko sa pati din ang ibang kamag-anak ko sa magkabilang side ng mommies ko.

Agad ko silang niyakap kasi sobrang mamiss ko sila at ngayon ko na lang din nakita yung iba sakanila.

Lahat sila ay nag-aalala sa kalagayan ko ngayon at pati pala sila ay naalarma dahil sa paglalayas ko sa Barcelona at syempre humingi ako ng sorry about doon.

Hindi ko naman maiwasang mangiti habang tinitignan silang lahat ngayon dito sa kwarto ko, hindi ko inexpect na dadating silang lahat ngayon.

Sa side ni Mommy Sam ay nandito si Tita Sydney at ang asawa nitong si Karin, nandito din si Tita Sheryl at ang asawa nitong si Athena, pareho silang sikat na writer at may ari ng isang sikat na publishing company. Nandito din si Tita Sandy na isang singer at dancer naman.

Sa side naman ni Mommy Lea, si Tita Loriel na isang sikat na Director, si Tita Lucy na isa namang photographer/architect, si Tita Lorea at ang asawa nitong si Gracie, pareho naman silang Doctor at ang engineer kong Tita na si Lerry.

Nandito nga din yung mga buhay ko pang Lola at yung ninang kong si Joy kasama ang asawa't anak nito.

Ramdam na ramdam ko talaga na sobrang namiss nila ako kasi halos sabay-sabay sila kung asikasuhin ako at alalayan, kung di pa nga sinabi ng Doctor na kailangan ko na magpahinga ay hindi talaga nila ako lulubayan.

Pero ngayon nga ay nasa labas na sila kasi sinabi ng Doctor na iisa lang daw ang dapat na magbantay saakin at si Molly na ang nagpresenta.

"Que te mejores pronto hija mía, te amamos", yan ang sabi ni Mommy Lea bago sila umalis.

Kasalukuyan akong nakatulala ngayon sa kawalan at bagot na bagot na ako. Madaling araw na kasi pero hindi pa din ako nakakaramdam ng antok.

Nilingon ko si Molly na nakahiga sa couch, ang himbing ng tulog niya. Sana all.

Nakakailang buntong hininga na ako at may naisip akong gawin, oo nga pala hindi ko pa nakakamusta si President Laurio.

Gusto ko siyang puntahan kaya naman tumayo na ako, di naman ako ganon ka-injured eh. Lumabas ako ng kwarto hila-hila yung dextrose ko.

Ilang beses akong kumatok sa kwarto kung nasaan si President Laurio pero walang sumasagot. Tulog na kaya siya?

I took a deep breath bago pinihit yung doorknob at agad na nakita ang bakanteng hospital bed.

Where is she? Na-discharged na ba siya?

Naiiling nalang ako at lalabas na sana pero...

"Vice President Cuervas? Can you help me?", rinig kong sabi ng babaeng hinahanap ko at nagmumula iyon sa loob ng cr kaya agad akong nagtungo doon.

Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita.

"Pakizipper naman yung hospital gown ko, hindi ko kasi maabot", sabi nito kaya napatitig ako sa likod nito at hindi ko maiwasang mapalunok.

Pano ba naman, kitang-kita ko ngayon kung gaano kakinis yung likod niya at yung mga black underwear na suot niya ngayon. Wtf.

I took a deep breath at isinara na nga yung zipper niya.

"Salamat Vice President Cuerv-Miss transferee?", halata naman sa mga mata niya ang pagkabigla nang makita niya ako.

"What are you doing here? Okay ka na ba?", tanong nito at medyo nabigla pa ako nang maramdaman ang maiinit at malalambot niyang mga palad sa ulo ko.

Nakatitig ako sakaniya at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Gusto kong humingi ng sorry kasi dahil saakin ay nangyari sayo 'to", biglang sabi niya at diretso akong tinitigan sa mga mata.

"D-don't, I mean wag kang magsorry kasj kahit sinow naman makakita sayo ay tutulungan ka", sabi ko at ngumiti pero agad kong binawi kasi bigla nanamang naging blangko ang ekspresyon niya.

"Still, I am sorry Miss Transfe-"

"Louie", pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Ha?"

"Call me Louie from now on", sagot ko at muli ko na siyang nginitian.

"I'm sorry pero sanay kasi talaga akong tawagin yung kapwa ko estudyande sa mga last names nila", sabit nito na nagpapawi sa ngiti ko.

"G-ganon ba?", tanong ko at napapakamot nalang sa batok ko.

"Hmm okay, then call me Ms. Eurwen", sabi ko at lihim na napamura kasi wtf, bakit ko sinabi yung last name ko?

"Eurwen?", kunotnoong tanong niya at mukhang nag-iisip.

Fvck! Baka makilala niya na ako.

"I don't know why but it sounds familiar pero hindi ko alam kung saan ko narinig but anyways, I'll call you Ms. Eurwen from now on", sabi niya at nakahinga naman ako ng maluwag kasi mukhang hindi niya nakilala.

"And start calling me Ms. Lauri-"

"Rich", pagpuputol ko sakaniya at inabot na yung kamay niyang nakalahad.

"S-sorry?", pagtataka nito.

"Rich, I'll call you Rich", sagot ko at nginitian siya ng matamis at mas lalo pa akong nangiti kasi pumayag siya.

Nagshashakehands kami ngayon at nakangiti lang akong nakatitig sa mga mata niya at tila namamalikmata pa yata ako nang makita ko ang bahagyang pagngiti niya pero agad din namang nawala.

Siya na ang naunang bumitaw hanggang sa yayain niya akong maupo sa couch.

"Bakit ka nga pala nandon nung time na yon Ms. Eurwen?", biglang tanong nito.

"A-ang totoo kasi niyan ay nakita kow na pinipilit ka niyang isakay sa sasakyan niya and nakikita kow na nasasaktan ka sa ginagawa niya..."

"...tapos doon ko lang narealized lahat na siya yung may gawa ng sugat mo sa labi at pamumula ng pisngi mo kaya alam kong delikado ka sakanya..."

"...kaya nung umalis yung sasakyan niya ay sinundan kow kayo", sagot ko na nagpatango-tango sakaniya.

"A-nd gusto ko din na magsorry kasi hindi ko kaagad nagets kung bakit mo'ko iniinvite for dinner k-kasi ang totoo ay akala kow talaga na marumi kang babae", sambit ko pa na nagpakunot ng noo niya pero bago pa man siya magsalita ay inunahan ko na siya.

"E-eh kasi I saw you two kissing and nalaman ko pa na magcousins pala kayo so that's why inisip kong ganon kang klaseng babae and I'm really sorry for judging you", yumuko ako kasi hindi ko kayang titigan siya, ewan ko ba pero nahihiya ako sakaniya.

"So yun pala talaga ang dahilan kaya mo'ko tinanggihan?", tanong nito kaya marahan akong tumango at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya, nang muli ko siyang tignan ay nakatingin lang siya ngayon sa kawalan.

"Well, I can't blame you naman kasi kahit sino naman na hindi ako masyadong kilala ay iniisip talaga na ganon akong klaseng babae...", dagdag pa niya kaya nanatili akong nakatitig sakaniya.

"Matagal nang ganon ang ginagawa saakin ni Zavy pero hindi ko magawang magsabi sa Lolo ko o kahit kay Tito Zendrick kasi hindi nila ako paniniwalan..."

"...palaging si Zavy lang naman ang tama sa paningin nila, si Zavy lang ang perpekto sa mga mata nila", sabi pa niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng awa.

Hinawakan ko naman yung kamay niya kaya napatingin siya dito.

"Sinubukan kong magsumbong sa Mommy ni Zavy kasi baka maniwala siya dahil kapwa ko siya babae pero hindi eh, ako pa yung naging masama, kesyo inaakit ko daw si Zavy", mahina siyang natawa at nailing pa bago siya muling bumuntong hininga.

"Mas pinili niyang kampihan yung gago niyang anak", dagdag pa nito kaya pinisil ko yung kamay niya, napatingin siya saakin kaya nginitian ko siya.

Lumapit ako sakaniya at iginaya ang ulo niya para isandal sa balikat ko, hindi ko din kasi alam kung paano pagagaanin ang loob niya at ito lang ang naiisip kong paraan.

Pansin ko nga na nabigla pa siya pero lihim naman akong nangiti nang maramdamang naging komportable na siya sa ayos namin ngayon.

"I'm sorry Rich pero hindi ko kasi talaga alam kung paano pagagaanin ang loob mo at ito lang ang naiisip ko and gusto ko lang din sabihin na wag ka ng mag-alala, hinding hindi na muling makakalapit pa sayo si Zavy kasi I'm here..."

"...alam kong hindi pa tayo ganon katagal na magkakilala pero ipagtatanggol kita sakaniya, pangako ko yan kaya wag ka ng magworry, okay?", sabi ko at wala naman akong natanggap na anumang tugon mula sakaniya pero ayos lang, naiintindihan ko, alam kong nabibigla lang siya sa mga sinasabi ko ngayon.

Ewan ko din ba, madalas kasi talaga blangko lang ang ekspresyon niya pero kapag may nakikita akong lungkot sa mga mata nito ay gusto ko siyang yakapin at gawin lahat ng way na alam ko para pawiin yung lungkot niya.

Ang weird nga eh kasi ganito na kaagad yung nararamdaman ko eh samantalang kaninang umaga lang kami nagkita.

Tapos dahil sa mga narinig ko patungkol saakaniya at sa buhay niya ay may nag-uudyok sakin na mas kilalanin pa siya.

Nararamdaman ko kasi na malungkot yung buhay niya at may malalim siyang pinaghuhugutan, gusto ko siyang mas makilala pa at kung pwede pa nga ay maging kaibigan ko siya.

Nakikita at nararamdaman ko kasing na parang pinapakita niya sa madla na malakas siya pero deep inside ay may takot talaga siya, yung tipong kailangan niya ng kaibigan na magtatanggol sakaniya, kaibigan na lalaban para sakaniya at pakiramdam ko ay ako yon.

After ng mga naging encounter pa namin kahapon hanggang ngayon ay mas gumaan yung loob ko sakaniya. Yung pagkadismayang nararamdaman ko ay nawala.

Hindi ko din alam kung bakit ba ganito yung nararamdaman ko kasi kahit na babago lang kaming nagkakilala ay pakiramdam ko'y nakita ko na siya dati pa.

Pag napapatitig kasi ako sa mukha niya ay parang nakita ko na talaga siya dati, lalo yung shape ng mukha niya at yung eyes niya pero hindi ko talaga alam kung saan o kailan ko siya nakita before.

Muli akong bumuntong hininga at tuluyan ko na siyang niyakap. Hindi naman siya umangal kaya ngumiti ako.

At hindi ko na din malaman kung gaano katagal kaming nanatili sa ganong ayos, basta natigil nalang kami nang bumukas yung pinto ng kwarto niya at iniluwa nito si kinulot.

"Hoy babaeng imported! Anong ginagawa mo kay President Laurio!?", biglang sigaw nito nang makita niya ako.

Wtf? Mukha ba akong may ginagawa kay Rich? Nababaliw na yata talaga 'tong kinulot na 'to.

Sasagutin ko na sana siya pero naunahan naman na ako ni Rich na magsalita.

"Okay na ba lahat Ms. Cuervas?", tanong nito at bigla namang ngumiti si kinulot.

"Opo President Laurio, nabayadan na po lahat at pwede na po kayong umuwi", magalang na sagot niya kaya nagpapalit-palit ang tingin ko sakanila.

Wait? Nagpadischarged na siya? Nang ganitong oras?! Chineck ko kaagad yung wrist watch ko at nakitang 2:40 am na, tapos aalis sila? Hindi ba sila natatakot sa labas? Hays.

"S-sandali? Uuwi ka na? Okay ka na ba?", sumingit na ako sakanilang dalawa.

"I'm okay now Ms. Eurwen, don't worry"

"Eurwen?", napatingin naman ako kay kinulot nang bigla siyang nagsalita at mukhang nag-iisip.

Fvck, baka kilala niya kami?

"What's wrong?", tanong naman ni Rich.

"Are you somewhat related with Mrs. Eurwen? Yung architect?", biglang tanong niya kaya biglang bumilis yung heartbeat ko but I need to act cool.

"Sorry, hindi ko kasi siya kilala so hindi", sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sakaniya para ipakita na confident ako sa sagot ko.

Nanatili siyang nakatitig saakin, yung tipong pinag-aaralan niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Shit!

Nararamdaman ko na yung panumuo ng pawis ko sa noo ko, maniwala ka na kasi. Tss.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang magtatatango siya at nauna ng maglakad palabas ng kwarto.

"Tara na Ms. Eurwen", sabi naman ni Rich kaya sumunod na din ako sakaniya palabas.

Hinatid niya ako sa kwarto ko at binilinan na magpagaling bago siya akmang lalabas na ng room ko.

"R-rich?", tawag ko kaya napatigil siya para tignan ako.

"Ngayon ka talaga uuwi? Sobrang aga pa at delikado sa labas", sabi ko kaya bumuntong hininga muna siya.

"I'm okay kaya don't worry. Kasama namin yung driver slash bodyguard ni Ms. Cuervas at sa CCST ako didiretso at kasama ko naman si Ms. Cuervas kaya alam kong safe ako. Kaya ikaw, magpahinga ka na at magpagaling", sagot nito saakin kaya ako naman ang napabuntong hininga bago tumango.

"S-sige, mag iingat kayo", tinanguan niya naman ako bago na siya tuluyang lumabas.

Bakit naman sa CCST na siya tutuloy? Eh ang aga-aga pa? Don't tell me gagampanan niya na kaagad yung pagiging SSC President niya? Hays.

May nakita din akong paperbag na dala-dala ni kinulot kanina and sa tingin ko ay mga uniform yon-uniform nila.

Grabe naman si Rich, napakaresposible sa pagiging SSC President, ang aga-aga ay nasa school na siya, tapos dapat nga ay nagpapahinga pa siya kasi kakagaling lang niya sa kapahamahan pero hindi, mas pinili niyang magtrabaho na.

Naisip ko tulot bigla kung anong dahilan bakit ganon siya? I mean bakit kung magtrabaho siya sa school ay parang di niya naman Lolo yung may-ari non?

Tsaka oo nga pala, nasaan kaya ang parents niya? I know na patay na yung Mommy niya kasi nabanggit niya na yon saakin pero yung Daddy niya kaya?

Naisip ko kasi bigla bakit hindi man lang siya pinuntahan ng Daddy o kaya ng Lolo niya dito sa Hospital? Tsaka bakit siya nakatira ngayon sa bahay ng Lolo niya?

Muli akong napabuntong hininga at humiga na sa kama ko, ang dami ko namang iniisip.

Sandali kong tinignan si Molly na hanggang ngayon ay tulog pa din, grabe wala man lang siyang kaalam-alam na nakaalis na ako ng kwarto na 'to.

Nang tuluyan ko ng makalma ang utak ko mula sa pag-iisip ng kung anu-ano ay nakatulog na din ako, sa wakas.

+++

N

ang magising ako ay nandoon na ulit ang mga mommies ko kasama ang halos buong angkan ko na mga nagsidatingan kahapon.

Nang madischarged naman na ako sa hospital ay sa beach rest house ni Tita Sydney kami nagpunta kasama na si Molly at ang kapatid nito.

Dito na din kami kumain ng lunch nang sabay-sabay at pagkatapos ay nagpaalam na din ang mga lola ko at nagsiuwian na sila sa syudad.

Si Tita Sydney at ang asawa nito ay bumalik na din sa island na pag-aari nila sakay ng chopper.

Nagsi-uwian na din yung iba ko pang mga Tita at ang naiwan na lang ngayon ay ako, si Molly at kapatid nito, at ang mommies ko pati mga kapatid ko.

Balak daw kasing manatili muna dito ng mommies ko at hintayin na tuluyang gumaling yung sugat ko bago sila bumalik sa Barcelona.

Kinabukasan ding iyon ay kinita namin ang mag-asawang Cesora para sa mga papeles na kailangang pirmahan para sa aregluhan na napagkaisahan namin.

+++

Kinabukasan ulit,

"Anak sigurado ka bang papasok ka na? Hindi na ba masakit ang sugat mo?", tanong saakin ni Mommy Lea na punong puno ng pag-aalala kaya nginitian ko siya.

Kasalukuyan na kasi akong nag-aayos ngayon ng mga gamit ko at naghihintay na din si Molly saakin sa baba.

"Okay lang pow ako Mommy, wag pow kayong mag-alala", sagot ko sakaniya at kiniss siya sa noo.

"Sigurado ka anak ha?"

"Opo, alis na pow kami at baka malate na kami", sabi ko dito kaya bumaba na din kami.

"Cuidate hija mia, te amo", sabi pa ni Mommy Lea bago ako sumakay sa sasakyan ko.

"Opo Mommy, I love you more pow!", sagot ko sakaniya at nagflying kiss pa ako.

Kumakaway lang din naman si Mommy Sam at yung kambal kaya nagpaalam na kami ni Molly sakanila.

*School*

Pinauna ko na si Molly sa first subject niya kasi kinailangan ko pang bumalik sa parking lot para hanapin yung phone ko.

Dinadala ko pa din kasi kahit na bawal pero hindi ko naman ginagamit tsaka baka may biglang emergency oh at least may magagamit ako.

Ngayon naman ay nagmamadali akong maglakad sa hallway habang busy na mangalkal sa bag ko kasi hindi ko naman mahanap ang panyo ko ngayon.

"Ahh! Wtf!", reklamo ko nang may bigla nalang bumangga saakin dahilan ng pagkatumba ko ay pagkalaglag ng mga gamit ko kaya nag-angat ako ng tingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Ops! Tatanga-tanga ka kasi nakaharang ka sa daan", pagsusungit nito saakin kaya agad akong tumayo.

"Ako pa talaga ang tatanga-tanga? Eh ang luwag-luwag ng daan tapos sinadya mo'kong banggain?", singhal ko dito na ikinalaki ng mga mata niya.

Mabilis din namang dumami ang mga estudyante sa paligid at may ilang mga natatawa at tila natutuwa pa sa nasasaksihan nila ngayon.

"Aba't ang yabang mo namang transferee para sagutin ako! Hindi mo pa ako kilala?!", sigaw nito saakin kaya mas nagtaas ako ng noo.

"Ha? Bakit? Sino ka ba?", sagot ko dito kaya mas lalong sumama ang tingin niya at akma akong sasampalin pero agad kong nahawakan yung palapulsuhan niya at itinulak siya kaya siya naman ang napaupo.

Inirapan ko siya at sinimulan na sanang pulutin ang mga gamit ko pero bigla siyang tumayo at itinulak ako.

"How dare you! Wala pang nagpapahiya saakin ng ganito! Baka nakakalimutan mong baguhan ka lang kaya wag na wag kang magyabang!", sigaw nito saakin kaya mas lalo na akong naiinis ngayon.

"Pinapahiya? Hindi kita pinapahiya kasi ikaw mismow ang nagpapahiya sa sarili mo Bitch!", sagot ko dito at sinadyang diinan yung pagkakabanggit ko ng bitch kaya mas lalo siyang nagalit at akma nanaman akong sasampalin pero may humawak na sa kamay nito at nang tignan ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko.

It's President Laurio na ngayon ay titig na titig lang sa babaeng bumangga saakin, maging ang huli ay nakikipagtitigan lang din sa Presidente

"Don't touch me!", singhal nito at iwinaksi ang kamay ni Rich.

Gustong gusto ko pa talagang labanan siya pero pinigil ko na ang sarili ko ay umupo nalang para pulutin na yung mga gamit ko.

Napatingin naman ako sa babaeng tumulong saakin mamulot at nalaman na SSC Officer din siya kasi may sash din iyong red at SSC TREASURER ang nakasulat dito. She's pretty din.

"Hoy Miss Transferee! Kabago-bago mo lang nagsisimula ka na agad ng gulo!", napaawang naman ang bibig ko sa sinigaw ni kinulot saakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Wtf? Ako pa talaga?

Grabe, bagay silang magsama nung babaeng bumangga saakin, pareho silang papansin!

"Wag mo siyang sisihin Ms. Cuervas kasi alam naman natin kung sino talaga ang nagsimula ng gulo, tama ba ako Ms. Cesora?", sabi naman ni President Laurio at binalingan nito ng tingin yung babaeng bumangga saakin.

Ms. Cesora? Wait? So kamag-anak niya si Zavy?

"Tss. Whatever Liane, I'm leaving", sagot nung babae sakaniya at nagsimula nang maglakad kaya tumayo na din ako.

"T-thank you", sabi ko sa babaeng tumulong saakin mamulot ng mga gamit ko.

"Ms. Cesora! Pumunta ka sa office ko ngayon din!", napatingin naman ako kay President Laurio nang bigla itong sumigaw.

Taas kilay naman siyang tinignan nung babae at nakangisi pa ito.

"How dare you para ipaoffice ako? Eh kung isumbong kaya kita kay Mommy?", may halong pagbabantang sagot nito sa Presidente.

Napakuyom ako ng mga kamao ko kasi nakakaramdam nanaman ako ng inis, ang lakas ng loob niyang bastusin si President Laurio sa harap ng mga ibang officers at estudyande dito.

Mukhang tama nga ako, kapatid nga talaga siya ni Zavy. Pero kahit na pinsan nito si Rich ay mali pa din ang inaasal nito ngayon.

"Bakit hindi mo'ko isumbong ngayon mismo, huh?", biglang sabi ni President Laurio at unti-unting lumapit doon sa babae.

"Kahit anak siya ni Lolo, wala pa ding magagawa si Tita kasi ako pa din ang President ng CCST at ako ng masusunod. Wala din siyang magagawa sa mga rules na pinatutupad ko!", rinig na rinig ko ang inis ngayon sa boses ni Rich kaya napapalunok nalang ako.

"At gusto kong itatak mo sa isip mo Lexi na kahit pinsan kita ay hinding hindi ko hahayaan o itotolerate ang ganitong gawain mo! Pangbubully sa mga baguhan?..."

"...at tandaan mo din na kahit apo ka din ng may-ari ng school na 'to ay wala kang karapatan na bastusin ako at wag kang magfeeling main character kasi hindi bagay sayo! At sinasabi ko lahat ng 'to hindi bilang pinsan mo kundi bilang Supreme Student Council President!", mahabang sabi nito sa hindi mababaling tono kaya ang dami na ding natutulala ngayon sakaniya kasama na ako.

Bakas na bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla kasi marahil ay ngayon lang din nila nakita si President Laurio na ganito.

"Tama!"

"Grabe ang pangit ng ugali!"

"Anak ba talaga ng Vice Governor yan?"

"Grabe nakakahiya, pinapahiya niya yung sarili niyang tatay!"

Yan lang ang ilan sa mga naging bulungbulungan sa paligid kaya mas lalo lang nanlisik ang mga maya nung bumangga saakin na Lexi pala ang pangalan.

Grabe, may favorite yata yung tatay niya na ano, basta ano.

Hindi na muling nagsalita pa si Lexi, sandali pa nga niya akong tinignan bago inirapan at naglakad na siya patungo sa Presidential Office at agad naman siyang sinundan ni President Laurio.

Si kinulot naman at yung SSC Secretary ay nagsimula na ding pabalikin ang mga estudyante sa mga classroom nila at itigil na ang pagmamarites.

Inilibot ko naman ang paningin ko para hanapin yung SSC Treasurer na tumulong saakin kanina, gusto ko kasi na magthankyou ulit pero hindi ko na nagawa kasi nakita ko na siyang naglalakad na pasalungat room na pupuntahan ko.

I took a deep breath, hindi ko man lang nalaman ang name niya.

Naiiling nalang ako at nagsimulang naglakad, agad ko namang nakita si Molly na nag-aalala akong sinalubong.

"My gosh besh! What happened?!", tanong nito kaya bumuntong hininga ako at kinwento sakaniya.

May mga subjects kasi kami ni Molly na hindi talaga sabay kasi irregular student ako. May mga subjects kasi akong natake na before sa Barcelona at yung iba naman dito ay hindi pa. Halo-halo nga eh kasi may mga subjects akong tinitake na pang 3rd at 4th year na.

Magkaiba din pala kami ng course ni Molly kasi Journalism ang tinitake niya major in broadcasting. Bagay na bagay nga sakaniya yung course niya kasi kahit nga sa pagkwkwento niya saakin ng mga alam niya ay complete details talaga.

"Hays kahit kailan talaga ang epal ng Lexi na yon! Kamusta ka? May masakit ba sayo? Tell me besh! Tell me!", napakunotnoo naman ako nang bigla niya akong alog-alugin at biglang niyakap.

"Hoy besh! Parang ang OA mo naman yata?", tanong ko dito kaya tumawa siya at humiwalay saakin.

"May play kasi kami mamaya besh, nagpapractice lang ako", sabi nito kaya nahampas ko siya sa balikat.

"Ako pa talaga pinagpraktisan mow ha", sabi ko dito na mas ikinatawa niya.

"Hey you two! Pumasok na kayo sa mga subjects niyo!", natigil naman ang kulitan namin nang bigla kaming sigawan ni kinulot.

Hay nako, alam niyo napapansin ko talaga na parang high blood saakin yang kinulot na yan. Ang init lagi ng ulo eh wala naman akong ginagawa sakaniya. Tss.

+++

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 516 23
Isang babaeng lubog sa utang na may taong sasalo sa kanyang kahirapan. Ngunit may kapalit ito. Kaya bang itaya ang pagmamahal dahil lang sa pera?
3.3K 218 43
Lahat ng hindi masabi, dito ipapahayag. Nawa'y makarating ang nais ipahiwatig. Tapunan ng feelings by the one and only freak.
946K 32.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
462K 16.9K 49
[WEEKLY UPDATES] Amber is a well-known Professor at Crimson University. She is a Pretty-Hot professor who loves to play with her students. A pervert...