I'm Addicted To You (Revised)

De authortheonly

172 12 15

"A story of people who's try to find the crazy thing called love." "Then soon they were realized that love is... Mais

All Rights Reserved
Temporary Stop

IATYIATY(REVISED) -1 [Cupcake]

80 6 15
De authortheonly

Flashback no 1:Scene: NewYorkCity, Date: December 24, 20- - Time: 9:15 PM

Sa isang payapang lugar sa bansang Amerika, na kung tawagin ay New York City, matatagpuan natin ang isang binatang nag ngangalang George, naglalakad siya ng mga panahong iyon tungo sa isang coffee shop. Christmas Eve, payapa ang kapaligiran, damang dama mo ang bawat pagdampi ng malamig at malilit na kulay puting bagay na nagmumula isa itaas na kung tawagin sa bansang iyon ay snow, tanging ingay lang na nagmumula sa bawat bahay ang naririnig, binabati ang isa't isa ng Merry Christmas, habang silang lahat ay nakangiting nagyayakapan.

George's POV

"I can tell myself its over, and i need a brand new start, but there's no such thing has mind over matters of the heart"

Tinanggal ko sa ulo ko ang nakasabit na headset dito at saka isinabit sa leeg ko, at bumuntong hininga. Naks, mapangasar na Ipad yan, ang galing ah, bagay sa akin yung kanta, bagay sa broken hearted na katulad ko. May naalala lang ako. Isang taong sobrang importante sa buhay ko, nagpapaligaya sa akin, at dumadamay sa akin tuwing malungkot ako. Naalala ko lang yung mga panahong sobrang saya namin. Sabay kaming lumalabas, nililibot ang buong park, kumakain ng kung ano anong nakikita namin. Mga bagay na hindi na ulit mangyayari. Masakit mang isipin ngunit iniwan na niya ako, at hanggang doon na lang iyon.

Sa paglalakad ko patungo sa isang Coffee Shop, lalo ko siyang naiisip. Sa bawat kantong madaan ko kasi ay laging may magkasintahang naglalambingan. Katulad ng dati naming ginagawa. Sa totoo lang ay ayoko nang maalala ang mga bagay na ito. Sumasakit lang lalo ang nararamdaman ko. Sakit na sa tingin ko ay hindi na muling pang maiibsan.

Napapaisip tuloy ako minsan, di ba ang love daw ay ang pinakamagandang regalo ng diyos, pero bakit kailangang may masaktan, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon, basta sa akin, ang love, dalawa lang naman ang patutunguhan niyan, kung hindi forever happiness, forever loneliness. Isang kabaliwang bagay na patuloy na ginagawa ng mga tao, kahit paulit ulit na silang nasasaktan. Kaya nga takot na akong magmahal eh, mahirap na at baka mamaya, masaktan lang din ulit ako. Ayoko na nang ganun. Pagod na ako.

Nang dumating ako sa Coffee shop na dapat pupuntahan ko ngayon, napailing ako, nakita kong nakasarado na ito. Itinaas ko ang kamay ko at tumingin sa wrist watch kong suot-suot, kulay black ito na may blue na nakapalibot sa gilid nito, naramdaman kong kumunot ang mukha ko nang kusa, 9:15PM. Nahihibang na ba ako. San ka naman ba makakakita ng nakabukas na Coffee Shop sa ganitong oras, lalo na't Christmas Eve ngayon. Makauwi na nga lang.

Tumungo ako sa tabi ng kalsada. Nakatayo ako at sumandal sa tabi ng poste ng ilaw, may upuan sa tabi nito ngunit ayoko umupo dahil tinatamad akong alisin ang mga snow na nakapatong dito. Ramdam ko na rin ang sobrang ginaw kahit sobrang dami at kapal na ng suot-suot ko Jacket. Sa bawat paghinga ko ay palaging may lumalabas na parang usok. Natatawa na lang ako sa tuwing makikita ko iyon.

Habang naghihintay ako ng Taxi, na tawag dito ay Cab, hindi ko alam kung bakit, bigla bigla na lang may kumalabit sa likuran ko na kung ano. Napaikot tuloy ako upang tingnan kung sino iyon. Nakita ko ang isang babaeng halatang pinipilit ngumiti sa harap ko.

"Uhhmm, Sir Excuse me, I was walking for so long, and I was tired, can I ask a favor? If you don't mind?"

Tingnan mo tong babaeng to, akala ko naman kung ano, eh ano naman pake ko kung pagod na siya, kailangan pa bang kalabitin ako at sabihin sa akin iyon. Favor daw? Ano naman kaya makukuha niya sakin.

"Excuse me too, i didn't know why are you saying that kind of word to me, if you're tired, then get out of here and get rest, and for the favor-"

Tinignan ko siya sa mata na ngayon ay nakasimangot na, saka ako tumuloy sa pagsasalita.

"And for the favor,"

Tumingin ulit ako sa kanya at may naiisip akong plano, evil plan, siguro taga dito naman siya kaya di niya naman siguro maiintindihan yung sasabihin ko kapag magsasalita ako ng tagalog. Tama, para kunwari di ko siya naiintindihan para hindi na niya ako guluhin, bwahaha

"Para sa favor mo miss, pwede maghanap ka na lang ng iba? kasi wala ako sa mood eh,".-wika ko

Nagulat ako nang makita kong napatawa siya sa sinabi ko. Ibig sabihin ba naintidihan niya yun. O baka naman nacucutetan lang siya sakin, di ko naman siya masisisi dahil maraming nagsasabi nun, sa sobrang cute at pogi ko ba naman, abay natural lang yun sakin.

Lumakad siya at umikot mula sa likod papuntang harap ng upuan. Tumigil na rin siya sa pagtawa, maya maya nung nasa harap na siya ng upuan ay nakita kong inaalis niya yung snow sa ibabaw nito, kahit halata kong nilalamig na siya dahil sa paghawak niya dun sa snow, eh patuloy pa rin niya itong inaalis. Pinapanuod ko lang siya ng mga oras na yun. Binaba niya ng konti yung yung sobrero niya at hinawi yung buhok niya na siya dahilan ng pagkakita ko sa mukha niya, unang tingin pa lang ay mahahalata mo na pilipina siya, mula sa kayumangging balat nito hanggang sa brown niyang mga mata, ano ba George, bat mo ba siya tinitingnan ng ganyan, erase. . .erase . . . pero ang cute niya rin ah, di na din masama.

"Oh, Bakit ka nakatingin sa akin?"

Bigla akong naginit sa sinabi niya. Ako nakatingin sa kanya, di ah, akala niya lang yun.Saka nakakapagsalita siya ng tagalog ou nga pala, kababayan ko pala tong babaeng to, ano ba yan, nakakahiya, naintindihan niya yung sinabi ko sa kanya kanina, bat di siya nagalit, masyado at siya mabait ah.

"Teka miss nakakapagtagalog ka pala."-wika ko na parang wala akong alam, palusot mode

"Natural, hindi mo ba ako naririnig,eto oh, nagtatagalog ako, o baka kelangan ko pang ilapit itong bunganga ko jan sa tenga mo para marinig mo kung anong sinasabi ko, ano sa tingin mo?"

Okay, mukhang di naman siya galit sa mga sinabi niya noh, nangaasar ba to, naglakad ba naman ng mabilis papunta sa kinatatayuan ko. Teka anong gagawin nito, ayan na siya malapit na, mas mabuting ihanda ko na sarili ko.

"Sige, nakakaasar kang aso ka, napakagentle dog mo!"

Ako aso?? no way! kelan pa naging aso ang poging at cute na ako, siya ata nangaasar eh.

"Teka miss, ikaw yung nangaasar eh, di naman ako."

Lumapit pa siya sa akin na halatang nangigigil na sa galit. Mayamaya ay nakita kong may pinupunasan siya sa mukha niya. Umiiyak ba siya. Iyakin pala tong isang ito eh.

"Uy, teka bat ka ba umiiyak jan? di naman kita inano ah."-pagpapaliwanag ko

Umiyak pa siya ng todo ng marinig yung sinabi ko, at ang matindi ay nakaupo na siya sa may harap ko!as in para siyang nakaluhod! Ano bang nagyayari sa babaeng to, baka mamaya mapagbintangan pa ako dito mahirap na,

Lumapit ako at umupo sa tabi niya, habang patuloy pa rin siya sa paghagulgol. Hindi ko na alam kung pano ko siya patitigilin, pinagtitinginan na kaming dalawa dito.

"Miss, pinagtitinginan na tayo dito oh, tumahan ka na jan, nakakahiya na oh."

"Hindi*sob*Ayoko!!!"

Lumakas pa lalo ang pagiyak niya. Kaiinis! pano ko ba patitigilin to. Hindi pa naman ako sanay sa ganito.

"Ano bang kelangan mo! para tumigil ka na sa pagiyak mo jan!?"
-sigaw ko

Napansin kong napatigil siya sa pagiyak. Sa wakas tumahimik din siya.

"Libre mo ko ng cupcake."

Natawa ako sa sinabi niya. Ang cute niya, para siyang bata.

"O sige"

"Yeheeeyy!"

"So, san mo gusto bumili?"

"Kahit saan na, basta cupcake hah.."

"Oh, tayo ka na jan"

Para akong may inaalagaang bata dito. Nakakatuwa siya. Ayos ako pa tuloy ang manlilibre.

Tumayo na ako at hinawakan yung kamay niya para tulungan siyang tumayo. Nakatayo na siya siguro ng mga 1/2 nang bigla siyang madulas, sa kasamaang palad ay napasama ako sa pagbagsak niya, at nalakapatong ngayon ako sa kanya. Nakakaasar din minsan ang pagiging lampa ko, wrong timing.

Dumampi ng slight ang labi ko at naramdaman ko ang malambot niyang labi. Lagot wala na ang first kiss ko, kawawa naman ang mapapangasawa ko niyan, dapat sa kanya mapupunta ito eh.

Pareho kaming nanlaki ang mga mata sa nangyari. Agad kong binawi ang labi ko at saka nagmadaling tumayo at tumalikod sa kanya. Naramdaman kong nagiinit ang mukha ko ng mga oras na yun. Nang humarap ako sa kanya ay bigla na lang

"Paaakkk!"

Napaaray na lang ako.

Letter From The Author:

Dear Readers,
Welcome sa Revised edition ng I'm Addicted To You!! Kinilig naman siguro kayo ano?? Kung hindi tumahimik ka na lang jan hah.

Hindi ko masasabing mabilis itong mauupdate, pero sisiguraduhin kong sulit ang bawat part.

At yung original neto, pagiisipan ko pa kung itutuloy ko, basta dito muna focus ko.

Sana nagenjoy kayo!!

Love,
authortheonly

Continue lendo

Você também vai gostar

My Gangster Husband De ella

Ficção Adolescente

14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
Garnet Academy: The Game De Cai

Ficção Adolescente

34.7K 1.6K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
August and Apple De Reynald

Ficção Adolescente

1.1M 20.2K 29
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
268K 18.3K 87
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...