Mismatch With The Playboy

By biisool

92.2K 6K 2K

Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon ni... More

MISMATCH WITH THE PLAYBOY
CHARACTER PROFILE
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14

2

6K 407 185
By biisool

Ville Jet Abellar

Akala ko dadalhin ako ng loko sa mamahaling restaurant dito lang pala sa tapsilogan sa likuran ng school. Wala masyadong tao dito ngayon kasi uwian na. In fact, kaming dalawa lang ang customer dito.

Pano niya kaya natuntun ang lugar na 'to eh para sa amin lang tong mga hampaslupang scholar eh.

Napakunot ang noo ko habang binubuklat ang mga test paper dito sa lamesa. Sumasakit ang mata ko sa daming below 50 na score. May ten at zero pa nga. Paano nakaabot ng senior high ang lalaking 'to?

"What do you think? Not so bad right?" Ang confident niyang tanong habang nakataas ang kanyang mga paa dito sa lamesa. Ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa likuran ng kanyang ulo.

"Hmmm...It's not so bad naman," ang tumatango kong sagot dito habang patuloy pa rin sa pagbuklat ng natitirang mga papel.

Umayos ito ng upo sa harapan ko at pinagtagpo ang kanyang mga kamay sa lamesa at tumitig sa akin.

"So...is it possible to join the academic olympics? I want to win the math league competition, science quiz bowl at debate."

Ibinaba ko ang test paper at nakipagtitigan sa kanya bago siya binigyan ng isang magandang ngiti. "Hindi eh."

Agad na nagkasalubong ang kanyang mga kilay niya matapos marinig ang sagot ko. "What? But why? You told me my grades were not so bad."

"Not so bad. Kasi very bad ang grades mo. Jusko! Gwapo ka nga, mayaman at masarap. Bobo ka naman." May halong panunuya ang boses ko habang sinasabi iyon sa kanya.

Agad na nagtagis ang kanyang mga bagang matapos marinig iyon mula sa akin. "What? Akala mo hindi ako nasusuka diyan sa mukha mong puno ng tigyawat? Talino lang meron ka, boy."

"Anong boy? Girl ako 'no! Saka tatlo lang kaya tong tigyawat ko." Ang pagkontra ko dito.

Bwiset to ah! Lakas makapintas porke't poreless na poreless ang mukha. Edi ikaw na ang pinagpala! Nasa 'yo na ang lahat.

"Psh. Bakla pa. Pasalamat ka pa nga ikaw 'tong nilapitan ko eh."

Wow, naman! Pera ba siya at kailangan ko pang magpasalamat sa diyos?

"Aside sa gwapo ak--"

"Mapapakain ba ako niyang kagwapohan mo huh? Hindi. Nakakai-stress iyang mukha mo," ang pagputol ko sa sasabihin nito. Ang cute niya kasing asarin. Parang unggoy na nagagalit.

"Pwede ba, bakla? Patupusin mo muna ako. Ang baho ng hininga mo!" Singhal niya sa akin sabay tapon ng ginusot na papel.

"Mas mabaho ka!"

"Fuck you!"

Tumayo ako at tumuwad sa harapan niya. "Oh ayan, fuck me na." pang-aasar ko dito.

Masyadong mabilis ang sunod na pangyayari. Naramdaman ko na lang ang pagbundol ng isang bumubukol na bagay sa pwetan ko. Put- "ROCKET GRIMALDE!"

Lalayo na sana ako nang higpitan niya ang hawak sa bewang ko habang ang isang kamay ay nasa batok ko. Mas lalong lumapat sa pwetan ko ang alaga niyang nababalutan ng boxers at pants nang yumuko siya. Ramdam ko rin sa aking likuran ang matipuno nitong dibdib. "SHUTA! RAPE! RAAPPEEE!!!"

"Rape? You offered me your ass," ang nakakakilabot niyang bulong sa tenga ko.

"Rocket, alam kong isa kang mabuti, gwapo, masarap at maginoong mamamayan ng Pilipinas. Maawa ka sa akin virgin pa ako." Ang kinakabahan kong sabi sa kanya habang iginiling-giling niya ang kanyang bewang sa likuran ko.

"5k for a night," bulong niya sa tenga ko. Dinilaan niya pa ito. Ang landi ng lalaking ito! Lord, tulong!

K-kung 5k for a night, may 25k na ako sa isang linggo.

"T-Talaga? Pero may additional 10k kasi virgin ako eh," ang sabi ko sa kanya.

Kakaiba talaga ang epekto ng pera sa akin. Nakakarelax ng kaluluwa.

Saka okay lang 'yon kung si Rocket mag de-devirginize sa akin. May hitsura naman siya, saka sabi-sabi daw ma--

"HAHAHAHA! DUDE? WTF? I'M NOT GAY. What I mean is, five thousand every day kapalit ng pagtu-tutor mo sa akin."

Hindi ko alam kung bakit nadismaya ako sa sinabi niya. Siguro dahil sa tingin ko mas madali pang bumukaka sa harap niya kesa turuan siya.

"Bakit ba kasi ang eager mong manalo sa mga competition. Anong meron?" Iniba ko nalang ang topic para hindi niya mahalata ang pagkadismaya ko.

"Gusto kong ipakita kay Blythe na hindi ako bobo. That I can be her man. Na hindi lang puro kagwapohan at pagmamahal ang maibibigay ko sa kanya," ang seryoso nitong sagot habang umuupo pabalik sa upuan niya kanina.

"Si Blythe Ong? Sus hindi naman kayo bagay n'on eh." Ang inis kong sabi dito at padabog na umupo sa upuan ko.

Pareho kaming nagkatinginan at natigilan sa inasal ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang na-badtrip sa kanya.

Hindi nagtagal, unti-unting sumilay ang isang nang aasar na ngisi sa kanyanh mukha.

"Bakit sino ba'ng bagay sa akin?"

Umakto akong nag-iisip saka ngumise. "Si Thatiana!"

Napahalakhak ako nang makita ang paglaki ng mata niya bago nagkasulobong ang kanyang mga kilay. "You're crazy! That girl almost killed me during P.E."

Si Thatian iyong ex girlfriend niyang member ng football team. Noong P.E class nila, palagi daw malalakas ang sipa ng bola nito papunta sa kanya. Ayon nahimatay ang loko nang sumapol sa mukha niya ang bola.

"Sino ba naman kasing hindi maiinis sa mukha mo?" Tukso ko dito.

"Narinig mo ba akong nagreklamo sa mukha mo?" Ang tanong niya habang masama pa rin ang tingin sa akin.

Tumunog ang cellphone niya kaya nakuha nito ang atensyon naming dalawa. May binasa siya doon bago siya tumayo sa aking harapan at pinulot ang bag niya sa tabi. "I got to go, may practice pa kami sa football. Remember, you can't tell other people about this. I'll call you tomorrow para ipaalam sa'yo kung saan tayo magkikita."

"Oi, sa akin na 'tong burger at ulam mo ah?" Ang pahabol ko sa kanya nang nasa may pintuan na siya.

Pinakyuhan niya lang ako bago siya tumuloy palabas. Pinabalot ko muna iyong mga pagkain bago rin ako umuwi. Sayang din 'to no. Hindi naman 'to kinain ng mamaw na 'yon.

Naglinis pa ako ng bahay pagkauwi dahil maaga pa naman. Naghanda na rin ako ng hapunan namin dahil hindi daw makakauwi si mama ngayong gabi.

Grade four ako nang ma-realize ko kung anong uring trabaho ang ginagawa ni mama. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatawag nilang pokpok ang mama ko at binubully ako sa school. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palaging wala ang mama sa gabi. Nalaman ko lang noong in-explain ng isang kaklase ko iyong pokpok.

Masakit noong una at natural ding nahiya ako. Pero mas nangibabaw ang pagmamahal ko kay mama. Ako ang higit na mas nakakaalam kay mama at alam kong labis-labis ang sakripisyo niya para lang maitaguyod kami. Kaya dasurv niya ang magandang buhay.

Hindi man iyon naibigay ng papa ko, sisiguraduhin ko namang ako ang makakapagbigay nito.

"Oi, Ville, pwede bang ikaw na lang leader sa role play natin sa environmental science?" Ito kaagad ang bungad sa akin ng kaklase ko pagkapasok ko sa room kinabukasan.

"Check ko schedule ko ha, wait." Kinuha ko mula sa aking bag ang isang maliit na notebook kung saan ko nilalagay ang schedule ko at napatango nang makitang wala naman akong ibang gagawin ngayong araw bukod sa pagtuturo kay Rocket.

Every monday and wednesday lang naman iyong isa kong tinuturuan kaya kaya pa ng schedule.

Bukod sa practice namin sa room, nagpractice pa kami pagkatapos ng last subject namin. Doon namin napili sa oval mag-practice ulit.

"Omg! Nandiyan mga taga-football team," ang kinikilig na anunsyo ni Maja sa kalagitnaan ng practice namin.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang grupo ng mga matatangkad na kalalakihang naka-uniform kasunod ng coach nila.

Umasim ang mukha ko nang magkatinginan kaming dalawa ni Rocket. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang weird. Dati hindi kami magkakilala kaya wala akong pake kung mapatingin siya sa direksyon namin (meron pala kasi crush ko siya dati). Pero ngayon na customer ko na siya hindi ako sure sa iaakto ko.

"Hoy, walang kasamang girlfriend si Rocket," ang chika sa akin ni Johan, ang seatmate ko.

"Good for him at nang makapagpahinga naman ang tite niya."

"Hoy ang bastos mo naman!"

Pinaikutan ko lang siya ng mata. Ang rason kung bakit nawala ang feelings ko sa lalaking 'yan ay dahil nahuli ko lang naman siyang chichupa-chups ng ex girlfriends niya sa loob ng cr namin.

"Oh tama na 'yan! Hindi sila ang magpe-perform bukas. Practice tayo ulit. From the top," ang sigaw ko para tumigil na sila kakatingin sa mga football boys.

Hindi muna ako sumali sa kanila at tumayo sa harapan para pagmasdan ang football team-este ang mga kaklase ko habang nagpe-perform.

Umulit pa kami ng perform ng dalawang beses bago ko sila pinauwi. Tumingin ako sa direksyon ni Rocket at ng mga players saka napakamot ng ulo.

Pano ba 'to? Hihintayin ko ba siya?

Lumingon-lingon ako sa paligid at saka-blagh!

"Holy shit!"

Anak ng pu-pikit mata akong napabangon mula sa pagkakabulagta. Hawak-hawak ko ang ilong kong sapol sa bola. Gusto kong maiyak sa sakit.

"Are you ok?" Napabuka ako ng mata nang marinig ang walang kwentang tanong ni Rocket.

Nakatayo siya sa harapan ko habang hingal na hingal at tagaktak ang pawis sa noo. Sa halip na maging amoy araw ang loko amoy na amoy ko pa lalo ang pabango niya.

"Mukha ba akong okay ha?" Pinakita ko sa kanya ang duguan kong kamay mula sa ilong kong dumudugo.

Napatitig siya sa akin kaya nailang ako. "Ano? Di mo ba ang tutulungan?" Ang sa halip ay tanong ko sa kanya.

Mabilis akong napatayo nang makita siyang gumiwang. Kaagad naman siyang nahawakan ng kagrupo niya. "Nahihilo ako," ang nanghihinang sabi niya.

Malakas akong napatawa sa sinabi. Gagong 'to. Ang laking tao, nahihilo sa dugo? Ilang minuto rin akong tawa ng tawa bago kami nagpunta sa clinic.

"Magpahinga lang kayong dalawa diyan. I'll tell you kung kailan na kayo pwedeng makauwi. Na-contact ko na rin ang mga guardians at parents ninyo," ang sabi ng nurse matapos kami nitong gamutin.

Lumingon ako sa kabilang bed at muling natawa nang makita si Rocket na hinang-hina. Pinulot niya iyong unan sa tabi nang umalis ang nurse at itinapon iyon sa akin. Tawa pa rin ako ng tawa.

"Kalaki mong tao, takot ka naman pala sa dugo," ang tawa ko.

"Shut up! It was because you're ugly that I fainted," ang asik niya na nagpatawa ulit sa akin. Ang cute lang eh.

"Okay, sabi mo eh," ang nakangite kong sagot bago nahiga sa malambot na kama at humarap sa kanya.

"Mag tu-tutor pa ba ako sa'yo ngayong araw?"

"Yeah, we can't waste more time. May susundo ba sa iyo mamaya?" Ang tanong niya bago umayos ng higa paharap sa akin.

Saglit akong napatigil at napatitig sa kanya. Sunod-sunod akong napalunok bago umiling.

"W-Wala naman." Ba't nautal, Ville?! Anonv nangyayari?! Ex-crush mo na 'yan!

"Ba't ang pula ng mukha mo? Mamamatay ka na ba?" Ang tanong niya habang nakakunot ang noo.

Nahihiya akong napairap sa direksyon niya. Gago, nahuli pa ako. "Wala, napagod lang ako. Matutulog muna ako gisingin mo na lang ako kapag okay na."

Tumalikod ako sa kanya at napakagat ng labi para pigilan ang sariling mapangite. Gagi, ba't kasi ang gwapo-gwapo niya kahit medyo kinulang sa utak? Bakit kailangang matangos ang ilong niya? Bakit alagang dentist ang ngipin niya? Bakit kailangang mapula at kissable ang labi niya? Bakit perfect ng hugis ng mukha niya? May problema pa sa character development! Lord, ang unfair niyo!

Sa kakaisip ko kung paano siya papangitin sa isipan ko, nakatulog na lamang ako.

"Pwede na kayong umuwi dalawa. Diretso uwi ha. Magpahinga kayo sa bahay ninyo," ang paalala ng nurse sa amin nang nasa may pintuan na kami ng clinic.

Para kaming tuta na tumango bago nagpaalam sa kanya.

Tahimik kaming dalawa na naglakad papunta sa gate ng school. Madilim na ang kalangitan at tahimik na sa buong school. Napatigil ako at pinagmasdan si Rocket na kumaliwa papuntang parking lot ng school.

"Di ka pa uuwi?" Ang nagtatakang tanong ko.

Lumingon siya sa akin at tiningnan ako na para bang di siya makapaniwala sa tanong ko. "And how do you expect me to go home?"

"Maglalakad? Sasakay ng jeep?"

Pagak siyang natawa at lumapit sa akin. Lumingon-lingon pa siya sa paligid. Napaatras ako nang yumuko siya't inilapit sa akin ang mukha niya. "I'm not poor like you."

Ako naman ngayon ang natawa. "Baliw! Di lang poor naco-commute no. Abnormal na 'to. Makauwi na nga."

Tinalikuran ko siya at akmang maglalakad na paalis nang hawakan niya ang palapulsuhan 'to. Syempre medyo kinilig iyong itlog ko sa ginawa niya. Sa wattpad ko lang 'to nababasa eh.

"A-Ano?!" Ang galit-galitan kong tanong sa kanya.

Kinunotan niya ako ng noo. "You still have to tutor me."

"Ang tagal mo kasing magdesisyon. Sa'n ba? Anong oras?"

"Ngayon na," ang sagot niya bago ako hinila papunta sa parking lot.

Napamaang ako nang tumigil kami sa harap ng isang mamahalin at kumikinang na sasakyan. Napatakip ako ng bibig ng makita iyong logo ng sasakyan. "Gagi, BMW ba 'to?!" Ang excited kong tanong sa kanya.

Ngumise siya sa akin bago binuksan ang driver seat ng sasakyan. Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan katabi niya at excited na naglikot sa loob.

"Sa wattpad ko lang 'to nababasa! Ang yaman mo naman. Sayang di pang leading man ugali mo."

"Psh. Galing pa talaga sa'yo 'yan? Kahit extra di ka papasa," ang pang-iinsulto niya.

Umayos ako ng upo at umirap. "Whatever. S'an ba tayo magaaral?"

Nahihindik akong napakapit sa seatbelt ko nang marinig ang sagot niya.

"Sa motel."


08/25/22







Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.1K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
3.7K 119 20
Start: May 26, 2022 Finished: November 30, 202 Genre: Boys Love "Before igniting a fire with someone, be sure you're ready. If you're ready for plea...
17K 1.1K 42
Somewhere between all our laughs, long talks, stupid little fights, and all our lame jokes... I fell in love.
16.3K 459 133
Wherein Jeon Wonwoo receives a letter from a stranger every 12:12 am. Meanie/Minwon FanFic (epistolary)