I am the Tutor of Mr. Arrogan...

By SheWritesLove26

120K 1.8K 154

"I used to be confident, then you came and it's gone." Rio Jed Nolasco only knows one place to stay- at the t... More

I am the Tutor of Mr. Arrogant
-Prologue-
Lesson Number One -Miss Rank Number One-
Lesson Number Two -A Match Made in Heaven or in Hell?-
Lesson Number Three -Lesson Plan-
Lesson Number Four -Teach him to be patient.-
Lesson Number Five -Teach him to be helpful.-
Lesson Number Six -Teach him to be generous.-
Lesson Number Seven -Scrambled Feelings-
Lesson Number Eight - 2
Lesson Number Nine -She's Special-
Lesson Number Ten -A Night With Mister Arrogant-
Lesson Number Ten - 2
Lesson Number Eleven -The Crazy Fans-
Lesson Number Twelve -Accident and Goodbye-
Lesson Number Thirteen -Friends or Foes?-
Lesson Number Fourteen -Teach him to persevere.-
Lesson Number Sixteen -Learn to forgive.-
Lesson Number Sixteen-2
Lesson Number Seventeen -The Greatest Lesson-
Lesson Number Seventeen - 2
Lesson Number Eighteen
Lesson Number Eighteen- 2
Lesson Number Nineteen
Lesson Number Nineteen -2
Lesson Number Nineteen- 3
Lesson Number Twenty
Lesson Number Twenty One
Lesson Number Twenty One -2
Lesson Number Twenty Two
Lesson Number Twenty Two - 2
Lesson Number Twenty three
-Epilogue-
Bonus Chapter

Lesson Number Eight -Teach Mr. Arrogant to be thankful.-

4K 89 9
By SheWritesLove26

Lesson Number Eight

-Teach Mr. Arrogant to be thankful.-

 "LUMABAS na raw ang result ng semi-final exams."

"Sino kayang top students ngayon?"

"For sure si Monica pa rin ang Rank Number One."

"Hindi iyan... siguradong si First ulit ang nasa top."

Iyon ang bulong-bulungang narinig ni Monica pagkadating niya sa SEBA building. Pupunta sana siya sa may bulletin board para tingnan ang resulta ngunit masiyadong maraming estudiyante ang nagkakagulo roon kaya kaysa makipagsiksikan pa siya sa ibang estudiyante ay pumunta na lang siya Sports Arena para magtraining.

Sabado naman kasi at walang klase. Lumabas lang ang results ng exam kaya naroon ang mga estudiyante kaya't useless kung sa classroom siya dederetso.

Pero pagdating niya sa sports arena ay kaagad dumapo ang kanyang mga mata sa papel na nakapaskil sa pintuan. Kaagad na kumunot ang kanyang noo.

All trainings for today are cancelled.

Kung alam lang niya na walang training eh, 'di sana ay umuwi na lang siya sa Batangas. Miss na rin niya ang kanyang pamilyang ilang linggo rin niyang hindi nakita dahil sa sobrang daming bagay na inaasikaso niya.

Paalis na siya ng building nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Rumehistro ang pangalan ni Rio Jed.

May training daw tayo ngayon. Iyong iba lang ang cancelled.

Pagkabasa ng text message mula kay Rio ay dumeretso na si Monica sa training room. Afterall, hindi naman pala sayang ang pagpunta niya. Ilang araw rin kasi siyang hindi nakapagtraining dahil sa exams at sa pagkabunggo sa kanya ni Freakazoid na sinapian ng mabait na engkanto.

Pero pagdating niya sa training room ay wala namang tao. Wala ang team mates niya. Wala si Coach. Wala rin kahit ang anino ni Rio Jed Nolasco.

Ngunit napako ang kanyang mga mata sa tanging bagay na naroon. Isang malaking malaking teddy bear. Life size. Mas malaki pa nga iyon sa kanya.

"Para kanino naman kaya itong higanteng oso na ito?" tanong pa ni Monica habang naglalakad papunta sa teddy bear. Kulay puti ito at may malaking purple na ribbon sa may leeg nito. Mayroon din itong malaking pocket sa may tummy part nito.

'Di ba kanggaroo naman ang may pocket?

Kinapa ni Monica ang bulsa nito at may nakalagay na isang card. Ang design ng card ay ang favorite flower niya. Ang forget-me-not.

"Thank You, Nicz."

~RJN

"Baliw talaga. Magtethank you lang ang dami pang pakulo."

Ibinalik na ni Monica ang card sa bulsa ng oso saka niya ito muling tiningnan. "Ang cute cute cute mo naman." Sabi pa niya habang pinipisil ang mukha ng oso. "Hindi katulad ng nagbigay sa iyo, palaging masungit."

Nagpalinga-linga naman si Monica, baka kasi nagtatago lang si Rio sa kung saan at marinig siya, bawiin pa nito ang bear niya. Sayang naman. Ngayon lang may nagbigay sa kanya ng teddy bear bukod sa papa niya. Mahilig pa naman siya sa Teddy Bears lalo na iyong kulay white. Pero wala si Rio. Safe! Hindi mababawi si Mr. Bear.

Muling tinitigan ni Monica ang oso sa harap niya.

"Thank you. Ganito kalaking bear para sa thank you. Eh, 'di siya na nga ang mayaman," palatak niya.

Biglang nakaramdam ng disappointment si Monica. Bakit kasi "Thank You" lang iyong message?

Ano ba naman itong naiisip niya? Bakit parang may ineexpect pa siyang iba bukod sa thank you?

"Baliw ka, Monica! Thank you nga lang, 'di ba? Wag ka nang mag-expect ng higit pa sa thank you." Sermon niya sa sarili niya.

Lumabas na lamang si Monica ng training room. Hahanapin niya si Rio, magpapasalamat rin kasi siya dahil sa bigay nitong teddy bear. Bitbit ang higanteng si Mr. Bear ay naglakad siya sa loob ng academy at kahit isang anino ni Freak ay hindi niya mahagilap. Grabe lang! ang bigat bigat ng oso tapos ang laki-laki pa. Hirap na hirap pa tuloy siyang bitbitin iyon. Wala na rin ang mga estudiyante, malamang umuwi na o naglakwatcha kasi naman sabado at walang klase.

Pagal na pagal siyang umupo sa isang bench sa may garden. Napagod talaga siya sa pagbibitbit sa oso.

"Huuu! Paano ko ito iuuwi? Ang bigat bigat. Ang layo pa naman ng LRT at iyon lang ang way para makauwi ako sa kina Tita Dulce. Doon ko na lang ito dadalhin kasi hindi naman to kasiya sa dorm saka kapag may training lang naman sa gabi puwedeng magstay sa dorm." Kinakausap pa niya ang sarili niya habang nakatingin sa oso. Mababaliw yata siya sa pag-iisip ng paraan.

Hiyang hiya na si Monica. Pinagtitinginan na siya ng mga tao. Paano naman kasi, ang laki laki ng oso niyang dala. Pinag-uusapan tuloy siya ng ibang tao sa loob ng tren. Mukha na nga siyang basang sisiw dahil sa pagod. Ikaw ba namang maglibot sa buong BIA plus maglakad papuntang LRT station? Hindi ka ba naman magmumukhang haggard. Ang gulo gulo ng buhok niya na parang hindi nasuklay ng sampung araw plus pawisan plus may malaking bagahe which is iyong oso. Hindi kaya siya mapagkamalang baliw.

"Lagot sa akin ang nagbigay sa iyo."

Nagmadali siyang bumaba ng LRT nang marating niya ang babaan papunta sa bahay ng tita niya kung saan siya tumutuloy. At kung minamalas nga naman, walang tricycle sa paradahan. Kaya't wala siyang ibang choice kundi ang maglakad na lamang. Mukhang hindi pa nasiyahan ang tandhana sa pagpapahirap sa kanya— pagdating niya sa bahay ay naka-lock iyon at wala siyang kopya ng susi.

Matagal pa siyang naghintay bago dumating ang kanyang tita, umupo na lang siya sa may gilid ng pintuan. Gabi na nga ito dumating. Pagod na pagod at gutom na gutom pa naman si Monica. Humanda talaga si Airy Arrogant Freak, kahit binigyan pa siya nito ng malaking bear bilang pasasalamat ay hindi naman niya palalagpasin ang paghihirap na dinanas niya.

Minsan na nga lang maging thankful ang aroganteng nilalang na iyon ay may kalakip pang pagpapataw ng pinetensiya!

...♥...

"WHAT an exhausting day!" Untag ni Monica bago siya dumapa sa kanyang kama. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata para matulog nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Thank you, Nicz. See you tomorrow :)

Hindi na lang siya nagreply. Paano siya magrereply, eh, wala naman siyang load?

Inilapag na lang niya ang cellphone  sa may lamesa na malapit sa kama at saka pumikit habang nakangiti.

Kahit smiley lang iyon sa text  message ay napangiti pa rin siya, naiimagine niya kasi ang mukha ni Rio na masayang nakangiti.

Then she drifted off to a peaceful sleep na para bang nalusaw ang lahat ng inis niya dahil sa ngiting iyon.

......

LUNES na naman. Maagang pumasok si Rio sa Bridgerton International Academy, noong nagdaang Sabado ay inilabas ang resulta ng semi-final exams at masaya siya sa naging resulta nito. Naibalik sa kanya ang rank niya... rank number one.

"Nakita ninyo ba iyong result?" 

"Grabe ang galing talaga ni First. Kasali na ulit siya sa ranking."

"Rank number one pa."

As per usual, ang mga estudiyanteng pumapasok lang yata para sumagap ng tsismis ay nakakalat na naman sa hallway pero hindi na lang niya iyon binigyan ng pansin. Sanay na rin naman siya na pinag-uusapan ng maraming tao. Wala naman siyang magagawa. Ganoon talaga. Guwapo. Matalino. Mayaman. In short— sikat.

Dere-deretso lang siyang naglakad sa kabila ng nakabibinging tilian ng mga estudiyante nang dumaan siya sa hallway, sa kabila ng maraming babaeng nagpapa-cute. Ano pa nga bang bago roon? Inignore na lamang niya. Wala naman siyang paki-alam sa mga iyon. Sino ba sila para pag-aksayahan ng oras ng Isang Rio Jed Nolasco?

He walked coolly. He walked with pride.Walked like he owned the world. Walked like a king in his kingdom.

 Nagpatuloy lang siya sa paglalakad— patungo sa kanyang pakay. And there he saw her, standing at the endmost part of the hallway. Smiling from ear to ear.  Smiling as if she's the happiest girl in town. And there standing beside her is a man.

Napatigil si Rio sa paglalakad nang mapansin ang sunod na ginawa ni Monica, niyakap lamang naman nito ang lalaking katabi nito at ang lalaki naman, kung ngumiti ay parang wala ng bukas.

Naikunot niya ang kanyang noo. Tiim-bagang siyang humakbang at parang ang bigat ng mga paa niya sa bawat hakbang niya. Ewan ba niya pero parang bigla siyang nakaramdam ng galit. Parang gusto niyang kalasin ang magkayakap na katawan ng dalawa. Parang gusto niyang itulak ng deretso sa impyerno ang lalaking iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit pero gustong gusto niyang basagin ang mukha ng lalaking iyon ora mismo. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit bigla siyang naging ganoon?

"Kuya Rio!" nabalik si Rio sa realidad mula sa malalim na pag-iisip dahil sa sigaw na iyon. Nagpaplano na ng krimen ang kanyang isipan.

"Onni-chan."[Brother] Malapad ang ngiti ng babaeng nag-aparisyon sa tapat ni Rio, kung saan nagmula ang babaeng iyon, hindi niya alam, ni hindi niya napansin na paparating pala ito. Sumabit pa ang babae sa braso niya at halatang tuwang tuwa na nakita siya nito. "O genki desu ka?" [How are you?]

"Marjeline? Ano'ng ginagawa mo rito? Tss. Nag-a-alien language ka na naman. Pagbuhulin ko kayo ni Ate Megumi."

Bumungisngis lamang si Marjeline, ang babaeng nakabunggo sa kanya noon, ang exchange student mula sa public high school at tinulungan niya sa project sa physics. Naging malapit silang dalawa mula nang insidenteng iyon, madalas sumulpot si Marjeline sa garden ng BIA kapag nandoon si Rio, common ground kasi ang garden. Iyon ang lugar kung saan malayang nakakahalubilo ang high school students sa college students.

"Rank First ka na ulit. Congratulations, Onni-chan."

"Akala ko naman kung ano. Thank you." Nakangiti ring tugon ni Rio.

"At dahil first rank ka, ilibre mo ako." Ngiting-ngiti pa rin na tugon ni Marjeline. Hindi na rin masiyadong mahiyain si Marjeline hindi katulad noong mga unang araw nito sa BIA.

"Gumagawa ka lang ng dahilan para mailibre kita." Nakakalokong ngiti naman ang ibinalik ni Rio kay Marjeline na nagtu-twinkle pa ang mga mata. Alam kasi nito na manlilibre na naman siya.

"Tara na! doon tayo sa Eterni-tea, Kuya." masayang sabi ni Marjeline. Ang tinutukoy nito ay ang sikat na tea house malapit sa Bridgerton International Academy

"Sige." Maglalakad na sana si Rio kasama ang bubwit na si Marjeline palabas ng building nang biglang may tumapik sa balikat niya.

"Tol."

Sabay na lumingon sina Rio at Marjeline.

Natulala si Marjeline. Ganoon din ang lalaki.

"Jelly."

"Ace," sabay na sambit ng mga ito.

...♥...

"PAANO, alis na ako. Mag-ingat ka rito." Ngumiti ng matamis si Monica saka tumango. "Kapag may kailangan ka, nandoon lang ako sa high school department."

"Parang ang layo naman ng HS Department kung makapagbilin ka, Kuya. Pero seriously, I am so happy for you. Buti na lang at may trabaho ka na at dito pa sa BIA. Pa-hug nga ulit. Namiss kita nang bongga." At mabilis pa sa alas-kuwatro na niyakap ni Monica ang kanyang kuya. Namiss niya talaga ang kaisa-isa niyang kuya.

Nineteen years old ang Kuya Nicolo niya samantalang siya ay seventeen, kagagraduate lang nito sa kursong Business Management, pero dahil nga masiyado pang bata ang edad na nineteen ay hindi ito kaagad nakahanap ng trabaho sa Batangas. Mabuti na lamang at inalok siya ng trabaho ng kaibigan at kaklase nito noon sa Ayala University (kung saan dati itong iskolar) bilang staff sa Bridgerton International Academy.

 "Grabe, Nica. Hindi na ako makahinga." Natatawa namang sabi ng Kuya Nicolo niya. "Maka-yakap wagas."

 "Lilipat na ako sa apartment ko bukas. Malapit lang iyon dito. Doon ka na rin tumira para mabantayan kita. At isa pa, nakakahiya na rin kay Tita."

Tumango naman si Monica bilang pagsang-ayon.

"I love you, Superman." At kinurot niya ang pisngi ng kapatid. Superman ang tawag ni Monica sa kuya niya dahil para sa kanya... si Nicolo ang kanyang Superhero.

"I love you too, Kryptonite." Kung mayroon mang weakness si Nicolo, iyon ay si Monica... ganoon nito kamahal ang bunsong kapatid.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
76.2K 3.3K 45
Sa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕
277K 19.1K 89
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
343K 7.1K 81
Lindsay Samonte was impregnated by accident due to an unfortunate event one night with Dwayne Jimenez. 3 years later, Lindsay showed up in front of...