H A U N T E D (NGS #11)

By Ineryss

2.5M 76.4K 32.9K

Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl... More

H A U N T ED
P R O L O G U E
1st Haunted
2nd Haunted
3rd Haunted
4th Haunted
5th Haunted
6th Haunted
7th Haunted
8th Haunted
9th Haunted
10th Haunted
11th Haunted
12th Haunted
13th Haunted
14th Haunted
16th Haunted
17th Haunted
18th Haunted
19th Haunted
20th Haunted
21st Haunted
22nd Haunted
23rd Haunted
24th Haunted
25th Haunted
26th Haunted
27th Haunted
28th Haunted
29th Haunted
30th Haunted
31st Haunted
32nd Haunted
33rd Haunted
34th Haunted
35th Haunted
36th Haunted
37th Haunted
38th Haunted
39th Haunted
40th Haunted
41st Haunted
42nd Haunted
43rd Haunted
44th Haunted
45th Haunted
46th Haunted
47th Haunted
48th Haunted
49th Haunted
50th Haunted
Epilogue

15th Haunted

35.9K 1K 256
By Ineryss

Haunted

Girlfriend

Palaisipan sa akin ang naging usapan namin ni Mommy. I never cried for a man. Hindi ko rin alam kung na inlove na ba ako. All of those feelings are shallow and short-lived.

Most of my experience in boys aren't the serious type of relationship. Kung may seryoso man, siguro si Hunter? Naging kami.

But being heart broken to the extent that I need to cry my eyes out is never my cup of tea. Lalaki, iiyakan?! Sayang ang skin care ko kung iiyak lang pala ako.

My list of crushes are just my past time, for a distraction. Ang mga lalake sa aking buhay ay para lamang makatakas ako sa stress sa school. Kaya kung pati sa lalake ay mai-stress lang din pala ako at sakit sa ulo, then why would I even pursue that feeling?! I'd drop him on the spot. I don't want those kind of headaches!

Unless it's my cousin's relationships. I crouched a bit and arch my brow while looking at the man infront of me intently.

"Bakit panay ang titig mo sa kasama ko?" prangka kong tanong lalo na't hindi nakaligtas sa akin ang bawat sulyap niya kay Naia.

Guwapo siya ngunit masyadong badboy. Pero guwapo pa rin!

He didn't answer and look at the screen of his phone. Noong may mabasa roon ay tumayo na siya. I glared at his back.

Yes Naia is pretty but I don't like the way he stares at her! Malay natin minamanyak niya na sa isip niya.

Hindi ako handa kung si Naia ang magboboyfriend. Gusto ko naman siyang sumaya talaga lalo na't ang tahimik ng kanyang buhay at ako lang ang nanggugulo sa kanya ngunit ayokong mapunta siya sa kung sino sino lang. Tapos sasaktan lang siya?

Naging palaisipan pa iyon sa akin. Ni hindi man lang nagkwento si Naia!

Kinuha ko ang aking inumin at nilagok ng buo. Ngumiwi ako saglit dahil sa hapding dumaan sa aking lalamunan.

"Look! Almira posted a picture of her and her boyfriend!" pakita bigla ni Louisse sa akin habang nasa isang house party na naman kami sa Linggong iyon.

Nakisilip ako. She's kissing his cheek while the familiar guy was sticking his tongue out. They both looked happy.

"They look good together!" ngiti ko at nakita ang sumunod na story kaya humalakhak ako. "Ang pangit tingnan!"

It was Jason and his butt while he's planking.

"Mukhang pwet!" dagdag ko pa at nagkagulo kaming dalawa ni Louisse sa picture.

Dumaplis sa aking tingin ang isa sa kaibigan ni Almira. Hindi ko iyon pinagbigyan ng atensyon at sinaway si Louisse lalo na't nagtatawanan kaming dalawa sa picture ni Jason.

"Mukha talagang pwet! Proud pang p-in-ost sa social media!"

Hindi ata kami makamove-on ni Louisse sa picture na talagang bukambibig ko buong gabi. Kasabay pa noon ang sunod sunod kong shot.

"Bottom's up, Cassey!" my girl friends shouted.

Natatawa ko iyong inubos. The blinding lights inside the Club made me dizzy for awhile. Hindi ko na nabilang kung pang-ilang shot na 'yon.

Hinila ako nila sa dance floor at doon kami sunod na nagwala. I slowly unbuttoned my top while we're dancing clumsily.

"What the!" natatawang si Vanessa.

"I feel so hot!" lapit ko sa kanyang mukha at natatawa iyong sinabi habang inaalis ang top ko.

"Come on! Take this off!" hamon ko sa iba kong mga babaeng kaibigan na natatawang umiling at sumigaw.

Masyadong malakas ang tugtog. Tumapat pa sa akin ang neon light. The boys started cheering. Humalakhak ako at natatawang sumayaw habang hinihila ako ng iba kong kaibigan paalis sa dance floor.

My head was spinning. Halos murahin ko sa aking isip ang bacardi lalo na't pakiramdam ko ay nag-aagaw na ang buhay at huwisyo sa akin.

I think I'm gonna pass out! I think I'm gonna wake up inside the hospital bed! I think I'm so drunk!

"Hey Miss?"

"Si Cassey 'yan ah? Mukhang lasing na lasing..."

"Cassey? 'Yung Fortalejo. Shit. Oo nga!"

I tried to open my squinted eyes. May nararamdaman akong humahawak sa baywang ko. Wait. Where's my friends?

Bumangon ako sa sofa at itinulak ang kamay ng kung sino. Mukhang nasa Club pa rin ako. Where are they?!

"Isama nalang kaya natin 'to?"

I couldn't hear some of their whispers. Hinaplos ko ang ulo at talagang umiikot ang paningin ko.

Muli akong dumilat at nakitang may lumalapit na. Naririnig ko ang boses at mukhang babae. Ilang sandali lang ay unti-unting umalis ang mga lalake.

She tilted her head and looked at me curiously.

"Lasing na lasing ka, miss..."

I narrowed my eyes to look at her properly. Nakayuko siya para makalebel ako sa sofa. Tumingin siya sa aking dibdib at umangat ang kanyang kilay.

Sa bawat dilat ko ay paiba-ibang eksena na ang nakikita ko. Tinutulungan niya na akong bumangon. Noong dumilat muli, nakita ko siyang kagat kagat ang kanyang tali at hinahaplos ang bawat hibla ng buhok pataas.

I couldn't recall her. I couldn't remember her. Baka naman kilala niya ako at nakalimutan ko lang ito?

Kaya noong magising kinabukasan sa isang kama at hindi pamilyar na kuwarto sa akin, talagang nagpanic ako.

Kabisado ko ang mga condo ng friends ko. And the place looked cheap! I mean... it's small! It's not a condo unit!

Oh my gosh... Am I being kidnapped?!

Mabilis kong tiningnan ang sarili. Nakaputing damit ako. Inamoy ko iyon at pamilyar sa akin ang amoy. It's Baccarat Rouge 540 just like one of my signature scent during Summer!

Kumalma ako. Mamahaling perfume ang amoy. Ngunit nang mapagtantong dinamitan ako, ibig sabihin hinubaran ako?

Oh my gosh... Oh my gosh! My virginity! Kanino ko isinuko?! Kinapa ko agad ang aking gitna. I'm not sore. Lalake ba ang nakatira rito?!

Iginala ko ang tingin hanggang sa bumukas ang pinto sa cr. Lumabas ang babaeng naka underwear at black t-shirt lamang. Mukhang kakagising niya lang din lalo na't buhaghag pa ang kanyang buhok na inayos niya. I noticed the soft waves of her hair and her almost foreign features.

Medyo kumalma ako nang mapagtantong babae pala ang kasama ko. Ngunit pamilyar siya nang tumingin sa akin. Her eyes... those sensual siren eyes is quite familiar to me! Parang nagkita na kami sa kung saan kaso... hindi ko lang makalkal sa isip ko. Baka sa Clubs din?

"Gising kana pala," she said and smiled a little.

Napansin niya ang pagkalito ko. Hindi ko alam kung ano ang itatanong. Itinuro niya ang bed side table.

"Your things."

Kumurap ako at nilapitan agad iyon. Nanatili siya sa kinatatayuan at humalukipkip. Sumandal siya sa gilid at tamad na hinagod ang tingin sa akin.

I glanced at her once but pulled it right away. Kinagat ko ang labi at kinalkal ang gamit ko. Nakita ko roon ang aking phone, wallet, cards, susi ng kotse, at cash.

Kumalma ako nang napagtantong hindi ito kidnapping. Pinilit kong i-on ang aking phone ngunit lowbat iyon.

"Uh... do you have a charger?"

"Hindi ako iphone user," she chuckled a little.

Lumunok ako at ibinalik iyon sa aking bag. I looked at her again. She's paper white. Matangkad tingnan lalo na't kapansin pansin ang mahahaba niyang legs dahil din sa tanging suot sa pang-ibaba na undies.

"Diyan ako natulog," turo niya sa sofa nang makita niyang titig na titig ako.

Umiling agad ako. "Uh... we're both girls. Ayos lang naman sa akin."

She nodded and laughed a little. Tumango siya at binasa ang labi.

"You were so drunk last night. Nakita kita sa Club. Hindi ko rin alam kung may mga kasama ka ba kaya dinala nalang kita rito sa apartment ko."

Kumurap ako. This is her... apartment? I mean... ang liit. Parang walk-in closet lamang ng condo unit ko.

Tumikhim ako at tumayo.

"I need to take a bath," halos hindi pa ako sigurado kung kaya ko bang gamitin ang cr niya.

"Sure. Malinis naman ang loob. Walang ipis," she said and opened the door of the comfort room for me.

Hindi ako halos makatingin sa kanya. Something about her eyes makes me nervous. Hindi kasi siya mukhang friendly. And her voice...

O baka naman hangover pa rin ako? This is probably because of the bacardi. Dahil kung nasa tamang huwisyo ako, friendly naman ako sa babae. But there's something about her. I don't know what.

Sinilip ko ang comfort room at nakitang malinis naman kahit maliit ang espasyo. Binigyan niya ako ng towel.

"That's clean too," aniya nang mapansin niyang tiningnan ko pa.

I smiled a little and nodded. Kinuha ko iyon at tiningnan ang toiletries niya. Maybe I'll just shower. Maliligo nalang ulit ako sa bahay.

Mabilis lamang ako lalo na't thirty minutes lang ako sa loob kumpara sa normal kong ginagawa. Nagtapis ako ng tuwalya at lumabas habang pinipiga ang aking buhok.

Kakapasok niya lamang at may dala siyang pagkain. Dumeritso siya sa maliit niyang table at inilapag iyon.

She's already wearing some shorts short. Maayos na rin ang kanyang buhok.

"Gusto mo ba ng damit?" tanong niya habang nilalapitan ko ang tinupi niyang gamit ko sa kama.

Hindi pa ako nakakapagsalita lalo na't hindi ko alam kung anong klaseng damit ang tinutukoy niya. Umalis agad siya sa mesa at lumapit sa isang drawer. Binuksan niya iyon at may inilabas na hanger.

"Kakabili ko lang nito at hindi ko pa nasusuot. Baka hindi ka komportable na suotin ulit ang suot mo kagabi lalo na't nagsusuka ka rin."

My eyes widened. "Nagsusuka ako?"

Tumango siya at lumapit sa akin. Ibinigay niya ang plain white shirt na nipis. Maganda iyon sa totoo lang.

"I'm sorry... my gosh..." halos nahaplos ko ang aking noo at mariing pumikit.

Umiling siya at ngumiti ng kaonti. Kinuha ko ang kanyang inilahad na damit. Muli siyang bumalik sa table.

Nagbihis agad ako. Isinuot ko ang kanyang bigay at ginamit ang tuwalya para patuyuin ang aking buhok.

"Do you have a blower?" tanong ko.

"Wala eh."

What? I mean that's important for a girl! Bakit wala siyang ganoon? At hindi naman 'yon kamahalan.

"Kumakain ka ba ng ganito?" taka niyang tanong nang tumayo na ako at lumapit doon.

Tiningnan ko ang mga pagkain. Tumango agad ako lalo na't masasarap ang binili niya. Inukupa ko ang isang upuan habang siya ay abala pa sa paglalagay ng kubyertos sa platong nasa harap ko.

"Bakit mag-isa ka? Where's your... boyfriend?"

Umiling agad ako. "Wala akong boyfriend."

Tumango siya at medyo kumalma ang ekspresyon. Hinawakan ko ang kubyertos at kumuha ng pagkain.

Kumain ako ng kaonti. Bakante ang aking isip sa mga nangyari kagabi. My gosh. Anong kahihiyan na naman ang pinaggagawa ko? May mga uploaded pictures ang friends ko for sure!

Mag-isa akong kumain lalo na't nagpaalam siyang maliligo rin. Tapos na akong kumain noong matapos siya at sa loob na ng banyo nagbihis. She's wearing a fit jeans and tank top. Pansin na pansin ko ang hugis ng kanyang katawan.

"Model?" I asked while she's busy wiping her wet hair.

Umiling siya.

"Ikaw? Model?" she arched her brow.

Umiling agad ako habang nakaupo lamang sa kama.

"I'm planning."

She nodded again. I think I'm still drunk? Ngunit hindi ko magawang maging madaldal dahil may kakaiba sa aura niya. She's not friendly looking. She's not even angelic. Her eyes looked fierce at nakakanerbyos pag titingnan ka niya.

Hangover pa rin siguro ako. Iyon ang iniisip ko habang sabay kaming lumabas sa kanyang apartment.

Siya ang nagpara ng taxi para sa akin. Noong huminto ito ay binuksan niya rin para sa akin. I slightly smiled with her gestures.

"So... thank you. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi kung hindi ka sumulpot," I chuckled awkwardly.

She nodded and smiled. "Drink moderately next time."

Tumango ako at ngumiti pabalik. Pumasok ako at umupo sa loob. Yumuko siya ng kaonti para madungaw ako. Her hair fell on the sides effortlessly along with her movements. She tilted her head and looked at me curiously.

"Your name?"

"Oh... Cassey!" medyo taranta kong sagot nang mapagtantong hindi man lang kami nakapagpakilala sa isa't isa.

Hindi ko rin pinalagpas ang kaniyang pangalan. It's weird and cute at the same time coz her name means Autumn, just like my Mom's name.

Wala ang parents ko sa bahay kaya nagcharge agad ako. Nalaglag na lamang ang panga ko nang magsend ng video si Louisse sa akin sa imessage habang sumasayaw ako suot lamang ang fit na skirt at kulay itim na bra ko. What the hell?!

Louisse:

And nawala ka bigla. We suspected you're with your new boy toy!

Natampal ko ang aking noo. Ano nalang kaya ang nangyari kung lalake nga ang kasama ko?

Hailey:

Ikaw na naman ba ang pinapatamaan ni Almira sa twitter?

Kumunot ang noo ko. Mabilis ko iyong ch-in-eck lalo na't sa naalala ko, wala naman akong ginawa sa babaeng iyon.

Nabasa ko agad ang sinasabi ni Hailey lalo na't nangunguna iyon.

Leave my relationship alone. Magaling ka talagang manira pagdating sa relasyon ng iba. Palibhasa hindi ka siniseryoso sa dami ng lalake mo.

Huh? What did I do? Kailan ba matatapos ang issues niya sa akin? And what is she talking about? Anong pakialam ko sa relasyon niya?

S'yempre pinatulan ko agad iyon through my instagram account. Nagstory ako at nilagyan ito ng caption. 'Bet you're viewing this to see if I'm barking? Haha ain't worth my time! Leave my pretty life alone!'

Humagikhik ako sa aking caption. Mabilis na nagcomment ang mga kakilala ko. Pinagtawanan lang namin iyon sa comment section.

Hindi ko na mareply-an ang iba when hangover kicked in again. Naalala ko na naman kung bakit kailangan kong umiwas muna sa mga party.

Sa sobrang hangover ko sa nangyari, ayoko pa atang tumikim ng kahit anong maiinom. Namimilit lagi ang mga friends ko para sa panibagong night outs. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko silang tinanggihan at ina-alibi na busy ako sa pagpipinta sa mga dumaang araw.

Vanessa:

We'll not drink okay! Maghanap nalang tayo ng chill na Bar. Sakto may magandang band doon sa pinupuntahan namin minsan nila Hailey. And one of the guitarist is none other than Roche.

Umangat agad ang aking kilay. Roche is part of a band?

Medyo naging interesado ako kaso hindi rin ako masyadong kumbinsido.

Vanessa:

You should see his rumored girlfriend ;)

Iyon ang kumuha ng buo kong atensyon. The asshole has a girlfriend?! Hindi naman iyon kataka taka sa lalakeng iyon kaso nabanggit niya rin sa akin last year na may pinopormahan siyang babae. Baka sinagot na siya?

And I'm curious what kind of girls he likes lalo na't ang sungit sungit niya sa akin. Roche is Dreyden. For sure iisa lang ang taste nila sa girls.

Iyon ang nagpabali sa paninindigan kong huwag munang pumunta sa mga Bars o Clubs para iwasang uminom. Gusto ko lang namang makita.

"Usap-usapan lalo na't halos isang taon siyang hindi lumalandi sa babae, Cass," si Hailey nang pumasok kami sa isang Bar.

Nakita ko ang stage sa harapan.

"Kumakanta 'yung babae. Maganda ang boses. Nakakaakit. Kaya siguro patay na patay si Roche at napatino ang isang playboy. Biglang naging stick to one sa isang taon. Hindi na papalit palit," Vanessa chuckled while we're occupying the four seated table.

Tiningnan ko ang menu. Ang aking mga kaibigan ay patingin tingin sa stage. Nag-order agad ako ng makakain such as fries, spicy chicken wings and taco.

"Kung pagkain talaga..." iling ni Vanessa nang ginawa kong extra large ang bawat order.

"Ayan na..." ngisi ni Hailey at may tiningnang kakaakyat lamang sa platform ng stage.

Tamad kong dinala ang tingin sa harap. May babaeng abala roon na i-check ang isang guitar. Likod pa lang, sexy na suot ang kulay itim na sleeveless dress and black boots. Model type. Boys...

Someone whistled. She glanced and smirked insultingly. Ang tamad kong tingin ay napalitan ng kuryoso. Napaahon ako sa pagkakapangalumbaba sa aking upuan lalo na't dumaplis sa kanyang mukha ang pulang neon lights at nakilala ang pamilyar niyang mga mata.

That's... her.

Isinuot niya sa kanyang balikat ang gitara.
Humarap siya nang buo at ang mic naman ang inayos sa stand. My eyes widened when I confirmed it was really her! The soft waves of her hair, siren eyes, sensual smile, menacing aura, that's her!

And what?! She's... what?! Roche's girlfriend?!

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Alam ko naman na guwapo si Roche. He can pull girls like her. Kaso... iniisip ko iyong sinabi niyang nice girls. She doesn't look nice! Not the angelic type of girls coz she's very far from that description base on her features.

Pero tinulungan niya naman ako noong malasing ako. Which means she's really nice. Baka mala anghel ang ugali niya?

Why am I judging her? She saved me. At hindi naman ito ang unang beses na nakita ko ang mga girlfriend ng crush ko. Siguro sa lahat ay siya lamang ang naiiba at parang higit sa kanila. Not to mention she saved me from being so drunk and wasted.

Ilang sandali lang ay dumating nga si Roche. He's wearing his usual attire but this time he's three times snob than his usual. Baka dahil din sa medyo magulong ayos ng kanyang buhok at wala nang cut ang kanyang kilay kaya nag-iba talaga siya.

"God. I love his badboy look but let's admit he's always hot!" si Vanessa na pinaypayan pa ang sarili.

"I think the badboy changed for his girl. Uso 'yon 'di ba?" si Hailey.

Nakita ko ang paglapit ni Roche sa kanya at nag-usap sila sa bulungang paraan. She doesn't look excited. She's serious while talking to him. Parang boss na nagpapaliwanag ng instruction sa late niyang empleyado.

"Or malay natin magaling 'yung girl sa alam mo na kaya nagstay si Roche," Vanessa giggled.

Mabilis kong ibinalik ang atensyon sa kaibigan ko lalo na't usapang bastos. Kaso hindi ko kayang gatungan dahil alam ko iniligtas niya ako.

Roche occupied the stool. Isinuot niya sa balikat ang electric guitar at sinimulang haplusin ng ang bawat string. The familiar song of Daniel Caesar started.

Tanging neon lights sa dim na stage ang nagbibigay ng liwanag sa dalawa. I am not a fan of those people who strikes a menacing aura but I must admit they really look good together.

Kaya naman pala ang sungit sungit ni Roche sa akin! It's because he's taken! At nakakahiya dahil humirit hirit pa ako sa kanya. I didn't know he's taken! Malay ko ba at pangit lang talaga ang ugali niya kaya hindi namamansin?

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 140K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...
3.5M 99.6K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
126K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
3.5M 94.9K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...