"Maki? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni sakuragi na tumayo pa para bumati dito. Ganon din ang ginawa ni aki, ngumiti siya dito at makikipag kamay na sana ng hawakan ito bigla ni sakuragi.
"Maki, girlfriend ko nga pala." Saad ni sakuragi na medyo naging malamig ang tono ng pananalita. Napakunot ang noo ni aki sa inasta ni sakuragi ngunit tinawanan lamang ito ni maki.
"Wag kang mag alala sakuragi sayo lang ang girlfriend mo." Pagbibigay assurance ni maki kay sakuragi na ikinatango nito.
"mabuti naman, si sendoh at fujima kasi pino pormahan girlfriend ko. Buti ngayon hindi na dahil nalaman nilang kami na." Saad ni sakuragi
"ah haha wag kang mag alala, nandito lang naman ako dahil sinamahan ko kapatid ko. Nag cr lang kasi." Napantig ang tenga ni aki ng marinig iyon. Alam niyang may gagawin na naman itong ikasisira ng buong araw ko.
"Oh! Ganon ba, sige maki kumakain pa kasi kami.' Anas ni sakuragi na mukhang naramdaman ang biglang pagkawala ng mood ng kasintahan. Napatango si maki at nagpaalam narin na aalis ito.
Nang silang dalawa na lang ang natira ay agad hinawakan ni sakuragi ang kamay ni aki, tipid na napangiti si aki kay sakuragi bago bumuntong hininga.
"Pasensya na ha? Iba kasi talaga ang nasesense ko sa kapatid ni maki e. Parang anytime maaagaw ka niya sakin." Malungkot na saad aki, sumeryoso naman si sakuragi bago hinawakan sa kamay si aki.
"hm. Sa tingin mo ba magpapa agaw ako sakanya? Eh sayo palang nga sobra sobra na ako e, baby rest assured na hindi ako maaagaw ng kung sino man okay." Gustong magpakaseryoso ni aki sa mga sinabi ni sakuragi ngunit hindi niya mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi nito.
"Okay. Tara na ubusin na natin to!" Nakangiti ng saad ni aki na ikinailing ni sakuragi,
'ang bilis mag shift ng ugali ni aki.' Sa isip isip ni sakuragi.
SA kabilang dako ng mall naman agad na tinakbo ni miya ang distansya ng kapatid ng makita itong palinga linga. Marahil ay hinahanap si miya upang ayain na umuwi, ilang oras na rin kasi silang nag lilibot pero wala parin iyong sinasabi ng kapatid na kailangan nito sa school.
"Kuyaaaa!" Tawag ni miya na tumatakbo pa habang may suot ng high heels, napailing si maki bago tinignan ang kapatid na hirap na hirap sa paglakad.
'Jusme! Bakit binigyan niyo ako ng kapatid na maarte, pero kahit na ganon mahal ko ito.' Anas ni maki sa isipan bago kinuha ang pinamili ni miya.
"Tapos ka na ba sa lahat? Uuwi na tayo." Saad ni maki na nauna ng maglakad, sumunod naman si miya sa kuya niya.
"kuya?" Tawag ni miya sa palambing na boses
"Hmm?" Tugon ni maki na tinignan ito bago muling tumingin sa nilalakaran.
"Nakita mo ba siya?" Nagtaka si maki kaya huminto siya sa paglalakad at hinarap ito.
"Sino ang nakita ko?" Tanong ni maki pabalik sa kapatid na napakagat labi pa bago sumagot dala ng takot na pagbawalan siya sa oras na malaman nito ang totoo.
"a-ah ano.." hindi mahagilap ni miya ang sasabihin hanggang sa magawi ang paningin niya sa dalawang taong masayang naglalakad habang magkahawak ang mga kamay. Nakita ni miya kung paano hinalikan ni sakuragi ang kamay ni aki.
"argh! That bitch." Saad ni miya na masamang nakatingin kay aki na kinatingin din ni maki doon.
"Si sakuragi ba ang tinutukoy mo? Bakit ano na namang gagawin mo?" Seryosong boses na tanong ni maki sa kapatid na nagulat. Umiling siya sa kapatid bago muling hinahanap si sakuragi at aki na nasa mga shooting balloons.
"Wala akong pinaplano kuya, tinatanong ko lang naman kung nakita mo ba sila lesley, sabi kasi nila nandito sila today e." Palusot ni miya hindi naman nakaimik si maki dahil mukhang nag sasabi naman ng totoo ang kapatid.
"Anong gusto mo? Magpa iwan dito oh sabay na tayong uuwi?" Tanong ni maki sa kapatid, ilang saglit na napaisip si miya bago sumagot.
"maiiwan nalang muna ako kuya, hihintayin ko nalang si lesley dito." Pakiusap ni miya kay maki na bumuntong hininga ng malalim bago tumango.
"mag iingat ka ha? Wag puros kalokohan ang gawin mo. Siya nga pala, pag uwi mo mamaya may sasabihin ako sayo kaya wag kang malelate." Paalala ni maki na sinamaan pa ng tingin ang kapatid.
"Oo na kuya, sige na. Ingat ka po sa pag uwi." Saad ni miya na kumaway pa, nag simula ng maglakad si miya patungo sa direksyon ni sakuragi at aki ngunit napatigil din siya ng maalalang wala siyang kasamang boylet.
'Kailangan ko ng lalaking sasamahan ako for a while para hindi awkward kung mag jojoin ako sakanila.' Saad ni miya sa sarili bago pinalibot ang tingin sa paligid hanggang sa tumigil sa isang matangkad na lalaki ang atensyon ni miya.
'siguro pwede na ito. Mukha rin namang gwapo at macho.' Saad muli ni miya sa isipan bago naglakad patungo sa direksyon ng lalaki.
Nang magtungo siya doon ay agad niyang kinilabit ang lalaki sa balikat, lumingon ito at sabay pa silang nagulat.
"Teka ikaw iyong nasa gym ah?" Puna ni hanagata kay miya, napasimangot naman si miya dahil sa isang panget na nilalang pa siya makikiusap.
"Tss. Ako nga, ano namang pakialam mo." Mataray na bira ni miya na ikinasimangot ni hanagata.
"bastos din ugali mo no? Ikaw itong unang nang istorbo sa atin tapos tinanong lang kita sasagot mo naman ako ng ganyan." Tila nag titimping saad ni hanagata.
"okay pasensya, sige na.." pagpapaalam ni miya kay hanagata, paalis na sana ito ng higitin siya nito sa braso.
"Teka? Hindi ka naman siguro mangangalabit kung wala kang kailangan di'ba? aminin mo anong kailangan mo sakin?" Tanong ni hanagata na pinaseryoso na ang boses.
"Fine. I need your help, g-gusto ko na samahan mo ako na lapitan si sakuragi at ang malandi niyang girlfriend. Maki join tayo sakanila, then i'll do the rest." Paglalahad naman ni miya kay hanagata na ikinangiwi naman ng huli.
"Kung ganon gagawin mo akong shield mo at chaperon para masabing may kasama ka lang. Ang tindi mo rin." Panunuyang saad ni hanagata kay miya na nakapang cross arms bago sinamaan ng tingin si hanagata.
"Ang dami mong sinasabi, kung ayaw mo. Wag mo mag hahanap nalang ako ng iba." Naiiritang saad ni miya at nagsimula na nga itong maglakad. Napabuntong hininga naman si hanagata bago sumunod at inakbayan si miya, nagulat pa si miya sa ginawa nito at balak na sanang alisin ng mas higpitan nito lalo ang pagkaka akbay sakanya.
"Pretend boyfriend mo naman ako ngayon diba? Dapat iyong kapani paniwalang mag shota tayo para hindi sila mag hinala." Napairap si miya sa sinabi nito at nakasimangot na nagpadala dito sa kung saan.
'as if naman na hindi mahahalata ng aki na iyon na naglolokohan lang kami. Tss, bat ba kasi siya pa ang naging girlfriend ni sakuragi e. Pwede naman ako nalang.' Anas ni miya sa kanyang isipan.
Kainis!
'Feel na feel naman ng loko ang pagkaka akbay sakin, nakangiti pa na akala mo manyakis.' Naiiritang bulong ni miya sa sarili.
"darling--." Huminto si miya at exaggerated na tumingin kay hanagata.
"a-anong tawag mo sakin? D-darling? Huh! The nerve." Mataray na saad ni miya na sinamaan pa ng tingin si hanagata na natatawa sa itsura ni miya.
"what? Girlfriend kita diba? So, dapat may endearment tayo." Excuse na sagot nito kay miya na tila lalong nagalit.
"Correction. Ikaw lang ang may gusto nito, nagpapasama lang ako pero wala akong sinabi na mag pretend boyfriend and girlfriend tayo." Naiinis na saad ni miya kay hanagata na tuluyan ng natawa.
"Oh edi paano natin mapapaniwala si sakuragi kung wala kang boyfriend di'ba?" Ngising sagot ni hanagata na kinindatan pa si miya, mag sasalita pa sana ito ng...
"uyy! Hanagata? Ikaw pala yan." Boses na tawag ni sakuragi, automatic naman na dumagundong sa kaba ang puso ni miya dahil doon. Humarap siya sa direksyon ni sakuragi ng may ngiti sa labi, ngunit naglaho din iyon dahil nakita niya ang babaeng kinaiinisan niya.
nakatingin si aki kay miya ng seryoso habang tinitignan ang bawat kilos na ginagawa nito. Ngayon na sinabi nito na boyfriend niya si hanagata parang hindi siya naniniwala.
"congrats. Masaya ako para sainyo, sana MAGTAGAL kayo." May pagkadiinang saad ni aki sabay tingin kay miya na umirap pa bago plastik na ngumiti sakanya.
"thanks." Tipid na sagot nito sabay muling umirap.
"pAgpasensyahan niyo na ang darling ko kung mainitin ang ulo, alam niyo na..." nanlalaki ang mata ni miya sa narinig at inis na tinignan si hanagata.
Magsasalita pa sana ito ng takpan ni hanagata ang bibig niya.
'Enjoy miya sa pagpe pretend mo!" Anas ni aki sa isipan bago nginisihan ito.
"tara na BABY ko. Gusto ko pang maglaro." Pag eemphasize ni aki sa salitang baby.
"Sige pre, aalis na kami ng girlfriend ko." Tumalikod na sila aki at sakuragi ng..
"sakuragi? Pwede ba kaming maki join sainyo? Gusto kasi ng girlfriend ko." Pakiusap ni hanagata na nakangiwi pa.
nagkatinginan si sakuragi at aki, tumango si aki.
'mabuti na rin na malapit siya sakin para mabantayan ko, kung ano ba ang gagawin niya?' Saad ni aki sa kanyang isipan.
******
(a/n: For the busy na ako today, pasukan na kaya sobrang matatagalan pa ang sunod na update. Mygosh! Kinakabahan ako😂😂 anyway! Maraming salamat sa mga suporta niyo. Yun lang godbless us all)