Wild Heart (Eastwood Universi...

Autorstwa waurdltsj

396K 11.9K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... Więcej

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 8

7.9K 305 22
Autorstwa waurdltsj

Nakabusangot ang mukha na sinarado ko ang pintuan ng aking condo. Nakita ko naman ang pagbaling ng tingin nila sa akin ng nakakunot ang noo pero napairap lang ako sa kawalan at nagmartsa papuntang elevator.

Agang aga badtrip ako. 

Kagabi pa ako bad trip, actually. Aba, sino ba naman ang hindi maba-badtrip? Hindi na nga ako sinipot kagabi nung babae na 'yon e late pa magsabi ang prof namin na may quiz daw kami ngayon!

Since hindi nga sumipot 'yung babae na 'yon, e 'di late ako nakauwi at late na rin nakatulog kasi nga naghintay pa ako doon ng mahigit tatlong oras at nag review pa ako.

Ang mas nakakainis lang e kagabi pa may nag t-text sa cellphone ko na kung sino kaya hindi ako medyo makapag focus sa pagre-review. Malay ko ba kung sino 'yan, unknown nakalagay e.

Nasa labas na ako ngayon ng building at kasalukuyan naghihintay ng taxi para makapunta na ng university. 7am pa lang naman pero traffic na siguro papuntang university. Bakit kasi nagsabi pa na may quiz e! Gutom na rin ako!

Akmang tatawagin ko na sana ang papuntang taxi sa akin nang may mahagip ang aking mata na may nakaway sa akin. Agad na napairap ako at hindi pinansin ang babae, na papunta ngayon dito habang sakbit sa siko ang helmet. 

"Dione, w-wait---" 

Hindi ko na siya pinansin at agad na pumasok sa taxi nang tumigil ito sa aking harap.

Ewan ko sa kaniya! Matapos niya akong hindi kitain sa parking lot kagabi, kakausapin niya ako na parang wala lang? E 'di wow talaga. 

Tumingin lang ako sa bintana habang nakabusangot ang mukha at ang mga braso ay magkakrus.

"Saan ka punta ngayon, Ma'am?" Mabait na tanong ng driver, na hindi ko nililingon kanina pa.

Bago ko pa mapigilang ang sarili ay nasabi ko na ang hindi dapat sabihin kaya napatampal ako sa bibig.

"To the moon."

"Roadtrip?" 

Natawa na ako ng malakas nang sabayan ni Manong driver ang aking sinabi. Tumawa rin naman ang matanda habang napapailing sa akin.

"Mabuti naman at tumawa ka na ngayon, Ma'am. Mukha ka kasing galit kanina." Marahan na saad nito kaya napangiti ako at napatango. 

"Opo, badtrip lang po ngayong umaga," sabi ko kaya napatango ang driver bago tingnan ako sa salamin. 

"O, saan ka nga ngayon, 'nak?" Nakangiting sambit nito, na nagpangiti rin sa akin. Ka-good vibes si Manong, kahit bungi ay sobra ang pagkakangiti.

"Eastwood po," magalang kong sabi kaya namamangha naman na tumango tango ang matanda. 

"Aba'y mayaman ka pala, ano?" Natatawa nitong sabi pero napailing lang ako ng nakangiti. 

"'Yung magulang ko po ang mayaman," naiiling kong tugon sa sinabi nito. Manong just smiled at me before his eyes turn in gloomy one. Nagtataka akong tumingin dito.

"Pangarap ng apo ko diyan na makapag aral noon pa man," napabuntong hininga ang matanda, "Pero, hindi kaya ng budget namin kaya nagta-trabaho lang siya ngayon para makapag-aral ang kapatid niya." 

Hindi ko naman maiwasan na makadama rin ng malungkot nang sambitin niya iyon. Kitang kita ko sa mga mata niya na gusto niyang tulungan ang apo pero hindi magawa dahil matanda na rin siya. 

Kung sino pa talaga ang gustong gusto na makapag aral sa ganitong paaralan ay siya pang hindi makapasok. 'Yung ibang estudyante kasi sa Eastwood ay mayaman nga, mga pinapabayaan naman ang pag aaral at winawaldas ang hindi nila pera. Their parents work hard for it and yet they're just wasting it. Instead of helping others, they use it for unimportant things, na wala naman magagawang maganda sa buhay nila. 

I sometimes question why people like Manong don't have the same things as those people, who are really not deserving of what they have in life. It's really hard to comprehend.

"Naaawa nga ako sa aking apo dahil tuwing uuwi siya ay sobrang pagod ang nakikita ko sa kaniya. Kaya naman lagi kong sinasabi at pinapakita sa kaniya na proud na proud ako," tuwang sabi ng matanda kaya pinilit kong ngumiti dito kahit na nagsisimula nang bumigat ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan.

I just wish my Dad was like this. Just being proud of what I'm going to do. Hanggang ngayon ay tutol pa rin siya sa mga gagawin ko sa buhay. He wants me to have what he have. 

"Ay, nandito na pala tayo, 'nak. Pasensya na at napa-kwento ako," gulat na saad ng matanda pero nakangiti na umiling lang ako at nanatili sa pagkakaupo. Manong was just smiling at me kaya hindi ko maiwasan na mapaiwas ng tingin.

"It's okay, Manong. It entertains me naman po," nakangiti pero nakaiwas ang tingin na sabi ko dito. Kinuha ko ang wallet at kinuha ang 1k doon para ibigay kay Manong. Nag aalangan niya naman iyon kinuha.

"E, 'nak, wala akong pang barya----"

"Keep the change po," kamot ulo kong sabi, "Na-entertain rin naman po ako sa kwento niyo. Thank you," sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin nito at lumabas na. 

Paglabas na pagkalabas ko naman sa taxi ay bumungad sa akin ang mukha ni Ate Sid, na ngayon ay malamig na nakatingin sa akin. She tilted her head before giving me a smile.

"Hi."

Napairap ako nang banggitin niya iyon at lumihis ng daan para pumasok na sa loob ng university. Agang aga bina-badtrip niya ako.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin, "I know you're mad right now and I'm sorry. Something just really came up last night," napatigil ako sa paglalakad ng hawakan nito ang aking braso at pilit na hinarap sa kaniya. 

She took a deep breath, "and I don't have a chance to meet you here because my Dad's car fetched me last night." 

Dire-diretso nitong saad bago ako hawakan sa magkabilang braso. Tiningnan ko lang naman siya ng mataman before shrugging off her hands on my arms and started to walk away. 

That doesn't change the fact that she ditched me. She could've made a way to tell me that she's going somewhere because I waited for her until it struck 9 p.m. It's dangerous at that kind of time, but still, I waited for her.

Patuloy lang naman siyang nasunod sa akin habang nagsasalita, nagpapaliwanag para sa sarili. 

"I know, I messed up, and I'm really sorry." Ate Sid apologized once again and stopped right in front of me, which made me halt my steps.

"Okay," maikli kong saad at nagsimula na naman maglakad papaalis doon. 

Lumayo naman siya at nagsimula maglakad ng nakaharap sa akin. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya pero hindi pa rin siya pinapansin. 

"Okay? That does mean we're okay now?" Tanong nito at namulsa sa suot na trousers. Napatigil naman ako sa sinabi nito kaya napatigil din siya sa paglalakad. Tiningnan ko siya ng blanko ang mukha. 

"Ate Sid," she smiled at me kaya napaayos ako ng tayo, "You ditched me last night at the parking lot where I waited for you for how many hours," nawala ang ngiti nito sa labi dahil sa aking sinabi. 

"And then, mag-message 'yung prof namin that we have a quiz later, which really put me in a very bad mood because I will just get a few hours of sleep because I need to review my notes,'' mataman kong saad at lumapit ng isang hakbang sa kaniya, "So if you don't mind, leave me alone for now because for the love of God, you're really making my blood boil." Inis kong sambit at nauna ng naglakad papaalis not giving her a single glance. 









I sighed for the nth time today nang may naglagay na naman ng paper bag sa aking lamesa dito sa cafeteria. It's just lunch time pero kung ano ano na ang nakukuha ko ngayong araw dahil sa kaniya. Mag isa lang naman kasi ako since may mga gagawin daw 'yung dalawa kong kaibigan na important kaya hindi na ako nagpasama sa kanila dito. 

Wala naman kaso sa akin kung magbibigay siya ng pagkain since gutom na rin ako pero kasi nakakaabala na rin siya ng estudyante. Inuutusan niya kasi 'yung mga nasa 1st year college sa building nila, na mga uto uto. Kada utos nito na magbigay sa akin ng pagkain ay siya naman nilang sinusunod. Pagkakaalam ko pa nga ay busy lahat sila dahil may acquaintance daw na mangyayari sa department nila. 

Ang mas nakakainis pa, lagi pang may kasamang isang piraso na rose 'yung pinapadala niya na may note saying she's sorry. Hindi ko nga alam kung matutuwa muna ako o kikiligin o kaya naman ay maiinis. Ewan ko ba! 'Di ko rin gets sarili ko minsan. 

"S-sandali..." Pagtawag ko sa lalaking nagbigay sa akin ng paper bag. Tumingin naman sa akin iyon ng nagtataka. Napakamot ako sa kilay, "Si Ate S-Sid ba nagpapabigay nito?"

Napaarko ang kilay ng lalaki, "Ate Sid?" he stared at nothing in wonder before his eyes widened in realization, "Ah! Si Sidra! Oo," ngiti nito, "Sabi niya pa nga sa akin e 'wag daw kitang kausapin unless sinabi mo na daw sa akin na pinatawad mo na siya kaya aalis na ako." Ngiwi nito at mabilis na tumakbo papaalis. Tatayo pa sana ako para tawagin ito pero sadyang napakabilis niya kaya nakangusong napaupo na ako sa upuan.

I read the note and it says, 

'I'm sorry'

'Yung tipong maririnig mo talaga 'yung boses niya habang binabasa 'yan.

Napailing na lang ako at kinain ang pinadala nitong pagkain para sa akin. Hindi na ako nakapag-order ng pagkain kasi nagbigay na siya e! May choice pa ba ako? 

Naglalakad na ako ngayon papunta sa room dahil ngayon 'yung quiz namin kay Ms. Gomez when someone just pop beside with a goofy smile attached on her face. Mang aasar na naman siya. 

"Pinadalhan ka na kanina ni Sidra?" Natatawa nitong tanong habang nakatingin lang ng diretso sa hallway. Napabuntong hininga ako.

"If you're just here to tease me, leave. I don't have time dahil may quiz kami ngayon, Soleil," naiinip kong sabi at binibilisan na ang lakad. Aish! Bakit ba kasi ako pinapalibutan ng mga Tuazon e!

"Ito naman! May pina-deliver lang ulit 'yung babae na 'yon!" She exclaimed with a teasing smile on her face before shoving the plastic bag that she's holding right in front of my face. 

What the fvck? Inaasar ba talaga nila ako?

Kunot noo ko siyang tiningnan pero nag peace sign lang siya at binigay ang plastic sa akin.

"What's this?" 

"Chocolate with an S. She remembered that you have quiz for today that's why she bought a lot of it. Halos bilhin niya na nga lahat ng chocolate sa 7/11 buti na lang kasama niya ako kaya binili ko 'yung iba at binigay kay Astraea," dire-diretso nitong saad habang nakangiti kaya napanganga na lang ako. Ano bang nangyayari sa magkapatid na 'to?

"W-What?" Hindi makapaniwala kong saad pero nagkibit balikat lang siya.

"You heard me," at kumuha ng isang kitkat sa bulsa. I guess hindi niya binigay kay Astraea lahat. Sinungaling. 

"Kunin mo na at nangangalay na ako," inip na saad nito kaya mabagal na kinuha ko iyon ng nakanganga pa rin. 

"What the hell is wrong with you two?" Iling kong tanong pero ngumiti lang si Soleil at nagkibit balikat.

"There's nothing wrong with us, Dione. God, we're beyond perfect," mayabang na turan nito habang hinawi pa ang buhok at tinaas ang isang kilay kaya napailing ako at tinapik ang balikat niya.

"Mag ingat ka ngayong araw at baka tangayin ka ng hangin. Lakas pa naman," asar kong sambit at pumasok na sa loob ng room, na lima pa lang ang tao.

Tiningnan ko ang plastic bag at napangiti bago kumuha ng isang toblerone doon. Naks, pampagana ng utak. Salamat.

Natapos ang aming quiz nang buhay pa naman ang aking utak. Para lang naman akong nakuha ng sabaw gamit ang tinidor kanina sa sobrang dali ng pa quiz niya. 

Worth it naman since na-perfect ko at ako ang highest.

Ngayon ay nandito ako sa tapat ng gate ng university at naghihintay ng masasakyan. It's just 5pm kaya naman marami pa akong kasama na estudyante dito sa waiting shed, na naghihintay din ng masasakyan. 

Nanatili lang naman akong nakatayo dahil wala na rin mauupuan. Ayoko naman umupo doon sa gitna ng mag jowa, na mukhang nag away pa ata dahil parehas na magkakrus ang mga braso nila at nakasimangot. Baka ako pa ang pagbuntunan ng galit nila sa isa't isa.

Maya maya habang naghihintay ay may tumigil sakto sa aking harap ang babae na nakamotor. She turned off the engine before removing her helmet. 

As soon as she took off her helmet, I heard gasps coming from people that made me roll my eyes in annoyance. 

Tinanggal lang 'yung helmet, simp na agad sila?

Matapos kasi nitong tanggalin ang helmet ay tumingin ito sa akin ng nakangiti, na mukhang aabot ata sa tenga sa sobrang luwag. Magiging kamukha niya si Joker, girl version.

"Let's go," sabi nito at tinanggal ang lagi kong sinusuot na helmet sa pagkakasabit sa braso at inabot sa akin. Tiningnan ko lang 'yon at hindi siya pinansin. Mag-aabang pa rin ako ng taxi, bahala siya.

"Dione..." Nagbabanta nitong saad at pilit na inaabot ang helmet sa akin. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya kaya naman umalis na ito sa kaniyang motor at tumabi sa aking tabi kaya ngayon ay magkatabi na kami sa upuan habang sinusubaybayan kami ng mga tao sa paligid. Inis!

"How's your quiz earlier? Did you manage to answer all of the questions?" Hindi ko alam pero may naririnig akong lambing sa pagkakasabi niya noon. Hindi naman ako nagpatinag doon at hindi pa rin siya pinapansin.

"Did you receive the chocolates?" Marahan na saad nito at mas lumapit pa sa aking tabi kaya magkadikit na ang aming braso. 

"Hey, talk to me na," parang bata na saad nito at pinadausdos ang braso sa aking bewang. Nanlalaki ang mata na bumaling ako sa likod at nakita na nagbubulungan na ang mga estudyante sa aming likod. 

Nanggigigil na kinurot ko ang kamay nito pero imbes na tanggalin iyon ay mas hinigpitan niya pa ang hawak doon. 

Napapikit muna ako at hindi pinansin ang malakas na pagkabog ng aking puso bago magsalita.

"Let go, Ate Sid," bulong ko pero ngumuso lang siya at bahagyang yumuko para mailagay nito ang baba sa aking balikat ng nakanguso pa rin. 

"Forgive me, please and let me drive you home. I just want to make it up to you. I know you've waited many hours and I'm really sorry. Forgive me," parang bata na sabi nito kaya napapikit na tumango ako, pumapayag na dahil naririndi na ako sa bulungan nila na parang langaw. 

Nagliwanag ang mukha nito at kinabig pa ang aking bewang para mapalapit sa kaniya. Napapikit ako ng mariin nang naamoy ko na ang hininga nito. 

"Really?" Masayang bulong nito kaya sinamaan ko muna siya ng tingin at inis na kinuha ang helmet sa kaniya. 

"Baka gusto mo pang bawiin ko?" Nanggigigil ko ng saad kaya napabungisngis ito at naunang pumunta sa motor at sumakay.

Sumunod naman ako at mabilis nang yumakap sa bewang nito dahil alam ko na ang gagawin niya. 

"Hold on tight, love," bungisngis nito kaya nahampas ko na siya sa braso ng malakas, na nagpahalakhak niya lamang ng malakas. 

Maya maya din ay pinaandar niya na ang motor hanggang sa makarating kami sa hindi ko alam na lugar. 

Nag park lang siya doon sa tapat ng bahay, na laking ikinamangha ko. There's a house on a hill? Is this her's?

"Where are we?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang bahay na pinuntahan namin. It's just a simple house at makikita ang mga buildings sa baba na sobrang makukulay. 

"We're in my so called rest house," gulat akong napatingin sa kaniya ng banggitin iyon. It's not surprising that she owns this but hell, nakakagulat pa rin.

"For real?" Gulat kong saad kaya natutuwang tumango ito. She stands just behind me and also stared at the view. 

"Yeah," sabi nito habang sa malayo ang tingin, "I have someone to build this so I can have an escape place whenever I feel so stressed and sad. I happen to know this place kaya dito ko pinagawa. Don't worry, I got the permission," natatawa nitong sabi ng akmang aalma na ako sa sinasabi niya. Sa huli ay tumango na lang ako at pinanood lang ang view na nasa harap.

"I also happen to know that you adore the whole view of a town, that's why I built this here." 

Doon na ako napatingin sa kaniya ng nanlalaki ang mata. 

It's true that I dream that someday I will see the whole view of a town to take a picture of it. Pero, paano niya nalaman? Ang sinabihan ko lang noon ay... hindi ko kilala pero sa tingin ko ay 'yung bata na tinulungan ko noong bata pa ako.

"H-How did you k-know?" Utal kong saad kaya ngumiti lang siya at hindi ako binabalingan ng tingin.

Napahugot muna siya ng isang malalim na hininga bago ako balingan ng may maliit na ngiti sa labi. 

"H-Here's the thing, Dione..." She stuttered and bowed her head to gather herself up. Narinig ko pa kung paano nito ni-motivate ang sarili kaya napangiti ako sa aking isipan.

"The first time we met is not actually the first time we met or should I say it's not the first time I met you," she started to fidget before getting something in her pocket.

Isa 'yon na picture na nandoon sa likod ng cellphone niya. She gave it to me and that's when I gasped in surprise before looking back at her. Her face is so red. 

"I, once, was wandering around the neighborhood to take a picture of something or someone, perhaps," she smiled as if she remembered something before continuing. 

"Then, I saw how you help the kid and already got captivated by your smile," Ate Sid took a deep breath, "Somehow, I wish that time that I am the one who's in that situation so that I can receive that kind of smile from you, too."

The loud beating of my heart and her voice are the only things that I'm hearing right now. I started to get mesmerized again by her deep brown eyes. She's only staring at me with so much emotion that I can't even tell which is which, but there's one thing that I'm certain that I'm seeing right now.

I saw how she gulped multiple times before clearing her throat. Her eyes started to water because of too much emotion.

"I've liked you ever since that day, and I still do; there's no point in denying it."

Alam ko naman na sasabihin niyo iyon but still, hindi ko mapigilan na mawindang ng sabihin niya iyon. She's staring at me with nothing but full of sincerity and I can't help but gulp on how beautiful she is at that moment.

This is so unexpected. Akala ko...

"T-Then, why did you glare at me that day?" Hindi ko pa rin kasi talaga nakakalimutan nung binigyan niya ako ng sama ng tingin e! Wala naman kasi akong ginagawa tapos sasamaan ako ng tingin. Tama ba 'yon?

I thought she hates me!

Ate Sid laugh, "I was panicking that time. I got shocked when I found out that you're Adira's friend," sabi nito kaya napa tango tango ako bago mapayuko. Ngayon lang nag si-sink in sa akin 'yung sinabi niya, ghad.

Ate Sid likes me. For a long time now and she just confessed right in front of me. This is such a revelation, I really can't comprehend anything right now. 

"Would you like to get in or you want to watch the view muna?" Tanong nito, na para bang hindi siya nag confess kanina. Still in daze, I nodded my head. 

Pumasok kami sa bahay nito at agad naman akong namangha ng makita ang loob nito. Her place really describe the owner of this place. Simple yet elegant.

Kumpleto din lahat ng gamit. May mamahalin at malaki na sofa, a big flat screen TV at marami pang iba. Kung titingnan sa labas ay mukhang maliit lang ito but no, ang laki pa ng space sa loob at pwede pa dagdagan ang dalawang bedroom na nandito.

"Did you like it?" Rinig ko ang ngiti sa labi nito kaya napangiti rin ako nang balingan ito. She is looking down on me because of our height difference.

"What would you like to eat?" I arch my eyebrows when I heard that.

"Can you cook?" Mapanghamon kong saad kaya napangisi siya bago ako lapitan. 

"Is that a challenge?"  

"Well, if you like it to be." Nakangisi ko rin na saad kaya lalong napangisi ito at hinawakan ang taas ng aking ulo gamit ang kaniyang palad.

She leaned just behind my ears, "Just a reminder, love," she whispers before looking straight into my eyes, "I can make the person that I like fall for me in just one dish." She winks before leaving me, astonished while standing there.










Pang limang kuha ko na ngayon sa kanin sa lamesa habang siya'y masaya lang akong pinapanood. Nilagyan niya ulit 'yung plato ko ng niluto niyang adobo na tuyo ang sabaw bago ilagay sa lababo ang lagayan. Ako lang ata ang nakakaubos ng pagkain at naka isang serving lang siya. Inaalok ko rin naman siya kanina pero nakangiting nailing lang siya at patuloy na pinanood ako. Medyo nakaka conscious nga kaya medyo nilagyan ko ng poise ang pagkain dahil nakakahiya.

"I thought you're bad at cooking." I muttered after drinking the ice tea that she gave me earlier. Napamaang naman siya bago umiling ng nakangiti.

"Who told you that?" Sabi niyo at kumuha ng tissue para ibigay sa akin. Kinuha ko naman 'yon at nagpunas ng bibig.

"Adira." I mumbled kaya mahinang natawa si Ate Sid habang naiiling.

"Well, I told them that but if it's you, I'm willing to be a good cook. It's just that I sometimes get lazy when cooking for them." Sabi nito ng nakangiti. Napailing naman ako at uminom ng tubig. 

"Gusto mo na bang umuwi?" Ate Sid asks as soon as she turn her body on the sink to clean the dishes. Nag insist pa nga ako na ako na ang gagawa pero ayaw niya talaga kaya pagbigyan. 

"Wala naman nadaan na taxi dito e." Sabi ko habang kinakalikot ang cellphone dahil baka may chat na naman sila na may pa quiz sila next week. Alam niyo na...

"I can drive you---"

"It's dangerous, Ate Sid," madiin kong saad ng akmang sasabihin nito na ihahatid pa ako. Ang layo kaya nito tapos madilim pa. Nagbabadya din ang ulan at baka abutin pa kami habang nasa byahe.

"Well, will you be comfortable here?" Sabi nito at humarap sa akin nang may bula pa ang kamay. Napatango naman ako.

"Yes, you have two bedrooms and---"

"Two? I only have one. The other one is under renovation and can't be used for now." Kunot noo nitong saad kaya nakanganga akong nakatingin dito. Under renovation pa nga.

Napatingin ako sa sofa, "Well, I can sleep on the sofa," Ate Sid stared at me for a few seconds before shaking her head.

"That will not do. You're going to use my bedroom and I'm going to use the sofa." 

What if tabi na lang tay---- ops. No.

Matapos niyang maligpit ang mga hugasan ay ginayak ako nito papunta sa kwarto niya at bumungad sa akin ang sakto lang ang laki na kwarto. May queen sized bed din kaya tingin ko talaga ay kasya kami.

"There's spare clothes in there and also new undergarments," turo nito sa closet niya. Matapos ay tinuro naman nito ang CR, "There's also a spare toothbrush in there." She looked at me, "You're doing skin care, right? What do you need?" Tanong nito at nagsimula na kalikutin ang cellphone para may tawagan.

"Kaya ko naman na hindi gawin 'yon ng isang gabi---"

"Tell me, now," maawtoridad na saad nito kaya napabuntong hininga ako bago banggitin ang lahat ng kailangan habang siya'y nakatitig na nakikinig sa akin. 

"Okay. Just wait for a bit." Sabi nito at akmang lalabas na sana nang tawagin ko pa ito kaya agad itong napatingin sa akin with her anticipating stare.

"Do you really like me, Ate Sid?" Mahina pero alam kong rinig na rinig niya base na lang sa pag ngiti niya ng malawak sa akin. 

She fully turned her body towards me before smiling, genuinely, "A Tuazon don't and never lie, Dione. That's the number one rule in our family," she held my face with gentleness before leaning her lips on my forehead just like what she did when we're at that river. 



"You're also not that hard to love, Dione. You already got me the first time I saw you."

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

437K 19.8K 79
(Montegery International Elite Series 3) **** She didn't came back because she love me.. She came back because she needs me. - Monique Laurel
233K 5K 21
Ex ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
285K 8.3K 42
Meet Lila Ignacio, certified bisexual. Ang babaeng katatapos lang mag move on sa kanyang Ex-Girlfriend na ngayon nga ay may asawa na at masayang masa...