Rebel Hearts

By heartlessnostalgia

1.8M 76.3K 39.1K

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely liv... More

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27 (Part One)
Kabanata 27 (Part Two)
Kabanata 28 (Part One)
Kabanata 28 (Part Two)
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 6

48K 2.5K 1.5K
By heartlessnostalgia

Kabanata 6

Ayoko na. 'Di na 'ko mag-aaral. Magiging working daughter na lang ako rito sa bahay. Si Mama na ang bahala sa aming dalawa.

Ako na lang ang magsasaing. Ang maglalaba. Ang maglilinis. Ang magwawalis ng ipot ng manok! Tatanggapin ko ang lahat ng pagsubok at utos niya!

Basta hindi na 'ko magpapakita ulit sa school!

"Revelia, anong nangyayari sa 'yo?" kinatok ako ni Mama sa kwarto, "hindi ka na pumasok kahapon, ah? Hindi pa rin ngayon? Wala ka namang sakit."

"M-may sakit pa 'ko, M-ma..." umubo ako ng sobra kunwari at hininaan ang boses.

"Oh?" natigilan siya at humugot ng hininga, "papasok ako-"

"H'wag!" sigaw ko, "h'wag, Ma, baka mahawaan kita!"

"Ano ba naman 'tong batang 'to," suminghap siya at napapikit na ako nang gumalaw ang door knob ng pintuan.

Dali-dali akong nagtalukbong ng kumot, tinatago na nakasuot na ako ng uniporme. Nag-iisip na papasok pero sa huli'y umayaw na naman.

Napaigtad ako at ang mata lang ang isinilip sa kumot.

"Nandito sina Eunice, nasa ibaba at sinusundo ka," aniya.

Napangiwi ako. Kinain na naman ng mga 'yon ang pandesal ko!

"Pasabi sa kanila, Ma, wala na si Revel. Tigok na," malamyang sabi ko.

Hinila niya paalis ang kumot ko at namaywang sa harapan ko.

"Ma!" singhap ko at pilit inabot ang kumot pero umiling siya at sinabihang umayos ng upo. Nakabusangot ako nang pitikin niya ang noo ko.

"Ano na namang inaarte mo d'yan, Maria?" mas napairit lang ako sa tawag niya at sumipa-sipa.

"Revel nga kasi-"

"Princess?" she started. Mas sumigaw ako at tinakpan ang mukha ng unan.

Narinig ko ang tawa niya bago naupo sa gilid ng kama at tinitigan ako, "anong problema? May nakaaway ka ba sa school? Nagkagalit ba kayo ng mga barkada mo?"

Umiling ako, "wala naman, Ma. Tinatamad lang talaga ako-"

"Tamad ka pero pumapasok ka naman madalas, ah?" tumaas ang kilay niya. "O 'di kaya..."

Napalunok ako nang manliit ang mata niya at napahawak sa baba niya.

"Alam mo, anak, 'di ko na sana papansinin kasi parang impossible pero..." tinitigan niya ako, "boypren mo ba si Montezides?"

Napaahon ako, "h-hindi!" malakas kong sinabi at umayos ng tayo. "Makapasok na nga!"

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa impossible ni Mama na boypren ko si Damon! Huh! For sure, patay na patay sa 'kin 'yon! Baka nga may crush 'yon, eh. Secret lang!

Hinablot ko ang bag ko. Tumawa si Mama at sumunod sa akin, tumayo sa harapan ko habang nagra-rubber shoes ako.

"Asus, dalaga na ang binata ko?" humagikhik siya.

"Ma!" daing ko na at ngumuso, "h-hindi nga! Wala 'yon, nagbibiro lang sila. 'Di ko 'yon boypren. President 'yon ng Supreme Student Government samantalang ako, student lang."

"Ano naman?" humalukipkip siya. "Narinig ko sabi no'ng mga Tita-Tita mo sa parlor na usapan daw? Binigyan ka ng letter sa Valentine's?"

Nag-angat ako ng tingin at umiling. Tumaas ang kilay niya.

"Sabi nina Junard no'ng nakaraan daw nagsulat ka sa board tapos nangati ang kamay mo. Tapos nagdala siya ng bagong chalk atsaka wipes?"

"M-Ma!" nag-init ang mukha ko, "s'yempre! President siya, responsable lang talaga siya at concern-"

"Oh? Sobrang concern naman no'n?" lumaki ang ngisi niya.

"Wala, hindi nga," umiling ako. "Atsaka 'di ko siya bet 'no. Kung crush niya ko, edi maglaway siya. 'Di ako interesado! Marami pa akong kalalakihan sa listahan ng crush ko, pumila siya."

"Sino?" nagtaka siya, "may crush ka? Bakit 'di ko alam?"

"Naku, Ma," hinawakan ko ang braso niya sabay turo ng poster ko sa kwarto. "Ayan, oh. Mga asawa ko. One Direction tapos kasunod sa listahan ko 'yang Chicser."

"Gaga ka talaga. Ang ibig kong sabihin, totoong tao!" Humugot siya ng hininga at binatukan ako, napahawak ako sa batok.

"Ano? Totoong tao naman sila, ah!" turo ko sa posters ko sa kwarto sa kanya, "mukha ba silang alien-"

"Ang ibig kong sabihin 'yong kilala mo o p'wedeng makasalamuha mo. 'Di 'yong nagde-daydream ka sa mga posters at computer shop. Artista mga 'yan, oh. International pa 'yong bandang isa."

"Bakit, Ma? Uso kaya 'yon sa mga nababasa namin ni Eunice na Wattpad," nagkibit-balikat ako, "sabi 'yong bidang lalaki nakatitig lang sa babae sa kabila ng libo-libong tao sa concert."

"Susmaryosep, Maria! Kung nasa concert ka ng mga 'yan, langgam lang ang tingin sa 'yo n'yan." Turo niya sa poster, "una, maraming tao. Pangalawa, wala tayong pera pang-VIP sa concert kaya doon ka sa taas. 'Di ka kita."

Nahulog ang balikat ko at malungkot na tinitigan Harry Styles.

"My love..." madrama kong niyakap ang sarili, "magkikita rin tayo, mahal."

"Naku, ang anak ko," umakbay sa akin si Mama at ginulo ang buhok ko. "Ayos lang 'yang mag-crush-crush ka sa mga impossibleng maabot pero sagutin mo 'ko. Kayo ba ni Montezides-"

"Ma, hindi," umiling ako, inaangat pa ang kamay para pabulaanan ang sinasabi niya. "Siguro may chance na gusto niya 'ko kasi maalindog ako."

Tumitig siya sa akin at kumibot ang labi, nagpipigil ng tawa.

"Mama nga!" napatalon-talon ako.

"Oo na, sige, sige. Maalindog at maganda ka naman talaga," parang napipilitan pa siyang humawak sa buhok ko para suklayin pero sumabit lang. "Oo na lang."

"Hindi na 'ko papasok," nagkunwari akong mahuhulog sa lapag pero sinalo ako ni Mama, natatawa pa niyakap ako.

"Biro lang, Revel. Oo naman, maganda ka. Lalo na kung mag-aayos. Dalagita ka na pero para ka pa ring mananapak sa kanto sa postura mo."

Ngumuso ako.

"At ayos lang na mag-crush-crush ka, bahala ka. Basta h'wag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Okay lang may kalalakihan, ako nga no'ng first year ako, fifteen piraso ang crush ko."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at namilog ang mata. Humagalpak siya.

"Oh, siya, papasok ka ngayon." Kinuha niya ang bag sa braso ko at nauna na kaya bagsak ang balikat na sumunod ako.

"Boss!" pagod akong ngumisi sa tatlo nang salubungin nila ako ng sapak pagkababa ko, "may sakit ka raw ba kahapon? Ba't 'di ka pumasok?"

"May lovenat siya," ani Mama. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Pinanliitan ko siya ng mata.

Ang traydor kong ina!

"Lovenat?" ani Eunice sabay malisyosang tingin sa akin, "sabi na nga-"

"May lagnat ako!" singhal ko sabay iwas sa kanila at abot ng pandesal sa lamesa, "masama ang pakiramdam ko kahapon. Pati ngayon, si Mama lang kasi..."

Tumatawa si Mama na umiling, kumakanta pang pumunta sa kusina habang inaangat ang kamay niya na parang nasa choir. Sumulyap sa akin ang tatlo, may question mark sa ulo.

"Nangyari kay Tita?" ani Jere. Nagkibit-balikat ako.

"Baka nakainom ng pangkulay ng buhok sa parlor," sagot ko sabay kagat ng pandesal.

"Maria, naririnig kita!" sigaw ni Mama. Nabulunan ako at napatakip sa bibig.

Maaga pang dumayo ang tatlo kaya nag-agahan muna kami. Minsan nga naiisip ko nang ginagamit ako ng tatlong 'to para may libreng agahan sila at masarap ang luto ni Mama, eh. Pero masaya naman si Mama na narito ang tatlo palagi kaya hinahayaan ko na lang.

Nag-antay kami habang nagpa-pack siya ng apat na sandwich na meryenda raw namin mamaya. Nasa likod ko si Eunice habang nakasalampak ako sa lapag, nakabukaka at inaayos ang jogging pants na suot. Bine-braid niya ang buhok kong natuyo na.

"Ano ba 'tong buhok na 'to," reklamo niya. Humikab ako.

"Ang mahalaga, may buhok,"

"Tita! Hindi mo ba ire-rebond si Revelia? 'Yong buhok niya malapit nang gawing hideout ng sindikato," tanong ni Eunice kaya Mama na nagkibit-balikat lang.

"Kung alam mo lang na ilang beses ko na 'yang sinasabihan," pagod na umiling si Mama. "Maarte, ayaw pahawak ng buhok niya."

"Ayaw ko kasing 'di maligo ng three days. Kadiri." sabay sulyap ko kay Eunice at hagalpak nang hinila niya ang buhok. Sinapak ko ang paa niya. Sinipa niya 'ko pabalik.

"Eh, 'yong ano na lang, Tita. 'Yong hindi rebond?" ani Jere, "'yong treatment ba 'yon? Nag-gano'n ang Ate ko no'ng nakaraang linggo. Ang ganda sa buhok."

Bakit ba nangingialam ang mga gunggong na 'to sa buhok ko? Inaano ba sila?

"Relax?" ani Mama.

"Ayon," pagsang-ayon ni Jere. "Opo, 'yong relax. Maganda 'yon, smooth ang buhok."

"Baliw, ang gara naman na relax ang gagawin sa buhok ni boss tapos 'yong mukha niya stress," sagot ni Junard na ngumisi.

Nalaglag ang panga ko.

Putang ina mo, Junard!

Humagalpak silang lahat. Miski si Mama ay nabitawan ang kutsara niya at namula kakatawa. Si Eunice ay nahihila na ang buhok ko.

Gagong 'to...

Masama kong tinitigan si Junard na iba na ang tunog ng tawa. Saya? Sayang-saya, Junard? Sayang-saya?

Kinuha ko ang rubber shoes ko at binato sa kanya. Sapol sa noo.

Kung 'di pa kami malapit na magpatayan ay 'di pa kami papaalisin ni Mama. Ayaw ko na talaga pumasok pero kulang na lang ay buhatin ako ng tatlo papunta sa loob ng traysikel.

"Sa likod ako!" inayos ko ang jogging pants ko.

"Hindi, sa loob ka!" tinulak ako ni Junard, "nakakatakot baka tumalon ka."

Sinapak ko ang braso niya. Tumatawang tinulak nila ako papasok sa loob.

"Boss, relax! H'wag na ma-stress," aniya.

"Tang ina mo," singhal ko na at nagdadabog na pumasok sa loob at naabutan si Eunice na nagli-lip tint na sa pisngi at face powder.

Buong biyahe ay kausap ko si Eunice na ang daming kwento sasabog na ang utak ko.

"Seryoso ba?"

"Oo! One to twenty ang quiz!" ngumisi siya, "tapos five points bonus! Lahat daw ng pumasok exempted sa isang quiz tapos may extra points. Sayang, absent ka."

Nahulog ang panga ko, parang isang buwang 'di nakapasok.

Bakit ganito? Kung kailan absent ako atsaka maraming ginagawa? maraming bonus points? Bakit?!

Bakittttt?! Nasaan ang hustisya?!

Tulala ako habang naglalakad kami pagkababa ng traysikel at tumestigo ang mga lalaki sa bonus points no'ng absent ako kahapon.

'Di ko matanggap! Madaya! Bakit kapag absent ako maraming ganap? Bakit kapag pumasok ako wala?!

"Atsaka hinahanap ka pala ni President kahapon," doon na ako nanigas.

Umalon ang sikmura ko pero 'di nagpahalata at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Oh, tapos?" maangas kong tanong at ang dalawang buntot ng braid sa balikat ko't hinawakan ang strap ng bag ko.

"Nagtatanong kung saan ka," ani Eunice, "sabi namin, bakit, Pres., na-miss mo?"

Kumunot ang noo ko at tumikhim, "parang tanga naman 'tong mga 'to! Ano... anong sagot?"

"Yieee, curious!" Humagalpak sila. Isa-isa ko silang tinuktukan. Inipit ko ang leeg ni Eunice hanggang sa mamuti na siya.

"Tang ina ka, Revel," hinahapo niyang singhap.

"Ano nga kasing sagot? Curious lang ako, s'yempre! Nando'n ba si Mindy no'ng sinagot niya? Aba, dapat isupalpal 'yon," palusot ko.

Ano, Revelia? Palusot? Huh! Bakit ka nagpapalusot? Tanga, dapat isupalpal 'yon kay Vice talaga! 'Di lang palusot!

Nagtatalo na rin ang utak ko.

"Ayon, hindi umimik no'ng una," ani Junard, "tinatanong lang kung ayos ka lang o kung kailan ka ulit papasok tapos umalis na. Suplado."

Tumango ako at napahawak sa bulsa ko, "ah, baka kukunin na niya ang panyo niya."

Sabay-sabay silang sumulyap, "na sa 'yo ang panyo niya?!"

"Hmm..." ngumuso si Eunice, nagliliwanag ang mata.

"H-hindi gano'n!" umiling ako, "wala kasi akong pamunas ng kamay sa chalk no'ng nasa board habang announcement kaya pinahiram lang! H'wag nga kayong gawa-gawa ng tsismis!"

Nanliit ang mata nila sa akin. Parang naka-program na sabay-sabay ang paglaki ng ngisi nila.

"Gago kayo," ngiwi ko at martsa paalis.

Tumatawa silang humabol sa akin, tinatawag ako pero 'di ako lumingon. Nag-iinit ang pisngi ko. Baka sumabog na ang mukha ko sa nangyayari at aasarin lang nila akong lalo kapag nakita nila ako.

Mas binilisan ko lakad, natigilan lang nang nasa gate na.

"ID," ani ni Kuya guard.

Napahawak ako sa leeg at namilog ang mata.

"ID daw, boss," narinig ko si Jere at nang sulyapan ko ay may ID nang nakasabit sa leeg nila. Napaangil ako.

"Naiwan ko ID ko," tumalikod ako kay Kuya guard at pinagmasdan ang tatlong naiiling sa akin.

"Lagay mo kasi palagi sa bag mo pagkauwi," paalala ni Eunice, "paano na 'yan?"

"Pader," ngumisi ako at mahinang sumagot sabay pakita ng jogging pants ko. "Sakto at prepared ako ngayon."

"Seems like you're fully healed now, Miss Santo,"

Natulos ako sa kinatatayuan sa boses na 'yon. Mabilis akong lumingon at pilit na ngumisi.

Damon Montezides, suot ang kulay na hoodie at nakatitig sa akin mula sa pwesto niya. Malinis na malinis. Mabango. Hindi niya suot ang salamin kaya tila nanghihigop ng kaluluwa ang itim niyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Good morning, Pres.!" bati ko at napasulyap sa likod niya, nakita sina Alan at si Mindy. "Miss mo 'ko, 'no?"

Nanatili siyang nakatitig sa akin, unti-unting bumaba ang tingin sa suot ko at muling bumalik sa mukha ko. Humalukipkip siya at binasa ang labi.

"ID? Uniform?" dalawang salita lang ay alam na agad ang tinutukoy niya.

"Oh!" napahawak ako sa strap ng bag ko, "wala pala akong ID tapos naka-jogging pants! Bawal, 'di ba?"

Inisang hakbang niya ako. Nag-ugat ang paa ko nang nasa harapan ko na siya. Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang tingin niya.

Ibinaba niya ang ulo at inilapit ang mukha sa akin. Napahugot ako ng hininga nang maramdaman ang paghinga niya rin at lapit ng bibig sa tainga ko.

"Huli ka," bulong niya.

"H-huli?" kumurap-kurap ako, "saan? Bakit?"

Mahina siyang tumawa, ang bulong ay kami lang ang nakakarinig.

"Don't act fool now, Maria. Got my chance now, let me escort you to the guidance."

"U-uy," tumikhim ako at suminghap, pilit na itinatagong nagugustuhan ko ang amoy niya. "Madaya ka naman, Pres.! 'Di pa ko nakakapasok sa school, ah? Ibig sabihin, wala pa 'kong na-violate! Atsaka Maria na naman? Ilang beses-"

"Good morning to you, too, love," lumayo siya at tumitig sa akin.

Umubo si Eunice, narinig ko ang impit niyang singhap sabay hampas ng bag kay Junard at Jere.

Ang mga 'to talaga!

Lumunok ako, "g-good morning din! Ang sinasabi ko lang, wala pa ako sa loob ng campus kaya wala pa akong violation at oo. Wala akong ID at bawal ang jogging pants! Dahil d'yan, 'di ako makakapasok! Tamang-tama at pauwi na rin ako!"

Umatras ako at unti-unting sumulyap sa mga barkada. Namumula na si Eunice habang si Jere at Junard ay kumikislap ng mata.

"Bye, mga 'tol!" inangat ko ang kamay sa tatlo, "wala 'kong ID, eh. Bawal pumasok! Uuwi na lang ako!"

Sumulyap din ako kina Alan na kumaway at kumaway ako pabalik, pati na rin kay Mindy na 'di na mabasa ang ekspresyon.

"Bye!" sumaludo ako pati kay Kuya guard at kay Damon na nakapirmi na ang labi. "Bye, Pres.!"

Tumalikod ako, maangas pang naglakad papaalis kahit gusto na lang ang tumakbo at maglaho pero wala pa akong dalawang hakbang ay may braso nang humapit sa akin pabalik.

"Ano?!" sigaw ko sa gulat nang parang laruan niya lang akong ibinaba at pinihit paharap sa guard.

"I'll take her in, Kuya Chito," ani Damon sa guard na nagugulat din.

"Pero walang ID?" turo sa akin ni Kuya guard.

"We'll only have meetings for SSG candidates for today, no classes," sagot niya.

Impit na napasigaw sina Eunice sa tuwa pero 'di ko magawang mag-celebrate sa kabang nararamdaman. Sa pag-alon ng sikmura na 'di maipaliwanag.

"I'll ask her to remove her jogging pants instead," hinarap ko si Damon at umiling para magprotesta.

"Bakit? Wala namang klase pala-"

"I'm only letting you go for the ID since we only have meetings for today but that," tinuro niya ang pants ko. "Is not an exemption. Unless, you want me to escort you to the guidance-"

"Oo na! Oo na," bumusangot ako. Pumirmi ang labi niya para magtago ng ngisi sa busangot kong mukha. "Sige na, salamat, President. Papasok na kami at huhubarin ko na ang pants."

Hindi ko na siya muling tinignan. Hinila ko si Eunice at sama-sama kaming apat na pumasok sa loob.

"Kung alam ko lang na may free pass pala sa ID kapag hinarot-harot ang president edi sana..." tumalim ang mata ko kay Eunice.

"Ano? Haharutin mo si President?"

Sumama ang timpla ko.

"Oh, chill! H'wag kang ma-stress," ngumisi si Eunice. Mas sumama ang mukha ko pero sinapak niya lang ang balikat ko. "'Di ko nanaman aagawin ang crush mo."

"Tang ina ka," singhal ko at inangat ang sleeves ng uniform, "'di ko siya crush! Sa panaginip niya lang siguro."

Ngumisi siya. Inambahan ko ng sapak.

"Hmm... oo na nga lang!" tumawa siya sabay sulyap kina Junard at parang nag-uusap ang mga mata nila habang tinutulak ako sa banyo. "Chill ka lang! Aga-aga ang init ng ulo mo."

"Uuwi na lang kasi 'ko," busangot ko, "ayaw pa!"

"Ayos na 'yon, boss! Meeting lang naman, eh. Wala rin tayong gagawin kaya chill lang buong araw. Atsaka free pass ka! Hindi kaya crush ka na talaga ni President?" sumulyap ako kay Jere.

"Impossible!" magkapanabay na singhal namin ni Junard. Umiling ako pero 'di rin maikakailang may pagtalon sa puso akong naramdaman.

Tumitig sa akin si Eunice na parang nababasa niya ako. Ngumisi siya. Sinipa ko ang paa.

"Tama na nga! Walang crush-crush na 'yan, One Direction at Chicser lang ang crush ko," umirap ako sa hangin at inabot sa kanila ang bag ko. "Oh, d'yan muna kayo huhubarin ko ang pants!"

Pumasok ako ng banyo at hinubad ang pants ko. Inayos ko ang palda at ang uniporme habang nakatitig sa salamin.

Mas lamang ang putla ng labi ko kaysa sa pula. Hindi kasi ako palagamit ng mga pampaganda o mga kulay-kulay sa mukha 'di kagaya ni Eunice. Miski si Mama ay palaayos pero wala ako sa mood sa gano'n. 'Di ako sanay.

Baka mangati ang mukha ko pero ngayon habang nakatitig sa mukha ko ay naisip kung babagay kaya sa akin ang tint?

Makinis ang mukha ko bukod sa black heads na patago sa ilong ko. Tapos, bilog ang mata at saktong kapal ang kilay. 'Di naman ako katangusan pero 'di rin naman pango. Katamtaman lang ang kulay ng balat ko, morena dahil sa pagbibilad sa araw.

Pinaraan ko ang daliri sa pisngi at ngumiti pero kinilabutan lang sa nakita.

Tang inang mukha 'yan.

Umangil ako at natauhan. Bakit ko ba tinititigan ang mukha ko?

Kinutkot ko ang labi at kinuha ang balat na nanuyo roon at binasa ng dila, nalalasahan ang kalawang na lasa mula sa dugo.

Nag-hugas ako ng kamay at nilagay ang pants sa balikat bago lumabas ng banyo, hinahanap ang tatlong unggoy pero iba lang ang nakita.

"Uy, Pres.!" bati ko, 'di pinapahalata ang gulat ko nang makita siya.

Tumayo siya at sinalubong ako, bumaba ang tingin niya sa palda ko.

"Natanggal ko na," proud kong sabi at inangat ang pants sa balikat ko, "saan sina Jere?"

"They left," aniya.

Kumunot ang noo ko, "ano? Aba, sinabi ko nang h'wag akong iwan, eh. Humanda sa 'kin 'yan mamaya!"

"I asked them to go first," sagot niya.

Nangunot ang noo ko, "huh? Bakit?"

"I'll take you to class," inilagay niya ang bag ko sa balikat niya habang nakanganga lang ako.

"Ano? Huh? Bakit?" habol ko nang maglakad na siya. Inabot ko ang braso niya, "bakit, Pres.?"

Sinulyapan niya ako saglit, ang mata'y bumaba sa kamay ko sa braso niya. Nagulat din ako at aalisin na sana ang kamay ko nang inipit niya 'yon sa braso niya.

"Don't," pigil niya.

Nagtatakang pinagmasdan ko siya pero nag-iwas lang siya ng tingin at tumikhim.

"Students are watching," malamig niyang sagot.

"Oh?" sumulyap ako sa paligid, "anong connect?"

"The elections are coming," sagot niya, diretso pa rin ang tingin sa daan, walang emosyon. "I don't want people to think how irresponsible their president is to not bother taking his crush in class."

"Oh..." sumipol ako at tumango-tango, "okay! 'Yon naman pala, sana sinabi mo kaagad!" inayos ko ang hawak sa braso niya at mas lumapit. Naramdaman ko ang tensyon niya pero diretso lang ang lakad niya.

Nawalan na ako ng imik habang naglalakad at hawak ang braso niya, ramdam na ramdam ang tingin ng mga estudyanteng sinusundan kami.

Napatawa ako nang marating namin ang hagdan. Sinulyapan ko siya.

"Naalala mo ba, Pres.? Dito ka tumalbog, 'di ba?" tinuro ko ang hagdanan at humagalpak sa itsura niya.

Mabilis siyang lumingon sa paligid para tignan kung may nakikinig at hinila ako papaakyat. Mas napatawa ako.

"Shut up," sikmat niya, "that's supposed to be a secret, Revelia. Why are you blurting it out loud? Paano kung may nakarinig?"

"Wala 'yan," tumawa ako at pinagmasdan ang steps ng hagdan para bilangin sa utak ko. "'Di naman nakakabawas ng pagkatao ang bumalentong sa hagdan, nakakahiya nga lang sa crush mo."

He scoffed. Mas tumawa ako.

"Conceited. Tss... as if I'm the only one? Let me remind you about the gum you ate."

"Hindi ko kinain 'yon!" singhal ko, "nahawakan mo kaya dumikit sa labi ko! Kadiri! Laway tuloy ng kung sino ang first kiss ko!"

Ngumiwi ako at nasuka sa imagination ng kung sinong nagdikit no'n do'n at dumikit din sa labi ko. Dugyot!

"That damn gum," bulong niyang iritado habang umaakyat kami. "Inunahan pa 'ko."

"Ah?" sumulyap ako, "sino nauna?"

"The..." tinuro niya ang bulletin pagdating namin sa second floor, "the announcement."

"Huh?" mas nagsalubong ang kilay ko pero 'di niya ako nililingon at mariin ang tingin sa bulletin, nakaigting ang panga. "Anong inunahan, Dame?"

Gumalaw ang labi niya at ipinikit ang mata, tinuro niya ang bulletin ulit pero wala naman siyang tinuturo.

"Saan?" tanong ko. Doon siya nagmulat at nagmura sabay lipat ng kamay niya sa papel na may announcement tungkol sa meeting. "Ah, anong connect?"

"I..." bumuntonghininga siya at napahawak sa panga, galit sa pader o kung saan man. "I was supposed to... to announce this later before the classes starts. Now, the students probably knew about the meeting. Hindi na sila tutuloy pumasok."

"Ahh..." napatango-tango ako, "sa bagay. Kung ako rin 'di papasok kapag walang gagawin."

Iritado siyang tumitig sa akin. Kinindatan ko na.

"Gano'n ang mindset, Pres.," pinaikot ko ang braso sa kanya nang tuluyan. "Bakit ka magsasayang mag-ingay sa room kung p'wede kang matulog sa bahay?"

"Matulog?" kumunot ang noo niya, "I'm sure you'll probably go to some computer shop and what? Chat your suitors? So unproductive."

"Hindi, ah," umiling ako. "Naglalaro lang naman ako ng Sims o kaya Tetris sa com shop, ano. Pero sa bagay, minsan nire-rep-layan ko 'yong mga manliligaw ko. Naiiyak kasi sila kapag 'di ako nakakausap."

Kumunot ang noo niya, "what's your Facebook name?"

"Secret," hinila ko siya paalis sa bulletin, "baka i-stalk mo 'ko, ma-in love ka na n'yan lalo sa 'kin."

Sarkastiko siyang natawa, "you bet, Maria."

"Aba, talagang oo!" proud ko pang yabang at naglakad paakyat pa ulit sa hagdan patungong third floor.

Kakapagod naman 'to. Wala bang elevator?

"Are you doing fine now?" panimula niya sa katahimikan na naman namin.

"Hmm?" inangat ko ang tingin sa kanya. "Bakit?"

"Heard your sick," tumikhim siya. Unti-unting napangisi ako.

"Yieee, bakit, Dame? Miss mo 'ko?" siniko ko siya. Nagsalubong ang kilay niya at 'di umimik. Nahuli ko ang pagkalat ng pula sa pisngi niya.

Natigil ako, "o-oh... hala ka! Tang ina! 'Di nga, Pres.?! Gago ka, totoo?!" siniko ko siya.

"Language," paalala niya pero hindi mawala ang ngisi ko.

"Sorry! Sorry!" tumawa ako, "sagutin mo kasi 'ko! Miss mo 'ko, 'no? Feeling mo ba kulang ang araw mo kapag wala ako? Aba, iba na 'yan! Masyado ka nang patay na patay sa 'kin!"

Pinitik niya ang noo ko. Umangil ako at napahawak sa noo ko.

"In your dreams," umiling siya, nakatitig pa rin sa harapan. "In your dreams, love."

Ayaw ko mang aminin pero nalungkot ako nang makarating na kami sa classroom namin ay napawi ang saya ko.

"Dito na lang," pigil ko kay Dame. Sumulyap siya sa aking nagtataka nang inabot ko ang bag ko sa balikat niya.

"Why?" tinabingi niya ang ulo para pagmasdan ako, "your room's there."

"Aasarin ka lang nina Eunice," sikmat ko, "ayos na. For sure naman nakita na nila sa baba na hinatid mo 'ko. Mr. Responsible ka na."

"Right," binasa niya ang labi at tumango, "you're right."

Nagkatitigan kami saglit hanggang sa ako na ang umiwas, 'di na kayang kontrolin ang puso at sikmurang nagwawala. Nasusuka ata ako. Nahihilo ata ako.

Ano ba 'to? Bakit...

"Here," may kinuha siya sa bulsang maliit na plastic kaya inabot ko iyon, nagtataka.

"Ano 'to?"

"See for yourself," nagkibit-balikat siya sabay sulyap muli sa mukha ko at tikhim, sumeseryoso na naman ang mukha. "I'll go now, I'll prepare the conference room."

Hindi na niya ako pinagsalita nang umalis siya. Pinagmasdan ko siyang napapahawak sa batok niya habang mabilis ang lakad patungo sa room nila nang biglang lumitaw si Eunice na nagwawalis sa... hallway?

"Oh!" sigaw ko nang napatid si Damon sa walis pero mabuti'y nabalanse ang sarili at umayos ng tayo.

"Hala, Pres.! Sorry! Muntik ka nang... ma-fall," paumanhin ni Eunice pero 'di naman tunog nagso-sorry. Kumunot ang noo ko.

"It's alright," malamig niyang sagot at walang lingon na naglakad diretso, tila tuod.

Nagsalubong ang mata namin ni Eunice. Ngumisi siya at unti-unti akong pinakitaan ng puso at muntik ko nang masapak ang pagmumukha nila nang lumabas si Jere sa room na nag-gigitara habang kumakanta si Junard.

Mahal kita simula pa nung una

Sana'y mahal mo rin ako

Dahil ikay nag silbing pagasa

At naging ilaw saking mundo

Pumiyok siya. Nasapo ko ang mukha at tahimik na sumigaw.

Saan ba p'wedeng isangla ang mga barkada ko?!

Binigyan niya ako ng dalawang pirasong Paracetamol.

Take this if you have headache and go to the clinic if your fever came back. Let me know. Don't worry, you're excuse to the meeting.

Kanina pa ako nakatitig sa malinis na sulat niya sa sticky note. Akala niya talaga'y may lagnat ako kahapon.

'Di niya alam na tungkol sa kanya kaya ako wala kahapon. Paanong 'di ako mahihiya pagkatapos ng nangyari sa chalk at tissue? Wala akong mukhang maipapakita!

"Naku, iba na 'yan," sipol ni Eunice.

"Kayo ang ma-issue," sikmat ko at tumitig sa board habang nagsusulat ang president namin sa room ng posibleng pangalan ng partylist namin. "Ayaw niya lang isipin ng mga estudyanteng iresponsable siya at 'di man lang maihatid ang crush niya."

"Hmm..."

"Hindi, boss, eh," ani Junard. "Bilang lalaking gwapo at macho. Iba ang tinginan n'yo ni President. May kakaiba."

"Paanong tiningin? Tinginang magsasaksakan?" tumaas ang kilay ko.

"Hindi, tinginang maghahalikan," nabulunan ako ng laway at hinampas si Eunice na humahagikhik sa tainga ko.

"Manahimik ka,"

"Uy, namumula," tinusok niya ang pisngi ko.

"Gaga, 'di ako namumula!" agap ko at iritadong tumayo para dumiretso sa president at pag-usapan na ang gagawin sa party list namin.

Ayaw ko nang pag-usapan! Ayaw ko nang isipin! Wala lang ito. Concern lang si Dame at president siya, isa pa ay may usapan kami. 'Di ko ikakalat na tumalbog siya sa hagdan at 'di siya magde-deny sa mga sinimulan naming kalokohang barkada.

Ayon lang 'yon.

Nagsama-sama kami sa harapan pati na rin ang nasa lower years para pag-isipan ang pangalan ng group, kasama na ang jingle, color ng party list at s'yempre ang plataporma.

Wala ring silbi 'yon sa totoo lang. Sino bang boboto sa lower section? S'yempre kami-kami lang din. Panigurado sa mga lower years, 'yong party list ng section one ang iboboto.

"Dapat unique," sinabi ko. "Alam naman nating may mga ilang percent lang ang tyansa nating manalo pero dapat tatatak."

"What if pagsama-sama natin first two letters ng names natin sa pangalan?" ani Eunice na nagpa-flying kiss kay Bunak na nasa labas ng room.

"Tanga, ano 'to FLAMES?" ngumiwi ako at umiling, "dapat may impression!"

"Spell impression," ani Jere sa akin.

Umirap ako, "I-M-basta impression, h'wag ka nang maraming tanong!"

Nagtawanan sila. Umiling ako at nginisihan ang mga lower years na nag-e-enjoy sa bangayan namin sa mangyayari.

"Mag-aral kayong mabuti, ah?" paalala ko, "para 'di kayo magaya sa aming mga lutang."

Lahat sila ay may suggestion sa mga names pero lahat ay common na. Panigurado'y maiisip na 'yon ng ibang party list.

"Ano pa?" ani Junard, "masyado nang gamit 'yang mga 'yan, eh. Dapat unique. 'Di makakalimutan."

"Dapat out of the world na may mix na student or kahit anong tungkol sa young leaders," ani Eunice na nasa outer space na ang imagination. "'Yong maiiwan sa utak nila kapag sinabi natin ang pangalan na... ayan, oh, sa ganitong partylist 'yan."

May lumitaw na light bulb sa utak ko.

"Guys!" sigaw ko. Sumulyap sila sa 'kin. "Out of the world. Alien. E.T."

"Ano?" excited na sinabi nila at nang sabihin ko sa kanila ang naisip ay halo-halo ang naging reaksyon na nauwi sa malakas na tawanan.

Sinabi namin kay Ma'am Aquino ang naisip. Nakakatakot pa no'ng una na baka 'di kami payagan at hindi kagandahan ang naisip naming pangalawang choice pero mabuti na lang ay tuwang-tuwa rin si Ma'am.

"Keep it a secret, 'kay?" paalala niya sa amin habang nag-aayos kami papunta sa conference room. "Nakikitsismis ako sa ibang seksyon ang papangit ng pangalan ng kanila."

Napatawa kami.

"Naman, Ma'am!" proud ko pang bida, "ako ata ang nag-isip n'yan! Pang out of the world!"

"Witty, Revel," ngumiti siya at pinalo ang stick niya sa lamesa. "Alright, class, listen! Do your best, okay? Manalo, matalo ayos lang pero mas maganda kapag mananalo!"

Hindi pa naman 'yon pormal na simula ng campaign. Meeting lang para sa mas malinaw na initiatives ng SSG organization.

Pagkapasok namin sa conference room ay nag-aayos ang mga current officer sa may platform. Sinabi ko sa sariling mananahimik lang ako ngayon at 'di ko pa rin makalimutan ang nangyari nito lang isang araw.

Nakakahiyang namula ako! Hindi naman ako kinikilig! Palabas lang namin iyon ni Dame, uto-uto lang sila.

Nakita ko pa ang pag-angat ng hoodie ni President nang may inabot siyang wire sa itaas. Nakagat ko ang labi.

Hindi ko naman first time na nakita ang katawan niya at naghuhubad siya sa basketball minsan kapag may laro o practice pero ngayon lang ako na-conscious. Lumunok ako. Sumunod ang tingin ko at nahuli ang pagsilip ng balat niya, sumilip ang abs doon.

Nilingon ko ang paligid at sa unahan ay naroon ang mga juniors kasama ang lower years, nakanganga at nanunuod sa pinong galaw ni Damon sa harapan.

"Uy, pinaglalawayan na ang crush mo," binulungan ako ni Eunice.

"Manahimik ka, 'di ko nga kasi crush," bulong ko pabalik at inikot ang paningin para tignan kung saan ang pwesto ng juniors.

Kumunot ang noo ko nang makita si Mindy na natatawang hinila pababa ang hoodie ni Damon. Umayos ng tayo ang huli at inayos ang damit niya, may multo ng ngiti sa labi sa sinabi ng isa.

Kumunot ang noo ko.

Ang saya, ah?

"May pwesto pa ba?" ani ng president namin sa party list, "dito na lang ba tayo sa likod?"

"Pangit sa likod," ani Junard, "dapat sa unahan para bida. Impression daw sabi ni boss Revel. Impression."

"Walang pwesto na ro'n," sagot kong bagnot na, "dito na lang tayo. Bigat na ng dala ko." Tukoy ko sa hawak kong paraphernalia sample para sa meeting namin.

Nasa limang partylist ata ang nandito. Ang sa mga juiors ay nasa unahan na.

"Nasa harapan ang mga juniors," aniya. "Dapat tayo rin, tanong natin kay Pres."

"H'wag, Eunice-"

"President!" tawag ni Eunice bago ko pa siya mabigilan. Napamura akong mahina nang mapabaling sa amin si Damon. "Si Revel nga pala..." sabay tulak niya sa 'kin.

Tang ina talaga nito.

Nagsalubong ang tingin namin ni Dame bago kay Mindy na may nang-aasar na ngiti sa labi niya. Tumango ako kay Dame at tumikhim sabay sulyap kay Eunice, "dito na kasi tayo-"

Pero nakalapit na siya. Humigpit ang hawak ko sa mga dala.

"Your group's seats are over there," tinuro niya ang kanan na may bakanteng mga pwesto.

"Salamat, Pres.," hagikhik ni Eunice at kapit-kapit sila nina Jere na pumunta roon.

Sumulyap ako kay Damon at ngumiti, "thanks, Pres., punta na 'ko-"

"Did you drink the meds?" tanong niya.

"Hindi," umiling ako, nakatitig sad ala, "hindi naman na masakit ulo ko pero salamat. Inumin ko 'yon kapag kailangan."

"Why aren't you looking at me?"

Nag-angat ako ng tingin at awkward na tumawa, "masyado kasi 'kong nasisilaw sa kagwapuhan mo, love."

Nagsalubong ang kilay niya habang tumititig sa mukha. Inangat niya ang kamay niya. Nagulat ako at 'di inasahan ang pagdama niya sa noo ko.

"Hindi ka naman mainit," aniya, "nagpatingin ka na ba kay Nurse?"

"H-huh?" nanuyo ang lalamunan ko, "hindi, ayos lang kasi talaga."

Tumitig siya sa akin bago umiling at inagaw sa kamay ko ang hawak. Nilagpasan niya ako at nawawala pa ako sa sarili nang hinabol siya.

"President," tawag ko. Inabot niya sa nakangising si Jere ang papel at inilahad sa akin ang upuan.

"Sit here, Revelia,"

Sunod-sunod na tikhim ang narinig. Nag-uumpisa na ang mga yieee at pasimpleng bulong ng MaMon pero 'di nilalakasan.

"Salamat," mahinang sagot ko at naupo.

Tumango siya at 'di na ako umimik nang umalis siya. Pinagmasdan ko siyang nagtungo sa malaking electric fan sa gilid ng platform at nagitla ako nang iharap niya 'yon sa pwesto namin.

"Ayon!" sipol ng mga lalaki, "salamat, Pres.!"

"Abot ka?" he mouthed. Tumango ako at dali-daling tumitig sa kawalan, wala na naman sa sarili, ni hindi na napatulan sina Eunice sa pang-aasar.

Naging abala ang lahat, lalo na siya na kinakausap ng Dean sa may stage. Nawala rin ang electric fan sa amin pagkaraan dahil inikot paharap ng mga teacher sa kanila kaya wala na rin naman kaming palag.

Napansin iyon ni Dame. Pumirmi ang labi niya sa nangyari sa electric fan pero wala nang nagawa nang mag-umpisa ang meeting.

Sinimulan niya ang introduction tungkol sa organization bilang current president. Pinakilala niya ang mga kasama at 'di ko maiwasang mamangha pa rin sa paraan ng pagsasalita niya. Sa tindig at talinong kitang-kita sa paraan ng pagbubuhat niya sa sarili.

Magkatabi sila ni Mindy sa stage at nahuli ko ang bulong ng babae sa kanya. Inilapit niya ang ulo para makinig, gumuhit ang ngiti sa labi sa sinabi nito.

"Uh-oh..." bulong ni Eunice.

'Di ako galit. Bakit ako magagalit? One Direction ba siya? Chicser ba siya?

Nagsibabaan na sila nang kunin ng Dean ang stage at kung nag-aasar nga naman ang tadhana at dito pa siya naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Maingay na tumikhim si Eunice. Naupo ang ibang officers sa harapan namin, si Mindy ay nasa tabi ni Damon.

Bakit ba kami nandito kasama ng officers?

"Excited na 'ko bumalik ulit sa rancho n'yo," ani Mindy. "Babalik naman tayo do'n, 'no? Miss ko na, pati 'yong cake ni Tita Bea."

Nakabisita siya sa rancho?

Pasimple kong inilayo ang upuan ko at nasiko si Eunice. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"Usog ka," bulong ko. "Masikip sa pwesto nina Pres."

"Oh?" bumaling siya sa tabi ko, "hindi naman-" napatalon siya sa seryosong tingin ko at naiintindihang umusog.

Muli akong umusog. Nag-ingay ang upuan.

"What are you doing, Maria?" nanigas ako sa baritonong boses at mas nainis sa pangalang tinawag niya kaya hinarap ko na.

"Wala naman, President," sagot ko, "baka lang kasi nasisikipan kayo at 'di maka-focus sa kwentuhan d'yan kaya uusog lang ako." Ngumiti ako, "at hindi nga sabi Maria."

Kumunot ang noo niya. Ngumisi ako, pinagmamasdan ang itsura niyang iritado na.

"Are we good?" mahinang tanong niya.

"Bukod sa Maria mo, bakit naman hindi?" bulong ko, natatawa pa, "binibigyan ko lang kayong space-"

"I don't want space," napasinghap ako nang hilahin niya palapit sa kanya ang upuan ko. "I want you close, love."

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
17K 938 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
Fierce By Nina

Teen Fiction

9.4M 196K 54
Set up by her parents, Blair is intent on doing all she can to push Gael away. But little by little, she has a change of heart...and uncovers a damni...