Against the Wind

De greatfairy

822K 35.2K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... Mai multe

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 15

15.3K 788 187
De greatfairy

 First Kiss

AMPON nga lang siguro talaga ako. Paano ba naman kasi ipinamimigay na ako ng mga magulang ko kay Kuya Gaston. Ipinagtulakan nila akong tanggapin ang offer niya na maging assistant nito sa loob ng isang buwan. Kaya heto at wala akong nagawa kundi ang mag-empake ng mga gamit dahil sa condo raw muna ako titira pansamantala. Kahit malapit lang naman ang bahay namin, isang sakay lang.

"Huwag kang tatanga-tanga roon. At huwag kang pasaway, Divina. Pakinggan mo lagi ang mga payo sa 'yo ni Gaston," bilin ni Nanay.

Sa totoo lang ay ilang beses na niyang sinabi iyon. Naririndi na nga ako, e. Hindi na lang ako sumagot at sumunod na lang habang isinasakay sa kotse ang maleta ko.

Napatingin ako kay Bambi dahil bigla itong kumahol. Binigyan niya ako ng bakit-mo-ako-iiwan look.

"You can bring her with you, para hindi mo siya ma-miss," biglang sabi ni Kuya Gaston. Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya. Kinuha niya si Bambi saka ibinigay sa akin.

"Salamat po."

Kinarga ko si Bambi saka tumingin kina Nanay.

"Nay, alis na po ako."

Malapad ang ngiti ng nanay ko na animo'y nakahinga siya nang maluwag kasi aalis na sa wakas ang pasaway niyang anak.

"Mag-ingat kayo," bilin pa ni Nanay. Akala mo naman mangingibang bansa kami, e.

Pinagbuksan ako ni Kuya Gaston ng pinto ng kotse. Kaya atubiling sumakay ako. Sumulyap pa ako ulit kina Nanay bago pumasok.

Pagkapasok ni Kuya Gaston sa driver's seat ay halos pigilin ko ang hininga ko. Amoy na amoy ko kasi ang matapang niyang pabango. Pero iyong klaseng tapang hahanap-hanapin mo dahil masarap samyuin.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ano na naman ba itong naiisip ko?

Nagulat ako nang dumukwang siya kaya napapikit ako. Naamoy ko ang hininga niyang mabango. Akala ko ay hahalikan niya ako, iyon pala ay ikinabit niya lang ang seatbelt.

Napangiwi akong idinilat ang kabilang mata ko. Karga-karga ko kasi si Bambi kaya nawala sa isip kong ikabit iyon. Nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko nang mapansing kong ngumiti nang bahagya si Kuya Gaston. Hindi kaya nahulaan niya ang nasa isip ko?

Tumikhim ako saka umayos ng upo. Pero napanganga ako nang hinubad ni Kuya Gaston ang suot niyang jacket saka itinakip iyon sa kandungan ko. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Your shorts are too skimpy," aniya.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Ganito naman talaga palagi ang suot ko sa normal days. Maong shorts saka T-shirt. Saka hindi naman maikli kasi abot hanggang kalahating hita ko. Iyon nga lang ay bahagyang tumataas sa tuwing umuupo ako.

"Thanks po," nasabi ko na lang.

Pansin ko ngang naging seryoso siya mula nang umalis siya kagabi sa bahay. Bumalik siya ngayong araw para ihatid ang mga pasalubong at para na rin sunduin daw ako. Dito nga ulit siya kumain ng almusal pati na ng pananghalian. Pinanindigan niya talagang pamilya raw kami. Umangal ako noong una pero dahil ipinagtulakan ako ng nanay ko ay wala na akong nagawa.

Hindi ko siya kinausap habang nasa biyahe. Buti na lang talaga at kasama ko si Bambi kaya hindi ako na-aw-awkward sa sitwasyon namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nitong señorito. Ano kaya ang trip niya at naisipan niya akong gawing assistant? Akala naman niya papayagan siya ulit na maging close kami. Hindi na, 'no. Kasi for sure aalis na naman siya kapag sobrang close na namin.

"Are you sure na wala kang nakalimutan?" pagbasag niya sa katahimikan.

Napasulyap tuloy ako sa kanya saglit bago muling ibinalik ang paningin ko sa unahan.

"Wala na po. Isa pa kung meron man, madali lang namang umuwi para kunin. Malapit lang naman."

"I'm just thinking that it's inconvenient na magpabalik-balik," aniya.

Parang trying hard lang yata si Kuya Gaston na mag-open ng mapag-uusapan kasi nahalata niya yata na wala talaga akong balak na kausapin siya. Ayaw ko na kasing magkaroon ng panibagong dahilan para maging close kami.

"Ayos lang po iyon. Isa pa, isang buwan lang naman ako sa inyo. Uuwi rin naman po ako kaagad," untag ko.

"Are you that eager to keep your distance from me?" seryosong tanong niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Ang lapit-lapit na nga namin. Close na siya sa pamilya ko. Tapos pamilya raw kami. Gusto niya ba talagang bumalik ang dating closeness namin? Huwag na, 'no.

"Ang isang lalaki at isang babae na hindi naman magkaano-ano ay hindi po dapat maging physically close," katwiran ko.

Nakita kong umangat ang sulok ng labi niya.

"Ows? Sino'ng nagsabi?"

"Kasasabi ko lang po, 'di ba?"

Napa-roll eyes ako nang lumawak ang ngiti niya. Parang natutuwa pa siyang kinakausap ko siya nang pabalang. Ngayon ko lang na-realize na magkaugali rin pala sila ni Timothy. Minsan kasi seryoso, pero madalas sira ulo.

Nakarating kami sa tapat ng condominium nang hindi ko na siya kinakausap. Magkatapat ang dalawang matayog na building na nahahati ng isang maliit lang na building sa gitna. Mukhang iyon ang admin office.

Pagkaparada niya ng sasakyan sa ibaba ay may lalaking na nakauniporme na lumapit. Sinalo nito ang susi ng kotse mula kay Kuya Gaston. Bubuksan ko na sana ang pinto sa gilid ko para makalabas pero naunahan niya ako kaya wala akong nagawa nang inalalayan ako. Pansin ko ng inilagay pa niya ang kamay niya sa itaas para hindi ako mauntog.

"Pakihatid na lang ng mga gamit niya sa itaas."

"Ihahatid ko na lang po ang gamit kapag nai-park ko na ang kotse," sabi no'ng lalaki sa kanya. Butler yata niya iyon. Tumango naman si Kuya Gaston bago humarap sa akin.

"Let's go," aniya.

Tumango ako at sumunod sa kanya. May dalawang guwardiya sa lobby ng building na binati siya pabalik. Bumati rin ako. In fairness naman kay Kuya Gaston kasi mukhang ang taas ng respeto sa kanya ng mga tao. Siguro dahil approachable siya. Siya kasi ang unang bumati sa mga guwardiya.

Malayo sa highway ang dalawang condominium, parang maglalakad ka pa ng ilang metro kaya napakatahimik. Idagdag mo pa na ang katabi niya ay mga talahiban. Umalis na siguro siya sa dati niyang apartment dahil pansamantala lang iyon.

Pagkasakay namin ng elevator ay pinindot niya ang pinakamataas na floor. Kaya nagulat ako nang pagkarating namin doon ay sobrang laki ng unit. Penthouse na nga ito.

Gumamit siya ng card key para mabuksan ang pinto. Manghang-mangha ako nang masilip ang loob. Ang laki!

"Get in," sabi niya.

Nagpatiuna naman ko habang karga-karga ko si Bambi. Pero pagkapasok sa loob ay bigla siyang tumalon kaya nabitawan ko siya.

"Bambi! 'Wag kang malikot, hindi natin bahay ito!" bulalas ko saka muli siyang kinarga.

"Let me send her to her room," untag ni Kuya Gaston sabay kuha kay Bambi sa akin.

Napakunot ako. "Huh? May sariling kuwarto si Bambi?"

"I really prefer her former name, and yes, I've prepared a room for pets, just in case I need it."

Napanganga ako. Kay suwerte naman ng tutang ito.

Napatingala ako sa hagdan paakyat. May second floor ang penthouse niya. Tapos ang sala parang buong bahay na namin sa laki. Kompleto kasi ito sa gamit. May sofa na kulay abo, pati ang mga kurtina ang kakulay nito. May malaking flat screen TV na nakasabit sa dingding. Pati ang chandeliers ay kumikinang ng karangyaan.

Nasundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa isang kuwarto. Doon yata ang magiging kuwarto ni Bambi.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.

"Hello?"

"Did you like my surprise?" bungad sa akin ni Timothy.

Napasimangot ako. "Aling surprise?"

"Huh? Hindi pa ba kayo nagkikita ni Kuya?"

Nasapo ko ang noo ko. "Siya pala ang tinutukoy mong sorpresa? Puwes, hindi ako natutuwa! Letse ka talagang payatot ka!" bulalas ko.

Rinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya.

"Why are you so grumpy these past few days? Don't tell me na masama ang loob mo kay Kuya?"

"Bakit naman sasama ang loob ko? At saka huwag mo nga akong tatawagan kung aasarin mo lang din naman ako. 'Yong bente mil ko, ha? Pakipadala na lang," wika ko.

"Mag-open ka na kasi ng bank account para mai-deposit ko," aniya.

"Wow, ang yaman ko naman para mag-open ng bank account. Huwag mong kalilimutan ang TF ko. Bye na nga."

Pinatay ko ang tawag saka hinilot ang ulo ko. Ano bang klaseng sitwasyon itong napasukan ko?

"Sino'ng kausap mo?"

"Ay biga mo aswang!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang may magsalita sa likod ko. Matamang nakatingin sa akin si Kuya Gaston nang lingunin ko siya.

"W—Wala po." Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Bakit kaya lagi akong nauutal these days? Hindi kaya dahil ayaw ko ng presensya ng lalaking ito?

"You are using your old phone again. Where's the phone I gave you?"

"Ayon, ibinenta ko na."

Namayani ang katahimikan. Nagkatinginan kami nang mariin. Napansin ko ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata pero saglit lang iyon. Nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay napatakip ako ng sariling bibig.

"So, you really have thrown everything that was related to me," tila may hinanakit na sabi niya.

Napangiwi ako.

"Nasira po kasi kaya ibinenta ko na lang. Sayang din naman kasi kung itatapon ko na lang."

"I see."

Namayani ulit ang katahimikan nang ilang mga segundo.

"Follow me," mahinang sabi niya. Napatango ako at sinundan siya nang umakyat siya ng hagdan.

Namangha ako dahil may tatlong kuwarto sa itaas. Binuksan niya 'yong isa.

"This is your room."

Lihim akong namangha nang makita ang loob. Puro purple ang kulay ng gamit, magmula sa kobre kama, kurtina, sa carpet. Kung hindi man puro ay may accent ng purple.

Parang pinasadya talagang gawin ang lahat ayon sa paborito kong kulay. Inilibot ko ang paningin ko. May sarili rin akong flat screen TV rito. Kung ganito ba naman kaganda ang kuwarto ko, parang masarap na lang tumira rito forever.

"Do you like it?" tanong niya.

Mabilis akong tumango.

"I love it! Maraming salamat po!" bulalas ko saka mabilis siyang niyakap sa sobrang tuwa.

"Kung puwede nga lang, dito na ako titira for—"

Natigilan ako nang ma-realize kong nakayakap pala ako sa kanya kaya mabilis akong kumalas.

"Sorry po!" Itinaas ko ang magkabilang kamay ko. Parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Pagtingin ko sa kanya ay namumula ang magkabilang tainga niya. Umalon ang kanyang lalamunan.

"You can check it out. Kung may kailangan ka pa, just let me know. I'll excuse myself," sabi niya at nagmamadaling pumasok sa kabilang kuwarto.

Patay. Mukhang nagalit siya.

Tinampal ko ang sarili ko.

"Divine, wala ka na talagang kadala-dala!" inis kong sabi sa sarili ko.

Isinara ko na lang ang pinto saka nagpagulong-gulong sa kama. Sobrang laki niyon na kasya ang dalawang tao. Parang tama rin pala ang desisyon kong pumayag na magtrabaho rito pansamantala.

Pero, teka— ibig sabihin ay sa iisang bahay lang kami titira?!

Nasapo ko ang noo ko. Kahit naman magkahiwalay kami ng kuwarto pero kami lang kasing dalawa rito. Hindi kaya nakakaasiwa iyon tingnan?

Kabadong bumangon ako. Binuksan ko ang kurtina at lumabas sa terrace. Kitang-kita ang tanawin dito. Napakaganda. Parang nakakawala ng stress. Parang ang sarap tumambay rito habang nagkakape.

Nang magsawa na ako ay pumasok naman ako at tiningnan ang banyo. Napakalaki rin niyon. Namangha pa ako kasi mayroong pang Jacuzzi.

Narinig kong may nag-doorbell kaya lumabas muna ako para bumaba. Sinulyapan ko ang kuwartong pinasukan ni Kuya Gaston. Nakasara pa rin iyon. Baka may ginagawa siya kaya ako na lang ang tumingin sa ibaba. Sinilip ko sa peephole kung sino ang nagdo-doorbell. Agad ko namang binuksan ang pinto nang makitang ang butler iyon.

"Ma'am, ito na po ang maleta ninyo."

"Maraming salamat po!"

Kinuha ko iyon sa kanya. "Ako na po ang mag-aakyat niyan sa itaas. Magaan lang naman."

Atubiling sumang-ayon naman siya.

Nang magpaalam na siya ay dinala ko na ang mga gamit sa kuwarto para ma-unpack. Tahimik pa rin kasi sa kabilang kuwarto.

Naligo na rin muna ako para maging presko ang pakiramdam ko. May nakita rin akong blower kaya ginamit ko iyon para patuyuin ang buhok ko.

Nahiga ako sa kama pagkatapos. Tiningnan ko kung may text sa cellphone ko pero tanging galing kay Nanay lang. Pinaalalahanan niya na naman akong 'wag daw akong tatanga-tanga.

Nagising ako gabi na. Bumangon ako't lumabas ng kuwarto. Sobrang tahimik. Nagdadalawang-isip din ako kung kakatukin mo si Kuya Gaston sa kuwarto niya. Nando'n pa kaya siya?

Mahigit limang oras din pala akong nakatulog dahil pasado alas otso na. Napatingin ako sa kuwarto ni Bambi. Hindi iyon naka-lock kaya pumasok ako.

Naabutan ko si Bambi na nilalaro ang bola. Mukhang katatapos niya lang kumain dahil may kaunti pang natira sa pinagkainan niya. Pinakain siguro siya ni Kuya Gaston.

Lumabas ako at tumungo sa kusina pero may pagkaing natatakpan. Walang bahid ng presensya ni Kuya Gaston kaya nagtaka ako. Nasa itaas pa kaya siya? Napatingin ako roon.

Nang hindi na ako makatiis ay umakyat akong muli para katukin siya. Pero mga tatlong beses na akong kumatok ay hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Mukhang walang tao sa loob. Hindi naka-lock ang pinto pero ayaw ko namang pumasok dahil baka kung ano pa ang makita ko.

Bumaba na lang ulit ako papunta sa kusina. Huli ko na napansing may nakadikit palang sticky note sa ibabaw ng takip ng mga pagkain. Kulay purple din ang takip.

Please eat once you wake up.

-Puppy

Iyon ang nakalagay sa sticky note. Napahawak ako sa dibdib ko nang muli na namang nagrigudon iyon. Bakit ba sa tuwing nababasa ko ang salitang puppy ay parang hinahabol ako ng mga kabayo?

Kinuha ko ang takip niyon. Nagulat ako dahil steak iyon. Ang paborito kong kainin sa restaurant dati. Siya kaya ang nagluto o binili niya?

Medyo mainit pa iyon kaya kumain na lang ako. Mabuti naman at wala siya rito. Hindi ko kasi alam kung kaya ko siyang sabayan sa pagkain. Sana palagi na lang ganito para hindi na ako mahihirapan. Ang awkward niyang kasama kapag kaming dalawa lang.

Ninamnam ko ang pagkain. Kahit mag-isa lang ako ay hindi naman ako nalulungkot. Saan kaya nagpunta ang señorito na 'yon? Sa labas kaya siya kumain?

Anyway, bahala siya sa buhay niya. Malaki na siya. Alam na niya ang kanyang ginagawa.

Hinugasan ko na lang ang plato pagkatapos kong kumain. Ingat na ingat pa ako dahil baka makabasag ako at pabayaran sa akin.

Tumambay ako sa sala pagkatapos kong magligpit sa kusina. Binuksan ko ang TV dahil na-bore ako bigla dahil sa sobrang tahimik. Huwag naman sanang may magparamdam na mga multo rito. Mas nakakatakot kaya ang sobrang katahimikan kaysa maingay.

Lumipas ang ilang oras pero walang dumating na Kuya Gaston. Saan kaya siya nagpunta? Mukha kasing wala talaga siya sa kuwarto niya. Nagpalipat-lipat ako ng channel dahil wala akong magustuhan sa mga palabas.

Pasado alas onse na ng gabi. Hindi naman ako inaantok dahil sa haba ng tulog ko kaninang hapon. Itinigil ko ang palabas sa isang documentary. Sana pala hindi na lang ako natulog. Pero sa sobrang komportable kasi ng kama ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nasa gitna ako ng panonood nang biglang tumunog ang pinto, hudyat na may nag-tap ng key card sa labas. Napaayos ako ng upo sa sofa.

Napasinghap ako nang pasuray-suray na pumasok si Kuya Gaston. Mukhang lasing!

"Kuya Gaston!" tili ko nang muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at napakapit siya sa likod ng pinto.

Mabilis ko siyang nilapitan para alalayan. Kaya pala walang katao-tao rito dahil lumabas siya at nag-inom. Tsk! Huwag niyang sabihin ito ang unang ipapatrabaho niya sa akin? Ang mag-alaga ng lasing.

Isinampay ko sa balikat ko ang braso niya saka inalalayan siya sa baywang para makalakad nang maayos papunta sa sala. 

"Ang bigat mo!" reklamo ko at pabagsak siyang pinaupo sa sofa.

Pero dahil mabigat siya ay nahila niya ako paupo sa kandungan niya. Napasinghap ako. Aalis na sana ako pero napanganga ako nang hinawakan niya ako sa pisngi. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Kitten, is it you?" mahinang tanong niya.

Napangiwi ako dahil naamoy ko ang alak sa hininga niya. Aalis na sana ulit ako sa kandungan niya pero bigla niya naman akong hinapit kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Kuya Gaston!"

Biglang nagtagis ang mga bagang niya. 

"Don't you know I hate it when you call me kuya? Why do you always make me feel inferior?" tila batang reklamo niya.

Ang kulit pala ng lalaking ito kapag lasing! Lagot na.

"Teka lang po, dito ka muna at kukuha lang ako ng pamunas at—"

"I missed you. I missed you so much, Kitten!"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang lalo niya akong hinapit gamit ang kaliwa niyang kamay samantalang ang isa ay nakasuporta sa batok ko.

Pero ano raw? Na-miss niya ako? Tama ba ang pagkakarinig ko? Pinagtagpo niya ang mga noo namin kaya lalo kong naamoy ang magkahalong amoy ng alak at ng kanyang hininga.

"Uhm, Kuya Gaston, lasing ka lang. Umakyat ka na lang kaya sa kuwarto para makapagpahinga?" kinakabahang sabi ko.

"Tell me first. Please tell me you still like me," nagmamakaawang sabi niya.

Namilog ang mga mata ko.

Kalma lang, Divine. Lasing lang siya kaya niya nasasabi 'yan!

"You used to like me, but now you are always avoiding me. Tell me, you still like me, Kitten. Please?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para tumigil na siya. Natararanta ako pati na rin ang puso ko. Pero hindi ko dapat siya paniwalaan dahil lasing lang siya.

"Kitten..." pangungulit niya. Ayaw niya talagang tumigil!

"Oo na, gusto pa rin kita hanggang ngayon. Halika na, umakyat ka na—"

"Really?"

This time ay ikinulong na niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. 

Teka, sinabi ko bang gusto ko pa rin siya? Umangat ang sulok ng kanyang mga labi hanggang sa naging malawak itong ngiti. Ang mga mata naman niya ay parang nanunuyo at nakakaakit iyon.

"You still like me?" pag-uulit niya.

Wala sa sariling napatango ako, sakaling tumigil na siya.

"Then let this be our first day as a couple," deklara niya sabay sakop sa mga labi ko.

Namilog ako at naestatwa sa ibabaw ng kandungan niya. Ano'ng nangyayari?

Nalasahan ko ang alak at parang menthol candy sa mga labi niya. Sinipsip niya ang ibabang labi ko na parang tinutukso niyang bumuka ang bunganga ko. Ang lambot ng labi niya kaya hindi ko napigilang tumugon.

Pero teka—first kiss ko iyon!

©GREATFAIRY 

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.7M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
Surrender De Aria

Ficțiune generală

5.9M 124K 53
Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. Sinusubok tayo ng iba't-ibang uri ng saki...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
106K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...