The newest hanamichi sakuragi...

Od breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... Více

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

Chapter 53

212 24 8
Od breakerdreamer


(a/n: Hi po, para kay kuyang nakahula po ng tamang sagot. Sainyo po ang update ko for today. Salamat po, ingat always)


******

KINABUKASAN

"Aki? Nandito na si sakuragi, aba't kanina ka pa dyan sa kwarto mo ah? Kumain ka lang tapos bumalik kana ulit sa kwarto. Ano bang nangyayari sayong bata ka?" Sigaw na tawag ni coach kotaro sa anak na nasa ikalimang baitang ng hagdanan.


Narinig iyo ni aki dahil hindi naman soundproof ang kwarto niya kaya kunting ingay lang mula sa labas ng kwarto ay maririnig niya. Si sakuragi naman ay nakayuko lang habang nakaupo, tila natutulog ito pero ang totoo ay nahihiya ito at kinakabahan sa ama ng kasintahan niya, wala pa kasing alam ang ama ni aki na sila na ni sakuragi kaya plano din nila na ngayon nalang sabihin na first date nilang dalawa.


"Anak? Kumain ka na ba?" Natigilan si sakuragi ng marinig ang boses ni coach kotaro sa kabilang side ng single sofa. Napatingin siya dito at bahagyang napalunok dahil dumoble talaga ang kabang nararamdaman niya habang kaharap ang coach at ama pa ng girlfriend niya.


"O-opo, k-kumain na po ako bago umalis ng bahay po." Kanda utal na saad ni sakuragi na kinakunot noo naman ni kotaro dahil hindi naman ito ganyan dati kong makipag usap sa kanya. Bahagya pa siyang  nagulat ng makita niya ang panginginig ng kamay nito.


"A-anak? ayos ka lang ba talaga? Bakit nanginginig ka?" Lalapitan sana ito ni coach kotaro ng marinig nila ang yapak na nanggagaling sa itaas. Nang tingalain nila kung sino iyon, si aki pala na pababa ng hagdanan.

Automatic na napatigil si sakuragi at kotaro ng makita nila si aki, napakaganda nito ngayon habang suot suot ang floral dress na iniregalo pa ng ina nito noong bago sila iwan nito. Si sakuragi ay hindi maalis ang pagkaka titig kay aki dahil sa magandang ayos nito, nakalugay ang buhok nito na may kulot sa pinaka dulo. Bagamat walang make up na nakalagay ay napaka ganda parin ng mukha nito.


"Ang ganda ganda mo anak ko!" Bulalas ni coach kotaro na nilapitan pa si aki para alalayan na makababa mula sa hagdanan. Nakatingin si aki kay sakuragi na tulala lang sakanya, kaya hindi maiwasan na pag mulhan siya ng mukha dahil sa pinapakita nitong pag hanga.


"W-wow! Napaka ganda mo aki." Saad ni aki ng makabalik na ito sa wisyo. Natawa si coach kotaro at proud na inakbayan ang anak.


"Naman anak, saan pa ba mag mamana ang unica hija ko. Syempre sa amang gwapo rin." Saad ni coach kotaro na may malawak na pagkakangiti sa labi. Sumang ayon nalang si sakuragi sa sinabi ng coach ngunit muli niyang ibinalik kay aki ang titig.

lumapit si aki sakanya ng may ngiti sa labi, hinawakan din nito ang kamay ni sakuragi na ikinagulat naman ng ama nitong nakatingin din sa kamay na nakadaop palad sa isa't isa.


Napansin ni sakuragi at aki ang ginawa ng ama sa pag sunod sa kamay nila bago nahihiyang inialis iyon ni aki ngunit mabilis lamang iyon hinigpitan sakuragi na ikinagulat ng husto ni coach kotaro bago seryosong tinignan ito.


"Anong ibig sabihin ng holding hands na yan ha? Meron ba akong hindi nalalaman sainyong dalawa?" Seryosong tanong ni kotaro na tinitignan silang dalawa.


"Malamang dad, wala kayong nalalaman tungkol samin kaya nga sasabihin palang namin." Napasinghap si sakuragi sa narinig na pamimilosopo ni aki sa ama, hinigpitan din nito ang kamay ni aki para sabihing tumigil na siya.


"P-pasensya na po coach kung ngayon lang po namin sinabi, k-kagabi lang naman po naging kami ni aki. At napag desisyunan na ngayon po sabihin dahil tulog na po kayo kagabi." Saad ni sakuragi na pinag papawisan na ng malapot, napangisi si aki sa itsura ni sakuragi ramdam niya rin ang panginginig ng kamay nito habang hawak niya. Malamig rin ito kaya tinignan niya ang ama na nakangiti naman pala.



"Alam ko, nakita nga kitang hinalikan mo ang anak ko." Pag eemphasize ni coach kotaro sa word na hinalikan. Napalunok naman si sakuragi at napapunas noo dala ng pawis na namumuo doon.



"Sorry po coach, hindi ko po talaga sinasadya. Wag niyo po sanang pagalitan si aki." Pakiusap na saad ni sakuragi na yumuko pa ng bahagya. Bumuntong hininga naman si coach kotaro bago lumapit kay sakuragi at tinapik ito sa balikat.


"O s'ya sige, tama na yan. Tanggap naman kita para sa anak ko sakuragi. Pero ito lang pakiusap ko ha? Wag na muna kayong gagawa ng isang bagay na ang mag asawa lang ang gumagawa, naiintindihan mo? Bata pa kayo at marami pa kayong mapag dadaanan na pagsubok l, enjoy niyo lang hanggat bata pa kayong dalawa. Okay?" Nakangiting pag papangaral ni coach kotaro kay sakuragi na tila nabunutan ng tinik dahil sa narinig. Napatingin din siya kay aki ng nakangiti bago tumango dito.



"Maraming salamat po, coach! Hindi ko po maipapangako na hindi ko po mapapaiyak si aki, pero ipinapangako ko naman po na mamahalin ko siya hanggat mahal niya rin po ako." Napangiti si coach kotaro dito bago tumango.



"Tawagin mo nalang ako ng tito kapag tayo tayo lang ang magkakasama. Pero kapag oras ng laro, coach ang itatawag mo sakin ha?" Saad pa ni kotaro


"Yes po, tito coach." Natawa sila sa sinabi mi sakuragi bago napag desisyunan na mag paalam, alas otso palang umaga kaya marami rami pa silang pwedeng mapuntahan.


"Mamasyal muna tayo aki, sa mall muna tayo." Saad  ni sakuragi kahit ang totoo ay gusto niyang ito ang tanungin kong saan gustong pumunta.


"Sige maganda yan naisip mo, para pag nakita ng lahat na mag kasama nakahanda akong ipagmalaki ka sa lahat." Saad ni aki na ikinapula naman ng pisngi ni sakuragi.


"Ano kaba, ako dapat ang gumagawa niyan e. Kasi maswerte na ako ng makilala kita at... naging girlfriend pa." Nahihiyang ani sakuragi na hindi pa makatingin ng diretsyo kay aki. 



"Salamat sakuragi, napasaya mo ako kahit na nagsisimula pa lang naman tayo. Naalala ko noon parang hindi ka interesado sa mga babae e, ni hindi ko nga alam gagawin ko para  mapansin mo lang. Natatandaan mo ba iyong araw na ginawan kita ng pagkain, lunch time non. Iyon iyong araw na nag practice kayo laban sa nagoya. Yun yong araw na gusto na kita." Second week iyon nung nagpalipat na si sakuragi sa okaido high, nagsisimula narin siya mag practice kasama si rukawa.



"Tagal mo na pala akong gusto e." Nang aasar na saad ni sakuragi, natawa si aki sa pang aasar niya.



Habang naglalakad nakasalubungan nila si rukawa na mukhang may lakad din. Nakapang lakad ito kaya nagtaka si aki dahil dapat kasama ito ng ilang member para mag practice.



"Rukawa anong ginagawa mo dito?" Tanong ni aki na tinignan pa si sakuragi na mabilis na umayos ng tayo. Napansin iyon ni aki, mabilis na nag shift ang expression ni sakuragi.



"May tinatago ba kayo sakin?" Tanong muli ni aki na this time nakatingin na kay sakuragi.

Magsasalita na sana ito para mag paliwanag ngunit naunahan na ito ni rukawa na walang emosyong nakatingin pala sakanya.



"Nandito ako dahil... gusto ko, bakit masama bang maglakad lakad? Ikaw ba may ari ng kalsada?" Padaskol na anas ni rukawa na paface palm naman si sakuragi sa sinabi ni rukawa at inis na sinamaan ng tingin.



"H-hindi naman. Eh kasi parang may inililihim kayo sakin e." Nauutal na saad naman ni aki



"Ay mahirap yan sakuragi, nag sisimula palang kayo sa relasyon wala na agad tiwala jowa mo sayo." Nanlalaki naman ang mata ni aki sa sinabi at agarang napatingin kay sakuragi na naiiling.



"Hindi yan totoo, baby. A-ano may tiwala ako sayo. Pero sa kaibigan mo wala." Napangiwi si rukawa sa narinig



"Heh, hiya naman ako sainyong dalawa." Saad nito bago binalingan si sakuragi at seryosong tinignan, mukhang naiintindihan na ni sakuragi kaya sumeryoso din siya.    "Siya nga pala okay na sakuragi." Saad ni rukawa na kinatango naman ni sakuragi.



"Anong okay na? Tungkol saan iyong pinag uusapan niyo?" Pinang gigilan ni sakuragi ang mukha ni aki bago nginitian.


Kinabahan naman bigla si rukawa sa sasabihin ni sakuragi, sinipa niya ito ng dumaan siya sa likod nito.

"Pinakiusapan ko kasi si rukawa na dumaan sa shohoku, gusto ko lang alamin ang lagay ni coach anzai.. d-diba nga mag uusap sana kami." Napatango naman si aki bago tinignan si rukawa na namimilipit sa sakit.



"Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni aki, nakahawak kasi ito sa tiyan.


"M-may tarantadong walang utang na loob na sumikmura sakin," hirap na saad ni rukawa na nangingiwi pa dahil sa sakit na nararamdaman.


Napangisi si sakuragi sa sinabi ng kaibigan bago hinila si aki paalis, nagpaalam naman si aki kay rukawa na nakatayo na bagamat bakas parin sa mukha nito ang sakit.



"Matagal na ba kayong magkaibigan ni rukawa?" Tanong ni aki ng ilang minuto rin silang naglakad na dalawa hanggang sa makapasok sa shopping mall.


"Hm. Siguro, hindi naman kasi kami showy na mag kaibigan, nito lang talaga na nakalipat kami ng school. Nakilala namin ang isa't isa at para bang magkapatid na ang turingan." Nangingiting pagkwento ni sakuragi, napangiti rin si aki at inalala ang unang beses na hindi pa ganon kaclose ang dalawa. Palaging nag babangayan..



"Buti naman naging okay na kayo no? Bukod ba kay rukawa may kaibigan ka pa ba?" Tanong muli ni aki na ikinatahimik naman ni sakuragi. Bigla kasing sumagi sa isipan niya ang mga dating kaibigan niyang sila mito, takamiya, noma at ohkusu.



"Oo meron, sila talaga ang childhood friend ko. Kaso nong panahon nawala ako at narehab unti unti rin silang nagbago. Ayoko namang mag isip ng hindi maganda sakanila 'nung umpisa palang kaso sila na mismo nag sabi na naniwala sila sa sabi sabi ng ibang tao kesa sa akin na kaibigan nila." Bata palang talaga ay sobra na ang pinag dadaanan niyang hirap.   Hindi ko maintindihan kong bakit mas pinipili nilang saktan si sakuragi.



"Ngayon ba? Kaibigan mo parin ba sila?" Tanong muli ni aki

naiintindihan ni sakuragi kung bakit tanong ng tanong si aki ngayon, gusto lang talaga nitong alamin ang bagay bagay sa buhay niya.



"Malalaman natin yan kung maayos nilang gagawin ang pinapagawa ko." Bulong na saad ni sakuragi sa kanyang sarili.



"Hm. Anong sabi mo? Pakiulit nga?" Saad ni aki



"Sabi ko po oo kaibigan ko parin naman sila hanggang ngayon." Napangiti si aki bago tumango.


'Gusto ko na makita kang masaya sakuragi, kaya gagawin ko ang lahat para lahat ng taong iniwan ka ay bumalik sayo ulit.' Saad ng bahagi ng utak ni aki



"Sakuragi?" Tawag pansin ni aki napahinto sila mula sa gitna ng mall


"hm. Ano iyon?" Malambing na tugon ni sakuragi.


"Mahal kita. Mahal na mahal." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay tumingkayad ito upang maabot ang labi nito at tatlong segundong nag tagal.




*****
(A/n: 1782 bukas ko na gagawin ang 3000 words na update ko medyo pagod pa ako ngayon, kakatapos lang mag laba ng damit. Bawi ako kapag mabuti na ang pakiramdam ko. Salamat po sa araw araw na pag support, nababawasan man kayo ay ayos lang. Masaya parin ako dahil nandyan pa rin iyong iba. Salamat po.)

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
114K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
18K 1.2K 74
Kilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing s...
5.9K 269 16
[COMPLETED] (UNDER EDITING) "How would you know if you met your other half?" "How would you know if you are meant to each other?" "Would you feel so...