The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 52

212 22 6
By breakerdreamer

Hindi mapuknat ang pagkaka ngiti ni aki at sakuragi habang nag lilinis ng mga pinag kainan at kalat sa hardin, panaka naka narin ng tingin ang mga kaibigan sa mga ito dahil para silang nababaliw.

Si kiyo na hindi mapakali ay napahirit na naman ng kalokohan, kinuha niya ang bulaklak sa isang tabi at parang timang tinungo si takasugi na tulala sa isang tabi. Mukhang may malalim itong iniisip dahil hindi man lang nito naramdaman ang pag lapit ni kiyo.

Dinunggol ni kiyo si takasugi mula sa balikat, muntikan pa itong mapasubsob buti nalang ay nakahawak siya agad sa upuan. Sinamaan siya ni takasugi


"ano bang problema mo?" Inis na tanong ni takasugi kay kiyo.


"Nasasaktan ka di'ba? Ito oh! Dinalhan na kita ng bulaklak." Saad ni kiyo na seryoso ang mukha. Napakunot naman ang noo ni takasugi sa ginagawa nito.


"Oh! Tapos?" Napipikang anas ni takasugi maya maya pa ay ngumisi si kiyo.


"Nakikiramay ako sa sakit ng pinag daanan mo. Ang maipapayo ko lang sayo kaibigan, mag move on kana dahil ang iyong nagugustuhan ang may boyfriend na." Pang aasar ni kiyo na kinadilim naman ng mukha ni takasugi. Inis kinutungan niya ito.



"Gago. Anong pinag sasabi mong mag move on na ako? Wala naman akong dapat ipag move on dahil wala naman akong gusto kay aki." Umingos si kiyo sa sinabi ni takasugi bago tumawa


"Wala naman akong sinabing si aki ang nagugustuhan mo ah? Uyy! Nasasaktan talaga siya." Tudyo pa ni kiyo na kinatahimik naman ni takasugi.


"Tss. Ano pa bang magagawa ko? Masaya na siya di'ba? Alangan naman hadlangan ko pa." Sagot naman ni takasugi, naging seryoso naman bigla si kiyo.


"Bakit kasi ang bagal mo e. Naunahan ka tuloy." Tila naninisi pang saad ni kiyo


"Sira, wala naman sa bagal o bilis yan e. Nasa taong nagugustuhan ko ang desisyon kong magugustuhan niya rin ba ako pabalik o hindi." Laban naman ni takasugi na kinakibit balikat naman ni kiyo.



"Pero aminin mo, kahit sobrang sakit ng nararamdaman mo ngayon makita mo palang siya na masaya, masaya kana rin." Nakangiting saad ni kiyo na hindi naman kinisang-ayon ni takasugi..


"Hindi rin naman totoo na masaya ka, parang sinasabi mo naring nagsisinungaling ka sa sarili mo kung sasabihin mong masaya ka para sakanila. Nandoon ang sakit e, paanong masaya? Para sakin ang salitang 'masaya' para sa katulad ko na nasaktan, isang salita na lang iyon na hindi naiinvolved ang totoo mong nararamdaman.." kibit balikat na sagot naman ni takasugi na tila may pinag huhugutan..


"Sa madaling salita kailangan mo paring pilitin ang sarili mo na maging masaya sa harapan nila para iyong babaeng nagugustuhan mo ay mapanatag, na hindi siya makaramdam ng guilty dahil sa ginawa niyang pananakit sayo? TAMA?" Pagpu puntong saad ni kiyo kay takasugi na naiiling nalang. Sabay silang napatingin kay sakuragi at aki na masayang nag uusap sa isang gilid, habang ang katabi nilang si rukawa ay hindi na maipinta ang mukha.



"Tignan mo ang isang iyon, naagawan lang yan ng bestfriend ha? Pero mukhang sawing sawi siya." Natatawang comparison ni kiyo kay rukawa. Natawa rin si takasugi sa sinabi nito bago naiiling na binuhat nalang ang basura.


"Iwan ko sayo. Samahan mo nalang ako na itapon itong basura sa labas." Saad ni takasugi bago nagbuhat ng isang plastik.


Sa kinaroroonan naman ni rukawa, sakuragi at aki ay tanging si rukawa lang ang hindi makarelate sa sayang nararamdaman ng dalawa. Iyong tipong titigan palang ay tila alam na ang pinag uusapan gamit ang mga mata.


"Tss.. kanina pa ako nag sasalita pero wala namang pumapansin sakin dito." Bulong bulong na saad ni rukawa na masama pang tinignan si sakuragi.


"Rukawa!?" Napatingin si rukawa sa tumawag sa kanya. Si shintaro pala pero imbes na tumayo o tumugon ay inirapan niya lang ito, kakamot kamot naman sa ulo si shintaro bago lumapit.

Nang makalapit siya kay rukawa hindi siya maintindihan kong sasabihin niya ba o hindi nalang.


"R-rukawa? Inutusan ako ni captain tetsu, sabi niya tayong dalawa raw ang mag linis ng mga natira." Napasimangot si rukawa.



"Ayoko." Bagot na sagot ni rukawa na masama pang tinignan si shintaro. Napakamot naman sa ulo si shintaro bago naupo sa isang monoblock chair.



"Bakit ba ang sungit mo na naman?" Tanong ni shintaro kay rukawa na nakatunghay mula sa upuan.




"Iyong magaling ko kasing bestfriend nagka JOWA lang hindi na namamansin." Pagpaparinig ni rukawa na kinabungisngis naman ni shintaro. Samantalang si sakuragi ay napatingin sakanya ng masama.



"Nagseselos ka sa atensyon?" Natatawang anas ni shintaro



"May sinasabi kasi ako kanina pero wala siyang pakialam. Palibhasa gunggong." Saad pa ni rukawa, dinunggol naman ni aki si sakuragi upang ipaalam na kausapin na nito si rukawa.



"Ano bang problema mo?" Naiiritang tanong sakuragi, inirapan lang siya ni rukawa at ito naman ang hindi pumansin sakanya.



Napipikang umiwas ng tingin si sakuragi, nagtitimpi na wag itong hambalusin ng kung anong bagay na mahahawakan niya dahil sa pinapakita nitong kaabnormalan ngayon. Tatawa tawa naman si aki at shintaro dahil sa dalawa.


"Ano oras kaba uuwi? Kung gusto mo naman umuwi, umuwi kana." Saad pa ni sakuragi kay rukawa



"Wag mo akong kausapin," saad ni rukawa bago tumayo at naglakad ng dire diretsyo palabas ng gate.




"May saltik na naman ang isang iyon." Napapabuntong hiningang saad ni sakuragi bago tumingin kay aki ng nakangiti.


"Pagod ka na ba? Pumasok kana kaya sa loob para makapag pahinga kana." Saad ni sakuragi kay ng subukan na nitong buhatin ang mga basura. Kinuha iyon ni sakuragi mula sa kamay ni aki.




"Ako na ang bahala dito, sige na. Pasok kana sa loob at mag pahinga.. basta bukas lalabas tayo kaya maaga palang nandito na ako." Saad pang muli ni sakuragi na ikinatango ni aki bilang tugon sa sinabi nito.



"Saan tayo pupunta?" Tanong ni aki



"Ako na ang bahala sa bagay na iyon, basta bukas mag enjoy ka lang." Saad pang muli ni sakuragi na lumapit pa dito at hinalikan ang noo, napangiti si aki sa maliit na gesture na iyon mula kay sakuragi. Napaka marespeto at gentleman.




"Gusto pa sana kitang makasama ng mas matagal e. Actually, hindi pa naman ako pagod pero sige, magpapahinga na po ako. Bilisan mo lang mag linis dyan ha? At mag sabi ka nalang kung aalis ka na?" Saad naman ni aki na nag paalam na kay sakuragi. Tumango lang si sakuragi ng may tipid na ngiti.

Nang makalayo si aki doon lang lumabas si rukawa mula sa kung saan kasama si mito,takamiya,noma at ohkusu. May mga seryosong naka rehistro sa mga mukha nito na akala mo susugod sa labanan dahil sa pagiging seryoso. Si shintaro naman na walang kaalam alam sa nangyayari ay napatago pa sa likod ni sakuragi.




"Anong meron sakuragi?" Utal na tanong ni shintaro ngunit hindi naman lang siya pinansin ng mga ito.



"Nasabi mo na rin naman sa kanila ang lahat rukawa di'ba?" Paniniguradong saad ni sakuragi kay rukawa.



"Tss. Gunggong ka!" Sagot ni rukawa na kinatango naman ni sakuragi dahil wala siyang mapapala na kausapin pa ito ng matagal.



"Oo, sinabi niya na saamin ang gagawin." Saad naman ni mito



"Sige. Salamat sa tulong." Anas ni sakuragi



"Bilang bawi na rin sa mga kasalanang nagawa namin sayo, gagawin namin lahat para sa pinapagawa mo." Saad ni mito na sinang ayunan ng tatlo pa nitong kasama.






******
(A/n: UMAGANG kay GANDA!! pilit update for today. Sana magustuhan niyo parin thank you sa mga nag votes and comments. Salamat ulit!)

QUESTION; sa tingin niyo, ano ang dahilan kung bakit pinatawag ni sakuragi si mito, takamiya, noma at ohkusu? Ang makahanap ng tamang sagot.. hahabaan ko ang update. Haha! Thankyou

Continue Reading

You'll Also Like

43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
82.6K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
11.7K 1.1K 62
Si Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong da...