GENARO

Von SaiRhieneDeGuzman

2.5K 69 44

Pagbaba pa lamang ni Thalia mula sa kotse ay nais nang pabalikin ni Genaro sa pinangalingan ang dalaga. Walan... Mehr

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 6

223 6 3
Von SaiRhieneDeGuzman

"HELLO, Beautiful!"
     Nang mag-angat ng mukha si Thalia ay nakita niya si Kiel na maluwang ang ngiting nakatayo sa tabi ng mesa ni Rebbeca, ang mga mata'y sa kanya nakatuon.
    Isang simpleng ngiti ang itinugon niya kay Kiel. Inalala sa isip ang babala ni Genaro tungkol sa lalaki. Ngunit kahit wala iyon ay imposible rin namang mahulog siya sa kamay nito. Unfortunately for Kiel, he was not her kind of guy.
    Lumapit ito sa kanya. Halata sa mayabang na paglalakad ang kumpiyansa sa sarili. Naupo ito sa gilid ng kanyang mesa at yumuko bago pabulong na sinabi, "Hindi exaggeration kung sasabihin ko sa iyong ikaw ang pinaka magandang babae rito sa GMC"
    Napangiwi siya hindi dahil sa pambobola ng lalaki kundi sa ikinilos nito. He acted as though he owned the place. Isang malaking turned-off na naman iyon sa kanya.
    "Baka magtampo sa iyo si Rebecca kapag narinig ang sinasabi mo," aniya na pinukol ng sulyap ang babaeng noo'y abala sa pagkukuwenta. Well, at least, she tried to look busy. Pero sa tingin niya'y nang-uulinig ito.
    "Kahit sino'y hindi mangangahas na salungatin ang sinabi. Ikaw ang pinaka magandang babae sa GMC," patuloy ni Kiel na pinapungay pa ang mga mata.
    Hindi nakaila sa matalas na paningin ni Thalia ang ginawang pagsulyap ng lalaki sa kanyang dibdib. Kung paanong napalunok ito nang makita ang cleavage niya na lumitaw dahil sa mababang neckline ng suot niyang bestida.
    Nag-init ang kanyang punong-tainga sa iritasyon ngunit pinigil ang sarili na huwag itong sigawan. Tumayo nalang siya upang iiwas ang sarili sa malisyosong mga mata nito. Nagkunwa siyang may hinahanap sa katabing filing cabinet upang kaipala'y umalis ito ngunit nanatili sa kinaroroonan ang lalaki. At sa pagkakatalikod ay ramdam niyang hinagod siya ng tingin nito mula paa hanggang ulo.
    "It's just an hour before twelve. Can I invite you for lunch? I could be a jester to cheer you up," anito sa tono'y mahihimigan ang kumpiyansa sa sariling hindi niya tatanggihan ito.
    "She already has a date," anang tinig ni Genaro na noo'y eksaktong lumabas ng opisina nito. "I'm inviting her."
    "Oh... if that's the case, sa ibang araw na lang siguro ako," ani Kiel na hindi naitago ang intimidation sa lalaki.
    Ibig matawa ni Thalia kahit hindi siya sumasang-ayon sa pakikialam no Genaro. Ito lang pala ang katapat ni Kiel, At nakita lang ang lalaki'y nabahag na ang buntot ng huli.
   " What are you doing here at this hour, Kiel? May problema ba sa ating mga tunnels?" tanong ni Genaro nang balingan ang lalaki matapos sulyapan si Thalia.
    "No problem, Sir. Just checking on our new employee," maluwang ang ngiting turan nito upang pagtakpan angvpagkapahiya. At bago pa muling magsalita si Genaro ay nagpaalam na ito kay Thalia at mabilis na Lumabas ng opisina.
    "I don't remember anything about an invitation,"  pagkaraa'y harapin si Genaro. Sa sulok ng mga mata'y nakita niya kung paanong nangunot ang noo ni Rebbeca. Sandali nitong inihinto ang ginagawa, bakas sa mukha ang pagkairita.
    "I'm inviting you now," kaswal na sabi ni Genaro. "What difference does it make?"
    "The answer is no, Mr. Sacramento," mariin niyang sabi. "Besides, I can afford to pay for my own food," dugtong niya bago nakaismid na tinapunan ng sulyap si Rebecca.
    Napayuko ang dalaga na parang naunawaan ang ibig niyang sabihin. Nang-uuyam ang ngiting muling hinarap ni Thalia si Genaro.
    "Iba na lang ang imbitahin mo, Mr. Sacramento." Yung matutuwa kapag nalibre sa pagkain sa restaurant."
    Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Hindi nakita nang maningkit sa galit ang mga mata ni Genaro

HINDI tulad ng nakaraang araw, nagpasya si Thalia na mananghalian na lamang sa canteen na nasa gilid ng office building. Ang maikling komprontasyong namagitan sa kanila kanina ni Genaro ay tila nag-drain ng lakas niya kaya ngayo'y hapo ang kanyang pakiramdam. Tinatamad na siyang mag drive kahit patungo lang sa pinaka malapit na cafeteria kung saan siya nananghalian kahapon.
    Pagpasok pa lamang sa canteen ay agad nang natuonang pansin ng lahat sa kanya habang ang mga mata nama' y awtomatikong hinanap si Genaro. Nakita niya itong nakaupo sa gitnang mesa ngunit lalo siyang nadismaya nang makitang kasama nito sina Edna At Rebbeca. Inaasahan niyang doon manananghalian ang lalaki matapos niyang tanggihan ang paanyaya nito, but not whit that woman! Talaga nga yatang totoo ang hinala niyang may namamagitang relasyon sa dalawa. At ang isiping iyon ay nagpapainit ng kanyang ulo.
    Hindi niya itinatwa sa sarili na panibugho ang nararamdaman niyang iyon. Pero hinding-hindi niya ipinahahalata sa lalaki kahit kailan ang nararamdaman niya.
    "Hello, Miss Beautiful," sigaw ng isa nang magsimula siyang humakbang patungo sa counter.
    Nagtawanan ang ibang minerong naroon at ang isa'y naglitanya pa ng kung anu-anong kalaswaan. Nabibigla siya sa mga naririnig ngunit hindi si Thalia Rodriguez ang tumatakbo mula sa laban para magtago sa likod ng ama.
    Um-order siya ng kare-kare at kalahating tasang kanin. Magbabayad na siya sa cashier nang lumapit si Kiel.
    "Let me pay for your food, Thalia," anito, liyad ang dibdib na iginala ang paningin sa paligid. Para bang sinasabing hindi niya matatanggihan ang alok nito.
    "I can pay for my food, Kiel, thank you," bakas ang iritasyon sa tinig na sabi niya. Kung hindi nagpipigil ay malamang na isampal niya sa mukha ng lalaki kung sino siya. Gayunpaman pinanatili niyang kalmado ang sarili.
    "Oh, come on, Thalia. Don't play hard-to-get. Hindi ko inaasahang ang isang katulad mo'y apo ni Maria Clara."
    Matapos i-punch ng kahera ang halaga ng in-order niyang pagkain ay inilabas ng dalaga mula sa pitaka ang one thousand peso billat iniabot sa babae.
    "Keep the change," aniya sa nagulat pang babae bago ibinaling ang naghahamong tingin kay Kiel. Ang hindi niya pagkuha sa sukli niyang nagkakahalaga pa ng mahigit siyam na daang piso ay pagpapakita sa lalaking hindi niya kailangan ang panlilibre ng ibang tao.
    "So, you must be rich," ani Kiel na bagkus na maintimidate sa ginawa niya ay mukhang na-impress pa.
    Sinundan siya nito hanggang sa nag-iisang bakanteng mesang inoukopa niya. Naupo sa tabi niya at nagpatuloy sa pag-aktong akala mo'y matagal na silang mag kakilala. Hindi niya alam kung talagang mambobola ito o nakipagpustahan sa mga kasama kaya ayaw tumigil sa pangungulit sa kanya.
    "If you'll excuse me, Kiel, hindi ako makakain nang may nagkukuwento sa tabi ko," aniyang hindi ikinubli sa tinig ang iritasyon.
    "Narinig mo siya, Kiel. So leave her alone,"
    Nag-angat siya ng mukha at nasalubong ng tingin ang nagdidilim na anyo ni Genaro.
    "I was just trying to befriend her," ani Kiel na hindi tuminag sa kinauupuan nito. "Wala akong ginagawang masama sa kanya."
    "You heard me Kiel, Leave her alone,"  ulit ni Genaro sa mapanganib na tono.
    Matapos magpawala ng malalim naman buntong-hininga ay na pilitanng tumayo ang lalaki. Halata sa mukha ang pagka asar kay Genaro, at kung hindi lamang marahil sa posisyon ng huli ay nag pang-abot na ang dalawa.
    Dahil sa nangyari ay tuluyan ng nawalan ng gana si Thalia. Iniurong niya ang plato ng hindi nagalaw na pagkain at tumayo. Balak niyang lampasan si Genaro ngunit maagap na nahagip ng lalaki ang braso niya.
    "You really won't give up, do you? nagsasalubong ang mga kilay na sabi nito
    "Let me go, Genaro! sikmat niya.
    " Don't worry, I will. Pero bago kita pakawalan ay titiyakin ko munang wala nang ibang lalaki pang magtatangkang lumapit sa iyo".
    With one swift move ay binnliti ni Genaro ang braso ni Thalia upang huwag siyang makapalag. Ang isang kamay nito ay hawak ang kanyang ulo. At bago pa niya marealize kung ano ang balak gawin ng lalaki ay inangkin na nito ang mga labi niya. Kissing her hard habang ang lahat ay napatunganga sa kanilang dalawa.
    Saglit na tumahimik ang paligid at tila huminto sa pag inog ang mundo.
    Hindi malaman ni Thalia ang gagawin nang sa wakas ay pakawalan siya ni Genaro. Pulang pula ang kanyang mukha sa labis na pagkapahiya. Pakiramdam niya'y hinubaran siya ng kanyang dignidad at ang tingin ngayon sa kanya ng lahat ay isang masamang babae.
    Gusto niyang sampalin si Genaro pero nawalan siya ng laaks ng loob. Sa nanlalambot na mga tuhod ay inilabas niya ang sarili mula sa canteen deretcho sa kinapaparadahan ng Ferrari. Namalayan nalang niyang umiiyak siya ng maramdaman ang mainit na likidong naglandas sa magkabilaan pisngi.
    My God, hindi ako makapaniwalang ginawa niya sa akin iyon. sigaw ng isip niya, pinahid ng likod ng palad ang luha sa pisngi. Pinahiya niya ako sa harap ng marami, Magbabayad siya!
    Nang makitang Lumabas ng canteen si Genaro para sundan siya ay binuhay niya ang makina ng kotse at mabilis na minaniobra palabas ng compound ng GMC.
    "Thalia! Come back her! sigaw ni Genaro, ngunit hindi na iyon narinig pa ng dalaga na noo'y paharurot na pinatakbo palayo ang Ferrari.

PAGLABAS ng compound ng GMC ay humantong si Thalia sa parkeng di-kalayuan sa minahan. Galit at litung-lito, ipinasya niyang tawagan ang ama gamit ang cellphone na nakakabit sa kanyang kotse.
    "Pinahiya niya ako, Papa! That bastard kissed me in front of everybody kaya tiyak na ngayon ay pinagtatawanan na ako ng lahat!" umiiyak na sumbong ni Thalia.
    "Ginawa niya iyon?" tanong ni Don Sebastian sa kabilang linya. Kalmante lang ang tinig nito at mahihimigan ang pagdududa. "Hija, baka naman gawa-gawa mo lang 'yan."
    "Papa?! I can't believe you're saying that! Why would I fabricate such a thing?" bulalas niya na nagdamdam sa tinuran ng ama.
    "Hija-"
    "Kung nyong maniwala sa akin, kayo ang bahala," putol niya sa sasabihin nito. Hindi ikinubli sa tinig ang pagdaramdam. "I know I've been stubborn and spoiled brat but I'm not a liar." At pagkasabi niyon ay ini-off na niya ang cellphone. Isinubsob ang mukha sa mga palad na nakapatong sa manibela.
    Ngayon niya naisip ang sinabi sa kanya noon ni Aleta nang malaman ang plano niyang pagtatrabaho sa minahan para mapalapit kay Genaro.
    At nagkatotoo na ang babala nito na baka sa bandang huli'y siya ang mahulog sa sariling bitag.
    Nagpawala siyq ng isang malalim na buntong hininga bago idinayal ang numero ng telepono ng kaibigan. Kailangan niya ng makakausap na makakatulong upang paglinawin ang naguguluhang isip niya. Sinagot ng kawaksi ang tawag niya at ilang sandali pa'y kausap na niya si Aleta sa kabilang linya.
    Ikinuwento niya sa kaibigan ang detalye ng mga pangyayari. Dinig niya nang mapabuntong - hininga ito.
    "What did I tell you?" anang dalaga. "Binalaan na kitang baka ikaw ang mahulog sa bitag na ginagawa mo."
    "I know. Pero aakalain ko ba namang napaka bruto pala ng lalaking iyon? Hindi niya ako pinapansin, then all of a sudden, bigla na lang niyang gagawin iyon?"
    "Ano ngayon ang balak mo? Ipagpapatuloy mo pa ba ang pagtatrabaho sa minahan?"
    "I-I don't know yet. Right now, wala akong ibang gustong gawin kundi ang makaganti."
    "Hindi ka pa ba nadadala? Noo'y paghihiganti rin ang dahilan mo kaya ka nag punta riyan. Paghihiganti sa isang napakasimpleng dahilan. Ngayon, balak mo pa ring gumanti? Thalia, the best thing you can do is come back to Manila. Umalis ka na riyan at kalimutan si Genaro."
    "Hindi ganoon kadali iyon," aniya sa nagtatangis na mga ngipin.
    "Huwag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo," anitong sinundan ng isang buntong-hininga.
    "Pinahiya niya ako, Aleta! At gusto mong kalimutan ko nalang 'yon? No. No way. Magbabayad ang Genaro na 'yon sa ginawa niya sa akin."
    "And you will fall prey to his charm at pagkatapos ay ano? Thalia, bumalik kana ng Maynila ngayon din. Iyon ang pinakamabuting magagawa mo. Gaya nga ng sinabi mo pinahiya ka ni Genaro. Kung babalik ka sa GMC, kaya mo ba harapin ang mga taong nakasaksi sa ginawa sa iyo ng lalaking iyon?"
     Pinag-isipan ni Thalia ang sinabi ng kaibigan. Kaya nga ba niyang humarap sa mga empleyado ng GMC pagkatapos ng nangyari?
    Hindi tiyak ang nakuha niyang kasagutan sa sarili.
    "Do you want me to come over to help you out?" tanong ni Aleta na pumukaw sa pagmumuni-muni ng dalaga. "O baka gusto mong sunduin kita?"
    "O baka gusto mong sunduin kita?"
    "No. I can manage on my own, Aleta. Salamat na lamang. And I think susundin ko na lamang ang payo mo."
    "Oh, thank goodness," ani Aleta na sinundan ng malalim na buntong-hininga.
    Matapos i-off ang cellphone ay pinatakbo na niya ang Ferrari sa direksiyon ng bahay -panuluyan.
    Dinatnan niya sa receiving area si Aurora kausap ang isang nakababatang lalaki. Kumuha siya ng tiyempo para makausap ito ngunit nang makita marahil na hindi siya mapakali sa pagparoo't parito ay nagpaumanhin ito sa kausap at lumapit sa kanya.
    "Is there a problem, hija? Mukhang hindi ka mapakali," ani Aurora at iginiya siya patungo sa opisina nito.
    Hindi nagpaliguy-ligoy pa si Thalia
Agad niyang sinabi na ora mismo ay gusto na niyang umalis sa bahay panuluyan nito.
    "But why, hija?" gulat na tanong ng may-edad na babae. "Ang alam ko'y mananatili ka rito sa buong panahon ng pagtatrabaho mo sa minahan. Mayroon ka bang hindi nagustuhan dito? May gusto kang ipadagdag sa iyong kuwarto? Anything..."
    "I have a personal reason, Aurora. Huwag mong isiping hindi ako komportable rito kaya ako aalis. It's just that, tapos na ang trabaho ko sa minahan. Baka bukas ay bumalik na rin ako ng Maynila."
    "Pero bakit? May nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Genaro?" may bahid ng pagdududang tanong nito.
    Umiling siya at nagpasyang pasinungalingan ang alegasyon ng babae. "K-kailangan ako ng papa sa Maynila kaya kailangan kong umuwi bukas na bukas din."
    "Kungvgayonkay ikaw ang bahala. Feel free to come here anytime."
    "Thank you. How about my bill?"
    "Wala ka nang aalalahanin sa bill mo, hija. I'll just send it to Gracie. Ngayon ka na rin ba babalik sa Manila?"
    "I-I don't know... Maybe. Bahala na...." walang katiyakang sagot ng dalaga.
    "Well, kung tama ang iniisip ko'y hindi na kita mapipigilan pa. But let me help you, hija. Bibigyan kita ng mga listahan ng safe na mga lodging inns and vacation houses sakaling ayaw mong tumuloy sa hotel."
    "Thanks. Ipaalala mo na lang sa akin bago ako umalis. I really have to pack."
    "Sige, hija. Patutulungan na kita sa chambermaid ko," alok nito.
    "No, I'll be fine," tanggi niya.
    "Are you sure?" paniniyak nito.
    "Yes," aniya.
    Pagkatapos niyon ay lumabas na ng opisina si Thalia. Naiwan si Aurora na sinabi sa sariling may dapat ipaliwanagsa kanya si Genaro pag-uwi ng lalaki.
    

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.5M 35.1K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
384K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
188K 6.1K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
88.8K 57 41
R18