Again and Again

By msfangirllover

66 8 1

One fears pain and the other fears commitment. They met and tried. Again and again. More

Again and Again
Unang Kabanata
Ikatlong Kabanata

Ikalawang Kabanata

13 2 0
By msfangirllover

NAGISING si Jilian sa tawag mula sa kaibigang si Justine. Tinignan niya ang oras at alas nueve na pala ng umaga. Napuyat kasi sila ni Katniss dahil madaling araw na rin sila nakauwi galling sa club. Gentlemen naman lahat ng kasama nila kaya sinigurado ng mga ito na makakauwi sila ng ligtas. Sinagot niya ang tawag ni Justine dahil baka urgent ito. "Hello? Bakit?"

"Busy ba kayo ngayon? Nilalambing ako nina Ralph, i-tour naman daw natin sila dito sa Baguio. Sama kayo total Saturday naman ngayon tapos cutie naman akong friend sa inyo. Dali na!" sabi nito. Nagtataka talaga siya kung bakit hindi nauubusan ng energy ang kaibigan niyang si Justine.

"Pass ako, inaantok pa ako." Giit niya sa kaibigan.

"Jilian naman! Sige na, please. Cutie ka na rin 'pag pumayag ka." Pamimilit ni Justine.

"Anong oras na tayo naka-uwi kaninang madaling araw. Patulugin mo muna ako nang mahimbing."

"Ililibre kita, promise. Tara na, the more, the merrier kasi. Saka sabi rin nila Ralph, ayain kaya, parang Part 2 raw ng kwentuhan kagabi." Pangungulit ng kaibigan.

"Ayaw ko talaga, inaantok pa ako." Reklamo niya sa kaibigan.

"Sige na kasi, please naman, ngayon lang naman ako nagre-request e."

"Ngayon lang? Sigurado ka?" natatawang tanong niya sa kaibigan.

"Basta kasi, tara na." pagmamaktol ng kaibigan sa kabilang linya.

"Saglit lang naman, kagigising ko pa lang. Saan ba tayo pupunta kung sakali?"

"Sa may Burnham Park sana. Bilisan niyo na, nakaligo na ako. Susunduin kami dito sa apartment nina Ralph tapos doon na kami didiretso. Sumunod na lang kayo, natawagan naman na nina Jake sila Mica, naggagayak na 'yon, magsabay-sabay na lang kayo tutal magkapit bahay naman kayo." Mabilis na sabi ni Justine.

"Sandali lang ha. Lutang pa utak ko. Saka tulog pa si Katniss, alam mo naman na ayaw na ayaw no'n yung ginigising." alma niya sa kaibigan.

"Ako na ang gigising kay Katniss, 'di naman niya ako masisipa e." wika ng kaibigan sabay tawa.

"Bahala ka nga."

"Hoy, sumama na kasi kayo, bilisan mo na." pangungulit ni Justine.

"Oo na, sandali, maliligo na ako. Bwiset ka talaga." Sabi niya sa kaibigan saka bumangon na sa kama. "Basta ikaw na ang bahalang gumising kay Katniss, tawagan mo na at alam mo naman na mas mabagal pa sa pagong ang galaw no'n sa umaga."

"Of course. Bye! See you later!"nagpaalam na ang kaibigan.

Kinuha na ni Jilian ang kanyang towel at tumungo na sa CR ng kanilang apartment. Maliit lang ang apartment nila, pangdalawang tao ito at may common CR. Mura na rin and bayad dito saka malapit sa school niya. Jilian is studying Fine Arts, she's already in her fourth year kaya very critical na lahat ng galaw niya. Iisa lang naman ang goal ni Jilian, ang maging mayaman. Hindi naman kasi ito lumaki sa maginahawang buhay, hindi din naman sila mahirap na tipong isang kahig, isang tuka. Pero basta ang gusto niya ay maging mayaman.

Nang makayari siyang maligo, naabutan niya si Katniss na nagkakape sa maliit na sala ng kanilang apartment. "Good morning! Maligo ka na at hindi na naman tayo tatantanan ng tawag ni Justine." Bati niya sa kaibigan.

"Good morning! Ubusin ko lang 'to then ligo na ako." Sabay simsim sa kape. "Bakit naman kasi napaka-aga manggising ng panget na 'yon? Nananaginip pa lang ako e." reklamo ng kaibigan.

"Hayaan mo na, gala raw oh, ayaw mo pa ba?" nakangiting tanong niya sa kaibigan. "Ikaw 'tong lagi akong inaaya na maggala. Ito oh, libre na."

"'Yon na nga, 'pag kay Justine, go ka kaagad." ngumuso si Katniss "pero kapag ako..."

"Bruha, tanggi ako ng tanggi kanina, pero 'di na rin naman ako makakatulog e."

"Awit sa'yo. Baka may crush ka lang doon sa mga Manila boys na bestie ni Justine." Suspetsa ng kaibigan.

"Nako, huwag ako ang pag-isipan mo ng ganiyan. Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin, kagabi ay halos hindi nawala ang tingin mo kay Oscar. At huwag mong susubukang tumaggi dahil halatang halata ka na kagabi pa." sagot niya sa kaibigan na ikinapamula ng mukha nito.

"Was I that bad last night?" nahihiyang tanong ng kaibigan.

"Gusto mo ikwento ko na? Baka mahiya ka kasi mamaya kay Oscar kapag sinabi ko na ngayon." Panloloko niya sa kaibigan. Wala naman itong nagawang overly embarrassing, basta sulyap ito ng sulyap kay Oscar. Hindi rin naman masisisi ni Jilian ang kaibigan dahil gwapo naman talaga si Oscar.

"May ganoon ba kagabi? Please tell me wala akong nagawang nakakahiya! Did I vomit? Or umiyak ba ako?" nagpa-panic ng tanong ng kaibigan.

Natawa naman si Jilian sa reaksiyon ng kaibigan. "Wala naman. Kaya mag-ayos ka na at magpaganda lalo para fresh ka 'pag nakita mo si Papa Oscar mo."

Namula ang mukha ng kaibigan saka tumayo na para kuhanin ang mga gamit panligo. Ngunit bago tuluyang pumasok si Katniss sa banyo ay may sinabi ito. "Hindi lang naman ako ang nagka-crush sa mga Manila Boys. 'Di ba, Andre?" Ngumiti ito ng makahulugan saka pumasok na sa banyo.

Napaisip si Jilian, akala ba ng kaibigan niya ay may gusto siya kay Andre? Napailing siya sa ideya. Hindi niya crush si Andre pero napopogian siya rito. Siguro ay kaya naisip 'yon ng kaibigan niya ay dahil sabay silang bumalik ni Andre sa table nila kagabi at nagging madaldal siya 'pag kausap ito. Pero hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit siya nakipagkuwentuhan kay Andre e, masarap lang talaga kausap ang binata. Straightforward ito na ikinatutuwa niya. Saka mabait ito, ito pa nga ang nagprisinta na ihatid sila sa kanilang apartment na kaniya namang tinanggihan. Kaya imbes na ihatid sila nito pauwi ay ito na lamang ang tumawag ng taxi na kanilang sasakyan pauwi at ito pa ang nagbayad. Naisip niya tuloy, hindi wise move 'yon ha. Akala niya ba save money?

Jilian shrugged at the thought and headed to her room to change. She chose a maroon, long-sleeved turtleneck top and paired it with her black denim pants. Then, she prepared her bag, put her phone, wallet, keys, and a book inside her black bag that she got from the night market, and went outside to put on the white shoes that were gifted to her by her Papa on her last birthday. Then, she just settled down in the living room of their tiny apartment and wait for her friend.

NANG dumating sina Jilian sa Burnham Park ay mabilis nilang nakita ang grupo ng matatangkad na nilalang na nagtatawanan. Nilapitan nila ang mga ito at binati. "Good morning!"

Nilingon sila nito ay binata, "Good morning! Saan tayo?" sagot ni Oscar.

"Kayo? Saan niyo ba gusto pumusta?" sagot ni Katniss.

"Well, pwede naman tayong dito muna, marami naman tayong pwedeng i-try diyan, then punta na lang tayong SM para mag-lunch then planuhin na lang natin doon kung saan ang sunod na punta natin." Suhestiyon ni Alice, girlfriend ni Steve na isa sa mga kaibigan ni Justine dito.

Sumang-ayon naman ang lahat at nagsimula na silang maglakad-lakad. Tumabi sa kanya si Andre saka siya binata, "Morning!"

"Good morning!" magiliw na bati ni Jilian sa binata.

"Kamusta ang tulog?"

"Ayos naman, medyo bitin kasi maagang nanggising ang unggoy na 'yon." Wika ni Jilian sabay turo kay Justine.

Natawa naman si Andre. "Gano'n talaga. Aba'y kayo lang ang kaibigan naming dito sa Baguio kaya dapat i-tour niyo kami. Don't worry, kapag nagpunta kayo ng Manila, kami naman ang bahala sa inyo." Dagdag pa nito

"Aasahan ko 'yan ha! Pero parang lugi kami, mas mahal sa Manila kaya mahirap manlibre." Biro niya sa lalaki.

"Don't worry, mag-iipon na ako ng mga discount vouchers para mailibre kita. Basta inform mo ako mga three weeks before ka pumunta ng Manila para makapag-hanap na akong ng mga vouchers." Natatawang sabi ng binata.

"Ganoon ba? Sige, inform kita ng maaga para madami-dami ang maipon mo na vouchers at sa masarap na restaurant mo ako mailibre." Sabi ni Jilian na natatawa

"Guys, sakay tayo sa bangka?" aya ng ni Ralph sa kanila.

Karamihan sa kanila ay umoo maliban kina Jilian, Andre, Mica, at Jake. May takot raw si Mica sa tubig kaya sinamahan na lang ng kanyang nobyo samantalang siya at si Andre ay hindi lang talaga nila trip. Actually, mas trip niya magbasa na lang ng libro kaysa sumakay sa bangka.

Nang makasakay ang mga kaibigan na kuhanan na ng mga litrato ay humanap sila ni Andre ng bench na maaring upuan habang hinihintay ang mga kaibigan samantalang sina Jake naman ay bumili ng makakain. Nang makaupo ay inilabas na ni Jilian ang kanyang libro saka sana magsisimulang magbasa nang magsalita si Andre.

"Foul."

Napatingin si Jilian kay Andre saka itinanong, "Foul?"

"What you're doing, it's foul. We're here, just the two of us, and you're gonna read? I mean, you should entertain me naman kahit papaano. Who am I going to talk to if you're going to read?"

Natawa siya saka ibinalik ang libro sa kanyang bag saka tinignan ang binata, "First of all, I amo not a clown to keep you entertained. Second of all, what is it that you want to talk about?"

"Anything. Anything that occupies space and has mass." Sagot ng binata.

"So you want to talk about matter?" natatawang tanong niya.

"Well, I think it's better than not talking at all while sitting with someone who's reading a book." Sabi pa ng lalaki. "Sige, ito na lang, where are you from?"

"I'm from Pangasinan, how about you?"

"I'm from Quezon City, but I'm moving to Makati soon."

"Why?" nagtatakang tanong ni Jilian.

"Well, I'm moving out. I graduated from college and my parents gifted me with a unit in Makati, so might as well move out and enjoy my independence." Sagot ng lalaki.

"Grabe, lakas maka-adulting once you move out. I know because moving here in Baguio is like moving out from our home in Pangasinan." Sabi niya.

"Gaano ka na ba katagal dito sa Baguio?" tanong ng lalaki.

"More than three years na. Umakyat ako sa pag-aaral ko, kaya ganoon katagal."

"And you never went back home?" Nalulungkot na tanong ng binata.

"Adik ka ba? Syempre hindi, tuwing bakasyon, summer break, sem break o di kaya Christmas break, umuuwi ako sa amin." Natatawang sagot ni Jilian sa tanong ni Andre.

Natawa rin ang binata at sinabi, "Malay ko ba. Hindi pa naman ako naka-encounter ng moving out because me and those dorks..." sabay turo sa mga kaibigan, "have always been clinging to our parents. We have never experienced anything liberating. Alam mo ba? This is actually our first trip without a guardian. Walang driver and anything." Kwento ng binata.

"Legit ba? How old are you again?" gulat na tanong ni Jilian.

"Twenty-two years old po, Madam." Natatawang sagot ng binata.

"Why? Were your parents overprotective?"

"Nope, we're just irresponsible and immature kaya lagi talaga kaming pinasasamahan sa driver."

"Well, maturity is a choice naman. It's your choice whether you'd be responsible or not, if you want to be responsible, then you should be more accountable and more decisive. Our youth will end faster than we have anticipated, so might as well plan it out, it's better if we're prepared for what's to come." Sabi niya.

"I actually think otherwise, youth is a choice, we choose until when will we be young? We are the ones to decide when our youth will end. It's our decision when will we live a child-like life. Simple and fun." Sagot naman ni Andre.

"But you should know there's a very thin line between child-like and childish. Just beware." Nakangiting sagot ni Jilian.

Akala ni Jilian ay mao-offend si Andre ngunit ngumiti rin si Andre at kumibit balikat. His eyes is filled with amusement rather than the disappointment she was actually expecting. Nakatingin lang sila sa mata ng isa't isa pero tila nakakapag-usap pa rin sila at nagkakaintindihan. Hindi niya alam kung bakit but rather than being intimidated or worried, she actually felt happy about the conversation they had. For some reason, hearing the thought of the man in front of her out loud made her happy. And now, the way they talked with their gaze, she felt connected to him.

"You are interesting, you know that, don't you?"

Jilian just responded with a smile. 

Continue Reading

You'll Also Like

2M 120K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
429K 34.5K 28
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
723K 39.2K 54
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...