Again and Again

By msfangirllover

66 8 1

One fears pain and the other fears commitment. They met and tried. Again and again. More

Again and Again
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata

Unang Kabanata

32 2 1
By msfangirllover

"HOY! Tara na! Bilisan mo na at baka mahuli pa tayo sa sakayan. Anong oras na oh! Libre pa naman 'yon ni Justine. Tara na." pagmamadaling wika ni Katniss, Katniss Mendoza, ang matalik na kaibigan at roommate ni Jilian Domingo. Nag-aya kasi kaninang makapananghali si Justine, Justine Hernandez, na mag-club raw sila at sagot nito ang gastusin. Nagtataka nga si Jilian kung bakit bigla-bigla na lang itong manlilibre, sa pagkakakilala niya rito, si Justine ang direktang kabaliktaran ng galante.

"Saglit lang naman, katagal mo kaya sa banyo. Tapos ngayon, ako ang mamadaliin mo." sabi niya habang sinusuot ang itim na bestida na nabili nila sa Night Market dito sa Baguio saka jacket dahil medyo malamig na ngayon sa Baguio. Pagkasuot ay lumabas na siya saka isinuot ang itim na sandals niya saka inaya na ang kaibigan, "Oh, tara na. G na ako."

"Ano 'yan? Ni hindi ka man lang ba magpopolbo o lip tint man lang?" sabi nito habang taas kilay na nakatingin sa kanyang itsura. "Girl, club ang pupuntahan natin, ha? Sana aware ka. Paano kung may pogi 'don? E 'di hindi ka na naman nakapag-add to cart?" dagdag pa nito. Simple lang ang suot niya, conservative, actually. Samantalang ang kaibigan ay naka-satin dress na pinatungan ng leather jacket. May dala rin itong bag na gawa sa leather. Ang gamit naman nitong sapatos ay ang boots na nabili nito online na kadarating lang noong isang araw. Dalagang-dalaga na talaga ang kaibigan niya, grabe ang nagging glowup nito kumpara noong high school pa lang sila. Kagaya niya kasi ito noon, simple lang rin manumit, pero ngayon, pang-IG model and ganda nito.

"Ayos naman itong suot ko, 'ha? Saka hayaan mo na yung mukha ko, kahit naman may i-add to cart ako doon na pogi, wala rin namang silbi, at hindi ko rin naman ma-che-checkout." sabi niya sabay hila sa kaibigan palabas ng kanilang apartment. "Hayaan mo na. Tara na at baka pagalitan na naman tayo ni Justine dahil late tayo."

"Alam mo, naaasar ako sa'yo! Palagi mong dina-down ang sarili mo kahit hindi naman dapat. Dati, hinayaan kitang magpapayat kahit 'di naman talaga kailangan kasi sabi mo feeling mo mas magiging okay yung tingin mo sa sarili mo, tapos ngayon ganiyan ka. Awit lods, 'wag gano'n." sabi ng Katniss kay Jilian habang naglalakad sila papunta sa paradahan ng jeep.

"Hindi naman sa gano'n kasi. Okay naman tingin ko sa sarili ko." katuwiran niya.

"Pero para sa'yo mas okay sila?" agad na sagot nito.

"Totoo naman kasi na mas maganda sila sa akin." Sagot naman ni Jilian sa tanong ng kaibigan.

"'Di tama nga ako, kahilig mong idina-down ang sarili mo. Tantanan mo na kasi kakatingin sa mga IG chuchu models diyan, malamang ang ipo-post niyan ay yung bongga sila. Yung mga ipino-post ng mga 'yan ay yung top three best picture nila out of hundreds ng mga picture nila, 'no. Kaya 'wag kang ano diyan. Sabunutan ko buhok mo sa baba e." sabi ng kaibigan.

"Bwiset ka talaga. Tara na nga, dali" sabi niya sa kaibigan at hinila ito para mas bilisan ang mga hakbang.

Sumakay na sila sa jeep at matapos ang ilang mga minute ay napuno na ito at umandar. Bumaba sila sa night club na sinabi ng kaibigan nilang si Justine at saka pumasok. Sinalubong sila nang malakas na tunog ng musika. Medyo maraming tao kahit na alas-siyete pa lang. May mga tao na nag-iinom, nagsasayaw, at kumakain. Ang totoo ay ayaw naman talaga niyang sumasama sa mga ganoong pagtitipon dahil maingay ito at ayaw niya talaga ang nag-iinom para lang sumaya siya. Kaya nga lang, kilala niya ang mga kaibigan, kapag naharap na ang mga ito sa alak, nawawalan ng control kaya naman minabuti na niyang samahan upang magkaroon ng mag-aasikaso kung sakaling malasing ang mga ito ng sobra.

Hinanap nila ang kanilang kaibigan na si Justine, at madali lang naman nila itong natagpuan dahil na rin matangkad ang binata. Lumakad na sila at nang papalapit na sila ay natanaw niya na may iba pa itong mga kasama at kakuwentuhan. Similar to Justine, the men around him are also tall. They called out Justine's attention by tapping his shoulders.

"Oh! Nandito na pala kayo. Bakit ba ang tagal niyo?" wika ng binate nang lumingon ito.

"Paano ba naman itong si Katniss, nagtagal sa banyo, kaya natagalan rin bako ako makaligo." sagot ni Jilian.

"Naligo pa kayo? Kalamig-lamig kaya, kinaya niyo?" tanong ni Justine na medyo natatawa na. "Kasi ako, hindi na ako naligo sa sobrang ginaw. Partida, nag-basketball pa kami nito ha."

"Excuse me, nag-skin care pa kasi ako, though ni-regret ko din actually yung pagligo kasi unang buhos, nginig agad." natatawang sagot ni Katniss. "At lahat naman talaga ng nakakadiri, ikaw lang ang proud na proud pa. Kakaiba ka rin talaga e."

Tumawa ang binata at saka sila inaya papasok sa booth kung saan nandoon ang ibang kasama nito. Ang iba rito ay kilala nina Jilian dahil nakakasama na nila ito dati sapagkat mga kaibigan ito ni Justine. Kasama ng iba sa mga kaibigan ni Justine ang kanilang mga girlfriends kaya hindi lang sila ang babae sa grupo. Ngunit may mga nakita rin silang mga mukhang hindi pamilyar.

"Kakilala niyo naman na sila Jake, 'di ba?" tanong ni Justine na sinagot naman nila ng tango at nginitian sila Jake pati na mga girlfriends nito. "'Yon, so ito naman sila Andre Madrid, Kevin Santos, Ralph Jalandoni, Oscar Garcia, at Allen Santos. Tama ba, mga p're?" tanong nito sa limang binate na ipinakikilala at sumagot naman ang mga ito ng tango at thumbs up. "Nakalaro naming sila kanina sa basketball. E wala e, magaling kaibigan niyo, natalo naming sila kaya sagot nila itong club. Mga pare koy! Ito naman ang mga kaibigan kong panget, si Jilian Domingo at Katniss Mendoza." Pinakilala sila ni Justine sa mga 'di pamilyar na mukha sa kanilang booth.

Binati nila ang isa't isa saka umupo na silang dalawa ni Katniss. Pinagmasdan niya ang mga binata na kasama nila sa table. Gwapo ang mga ito, matatangkad, at mukhang rich kid. Napaisip tuloy siya kung paano naman nakalaro ng kaibigan niya, na sa kanyang paningin ay uhugin, ang mga mukhang BGC boys na ito.

Sina Allen at Oscar ay mukhang may lahing East Asian dahil sa hugis ng mga mata nila, pati na rin and complexion nila, hindi ito ang tipong putting Western. Sa kabilang banda, mukhang mga European descent naman ang natitirang tatlo, sina Andre, Kevin at Ralph. Gwapo talaga ang lima at mukhang hindi basta-basta, judging their clothing and its brands. The boys were not overdressed in any way but their overall vibe screams alta sociedad.

Tahimik lang na nakikinig si Jilian sa usapan ng mga ito at nakikipapak ng mga pulutan ng mga ito. Samantalang si Katniss ay nakisali na sa inuman ng mga ito. Nagsasalita naman siya kapag kinausap siya ng mga girlfriends ng ibang kaibigan ni Justine ngunit tipid lang siyang sumasagot dahil hindi siya kumportable sa lugar. Maingay talaga dahil sa malalaking speakers sa paligid ng club.

Maya-maya lang ay nagpaalam si Jilian na magbabanyo lang. Nang makarating sa banyo ay medyo tinagalan niya nang maipahinga ang kanyang tainga sa maiingay na tunog. Pagkatapos magbanyo ay lumabas muna siya ng club imbes na bumalik sa kanilang table. Hindi niya talaga gusto ang masyadong maingay na lugar. Mas gugustuhin niya matulog na lang tuwing Biyernes ng gabi kaysa maggala o gumimik.

Nang makalabas siya ay nakita niya ang isa sa mga kasama nila sa booth kanina, Andre yata ang pangngalan ng binata. Gwapo ang binate, actually, sa lahat ng mga bagong mukha na kasama nila kanina, ito ang pinakamalapit sa tipo niya i-add to cart. He has thick eyebrows, tall nose bridge and plump lips. Feeling nga niya, kapag nagging babae ito, magiging salot sa kababaihan ito, masyadong maganda panigurado. His jaw line. Oh my, there's no other word to describe it but on POINT! He also has a good body built, not overly bulky, basta alam mo na maalaga talaga sa katawan. Lumingon ang lalaki sa direksyon niya at nakita rin siya nito kaya't tinanguan niya ito.

Gumanti rin ng tango ang binata at lumapit sa kanya. "Uuwi ka na ba kaagad?" kaswal na tanong ni Andre kay Jilian.

"Hindi pa, nagpapahangin lang, masyadong maingay sa loob e." sagot naman niya. "Ikaw? Bakit ka nandito sa labas?"

"Inilagay ko lang yung wallet ko sa sasakyan." sagot ng binata.

"Inilagay? That's strange. Hindi ba usually, kinukuha ang wallet sa sasakyan ang dapat na line?" nagtatakang tanong ng dalaga.

"Inilagay. Para mamaya, when it's time to pay na, I have an excuse para 'di magbayad. Wise ko, 'no?" natatawang sagot ng binata. Ngayon niya napansin na sobrang gwapo pala ng binate lalo na kapag nakangiti. Zac Efron vibes ang pumasok sa isip niya.

"Seryoso ka ba? That's cheating." pabirong sagot niya.

"That's not cheating, that is being smart. You should try it with your friends, it will help you save some money." Sabi ng binate sabay turo sa sentido pagkasabi ng katagang smart.

Natawa naman siya at 'di na umalma pa. "Anyway, paano niyo naman nakalaro ng basketball sina Justine?" paguusisa niya.

"We were roaming around kanina, then we saw them playing basketball, so we watched for a while. After they finished their sesh, my good-for-nothing friend there Ralph challenged them. They asked what was in it for them, and this is the bet, whoever loses had to treat the winners to a club. Hence, we're here." paliwanag ni Andre. "Kaya nga lang, astig din sila Justine e, talagang nag-imbita pa."

"Ayaw mo ba?" tanong niya at pabirong pinanliitan ng mata ang binata.

"It's not that, sadyang astig lang talaga. Ang I don't mind, you're all cool naman. Lalo na si Justine, he's really funny."

"Gano'n talaga si Justine, social butterfly talaga 'yon. Siya yung tipo ng tao na kayang makahanap ng kaibigan within three minutes."

"Kaya nga here we are." Muli ay ngumiti ang binata. "You know what, I thought you were mataray. No offense meant but you just seemed unapproachable kanina." Puna ng binata.

"Really? Ako? How?"

"Well, first of all, unlike your friend Katniss, you're not drinking."

"Oh, that? I don't really drink kapag iinom sila. I make it a point that at least one of us had to stay sober if we are going out to drink, and that's me." sagot niya.

"Okay, okay, you're a good friend, I see. Second, you're just looking at everyone. You barely smiled plus your response, masyadong kang matipid."

"Well, it's because I'm not in my zone. Clubbing and partying like this is not my cup of tea." Paliwanag niya.

"Sabagay, it's really noisy in there."

"And wait, you also seemed mataray and maldito kanina."

Nanlaki ang mata ng binata sabay turo sa sarili. "Me? Maldito? I don't believe you. How?"

"Yung tingin mo kasi, tarang jina-judge mo na ang buong pagkatao ko." Sabi niya sabay tawa.

"Oh that, I was checking you out. Whether or not you're my type." Sagot ng binata.

"Seriously? Why would you do that?" gulat na sagot niya. So pati pala lalaki ay naghahanap rin ng pwedeng i-add to cart hano? Ano kaya? Pasado kaya siya? Feeling niya ay hindi siya pasado dahil sa itsura ni Andre, mukhang mataas-taas ang standard nito, yung tipong sa sobrang taas, iilan lang ang makakaabot.

"Joke lang, relax ka lang." Natatawang sabi ng binata. "I was just trying to familiarize myself with you and read you. Ang hirap ng kasi basahin ng expressions mo." Paliwanag ng binata.

"Legit ba? I always thought I'm like an open book. Pero sabagay, I always get that comment na mukha akong mataray." sabi Jilian

"But you're not."

"'Di ka sure" natatawang sagot niya sa binata.

Tumawa ito ngunit hindi na sumagot. Maya-maya'y binalot sila ng katahimikan habang nakatanaw sa view. It was breathtaking. The city lights matched with the cool breeze, this is the Baguio life.

"This is such an amazing view." wala sa sariling sabi ng binata.

"Welcome to Baguio." Nakangiting sagot niya sabay talikod papasok sa club. Nilingon niya ito para tignan kung susunod ito pero nakatingin lang ito sa kanya ngunit hindi niya mabasa ang ekspresiyon sa mukha ng binata. "Hindi ka pa ba papasok ulit?"

Ngumiti ang binata at naglakad papalapit sa kanya. At sabay silang pumasok sa loob ng club at sinaluhan ang mga kaibigan sa gabi ng inuman, kwentuhan, at tawanan. 

Continue Reading

You'll Also Like

675K 56.3K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
2.1M 123K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3.7M 154K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
541K 42.1K 33
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...