My Hottest Sin (PROFXSTUD / I...

By MaHeartKita

2M 49.3K 12.9K

Warning: Very mature content. And this book is written in Tagalog and English Strong use of inappropriate la... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2🔞
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23🔞
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40⚠️
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44 🔞
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 - Ending

Chapter 32

26.7K 717 146
By MaHeartKita

Kaia

Nanatili ako sa bahay nila ma'am kahit pa sinasamaan niya ako nang tingin. Matapos namin kanina sa kitchen ay lumabas ako sa front porch nila ma'am at tinulungan ko yung mama niya na ibalik yung mga bulaklak sa pot. Na guilty pa ako dahil ako yung nakasagi nung mga kawawang bulaklak niya. Hindi ko kasi nakita yun kagabi kasi sobrang dilim. She's humming a song nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya.

" Can I help, po?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko at nangiti.

" Aba'y mahilig ka din ba sa bulaklak hija?" Masayang tanong niya.

Ngumiti ako at lumuhod sabay abot ko nung maliit na shovel pang tanim.

" My mom loves flowers and she also likes gardening as well." Kwento ko sa kanya habang sumasandok ako nang soil then inilagay ko yun sa pot.

" Ay ganun ba, kung ganun ay tiyak palang magkakasundo kami hija. Nasaan ba siya?" Nakangiting tanong niya.

Napatigil ako sa pag kuha nang soil at tumingin sa kanya. Bumuntong hininga muna ako bago pinagpatuloy yung paglalagay nung soil ulit sa pot. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti nang malumanay.

" She's in heaven na po." Nakangiting saad ko sa kanya.

Agad naman siyang nalungkot nang marinig sa akin 'yun, kaya ngumiti ako sa kanya to make sure I'm fine.

" Pasensya ka na hija, hindi ko alam... Pero alam kong, kung nasaan man siya ngayon ay tiyak akong  malaki at napakalawak na nang harden niya."  Anya at tumingin sa langit.

Napatingin din ako sa langit at ngumiti habang iniisip ko si mommy. Ngayon ko lang nakuhang ngumiti ulit habang iniisip ko siya. Dati kasi puro sakit at pangungulila ang nararamdan ko at bigla nalang akong maiiyak sa tuwing maiisip ko siya.

" Yeah... I'm sure pinuno niya nang white roses yung harden niya. " Natawa kong sambit habang nakatingin sa langit.

" Alam mo ba, paborito rin nang anak ko ang white roses." Tuwang kwento niya sa akin.

Agad akong napatingin sa kanya. Natuwa pa ako nang malaman ko iyon, nagkaroon ako nang idea sa isip ko. Nagkwentuhan lang kami habang patuloy naman siyang nagtatanim nang mga bulaklak. Ako nama'y tumutulong at binubuhat yung mga pots sa kung saan niya gustong ipalagay.

" Saan po ba banda ma'am?" Tanong ko sa nanay niya.

Tumayo siya at sinuway pa ako dahil gusto niyang tawagin ko nalang siyang Mama o Nanay, kasi daw masyadong formal yung ma'am.

" Ay kapila man ka nako ingnan nga mama nalang itawag mo sa akin uy, katigas pod nang ulo mo hija." Sabi niya at sa salitang hindi ko naintindihan.

Napatigil pa ako at napaisip, shuta baka minumura na niya ako eh. Napatunganga ako nang ilang saglit sa kanya.

" Doon mo nalang ilagay sa may bintana hija." Anya at humawak sa bewang niya.

Agad naman akong sumunod at inilagay yung pot na may flowers sa gilid nang bintana nila. Aalis na sana ako nang makita ko si ma'am sa loob nang bahay nila. Napatitig ako sa kanya habang busy siya sa pagsusulat sa loob. Sobrang ganda niya habang nakatingin sa papel at nakakunot yung noo niya. She looked hot and cute at the same time. Napangiti tuloy ako.


" Oh ayan, aba'y kaganda na nang view dito oo." Ani nang mama ni ma'am at natuwa pa siya.

Oo nga naman po Mama, ang ganda nga talaga nang view. Sa isip ko. I stole another glance at professor Vanessa bago ako bumalik sa gawi kung nasaan ang Mama niya. Tapos na kaming mag tanim at ngayon ay tinutulungan ko na siyang magligpit nang mga gamit niya.

" O s'ya mauna ka nang maglinis nang kamay hija, ako na dito. Paki sabi narin kay Vanessa na maghanda na nang ulam natin ngayong tanghali." Anya habang patuloy na nagliligpit.

Agad naman akong tumayo at pinagpag yung kamay ko at pumasok sa loob. Nakita ko si old man sa pinto at nginitian niya ako, habang inaayos niya yung turnilyo nang pintuan. Agad akong pumasok sa loob st pumunta ako sa gawi kung saan ko nakita si ma'am. Nagsusulat parin siya nang makarating ako kaya pasimple akong tumikhim para kunin yung atensyon niya.

" Ah, excuse me po miss ma'am..." Tawag ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumingin sa akin gamit yung mga mata niya habang bahagya paring nakayuko sa papel niya. Napalunok tuloy ako, kasi naman ang talim nang dating nung tingin niya sa akin.

" What do you want Hendrix. Can't you see I'm busy?" Strict niyang sambit at nagpatuloy sa pagsusulat.

Ang cold niya talaga kahit kailan. Pero naisip kong okay narin yun kasi siya na lang k'kailanganin ko tuwing tag init. Charr sa isip ko.

" Ah, kasi po miss ma'am. Sabi po ni Mama magluto ka na daw po nang ulam natin for lunch po." Sabi ko habang hinihimas yung isang braso ko.

Agad naman siyang napatigil nang pagsusulat at tumingin sa akin nang ubod nang talim. Kinakabahan tuloy ako. Ano na naman ba sinabi ko? damn naman eh.

" What did you call my mother?" Salubong na kilay niyang tanong.

" Ah... S-sabi niya po kasi sa'kin Mama nalang daw itawag ko sa kanya, at ayaw niyang magpatawag nang ma'am eh." Sabi ko naman habang nakahawag sa likod nang batok ko at yumuko.

I heard her tss kaya napatingin ako sa kanya.  She rolled her eyes at me at binagsak yung pen niya sa mesa bago tumayo. Gumawa nang tunog yung upuan nung utmayo siya nang marahas kaya napaatras ako. Tangina kaylan pa ako naintimidate nang ganito? Naglalakad siya sa akin nang diretso at balak yatang babanggain ako. Nang malapit na siya sa akin ay bigla siyang nag sabi nang.

" Move!" Anyasa galit na boses.

Napaatras tuloy ako sa gilid, nang makadaan na siya ay sinundan ko nang tingin yung likod niya. Napailing nalang ako, jusko naman si miss ma'am pinaglihi yata nang Mama niya sa dragon ah. Sa isip ko. Agad naman akong sumunod sa kanya sa kusina. Nakita kong naghahanda na siya. Lumapit ako sa kanya kaya agad naman siyang napalingon sa akin at tinaasan ako nang kilay.

" What?" Mataray niyang sambit.

"Ah, pahugas po ako nang kamay miss ma'am." Sabi ko at nakangiting tumitig sa kanya.

She rolled her eyes at me again bago siya gumilid upang makapaghugas na ako nag kamay. Matapos nun ay pinatuyo ko yung kamay ko sa may basahang nakasabit sa fridge nila. Tiningnan ko si ma'am at kasalukuyan siyang nagbabalat nang mga rekados. Lumapit ako sa gilid niya.

" Ma'am gusto ko pong tumulong." Excited kong saad sa gilid niya.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Lumapit pa ako at sinilip ko yung mukha niya sa gilid at nakita kong seryoso lang siyang naghihiwa at wala talaga akong balak pansinin.

" Ma'am? Yohoo.... Yow miss ma'am?" Winagayway ko pa yung kamay ko sa mukha niya.

Wala talaga. Haist! Nagsimula na akong maiinis. Bakit kasi hindi na siya namamansin. Nag pout ako sa gilid niya, nang may maisip akong kalukohan. Lihim akong napangiti habang dahan-dahang lumapit sa tenga niya at bumulong bago bugahan yun nang hangin.

" Baby...."

Napansin kong napatigil siya kaya napangiti ako at sa wakas ay nakuha ko na ang atensyon niya. Lumayo ako nang bahagya sa kanya habang nakangiti parin. Unti-unti naman siyang lumingon sa gawi at dahan-dahan namang nawaglit yung ngiti ko sa labi nang makitang napakadilim na nang awra niya. Salubong yung kilay at galit ang mga mata.

" Ah! A-aray ko miss ma'am! Aaaarghh! Fuck ang hapdi!" Nasasaktang sigaw ko.

Napahiyaw ako dahil sa sobrang hapdi nang mga mata ko dahil bigla niya nalang inilagay sa mga mata ko yung sibuyas na hinihiwa niya kanina.

" Huwag mo aking bibiruin nang ganun Hendrix!" Sigaw niya sa akin.

Ako namay hindi na mapakali habang hinahagod yung mga mata ko. Naiiyak na yung mga mata ko at every time na hahagurin ko yun ay mas dumodoble yung hapdi!

" Ay ano bang nangyayari dito? Napano ka ba Kaia?" Agad namang sigaw nang Mama ni ma'am.

Agad siyang lumapit sa akin at iginiya ako sa may sink.

" Napano ba yang mata mo ha? Sigi ibuka mo yan sa umaagos na tubig, naku namang bata ka palagi ka nalang naaksidente." Anya habang tinutulungan akong mag naghilamos.

Agad naman siyang nag abot sa akin nang bimbo kaya pinunasan ko na yung mukha ko kagaad. Nakita ko yung itsura ko sa may salamin sa gilid nang fridge nila and damn sobrang pula nang mata ko at buong mukha, namamaga yung mga mata ko kaya nagmukha akong bumatak galing nang marijuana.

" Napano ka ba ha?" Tanong ulit nang Mama niya.

Napatingin naman ako kay ma'am at nakita kong nagpatuloy lang siya sa paghihiwa at napakasama nang tingin sa akin. Tangina kailan ka pa natakot ha Kaia! Inis na suway ko sa sarili nang maramdaman kong nanginig yung mga tuhod ko.

" A-ah w-wala po M-mama, napuwing lang po ako nung paminta kanina, haha ayos lang po ako." Nakangiwing sambit ko habang pinupunasan yung gilid nang mga mata ko.

Tangina naman eh! Gusto kong magsumbong sa nanay niya pero natatakot ako sa kanya, kaya gusto kong umiyak yawa!.

" Oh siya, sigi na mauupo ka nalang d'yan sa counter, ikaw naman Vanessa madali ka na diyan sa pagluluto at nagugutom na ako anak." Sabi niya bago kami iwan ulit dalawa sa kusina.

Sumisinghot pa ako habang nagpupunas ng mata nang tingnan niya ulit ako nang masama. Nag pout nalang ako habang nakaupo at patuloy siyang minamasdan habang nagluluto. Napalunok ako nang maamoy ko yung putahi niya, nakita kong naglagay siya ulit nang shrimps kaya lalo akong napalunok at nagutom. She opened the hanging cabinet at nakita kong puno iyon nang mga ingredients, nakita kong kumuha siya dun nang ready mixed na gata at sobrang dami nun doon sa itaas. So all that time meron palang ready mixed na gata sa hanging cabinet nila noon at talagang pinahirapan niya akong magkudkud nung buko?!

" Oh come on..." Inis kong bulong habang hindi makapaniwalang nakatingin kay ma'am at dun sa paketi nung ready mixed na gata.

" What?" Tinaasan niya ako nang kilay bago ako mataray na tinalikuran.

Kumuha siya nang may kalakihang mangkok at agad inilipat yung niluto niya doon. Nakita kong same recipe yung niluto niya nung first time kong makikain dito sa bahay nila. Napangiti ako habang natatakam na tumitingin sa ulam.

" Grabbed some plates and spoons then bring it to the table Hendrix." Utos niya

Agad naman akong kumuha nang apat na plato at apat na paris nang spoon and fork. Nang maihanda na lahat ay tinawag niya yung parents niya. Lumapit naman sila at umupo na sa mesa. Ipinaghila ko si ma'am Vanessa nang upuan bago ako umupo sa kabilang side. Nakangiti ako habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa. Kumuha ako agad nag kanin at isang shrimp at agad na sumubo nang bigla silang mag sign of the cross lahat at pumikit kaya kahit nasa bibig ko pa yung spoon ay nag sign of the cross din ako at pumikit. Inabot ni old man yung kamay ko kaya ibinuka ko yung isang mata ko at nakita kong nakapikit parin yung parents niya. Inilahad ko naman ang kamay ko kay ma'am sa kabilang gilid at nakita kong masama na naman ang tingin niya sa akin. I realized na sobrang bastos pala nang ginawa ko kaya pasimple kong tinanggal yung spoon sa mouth ko. Gusto kong bugbugin ang sarili ko sa katangahan ko. Nakakahiya ka Kaia! Sa isip ko.

Si old man yung nag sabi nang grace at matapos nun ay nag sign of the cross ulit kaya gumaya ako at ngumiti agad nang nagbukas na sila nang mata .

" Oh sigi na Kai, kumain ka na." Masayang sambit ni old man sa akin.

" Opo, thank you po." Magalang kong sambit.

Pinauna ko muna silang lahat bago ako nagsandok sa sarili kong plato. Agad akongvm sumubo at napapikit pa ako sa sobrang sarap nang ulam. Natawa naman yung Papa niya sa akin.

" Oh dahan-dahan lang Kai,baka mabulunan ka niyan." Ani naman nang Mama niya habang nakangiti.

" Pasensya na po, ang sarap po kasi talaga nang ulam eh."  Tuwang saad ko habang patuloy na kumakain.

Si ma'am naman ay tahimik lang ulit. Hindi na ako nanibago kasi ganyan naman talaga siya simula mung una. Pasimple ko lang siyang sinisipat at kaoag nahulinjiya sko ay nginiginitian ko siya na ginagantihan niya eye roll. Ang sweet niya talaga niya nuh?

Sobrang na busog ako matapos kong kainin yung last shrimp sa plato ko. Sinimot ko yung plato ko dahil sobrang nakakatakam talaga yung ulam. Parang si ma'am lang. Agad akong tumingin sa kanya at nakita kong nakatingin pala siya sa akin.

" How are you feeling?" Parang robot niyang tanong sa akin.

Ang sweet mo naman miss ma'am. Sarcastic kong saad sa utak ko.

" Okay na naman po ako ma'am, salamat." Nakangiti kong sagot sa kanya.

" Very well then. You can leave now." Anya at agad na tumayo at niligpit yung mga plato.

Grabe naman 'yun nantataboy agad. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Tinulungan ko pa siyang magligpit bago ako tuluyang lumabas nang kitchen.

" Thank you po sa pag alaga sa akin kanina miss ma'am. Thank you din po sa masarap na lunch." Malambing kong sambit sa gilid niya habang naghuhugas siya.

" No problem, bayad na ako sa utang ko sa'yo kagabi kaya were quits now Hendrix."  Hindi niya ako tinitingnan.

Seryoso lang siyang naghuhugas at tinitigan ko na lang muna siya nang ilang sandale bago ako nag iwas nang tingin at baga mahuli niya pa ako at masampal pa ako nang plato. 

" Sigi po miss ma'am. Aalis na po ako, thank you po ulit."  Mahinahon kong saad sa kanya bago dahan-dahang naglakad palabas nang kitchen.

Nakita ko yung parents niya sa sala at nanonood ng palabas kaya lumapit muna ako sa kanila upang nagpa-alam na rin.

" Uhm, maraming salamat po sa lahat at hindi na po ako magtatagal at aalis na po ako." Sabi ko habang nakatingin sila da akin.

" Ah ganun ba Kai, tara ihahatid na kita." Presenta ni old man.

" Ay naku huwag na po tay Ernesto. Okay lang po ako. I can drive myself home po thank you." Magalang kong saad.

Tumango lang naman siya at ngumiti. Agad naman akong naglakad palapit sa pinto.

" Ingat ka sa pagmamaneho hija." Ani naman nang mama ni ma'am kaya napangiti ako dito at tumango.

Isinata ko yung pinto nil at naayos na pala yung ni old man. Napangiti ako at agad na humakbang papalabas nang front porch nila at binuksan ko na yung gate bago ako lumabas.  Pinatunog ko na yung sasakyan ko at akmang papasok na nang biglang.

" Hendrix wait!" Tawag ni ma'am Vanessa sa akin.

Agad akong napalingon sa gawi ni ma'am at ngumiti.

" What is it miss ma'am?" Nakangiti kong saad

Lumapit siya sa akin at may inabot.

" J-just take it and drink it when you get home. It'll make you feel better."  Anya at kinuha niya yung kamay ko may inilagay siya doon bago itiniklop.

Agad naman s'yang umatras at nag sabing.

" Take care of yourself." Bago siya tuluyang tumalikod sa akin.

Naglakad siyang parang model pabalik sa gate nila at pumasok. Binuka ko yung palad ko at nakita kong gamot pala yun para sa lagnat ko yung ibinigay niya sa akin. Napangiti tuloy ako at nakita kong tumingin pa siya sa akin kaya nag salute ako sa kanya habang nakangiti bago siyan tuluyang pumasok sa loob nang bahay nila.  Ako namay pumasok na din sa kotse ko at pinaandar na yun. I took another glance on their house before I left finally drive off. Nagmamaneho na naman akong may ngiti sa mga labi...




Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 280 52
Andrew lee isang kinatatakutan dahil sya ay isang mafia lord kilala bilang isang ruthless man walang emosyon na pinapakita at higit sa lahat siya ay...
1.5M 50.5K 62
Note: ang storyang ito ay para lamang sa mga colorblind at mahilig sa Jollibee spicy chicken joy. Kung hindi ka kumakain nun, huwag mo na tangkain, m...
1.4M 64.9K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...
1.3M 70.1K 58
Catalina Penelope Rivas, the bitch. She is also one of the popular person in Stanford University. Hinding-hindi nagpapatalo kahit kanino. Halos lahat...