Chapter 30

28.6K 767 96
                                    

Pinarada ko yung kotse sa labas nang gate nila nang sa wakas ay nakarating na kami sa bahay nila ma'am. Walang tao yung bahay nila kasi madilim at walang sindi yung mga ilaw. Napatingin naman ako sa gawi ni ma'am Vanessa at tinitigan ko muna siya hanggang sa mag sawa ako. Sinusulit ko lang yung segundong malaanghel yung aura niya, kasi baka pag gising niya mamaya maging dragona na naman siya. Hinaplos ko yung mukha niya at inayos yung takas niyang buhok sa tenga. Hindi ko alam kong anong naisip ko at nilapit ko ang mukha sa kanya at inamoy ko yung mabango niyang hininga. Tiningnan ko nang maigi yung mga mahaba at malabong niyang pilik mata. Nakatitig ako sa kanya nang bigla siyang nagdilat ng mata at agad akong tinulak palayo sa mukha.

" What the hell Hendrix!" Sigaw niya at agad nag ayos ng upo.

Nahulog pa yung gamit niya sa baba kaya nagkalat yung laman ng bag niya sa sahig nang kotse ko.

" Ah, w-wala ma'am. Gigisingin na sana kita kaso may nakita akong lamok kanina kaya ako natungo sa'yo." Palusot ko habang pasimpleng inaabot yung mga nagkalat niyang gamit sa baba.

Yumuko din siya at pinagpupulot yung mga make up kit niya. Nahawakan ko yung kamay niya nang sabay namin inabot yung lipstick niya. Agad akong napatingin sa kanya at ganun din siya. Napababa ang tingin ko sa labi niya at hahalikan ko na sana siya nang bigla nalang kumulog nang pagkalakas-lakas kaya nasampal niya ako.

" Oh my gosh!" Tili niya at napapikit pa.

Hinaplos ko muna yung humahapdi kong pisngi bago siya hinarap ulit. Inilagay ko nalang pabalik yung lipstick sa bag niya bago ako umupo nang maayos sa upuan ko.

" Ang sakit ma'am ah. Para kang dragona maka asta eh takot ka naman pala sa kulog." Bulong ko habang hawak yung manibela.

Agad naman siyang dumilat at galit na tumingin sa akin. Hinablot niya yung isang braso ko para makaharap ako sa kanya.

" I heard that! Hindi ako takot at nagulat lang ak- Ay!" Napapikit na naman siya at kumapit pa sa braso ko nang kumulog na naman.

Gusto kong hugalpak nang tawa kaya lang baka ma sampal na naman ako eh, kaya pinigilan ko nalang.

" Saan diyan ang hindi takot miss ma'am?" Nanunudyo kong tanong sa kanya.

She opened her eyes and glared at me at hinampas na naman ako sa balikat.

" Ara ma'am ah! Nakakarami ka na talaga, pag ako talaga napuno sa'yo naku bak-"

" Ano Kaia?hm?ano ngayon kong gusto kitang hampasin ha, ano ngayon!nakaka inis ka, may balak kapang magnakaw nag halik kanina ha, you shouldn't have kissed her kanina kung may balak ka palang halikan ako! Kadiri ka!" At yun nga ay pinagpapalo na niya ako kaya todo ilag naman ako sa mga hampas niya.

" Aray! Ma'am ano ba tama na, ang sakit na ah! ma'am pag hindi ka tumigil hahalikan talaga kita! Sigi ka!" Sambit ko habang nakatago sa mga braso ko.

Naramdaman kong tumigil siya kakahampas sa akin kaya sumilip ako sa kanya. She's like a mad lioness stalking her prey. Pero hindi na ako magpapadaig nang awra niyang yan. Nakakarami na siya ah, akala niya siguro hindi ko siya papatulan.

" Don't you dare kiss me again with that filthy mouth of yours Kaia!" Sigaw niya sa akin habang masama akong tinitingnan.

" Why ma'am? Why can't I kiss you hm?" Sambit ko habang dahan dahang lumalapit sa gwi niya.

Napaatras naman siya kaya napasandal siya sa pinto nang kotse ko.

" B-because I said so!ano ba l-lumayo ka nga!" She looked so helpless kaya napatawa ako.

" Wala ka pala ma'am eh." Sabi ko habang naka smirk sa kanya.

Tumalim lalo yung mga tingin niya sa akin kaya tinulak niya ako palayo. Nauntog pa yung ulo ko kaya napa aray ako. Mabilis siyang lumabas kaya madali kong inabot yung payong sa likod nang kotse ko at agad na lumabas at sinundan siya.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon