Hurt Me To Death

By YawningPotato

164K 2.7K 255

Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para... More

Hurt Me To Death
1st DROP : THE LIVING HELL
2nd DROP: DEVIL IN THE HELL
3rd DROP: PHOTOGRAPH
4th DROP: HE FORGOT
5th DROP: IT'S TOO LATE
6th DROP: NO, I'M STILL ALIVE!
7th DROP: MY CHANCE
8th DROP: DREAM?!
9th DROP: WELCOME BACK
11th Drop: DEATH BED
12th Drop: MEMORIES
13th Drop: BEGIN AGAIN
14th Drop: PROMISE BREAKER
15th drop- I Forgot AGAIN
16th Drop: Love you
17th Drop: Unconditional Love
18th Drop: Hugs
19th Drop: The Things I've Done
20th Drop: The Story Behind
21st Drop: Flash Back
22nd Drop: Hesitation
23rd Drop: Storm Within Me
24th Drop: The Day that was Forgotten
25th Drop: The Decision
EPILOGUE + BONUS CHAPTER OF MY NEW STORY

10th DROP:PRETEND

5.6K 82 2
By YawningPotato

CHAPTER 10

ALLIANAH

S-si Ritz? So nagkita na pala sila ulit? Kaya pala wala siya ngayon dito. Tingin mo ba ipagpapalit niya ako sa ex-fiance niya?

Oo naman, tanga ka ba? Ano bang pinanghahawakan mo?

Konting tiis nalang naman magiging mas maayos na ang relasyon namin ni Drake. Hindi ba bumabawi na nga siya sa'kin? Hindi ko naman 'yon minamadali. Kaya ko namang maghintay kahit pakonti-konting pagbabago sa pakikitungo niya sa'kin. Tingin ko pag-asa na 'yon para masabi kong magiging maayos kami.

Malaki 'yung tiwala ko.

Kaso.. dumating na pala si Ritz. Kung kailan naman may misyon ako na dapat tapusin.

Bakit ba kasi nagsimula sa katapusan 'tong istorya ko?

"You know what girl, sa hinaba-haba ng pagkakatulog mo dito, ni minsan, 'di ka nya dinalaw." Sabi ni Pat habang kinakain yung mansanas na nasa bed side table ko.

Aray.

Parang naramdaman kong may isang tibok sa puso ko 'yung sumikip, parang nalunod sa dugo.

Ano ba kasing laban ko kay Ritz? Hindi ba siya naman talaga ang pinili niya at hindi ako? Mga magulang lang naman namin 'yung pumili sa'kin para sa kaniya eh. Pero siya, si Ritz talaga ang mahal niya.

Para sa kaniya, isa lang akong malaking pader na humarang sa kaniya at pangarap nila.

Si Pat naman masyado sa pagbibigay ng inpormasyon sa'kin. Sana iniisip niya rin yung feelings ko 'no?

Teka nga, napaisip ako. Sinong bang may pake sa feelings ko?

"H-huh? Si Ritz? E-eh.. anong bago dun? Eh lagi naman siyang may kasamang babae ahh. So anong problema kay Ritz kung kasama man sila?" I manage to smile.

Seriosly, Alliah? Sinabi mo 'yon? Ano nga bang mali na kasama niya si Ritz na ex niya. Hmmm.. sige nga, ano bang mali?? HINDI BA LAHAT NANG 'YON MALI??

Oo na, mali na.. kahit ako natatangahan na sa sarili ko.

"Naisip ko lang na may pass sila at alam nating dalawang sobrang mahal na mahal ni Drake si Ritz. Alam ko rin kung ga'no 'yun kasakit sa'yo." Sabi ni Pat.

I sighed.

Alam naman pala ni Pat na masakit oara sa'kin pero bakit pa niya kinuwento? Kunsabagay, 'di ko rin naman siya masisisi. Alam ko naman na mangayayri 'yung ganito na darating si Ritz ulit para kay Drake pero hindi lang ako talaga gano'n kahanda.

Alam ko ang pipiliin ni Drake, hindi ko lang tanggap na hindi ako 'yon.

Totoo namang hindi ko mapapantayan si Ritz. Hindi ko alam kung ano 'yung mga pinagdaanan nila pero alam ko kung ga'no siya kaimportante kay Drake.

Ramdam ko na talo ako.. ramdam na ramdam ko.

Napatingin sa'kin si Pat na parang naghihintay ng sasabihin ko.

Huminga ako nang malalim kasabay ang paglunok.

"No, it's fine. Ano ka ba?" Sabi ko sa kaniya as I gave her a faint smile.

"Oh well, I am just concern. Knowing you, sobrang sensitive mo pagdating sa past ni Drake. Insecure ka sa sarili mo at hindi confident. Pero since you manage not to cry, masaya ko kasi mas matapang ka na ngayon." She said as she gave me a smile.

Tingin mo ba Pat, katapangan 'to? Kasi sana nga matapang na ko ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging ganito 'katapang'.. mahirap pala maging matapang. Parang mas mabilis nalang maging mahina.

Ngumiti nalang ako na parang inaassure sa kaniya na magiging okay din ako.

"Pag may nangyaring masama friend, tell me ahh. You know, we're friends at ayokong nahihirapan ka." Sabi ni Pat.

Ramdam ko naman 'yon, nagpapasalamat parin ako kasi kahit papaano may mga taong sumusuporta sa'kin dahil sa ganitong mga pagkakataon, 'yon talaga ang kailangan ko– suporta.

=====

Matapos ang kaunting usapan tungkol sa mga nangyari habang wala ako, napagdesisyonan kong matulog ulit at magpahinga. Para kasing nanlalambot pa ako.

Pagkagising ko mga bandang 3:00PM, napansin ko si Pat na nakahiga sa sofa malapit sa kama ko at ang mom ni Drake naman ay nakaupong natutulog sa tabi ko.

Tumayo ako para lumabas ng kwarto ko. Gusto kong lumibot sa labas kaso..

"AHHHHHHHH!!!!"

Para akong nanlambot sa nakita ko at parang automatic nalang akong napasigaw.

Argh!

Mga ilang segundo lang, may lumiwanag sa tabi ko at napansin ko nalang na nando'n si Light.

Mukhang iritable 'yung itsura niya at nakatingin sa'kin.

"Ano ka ba naman Alliah?! Bakit kailangang sumigaw ka pa?" Reklamo ni Light habang naka lagay ang hintuturo sa magkabilang tenga.

"What is this?!!!" Sabi ko habang nakaturo sa katawan kong natutulog.

Sino ba namang tao ang hindi sisigaw kung makikita niya 'yung katawan niya na natutulog habang siya naman eh nakatayo.

"Ngayon mo lang ba nakita 'yung katawan mo?!" Pilosopong 'to!

"Oo, nakikita ko 'yung katawan ko pero hindi habang tulog ako. Bakit bigla akong humiwalay sa katawan ko?"

Nanlalambot parin ako habang nakatingin sa sarili ko.

Patay na ba 'ko??

"Engot. Buhay ka pa! 'Wag ka ngang mag-panic at magpaka-OA, pwede? Kaya kong paliwanag 'yan." Sagot ni Light habang nakatingin parin sa katawan ko.

Lumapit siya dito na parang kinikilatis at dina-double chec pa niya kung ano ba talaga ang nangyari sa katawan ko at maya-maya pa'y humarap siya sa'kin.

"Congratulations! Astral traveler ka na." Nakangiti niyang pagbati.

Kailangan ko bang matuwa dahil do'n? Kasi 'yung tono ng boses niya parang sinasabi na "pasalamat ka,"

What the..?

"Bakit biglaan naman?" Naguguluhan na talaga ako buong akala ko magiging normal ako sa misyon na 'to at simpleng bagay lang ang gagawin ko. Hindi ko akalain na may mga twist palang ganito.

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng maayos at normal na buhay, mahirap bang ibigay 'yon?

Bakit bigla namang ganito?

"Alam mo, 'yung moment palang na kumuha ka ng misyon at muling bumalik dito, hindi na normal 'yon para sa mundo ng mga tao. Pero sa mundo naming nga Sprits, normal 'yon. Maraming nangyayari sa paligid mo nang hindi mo nalalaman," sabi ni Light sabay hawak sa kamay ko at dinala ako sa labas ng hospital room.

Tumambad sa'kin ang over crowded na hallway– over crowded, hindi ng mga tao kun'di ng mga spirits.

Maraming spirits na lumalakad pabalik balik at meron pang spirit na nasa harap ng hospital room na sarado, nakaupo siya do'n. May isa pa na nasa tabi ng tatlong taong umiiyak. Palagay ko pamilya niya 'yon at nalamang nabawian na siya ng buhay. Kita ang lungkot sa kaniya habang tahimik na nakatingin sa naulila  niyang pamilya.

"See? There is more that what you can see as a human. This is our world– our true world kung sa'n naghahati sa lugar ang mga spirits at mga tao. Kaya may mga guardian spirits kagaya ko na gumagabay sa mga spirits na 'yan na hindi na alam ang susunod nilang gagawin after nilang mamatay." Sabi ni Light at napansin ko nang may isang nakaputing spirit din na lumpit do'n sa isang spirit na nasa tabi ng pamilya niya at pagkatapos ng kaunting usapan ay bigla nalang silang nawala.

Gano'n din kaya ang mangyayari sa'kin? Tingin mo, kailan kaya?

"Oo, lahat ng spirits ganiyan ang nangyayari. Kaya oo, mangyayari rin 'yan sa'yo. Kung kailan, hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, may misyon ka na dapat mong magawa," sabi ni Light.

Tumingin naman ako ng masama sa kaniya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"Bakit kailangang palagi mong basahin ang isip mo??"

"Teka, 'wag kang magalit. Hindi ko kasalanan 'yon okay? The moment na pumayag ka sa kontrata, binigyan mo na ako ng karapatang marinig 'yang nasa isip mo. Hindi ko 'yon intensyon."

Tumalikod ako at bumalik na sa hospital room ko. Naroon parin ang katawan ko.

Ramdam kong sumunod si Light sa'kin. "Babalik na 'ko." Sabi ko nang hindi humaharap sa kaniya.

"Wait, 'pag bumalik ka, isang oras na ang nakalipas sa ordinaryong orasan na ginagamit ng mga tao."

Ano daw? May rules din pala ng time sa spirit world?! Nagpatuloy nalang ako sa pag pasok sa katawan ko.

Pagkamulat ng mata ko, napansin kong wala na si Pat sa sofa at ang mom ni Drake naman eh nakaupo sa couch malapit sa bintana. Nandito na rin si mama na nagpaalam kanina na aalis.

So, isang oras na pala ang nakalipas huh? Ito pala yung ibig sabihin ni Light.

Urggh. Ang sakit ng ulo ko.

"Oh anak? Buti naman gising ka na." Pagsalubong sa'kin ni mom habang papalapit sakin at hinimas ang buhok ko.

Lumingon sa direksyon namin ang mom ni Drake.

"Hija, sabi ko kay Drake dumaan siya dito to visit you." Sabi niya at lumapit sa akin.

"So, ano pong sabi niya?" Alam ko naman ang sagot pero parang may kung ano sa'kin na gustong itanong at malaman kung kaya kayang magbago ng isip ni Drake para sa'kin. Kaya bang magbago ng isip niya just to see me.

Gano'n ba 'ko kahalaga?

Wait, may halaga ba 'ko?

"He said, He'll come." Nakangiting sabi niyang sagot sa'kin.

Napahinto ako sandali na parang may kung makina sa puso kong bigla nalang naglaandar dito at ngayon, ang lakas ng kabog nito.

Teka.. 'di ba 'ko nabibingi? Mag-aaksaya s'ya ng oras para bisitahin ako?

---**To be Continued**---

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 652 53
"In the place where it all started, where I met him, and where it also end, should I go back and stay?" that was what Mira asked to herself. What wou...
88K 1.6K 41
Yllentell April Greid life change as she started to wish at Magical Feathers . It's a magical dust that led her life into Unknown place called QYLENT...
24.8K 857 46
Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl everyone envies and wants to be, she remain...
358K 5.8K 74
Status: Completed Ivan Lee. Pinaka leader ng Ginger Band na pinakasikat na banda sa buong bansa at sikat din sa ibang bansa. Idol ko siya. Grabe nama...