432128 (OS)

By AzileMadriaga

1.1K 74 75

Story of her undying love. #OneShotStory More

432128

1.1K 74 75
By AzileMadriaga

"Karen, 432128" Iyan ang lagi niyang sinasabi sa'kin tuwing uwian.

Tiningan ko lang siya at saka inirapan tulad ng lagi kong ginagawa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit dikit siya nang dikit sa akin.

Mag-aapat na taon ko na siyang kaklase. At sa loob ng taong iyon, palagi ko siyang pinagtutulakan sa iba. Napaka-clingy kasi niya at napaka-bolero pa.

Gustuhin ko man o hindi, parati kaming sabay pumapasok at umuuwi dahil magkalapit ang bahay namin. Minsan nga, naisipan kong magpa-late ng pasok para hindi ko siya makasabay, pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng gate namin, nandoon siya sa labas, naghihintay.

Kahit walang okasyon ay binibigyan niya ako ng apat na maliliit na piraso ng chocolate bar. Dahil sa ginagawa niya parati kaming tinutukso at napagkakamalang may relasyon kaya naman walang ibang naglalakas ng loob na ligawan ako.

Noong una naiirita ako, di ko naman kasi siya kilala ng lubos. Hanggang sa pinabayaan ko na lang at tinanggap na kahit kalian, hindi ako makakalayo sa matalino ngunit maingay, singkit, matangkad, moreno, kaklase at kapit-bahay kong si Milo.

Inisip ko na lang, malapit na kaming magtapos sa high school at kalaunan, lilipas din ang mga kalokohan niya. Baka nga isang araw, magising siya sa katotohanang hindi nakakatuwa ang mga ginagawa niya-na nakakasagabal na siya.

***

November 21 nang ligawan ako ni Bryan. Tatlong araw lang ang nakalipas ay sinagot ko na siya. Hindi na ako nagpa-hard to get pa dahil matagal ko na siyang crush.

Tatlumpung minuto na lamang ay magpapasko na kaya naman puno ng galak at pananabik kong kinuha ang cellphone ko nang nag-ring ito sa pagbabakasakaling si Bryan ang tumatawag, ngunit agad din itong napawi nang napag-alaman kong hindi siya.

Nalungkot ako. Mula kasi nang nakalabas kami sa condo ni Bryan ay hindi pa ito nagpaparamdam.

Masakit na nga ang damdamin ko, masakit pa sa pagkababae ko. Oo, ibinigay ko kahapon kay Bryan ang buong pagkatao ko. Gan'on ko siya kamahal. Handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Lahat ng hingiin niya ay ibibigay ko kaagad tulad na lang noong sinabi niya na gusto daw niyang 'S. O.' muna kami. Secret on. Labag man sa loob ay pumayag ako.

Pumayag akong itago ang tunay na relasyon namin sa likod ng maraming tao at ginamit namin si Milo para hindi kami mabuking. Noong una nakokonsensya ako sa pagpayag, subalit katagalan nakasanayan ko na rin.

Maganda ang reputasyon ni Bryan sa school dahil isa itong tanyag na varsity player. Maputi, matangos ang ilong at malakas ang appeal nito at halos lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Bilang girlfriend, hindi ko maiwasang 'di magselos, pero kada magseselos ako, iniisip ko siya. Baka kasi mas lumala lang ang sitwasyon kung paiiralin ko ang pagiging selosa ko.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luhang matagal ko ng pinipigilang bumagsak. Ang sakit. Parang ikinahihiya niya kung ano ang mayroon kami. Muling umagos ang mainit na likido sa aking mukha, subalit nagulat ako nang may nagpunas dito--- si Milo.

Tinanong ko kung anong ginagawa niya sa kwarto ko gayong nakasarado ito. Hindi ko kasi ugaling iwanang bukas ang pinto. Hindi niya ako sinagot sa halip ay binitawan niya ang mga katagang hindi ko inaasahang manggagaling mismo sa kanya.

"Iyak na. Alam ko kailangan mo ko"

Nang mga panahon na iyon, naging traydor ang mga luha ko dahil kahit gaano kalakas ang sigaw ko na hindi ko siya kailangan ay kusa itong bumagsak, lalo na noong niyakap niya ako. Napagtanto ko na tama siya. Ilang beses ko mang sabihing walang kwenta si Milo para sa akin, alam ng puso ko na hindi ito totoo.

***

January 14, nakipaghiwalay na ako kay Bryan. Napag-alaman ko na isang pustahan lang pala ang naganap. Pinagpustuhan ako ng mga kaibigan ni Bryan at isang dare lang ang nangyari sa amin.

Ito pala ang dahilan kung bakit bigla na lang naging malamig ang pakikitungo niya sa akin nitong nakaraang araw. Kaya pala ayaw niyang ipaalam sa lahat ang tungkol sa'min dahil isang basura ang tingin niya sa'kin at ang basurang tulad ko ay bumigay naman.

Pumunta ako sa bakanteng classroom at doon ay umiyak, subalit bago ako umalis ay siniguro ko munang nasampal ko silang magkakaibigan bilang ganti.

"Hanggang sampal lang ang kaya kong gawin. Napakahina ko talaga kahit kalian," paulit-ulit na bulong ko sa aking sarili sa pagitan ng hikbi.

Hindi pa ako nagtatagal sa lugar na 'yon nang dumating ang kaklase ko at sinabing nakipagsuntukan daw si Milo kina Bryan dahil sa'kin. Mabuti na lang naawat ko sila kaagad kundi bugbugsarado si Byran. Sa kasamaang palad, napadaan ang guidance counselor namin kaya naman pinatawag niya ang lima sa kanyang office. Makalipas ang pangyayaring 'yon, hindi ko na nakita pa sina Bryan at ang tatlo niyang kaibigan pati na rin si Milo.

Dalawang oras ang lumipas bago muling pumasok si Milo sa classroom. Ngumiti ito sa akin ngunit agad din siyang napangiwi sanhi ng sugat niya sa labi.

Naghati kami sa baon niya dahil nakalimutan kong kuhain ang baon ko kanina sa pagmamadaling pumasok. Sinigang na baboy ang ulam niya kaya naman hindi kami pwedeng magkamay. In the end, naghalinhinan kami ng gamit sa kutsara.

Tulad ng kagawian, pagkatapos ng klase ay sabay kaming umuwi. Nasa tapat na siya ng bahay nila at ako naman sa bahay namin nang sinabi niya na aantayin daw niyang makapasok ako sa bahay bago siya papasok sa bahay nila. Para talaga siyang bata. Napapailing iling ako habang pinipihit ang door knob at tuluyan ng pumasok sa loob. Tinukso pa nga ako ni Mama at sinabing boto raw siya kay Milo. Sa ikalawang pagkakataon ngayong araw na ito, napailing akong muli upang itago ang aking ngiti.

Makaraan ang ilang araw, mas naging sweet si Milo. Lagi pa rin niya akong binibigyan ng apat na pirasong chocolate. Out of curiosity ay tinanong ko siya kung bakit apat e 'di ba dapat tatlo lang para 'I love you.'

"Milo, I, love, you, anong ibig sabihin ng pang-apat?" wika ko matapos isa-isahin ang bawat chocolate na tila ba binibilang ito isa-isa.

Pinaulit niya ang tanong ko sa mas mabilis na bigkas. Ang hindi ko alam, nirecord niya pala ito at ginawa pang ringtone sa cellphone niya. Pulang-pula ako sa hiya noon at the same time, sa kilig.

Kapag gabi naman ay parati itong tumatawag sa akin kahit na wala naman siyang importanteng sasabihin. Dahil sa ginagawa niya, unti-unti kong nakalimutan ang sakit na dulot ng panloloko sa'kin ni Bryan.

***

February 14. Valentine's Day ngunit normal day para sa aming mga single. Normal at naging boring ang araw ko kahit na may pasok. Usually naman hindi ganito. Parati akong busy, not until now. Umub-ob na lang ako sa desk ko hanggang matapos ang klase.

Papalabas na sana ako ng room nang napansin ko na wala si Milo ganoon din ang mga kaklase ko. Kani-kanina lang nandito pa 'yun e. Hinanap ko siya hanggang sa makalabas na ako ng school.

Paglabas ko, nakita ko ang malaking banner na may nakasulat na 'Karen, 432128'.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets kung ano ang ibig sabihin ng katagang 'yon.

"Ano ba 'yan? Countdown? Bakit may number two at eight sa dulo?" mahinang wika ko na halos pabulong na.

Sa kakaisip, hindi ko namalayang nasa tapat ko na siya. Ngumiti ito ng malapad na siyang lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata saka ako inabutan ng bouquet. Kinantahan niya ako habang ang mga kaklase ko ay nakapalibot sa amin at nakisabay sa kanyang pag-awit.

Matapos ang awit ay niyakap niya ako ito atsaka muling umawit kahit na walang tugtog.

"There's only one thing, two do, three words, for you. Karen, I love you."

Agad akong napangiti nang na-realize kong 1234 by Plain T's ang kantang inaawit niya. Isa sa mga kantang parehas naming gusto.

"There's only one way, to say those three words.. That's what I'll do... Karen, I love you."

Halos lahat ay kinilig sa ginawa niya, ang iba pa nga ay nagtilian pa.

Kinalas niya ang pagkakayapos sa akin. Kinuha niya ang kamay ko bago lumuhod sa harapan ko sabay sabing, "Karen, will you be my girlfriend?"

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng lahat sa kabila nito ay may malakas na tensyon sa pagitan ng aking puso't isipan.

Pumikit ako atsaka yumuko bago inilabas ang mga katagang mabigat man sa loob ay kailangang sabihin, "Sorry".

Simula nang araw na 'yon hindi ko na siya nakita. Hindi na rin siya nagparamdam pa sa'kin. Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko at doon ay umiyak. Ang kaibahan nga lang, wala ng Milo ngayon. Wala ng dadamay sa akin.

Masisisi niyo ba ako kung naging duwag ako. Duwag na ipaalam sa kanya ang lahat ng kasamaan na ginawa ko. Ginamit ko siya noon sa pangsarili kong kagustuhan. Hindi ko rin masabi sa kanya na may nangyari sa'min ni Bryan. Natatakot ako na kapag nalaman niya iyon ay masasaktan siya.

Ano pa nga ba ang kaibahan ng kinakatakutan kong nangyari? Wala. Parehas kaming nasasaktan ngayon.

Alam ko, balang araw may darating na taong mas deserve niya kaysa sa akin at hindi nga ako nagkamali.

***

March 18 na kaya naman ang lahat ay abala sa pagpra-practice ng graduation. Matapos ang pagtatapat niya, hindi ko na siya nakausap pa.

Nasasaktan ako, pero pinipilit ko itong iwaksi. Pinipilit kong maging malakas sa paningin ng iba sa pamamagitan ng pagiging masayahin. Pinipilit kong magpakatibay tuwing nilalagpasan niya ako na para bang hindi niya ako kakilala. Pinipilit kong huwag umiyak t'wing mag-isa kong binabagtas ang daanan pauwi sa'min.

Akala ko kaya ko na, pero hindi pa rin pala. Lalo na noong pinakilala niya sa buong klase si Diane bilang girlfriend niya. Ang lahat ay nagulat sa balitang iyon, maliban sa akin.

Hindi na ako nagulat dahil nakita ko na sila noon sa park, isang linggo na ang nakalipas. Kahit madilim na ang buong paligid at umuulan ng makalas noon ay malinaw kong nakita ang mukha ni Milo kasama ang isang babaeng buhat-buhat niya sa kanyang likod. Mukhang papunta sila sa waiting shed upang makisilong tulad ko.

Pinagpapalo siya nang babae sa dibdib ngunit hindi man lang niya ito sinalag. Hanggang sa inakay niya ito pababa at lumuhod sa harapan niya sabay punas sa paa nito na tila ba isang prinsesa.

Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko at para bang tinutusok ito ng karayom nang paulit-ulit. Agad akong tumakbo papalayo sa kanila. Pakiramdam ko nang mga oras na 'yon, nakikiramay ang langit sa pagdadalamhati ko.

Ngayon nandito sila sa harapan ko--- sa harapan naming lahat. Hindi ako makapagsalita, ni makagalaw.

Bakit ganun? Kahit alam ko na, nasasaktan pa rin ako. Mas masakit pala kung ang mahal mo mismo ang magsasabi ng mga katagang ayaw mong marinig.

Tinitigan ko siya at nakita ko sa kanyang mga mata kung gaano niya kamahal si Diane.

Ang ngiti niya at kung paano niya ito protektahan upang hindi masaktan sa gitgitan ng mga kaklase ko ay sapat nang patunay na mahal niya ito.

Parang dati lang, sa akin lang siya ganyan. Parang dati lang, ako ang pinoprotektahan niya ang ganyan.

Tumingala ako upang mapigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

Masaya silang binati ng lahat habang ako naman ay lumabas at nagtungo sa powder room.

"Hindi ba ito naman ang gusto mo noon pa lang. Ang ibaling niya sa iba ang atensyon niya. Malaya ka na. Wala ng maghahatid-susundo sa'yo. Wala ng mangungulit. Wala ng magbibigay ng chocolate araw-araw. Wala ng tatawag tuwing gabi. 'Di ba ito naman ang gusto mo, Karen?" sabi ko sa aking sarili.

Humarap ako sa salamin at ngumiti kaso agad din itong napawi.

Hindi, kahit kalian hindi ko ito ginusto. Mahal ko siya. Matagal na. Hindi ko lang maamin sa sarili ko. Muling bumagsak ang luha ko nang naalala ko ang sinabi ng isang kong kaklase.

"Karen, sinayang mo lang ang pagkakataon. Alam mo bang ang ibig sabihin ng nakalagay sa banner?" Umiling iling ako sa kanya. Siya ang ipinadala ni Milo para raw hindi ako mag-isa sa pag-uwi.

"Ang ibig sabihin 'nun 'Karen, I love you to infinity.' Binaliktad lang niya 'yung unang apat na numero para 'di halata tapos kaya naging number eight ang dulo dahil nagkamali 'yung nagdikit. Pinanindigan na lang niyang number eight para mas madali raw matandaan. Alam mo bang siya pa mismo ang nagsulat 'nun. Nakakainggit ka nga. Napakaswerte mo sa kanya. Tatlong taon siyang naghintay para sa'yo--- ay hindi apat na pala. Kaya kung ako sa'yo, naku, babawiin ko agad ang sinabi ko. Halatang-halata naman na mahal ka niya," wika niya na nagpamulat sa akin na mali ang napili ko.

Limang taon na ang nakakalipas nang nakagraduate kami ng highschool at lumuwas ako dito sa Maynila. Sa loob ng taong iyon, pinilit kong ibaling ang pagmamahal sa iba. Nagkaroon ako ng boyfriend one at a time, pero walang nagtatagal nang isang buwan dahil isang tao lang ang tinitibok nitong puso ko.

Ang taong 'yon--- ang taong mahal ko, sa isang iglap ay parang bula na nawala sa isang maling desisyon.

Kung kaya ko lang ibalik ang araw, ibabalik ko ito sa araw na nagtapat siya sa akin, pero hindi ko kaya. Gusto ko mang ipagtapat sa kanya na mahal ko siya, huli na ang lahat. May mahal na siyang iba at masaya na sila sa isa't isa.

———— ——- ————

AzileM's Note: Dedicated to Ms. RiellaMisteryosa. Salamat po sa paggawa ng napakagandang BC.

Milo pronounced as Mi-lo not May-lo. Okay? Sana na-enjoy niyo ang POV ni Karen. Salamat po sa pagbabasa. <3

Continue Reading

You'll Also Like

79.4K 2.2K 28
GXG
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
86.8K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...