You're My Missing String [GYT...

Da gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 07

156 1 0
Da gytearah

CHAPTER 07 : GWY's POINT OF VIEW ★

"Tawagan mo nga ang Ate mo, bakit namatay ang tawag? Bakit siya sumigaw?"

Ano ba 'tong si Tito, bakit ba palagi siyang natataranta?  Siguro ay dahil na rin sa katandaan at sa mga pinagdaanan niya sa buhay.

"H'wag na po kayong mag-alala Tito, she's okay." 

"Eh tawagan mo nga."

Ano ba 'yan, wala nga akong load eh, uutang pa ako, tsk!

"Hello, Tyra? Pauwi ka na?"

"Oo, malapit na ako." Pinatay ko agad ang tawag.

"Malapit na raw po siya Tito. See, I told you, she's okay." 

Ang daya naman ni Tyra hindi ako isinama, yari talaga sa 'kin 'yon pag-uwi.

"Gwy, magpalit ka muna ng damit, natapunan ka ng gatas ni Clarry 'di ba?"

"Oo nga po Tito, amoy baby tuloy ako, baby niya, yieee.." Pumasok ako sa kwarto at naghanap ng sleeveless, init na init na ako, para akong inaapuyan, maybe because I'm hot, haha!

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit duguan ka?!!"

Napatakbo ako palabas, punong-puno ng dugo ang t-shirt ni Tyra, mayro'n din siya sa leeg at sa mukha, bigla akong kinabahan.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero kakapalit ko lang ng damit, madudumihan, dadami ang labahin e hindi naman ako naglalaba, haha!

"Ayos lang po ako Tito."

"Dadalhin ka namin sa clinic, sa hospital." Sabi ni Tita

"Tita, Tito, ayos lang po ako. Heto nga po pala 'yong susi, nasa labas po 'yong motor, salamat po."

"Hoy Gee Tyra, ano'ng nangyari d'yan sa damit mo?"

Napatingin siya sa damit niya at napakamot sa ulo. "Ay oo nga pala, nay tinulungan akong tao, nabangga siya at dinala ko siya sa hospital kaya ganito ang damit ko, wala kasing ibang tutulong sa kanya, ako lang ang tao sa sementeryo e. Ayos lang ako." Paliwanag ni Tyra

"Kinabahan ako sa 'yong bata ka, magbihis ka na at may pupuntahan tayo maya-maya."

"Saan po Tito? Nahanap na po ba si Rumel?"

"Hindi pa Gwy, iba ang pupuntahan natin. Sige na Tyra, magpalit ka na."

Sinundan ko si Tyra sa kwarto.

"So, pogi ba 'yong niligtas mo?" Biro kong tanong kay Tyra, nasa loob siya ng banyo at nagsa-shower.

"Hindi ko alam, puno ng dugo ang mukha niya."

"Nalaman mo ba kung ano ang pangalan niya?"

"Hindi, nataranta ako at tumulong lang ang purpose ko, bakit ko siya kailangan interview-hin? Ikaw talaga, tsk tsk! Pogi hunters."

"Kaysa naman sa 'yo na Chaka ang hanap." Natawa na lang ako, kaya hindi nagkaka-boyfriend 'tong si Tyra e, daming arte, gusto ganito, gusto ganyan, 'di tulad ko na basta pogi, jowa agad, sayang lahi hihi.

"Paabot nga ng tuwalya, nakalimutan ko e."

Kinuha ko ang paborito niyang brown towel at iwinagayway sa ere.

"Bilisan mo at nilalamig na ako."

"Heto na."

"Salamat Gwy, I love you."

Eww. "Yuck! Don't be too sweet, nandidiri ako."

"Arte mo." Sabi niya paglabas ng banyo at balak sana akong pitikin sa noo pero agad akong lumayo.

"Tumalikod ka nga, magbibihis ako."

"Eh ano naman kung makita ko 'yan e parehas lang naman tayong may ganyan." Sabi ko at hinila ang towel niyang nakatapis.

"Gwyyy!!" Sigaw niya at agad na tumalikod para magsuot ng underwear.

"Ano'ng nangyari d'yan sa likod mo?"

"Bakit?"

"Yung balàt mo, bakit ganyan ang kulay?" Kunot-noo siyang tumingin sa akin.

"Bakit? Ano'ng kulay? Fade na brown 'di ba?"

Dahan-dahan akong umiling. "Saglit, kunan ko ng picture."  Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa kama.

"Kulay pula, halos parang dugo na ang buong likod mo, imposibleng dugo 'yan nung tinulungan mo kasi naligo ka na 'di ba?"

"Kinakabahan ako sa 'yo Gwy Tara!" Kapag ako niloloko mo lang, tatamaan ka sa 'kin!"

"Mukha ba akong nagbibiro Ate Gee Tyra?? Alam mo namang never kong ginawang joke 'yang balàt mo." Pinakita ko sa kanya ang picture, hindi maipinta ang mukha niya.

"Baka nasobrahan lang sa  pagkuskos ko." Pilit siyang ngumiti

"Bilog ba ang buwan?"

"Hindi."

Nagpatuloy na siya sa pagsusuot ng damit.

"Gwy, bagay ba sa 'kin ang damit na kulay green." Humarap siya sa akin.

"Lahat bagay sa 'yo." Walang halong biro kong sagot sabay kindat sa kanya pero agad rin akong napakunot noo.

"Ano na naman?" 

"Nasaan ang G-cleft mong kwintas? Hindi mo 'yon tinatanggal 'di ba?"

Napahawak siya sa leeg niya at agad na nag-panic.

"Halaaa! Saan nahulog 'yon?" Tumakbo siya papasok ng banyo pero umiiyak na lumabas.

"Kailangan kong bumalik sa sementeryo, baka doon nahulog o 'di kaya ay sa hospital."

"Eh 'di ba may pupuntahan raw tayo, importante daw iyon sabi ni Tito."

"Importante din yung kwintas ko, 'yon lang ang kaisa-isang gamit ni Papa na mayro'n ako."

Niyakap ko siya. "H'wag kang mag-alala, bukas na bukas paggising hahanapin natin agad, halika na sa labas."

"Mauna ka na, susunod na lang ako."

Iniwan ko muna siya, gusto niya sigurong mapag-isa, ganyan din 'yong naramdaman ko nung naiwala ko 'yong sing sing na bigay ni Mama, umiyak ako pero hindi tumigil si Tyra sa paghahanap at nakita niya 'yon sa isang bakanteng lote, hindi ko alam kung bakit napunta 'yon doon e hindi naman ako napapadaan sa lugar na 'yon.

"Nasaan na si Tyra? Pupunta na tayo para hindi tayo gabihin, tawagin mo na."

"Tito, five minutes? Umiiyak pa eh, hayaan po muna natin siyang umiyak saglit."

"Bakit? Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Tita Alpa, "May masakit ba sa kanya?"

"Wala po. Nawawala po kasi 'yong kwintas niya na galing kay Papa, sobrang mahalaga po 'yon sa kanya, tulad po nito." Ipinakita ko ang sing sing na suot ko.

"Kay Arah 'yan?"

"Opo Tito, mayro'n po kaming gamit ng mga magulang namin, nasa amin na po ito simula bata pa lang kami, ibinigay daw po nila Mama kay Nay Shielo at kapag one year old na kami, iregalo raw po sa aming dalawa ni Tyra."

"Puno talaga ng misteryo ang mundo, may mga bagay na nangyayari na hindi mo aakalaing mangyayari."

Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ni Tito sa sinabi niyang iyon.

TYRA's POINT OF VIEW ★

Pilit kong tinitingnan ang balàt ko sa likod, pulang-pula at ngayon ko lang nakitang ganito ang likod ko, wala naman akong kinain, wala naman akong allergies, wala rin akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko.

“Natakot ako anak, nang ipinanganak kita ay namumula ang likod mi, akala mo'y dugong dumadaloy, pulang-pula ang kulay n'yan, palagi nga kitang dinadala sa doctor eh, nagbago lang ang kulay n'yan noong nag-isang taon ka na.”

Naalala ko ang sinabing 'yon ni Nay Shielo, akala ko'y tinatakot niya lang ako dati, bakit bumalik sa ganitong kulay ang balàt ko?

"Aalis na po ba tayo?" Tanong ko paglabas ko ng kwarto, bakit sila nakatingin sa akin?

"Okay ka na?"

"Ayos lang naman po ako Tito, tara na po?"

"Let's go, parating na 'yong kotseng susundo sa atin." Sabi ni Tito at hinalikan sa pisnge si Tita Alpa, "Babalik din kami agad, i-lock mo ang pinto ha."

"Mag-iingat kayo Mahal."

Ilang saglit pa'y may tumigil na kotse sa tapat ng bahay.

"Nand'yan na siya."

Naglakad kami palapit sa pulang kotse.

"Si Tito Chordie." Bulong ni Gwy

"Ano?" Hindi ko siya gaanong naiintindihan dahil may dumaang motor.

"Nothing, pasok na raw tayo sa loob." Binuksan ni Tito Drammy ang pinto at pumasok kaming dalawa, sa tabi ng driver naman siya naupo.

"Saan tayo Kuya?" Tanong ng Driver

"Sa Villa de Sanctuaryo. S’ya nga pala, ito si Gwy at Tyra, kambal na anak ni Arah at Clefford, siguro naman maniniwala ka na sa akin ngayon."

Lumingon sa amin ang driver. "Kamukhang-kamukha ni Emotionless, hindi pa rin ako makapaniwala." Sabi nito

"Tito Chordie niyo, bestfriend ng Papa niyo, kaibigan ng Mama niyo."

Napatingin ako kay Gwy, nakangiti lang siya sa akin.

"Hello po, nice to meet you." Bati ko bago umandar ang kotse, mahigit isang oras kaming nasa byahe, malayo ba talaga 'yong Villa de Sanctuaryo na 'yon? Sino ba talaga ang pupuntahan namin?

"Kuya Drammy, hihintayin ko na lang kayo dito sa labas."

"Sige. Kayong dalawa, halina na kayo sa loob."

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, nag-iisang bahay sa gitna ng gubat?

Ano'ng gagawin namin dito?

Sino'ng kikitain namin dito?

"Nandito na kami, ilabas niyo na siya." Utos ni Tito sa dalawang lalake

"Ano'ng ginagawa niya dito??!"

Napatingin ako kay Gwy. "Ano? H'wag ka nga'ng bumulong, hindi ko marinig e."

Papalapit sa amin ang tatlong lalake, ang nasa ginta at naka-wheel chair, may posas at naka-piring.

"Ihain ang hapunan." Utos ni Tito sa isang lalake, "Tanggalin niyo ang piring niya." Utos rin niya sa isa pang lalake.

Titig na titig ako sa lalakeng nakaupo sa harap namin.

Pamilyar, sobrang pamilyar ng mukha niya.

"Mike?! Ano'ng ginagawa niya dito? Pa'no 'yan napunta dito Tito? Hindi ba't nakakulong ang lalakeng 'yan?! Tito Drammy, bakit nandito si MIKE QUINTO??"

* End of Chapter 07 *

A/N : Heyiee Chubbabies 💜 enjoy reading! Don't forget to vote and comment, keep rockin' rockerzz!! 🤘

  >🎸

Continua a leggere

Ti piacerà anche

346K 12.8K 44
Rival Series 1 -Completed-
1.1M 46.6K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt, ˌab-sə-ˈ\ : complete and total : not li...
46.5K 802 89
Sabina Maliari is a woman with an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smar...
1.7M 72.2K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...