Wild Heart (Eastwood Universi...

By waurdltsj

396K 11.9K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... More

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 6

8.2K 312 22
By waurdltsj

I'm here at my own condo unit. It's been a week nung napagpasyahan nila Papa na mag-divorce na sila.

Hindi pa rin nawawala 'yung sakit at lungkot tuwing naiisip ko na wala na talaga 'yung pamilya ko na dati ay masaya pa. Ang hirap lang pakawalan nung mga memories na 'yon lalo na kung tumatak sayo lahat ng nangyari. 

Kasalukuyan na inaayos ko ang mga gamit ko na galing pa sa bahay namin dati. Hindi ko naman mapigilan na mapakibot ng labi ng makita ang mga pictures namin noon. 'Di ko namalayan na naisama ko pala 'yon sa mga nadala kong gamit. Balak ko lang naman sana dalhin 'yung mga damit ko e 'di ko naman namalayan na nilalagay ko na sa mga gamit ko.

Napatalon ako sa gulat ng may narinig akong tahol sa second floor ng aking condo. Napakunot ang noo ko nung makita si Zero na pababa sa hagdan at nagsimula na akong tahulan ng makalapit.

"Zero? What's wrong?" Tanong ko at hinawakan ang ulo nito. He just continue to bark kaya kunot noo akong tumayo sa sahig at pumunta ng kwarto para tingnan kung ano ang nakita niya doon.

Nang makaakyat ay tumingin ako sa paligid para tingnan kung may unusual na bagay na nandito pero wala naman.

I looked at Zero at doon siya nakatingin sa bintana kaya tumingin ako kung anong nasa labas. 

Tumingin ako sa baba at since nasa 16th floor ako, hindi ko makita ang nasa baba. Mayroon doon isang babae na nakatayo malapit sa kaniyang motorcycle habang tinatanggal ang kaniyang helmet. 

Dahil sa nakita, nagsimula na naman kumabog ang aking puso nang makita ang pamilyar na pigura ng babaeng nakasama ko noong nasa hospital pa si Dad. 

I looked at Zero and saw that he was sitting while wagging his tail, looking excited while gawking at me. I smiled at him and made him bark.

Natawa ako, "How do you know Ate Sid, hmm?" Tanong ko habang hawak ang ulo nito. He just lick my face that made me grimace.

Punyeta, 'di nag toothbrush ang pota.

"Ang baho ng hininga mo, Zero," ngiwi ko at iniwan na siya sa taas ng may ngiti sa labi. Kailangan ko na atang liguan ang alaga ko na 'yon. 

Hindi ko alam na dito rin pala kumuha ng condo unit si Ate Sid. Akala ko ay doon pa rin siya nakatira sa bahay ng tatay niya pero sabagay, matanda na rin naman si Ate Sid para doon pa tumuloy sa bahay ng tatay niya.

Lumipas ang mga araw ay nag focus lang ako sa pag aaral. Kahit na may problema na kinakaharap, patuloy lang kasi magkakanda letse na talaga ang buhay ko kung hindi pa ako mag aaral. Sino na lang ang bubuhay sa akin, 'di ba?

Kasalukuyan akong nasa karinderya pinuntahan namin last time ni Ate Sid. It's currently lunch time at naisipan ko na dito na muna kumain dahil si Adira ay sa iba daw magla-lunch. Ewan ko kung saan dahil hindi ko na tinanong. 

Um-order lang ako ng isang sisig at kanin since hindi naman ako gutom. Medyo nagtitipid din ako ngayon kahit na binibigyan pa rin naman ako ng 50k ng aking parents every three days. Natutukso na naman tuloy akong magwaldas sa binibigay nila, yawa.

Nagsimula na akong kumain nang nailapag na nila 'yung in-order ko nang bigla na lang may nagbagsak ng isang tray sa tapat kong upuan kaya napaangat ang aking tingin doon. 

I saw a smiling Freyja, "Hi!" Masigla nitong bati kaya ngumiti ako ng alanganin. Hyper niya ngayon e ang init init.

"Can I sit here?" Napatango na lang ako nang tanungin niya iyon habang nakaupo na. Wala na, nakaupo na siya, may magagawa pa ba ako?

Tahimik lang akong nakain sa aking pwesto hanggang sa napansin ko ang mga titig nito sa akin. I cleared my throat.

"M-may dumi ba sa mukha ko?" Alanganin kong tanong kaya natawa ito ng malakas bago mapainom ng tubig dahil may laman pa ang bibig niya. Salaula, ang pota.

She cleared her throat after that. 

"Um, may itatanong lang kasi ako," mahinhin na saad nito kaya napatango ako, sa pagkain ang tingin. Ang sarap nung sisig dito. Buti na lang talaga nakapunta ako dito. Bukod sa mura na ang pagkain, quality pa.

"May kilala ka ba na magaling kumanta? O kahit marunong lang?" Napaangat ang tingin ko ng marinig iyon. Bigla naman pumasok sa isipan ko si Adira kaya napangiti ako.

"We were really desperate na kasi since malapit na 'yung school anniversary and we're assigned to perform," medyo alanganin na sabi nito sa akin kaya napatango ako bago mapainom ng tubig.

Si Adira kaya? Pero kasi ayaw no'n sa atensyon kahit na famous na siya rito sa university. Isa rin naman 'yong introvert kaya baka hindi 'yon pumayag. 

Pero desperate na daw sila e. Ano ba 'yan!

"S-Si Adira," I blurted out bago ko pa mapigilan ang sarili. 

Anak ka talaga ng tokneneng, Dione! Isusumpa ka talaga ng kaibigan mo pag nalaman niya 'to!

"Pardon?" 

"Si Adira Tuazon, magaling kumanta 'yon," pag uulit ko sabay ngiti ng malawak. She just creased her forehead at napaisip.

"A Tuazon?" She mumbled. Mukhang hindi nito kilala si Adira kaya kinuha ko ang aking cellphone para ipakita ang mukha ni Adira.

"Hindi ka familiar sa kaniya. Eto siya," saad ko at pinakita ang litrato namin ni Adira kung saan maganda ako. Aba, minsan lang 'to. Tuwing magkasama kami e siya lang 'yung mukhang maganda sa amin.

"Ayan si Adira. Maganda 'yan na medyo mabait. Magaling din 'yan kumanta kaya for sure makakahakot kayo ng atensyon lalo na at Tuazon 'yan. Alam mo naman ang mga Tuazon," sabi ko at nagtaas ng kilay. Napatango tango lang naman siya bago tumingin sa akin. It looks like she's interested na.

"Do you have a video of her singing?" Tanong nito kaya napakagat ako ng labi bago mapatango. Pinipigilan ko lang talaga na tumawa tuwing naalala ang video ni Adira na nakanta nung high school.

Naghalungkat pa ako sa gallery habang hindi mapigilan na mapahagalpak ng tawa. Hindi naman kasi nakakatawa 'yung boses niya dito, it's just that her style that time is really jeje. Like, come on! 

Naka-salamin pa siya noon, 'yung pang nerd talaga at 'yung bangs ay parang kay Cleopatra. She has bob cut din that time kaya matatawa ka talaga.

Every time nga na nakikita niya 'yon ay napapahampas siya sa akin sa kahihiyan dahil ang pangit niya daw doon. Inis naman siya lagi e.

"Her voice is soothing. It's perfect," nakangiti nitong saad, sa video ang tingin habang pinapanood si Adira with a fond look on her face. Naningkit ang mata ko sa nakita. 

Hmm, bading 'to.

Tinago ko na ang cellphone at taas noong tiningnan ito, "Okay na ba si Adira sa inyo?" Tanong ko kaya napatango ito ng may ngiti sa labi.

"Yes. Thanks a lot, Dione," sabay ngiti. Nginitian ko lang din naman 'to ng matiwasay bago bumalik sa pagkain. 

Maya maya ay nahagip ng aking mata ang isang pigura na mukhang kanina pa ako pinapanood dito sa loob. 

She is leaning on her car with her arms crossed, looking at me like I did something illegal by just looking at those menacing glares. 

Natatakot man sa mga binibigay nitong tingin ay hindi ko pa rin maiwasan na mamangha kung gaano ito ka-cool ngayon kahit na napaka simple ng outfit niya.

She was just wearing a plain white shirt tucked in her black slacks. Suot niya rin ang kaniyang oxford shoes pati na rin ang kaniyang lab coat. Nang makita iyon ay napagtanto ko na kakagaling lang nito sa hospital.

Bumalik ako sa pagkain kahit na ramdam ko pa rin ang mga titig nito sa akin. Mukhang naramdaman naman ni Freyja ang pagkakabalisa ko kaya binigyan ako nito ng concerned look.

"Ayos ka lang?" Tanong nito kaya napatango na lang ako at pilit na iniiwas ang tingin sa direksyon ng babaeng masama ang tingin sa akin. 

Shuta, wala naman kasi akong ginagawa pero bakit parang ang laki ng kasalanan ko?

"Hey, you're sweating so hard," sabi nito at inabutan ako ng tissue na nasa tabi niya. Agad ko iyon kinuha dahil ramdam ko nga na tumutulo na ang pawis ko sa noo. Mainit kasi.

"Salamat," sabi ko at ngumiti dito. 

Babalik na sana ako ng sa pagkain ng may naramdaman akong madilim na aura sa aking likuran. Pati si Freyja ay napatigil sa pagkain at kunot noong napaangat ang tingin sa likod ko. Ako naman ay parang natuod sa kinauupuan. 

I flinched when I felt a hand on the back of my neck, massaging it, which made me melt in my seat.

"Ms. Tuazon. Good morning po," bati ni Freyja pero hindi iyon pinansin ni Ate Sid at tiningnan lang ako. 

"Morning," matipid na sagot nito kaya napatingin na ako dito. She have a cold look on her face while looking at me, na para bang wala itong ginagawa na nagpapalambot sa akin. 

Nakakapanghina.

"A-Ate Sid..." Turan ko kaya naglabas ito ng ngiti na hindi ko alam kung matiwasay ba o sarkastiko. Hindi ko rin kasi maintindihan ang mga mata nito ngayon, na pinapakita lang ngayon ay pagka-misteryoso.

Either way, nakakatakot pa rin talaga siya tingnan. 

"Good morning, Dione," her voice was raspy when she said that kaya para na naman nagrambulan ang mga hayop sa aking tiyan ng marinig 'yon. I don't know but hearing just her voice is enough for me to feel the kilig that they are talking about. 

Napahinga siya ng malalim bago saglit na binalingan ng tingin si Freyja at binalik rin sa akin, "Come with me?" 

Napakunot ang aking noo at napatingin sa plato bago mapanguso, "I'm not yet done." 

Her eyes turn soft, "I have foods in my car. Come," as well as her voice. Alanganin naman akong napatingin kay Freyja, na tumango lang sa akin ng makita na tiningnan ko siya. 

Bumalik ang tingin ko kay Ate Sid na nakatingin lang sa akin kaya tumayo na ako at kinuha na ang kamay na nilahad nito sa akin. 

"A-Alis na ako, Freyja," I smiled at her and that's when I felt a squeeze on my hand. I look at person but she is just looking at nowhere.

"Yeah! Thank you ulit, Dione," sabi nito kaya ngumiti ako ng mabait ito. 

"Let's go." Ate Sid uttered kaya mabilis ko na kinuha ang mga gamit ko sa upuan. Para na naman kasi siyang galit kaya dinalian ko na. 

Nang matapos kong makuha ay muli sana akong titingin kay Freyja nang higitin na ako ni Ate Sid papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang hindi natingin sa akin.

"Get in." 

Agad ko iyon ginawa kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kahit kasi binigyan ako nito ng ngiti kanina ay ramdam ko pa rin ang masama na aura nito kaya nagpapatinaod na lang ako.

Tahimik lang naman nitong binubuksan ang makina ng kotse habang blangko ang tingin na nakaharap sa steering wheel. 

Ilang minuto ang nakalipas ay tumingin ito sa akin ng blanko dahilan ng pagyuko ko sa kaba. Potangina naman.

"Seatbelt." She uttered kaya dali dali kong inayos ang seatbelt at dahil sa taranta, hindi ko iyon masuot kaya I frustratingly grab it while hissing. 

"Tsk. Let me," she said bago kunin sa aking kamay ang seatbelt at siya na ang nag-ayos non. Naamoy ko na naman ang mabango nitong hininga nang lumapit ito kaya napapikit ako. 

"You can open your eyes now," rinig ko ang pang aasar sa boses nito kaya agad kong minulat ang mata at umiwas ng tingin habang ang pisngi ay nagsisimula nang mamula.

"Are you expecting something?" Nang aasar na saad nito kaya napairap ako sa kawalan at hindi ito pinansin. She just laughed before focusing on the road.

Tama lang at ayoko pa mamatay.

"Where are we going?" Tanong ko matapos mamayani ang katahimikan sa kotse nito. 

She glance at me for a moment before looking back at the road, "I'm about to take you to some place," nakangiting saad nito kaya napakunot ang noo ko.

"Where is it exactly?"

"Just wait patiently, Dione," irap nito kaya natahimik ako at napanguso. 

Gayunpaman, ipinagpatuloy ko ang pagtatanong dito pero hindi niya pa rin iyon sinasagot kaya halos magligalig na ako sa kinauupuan ako.

"Is it going to take long?"

"How many hours are we going to be there?"

"Did you bring many foods?"

"Ate Sidraaaa!!!"

"Oh my gosh. Stop it, Dione. We're near na," Inis na usal nito na medyo may pagka-cute dahil naka side view ito sa akin at nakikita ko kung paano niya pinalobo ang pisngi kanina.

Her cheeks are chubby, hehe.

Umiwas na ako ng tingin dito at biglang nawala ang ngiti ng makita kung nasaan kaming lugar ngayon. Papunta ata kami sa bundok kasi puro puno na lang dito at napaka tahimik. 

Tinabi lang ni Ate Sid 'yung kotse niya sa tabi hanggang sa lumabas ito ng walang pasabi. 

Kinakabahan akong napakagat sa daliri ng may namumuo nang pangyayari sa aking isipan na sa tingin ko naman ay malabong mangyari kasi... mabait si Ate Sid talaga, promise!

Hindi niya naman ako ipapa-salvage dito, 'di ba? Kasi pota, ayoko pang mamatay. Huhu, gago, potangina talaga.

Mapapadasal ka talaga ng Angel of God ng wala sa oras. Yawa!

"What are you doing?" Biglang salita ng nasa labas habang nakadungaw sa akin sa bintana. Nakatingin lang sa akin ito ng naguguluhan, nagtataka sa mga inaakto ko.

Ngumiti ako ng alanganin dito, "Nagdadasal." Kumunot ano noo nito sa aking sinabi.

"Why?"

"Hindi mo naman ako papatayin, 'di ba?" Madrama kong tanong kaya lalong naguguluhan itong tumingin sa akin. Ang OA, Dione!

"What? Do I look like a serial killer? God, come outside!" Utos nito na agad kong sinunod. Galit na naman siya. Ang OA kasi kanina, Dione, talaga naman.

Pagkalabas ko ng kotse ay bumungad sa akin ang masasama nitong tingin pero nginitian ko lang siya ng alanganin at yumuko. 

Tumikhim naman siya kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya.

"Let's go," aya nito at naunang pumunta kung saan maraming tao at sobrang gubat na. Nanlalaki ang mata na pinanood ko 'to.

"Ate Sid? Hindi ba delikado diyan?" Kinakabahan kong tanong habang nakangiwi na pinapanood siya.

"No. I've been here many times so come on," pag aya nito habang nakatingin sa akin ng may malambot na ngiti. Napahinga ako ng malalim bago sumunod dito.

Kinuha ko ang kamay nito na nakalahad at tumapak sa bato na kinatatayuan nito which is a very wrong move dahil muntik na kaming mahulog doon kung hindi niya ako nahawakan sa bewang. 

Napatili ako sa gulat at napahawak sa balikat nito. Nanlalaki ang mata na napatingin ako sa aking kamay at akmang tatanggalin na 'yon sa kaniyang balikat nang pigilan ako nito.

"Hold onto me. Mahuhulog ka talaga pag 'di ka kumapit," mahinang usal nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Tumingin ito sa likod kaya napatingin din ako doon.

"I was about to say that you should step on that stone pero nauna ka kaya ayan." Parang naninisi pa nitong saad kaya nahampas ko ito sa braso ng hindi kalakasan.

"E bakit parang ako ang sinisisi mo?" Medyo inis kong turan pero ngumisi lang ito at humakbang papunta sa susunod na bato nang hindi binibitawan ang aking bewang kaya nadala ako. Tili lang naman ang aking nagawa habang inis na nakatingin dito. 

Medyo naguguluhan nga ako kung paano niya nadadala ang isang bag at ako habang naglalakad sa mga bato e ako pa lang ang bigat ko na. Ibang klase.

Matapos ang pang aasar nito ay nakarating kami sa isang lugar na hindi ko inaasahan na meron pala dito. Namamangha akong tumingin sa paligid at napangiti ng malawak when comfort started to consume my whole being.

There's a river here! I've been dying to see a river since I was a kid, ever since one of my classmates in elementary school told me how happy they were to spend their time on the river.

"This has been my comfort place since I don't know when," sabi nito habang nakangiting nakatingin din sa paligid bago ibaling ang tingin sa akin.

"You're having a lot on your mind right now and I thought that I could bring you here to make you feel better." Dagdag nito ng nakangiti. Napangiti rin naman ako ng matiwasay ng sabihin niya iyon.

"I hope this can help you, Dione." She said it to me, dearly kaya hindi na naman maiwasan ng puso ko na tumalon sa saya habang pinagmamasdan ang ngiti at naririnig ang mga sinasabi nito. 

She was such an angel.

"Thank you, Ate Sid." Naluluha kong saad, "This really make me feel better," sabi ko dito pero ngumiti lang siya at nilapag sa isang bato ang dalang bag. 

"Would you like to eat first or swim?" Tanong nito. Sasagot na sana ako ng may maalala ako.

"Wala akong dalang damit," I pouted. Paano ako makakaligo niyan? 

"I'm prepared, Dione. You don't need to worry about everything," nakangiting usal nito kaya napangiti rin ako, "Now, go and enjoy," sabi nito kaya tumalikod na ako at tumalon sa ilog.

Oh my, God! Ang lamig!

"That's a huge splash." 

Napabulanghit ako ng tawa ng makita si Ate Sid malapit lang sa akin na basa na ng tubig sa bigla kong pagtalon sa tubig.  

Napapailing itong natawa bago sumunod na tumalon ito kaya napatili ako. 

Pumasok sa ilong ko 'yung tubig, shuta.

Nanlalaki ang mata ko nang makita si Ate Sid na tanggalin ang puting t-shirt na suot kaya napatalikod ako ng wala sa oras.

Tangina.

Narinig ko naman ang pagtawa nito kaya uminit na naman ang pisngi habang mahina na nagmumura.

"B-Bakit naman kasi naghuhubad a-agad?!" Inis kong turan pero tumawa lang ito at maya maya ay naramdaman ko ang paglangoy nito papunta sa akin. 

"Why don't you take of your clothes too? Just leave your undergarments," sabi nito habang seryoso ang mukha nang tingnan ko ito. Pinaningkitan ko siya ng mata para tingnan ko kung nagbibiro lang siya pero tiningnan niya lang ako ng inosente.

"What?" Natatawa nitong saad, "Come on. It's not like I'm going to see that. The water is not that clear," sabi pa nito at lumayo sa akin. 

Napatingin naman ako sa tubig nang sambitin niya iyon. She's right. And also, we're both women, it's normal. 

Pero si Ate Sid kasi 'yan e! Bukod sa nakakahiya, nakakahiya rin ipakita 'yung katawan ko, shems!

Sa huli ay napagpasyahan ko na hubadin na rin ang suot kong pantalon at t-shirt at nilagay iyon sa lupa na malapit kong makukunan.

Namumula ang mukha na tumingin ako sa direksyon ni Ate Sid at nakita na seryoso lang itong nakatingin sa akin bago mapabaling sa mga damit na nasa likod. 

Suddenly, I saw how she blushed and gulped numerous times before averting her gaze at me. Napailing na lang ako at nagsimula mag floating so that I can see what's above. 

Bumungad sa akin ang mga nakaharang na mga puno sa sinag ng araw kaya napangiti ako. It's really comforting especially when I'm with someone that I'm very comfortable with.

Maya maya ay naramdaman ko ang paglapit nito sa pwesto ko pero hindi ako lumingon sa kaniya at patuloy lang pinagmasdan ang nasa taas.

"Are you feeling better now?" She softly asked, which made me smile more. I love how she talks to me with that soft voice. It makes me want to hear it for a long time.

"So much better," I mumbled, not looking at her. I heard her hummed in satisfaction. Ramdam ko pa rin ang mga tingin nito kaya umalis na ako sa pagkaka-floating at humarap sa kaniya. 

Now, our faces and bodies just have a mere distance to each other and I don't even feel a single discomfort while I'm this close to her. 

We stare at each other faces hanggang sa mapangiti na lang ako at ikinawit ang braso sa balikat nito. Kasabay nito ngayon ang pagpasok ng panibagong kanta na ni-play nito sa kaniyang cellphone bago siya pumunta dito sa tubig.

Where should we run to?
We got the world in our hands and we're ready to play
They say we're wasted
But how can we waste it if we're loving every day?
Okay, I got the keys to the universe
So stay with me
'Cause I got the keys, baby

Kasabay ng ginawa kong iyon ay paglipat din ng kanta na pinatugtog ni Ate Sid sa kaniyang cellphone bago lumusong dito sa ilog.

Nagulat siya sa aking inasta na siya rin naman ikinagulat ko. Hindi ko lang pinahalata dahil I initiate the move kahit na namumula na 'yung mukha ko. I don't know what happened. Bigla ko na lang naisipan na ilagay ang mga braso ko doon.

I was just staring at her when suddenly I felt her pair of arms encircling my waist not without squeezing it na nagpaigtad sa akin. 

Don't wanna wake up one day wishing that we'd done more
I wanna live fast and never look back, that's what we're here for
Don't wanna wake up one day, wondering, "where'd it all go?"
'Cause we'll be home before we know, I wanna hear you sing it

Akala ko ay makikita ko ang famous signature smirk nito pero bumungad sa akin ang mapupungay nitong mata na nakatingin sa akin. 

"Ate Sid---"

"Tell me what are you feeling right now," usal nito bago ko masabi ang gustong sabihin dito.

Hey, mama, don't stress your mind
We ain't coming home tonight
Hey, mama, we gonna be alright
Dry those eyes
We'll be back in the morning when the sun starts to rise
So mama, don't stress your mind
So mama, don't stress your mind

"W-Well, I feel so much better now and happy," sambit ko at tiningnan ito ng may ngiti sa labi, "Happy because one of my childhood dreams come true and it's because of you so," tumigil ako at nginitian ito ng malawak, "Thank you, Ate Sid."

She just smiled at my remarks before leaning her lips to my forehead, giving me a swift kiss there that made butterflies erupt in my stomach. I was shocked when she did that. Hindi ko alam ang gagawin bukod sa isara ang dalawang mata habang dinadama ang malambot na labi sa aking noo. 

It's making me scared. Not because I was uncomfortable.

It felt too good. 





"You're more than welcome, sweetheart."

Continue Reading

You'll Also Like

233K 5K 21
Ex ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
19.7K 819 48
A DarLentina/JaneNella Fanfiction where Narda Custodio has been infatuated with co-actress Regina Vanguardia but end up hiding her feeling for her be...
288K 11.6K 46
WARNING: MATURE CONTENT | R-18 | SPG (BxB) Kyle Xerxez Moriz isn't rich nor famous. He is just a man who want's to have a good future for his family...