Secretly Married To My Profes...

By EyeofMed

4.2M 136K 185K

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I h... More

Secretly Married to my Professor
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Wakas
Special Chapter-September
Special Chapter-Zahira
Special Chapter-Pamela

Kabanata 6

84.3K 2.9K 2.6K
By EyeofMed

***





Ilang araw na akong hindi kinakausap o pinapansin ni Zahira simula noong araw na sinundo niya ako sa coffee shop. Para ngang mas naging malamig ang pagtrato niya sa akin. Dahil ba iyon sa huling sinabi ko? Nasaktan siya? Bakit naman siya masasaktan? Pareho lang naman naming ayaw iyong meron sa amin, iyong pagpapakasal sa amin.



"Absent si Pam?"



Iyon agad ang bungad sa akin nila Sweden nang makita nila ako rito sa canteen na mag-isang kumakain. Tinanguan ko lang sila dahil wala rin naman ako sa mood magsalita at masakit din ang puson ko. Siguro ay dadatnan na ako.





Ilang beses ko ng tinawagan si Pam pero hindi siya sumasagot. Nagmessage lang ito na masakit ang ulo niya kaya hindi siya nakapasok at nang replyan ko ay hindi na siya muling nagmessage. Nag-aalala ako sa kaniya pero hindi ko rin naman alam kung saan ko siya pupuntahan dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira kahit kaibigan ko siya. Hindi ko tinatanong ang bagay na iyon dahil ayaw ko rin naman tanungin niya ako tungkol don.





"Ikaw, Ember? Are you okay? Namumutla ka." Tanong ni Kael sa akin at hinaplos ang noo ko. "Hindi ka naman mainit."




Hindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil parang may iba akong nararamdaman ngayon. "Pakiayos na lang 'to. Punta lang akong CR." Sabi ko at dali-dali nang lumabas ng canteen.





Nang makarating ako sa CR ay agad akong pumasok sa isang cubicle para icheck kung dinatnan na ako at doon ko lang napagtanto na meron na nga at sa kasamaang palad ay natagusan na ako. Bakit hindi ko iyon naramdaman kanina?





"Tangina naman," mura ko sa sarili dahil wala akong dalang pad ngayon. Ayaw ko nang lumabas para bumili ng pad dahil siguradong may makakakita sa mantya sa likod ng pants ko lalo na't khaki ang kulay nito ito.




Nakaupo lang ako sa nakatakip na bowl habang nag-iisip kung anong gagawin ko. Wala si Pam para tulungan ako ngayon. Hindi rin naman pwedeng sila Sweden at nahihiya ako. Iisipin ko palang sana si Zahira nang may kumatok sa pintuan ng kinalalagyan kong cubicle. Hindi ako umimik.




"Ember."



Hindi ko pa man binubuksan ang pintuan ay alam ko na kung sino iyon. It's Zahira. Hindi ko iyon inaasahan dahil sa ilang araw niyang hindi pagpansin sa akin plus bakit naman siya nandito? Nagdadalawang isip man ay pinagbuksan ko na lang siya.





"B-bakit?"




"Use this," malamig na sambit niya at inabot sa akin ang coat niyang gamit niya kanina at isang napkin.



"P-paano mo nalaman?" Curious na tanong ko.



"Mahalaga pa ba 'yon?" Irap nito sa akin. "Gusto mo bang umuwi para makapagpalit? I'll drive you home."


"May klase pa ako mamaya," sambit ko at kinuha na ang coat at napkin na binibigay niya.



"What's your next subject?"



"Auditing." Tipid na sagot ko dahil namimilipit na ako sa sakit ng puson ko. "Isa pa may klase ka rin."




Hindi niya pinansin iyong huling na sinabi ko. "I'll talk to Sir Ricky para maexcuse ka niya sa subject niya mamaya. Is that your last subject?"



Tumango ako. Pumayag na lang ako dahil hindi ko na rin kaya ang sakit ng puson ko. At hindi rin naman ako komportable sa suot ko ngayon lalo na't alam kong may tagos ako.



"Here's the car key. Mauna ka na lang sa parking lot, susunod ako. And also use my coat to cover your back." Nang masabi niya iyon at maibigay niya sa akin ang susi ng sasakyan niya ay umalis na siya para siguro kausapin si Sir Ricky and also to update her students na malelate siya.




Inayos ko na rin muna ang sarili ko at sumunod ng lumabas, dumiretso ako sa parking lot, sa sasakyan ni Zahira. Hinintay ko siya roon ng ilang minuto bago siya dumating.



"Are you okay?" Tila nag-aalalang tanong niya. "You look pale."



I nodded, "masakit lang iyong puson ko."


Kahit malamig ang mga titig niya sa akin ay pansin ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya kung hindi ako nagkakamali. O baka ginagawa niya lang ito dahil baka malaman ng parents ko kapag hinayaan niya ako. Baka nahihiya lang siya sa parents ko.



"Wait for me here. I'll just buy you medicine for your dysmenorrhea," sambit nito nang tumigil siya sa isang drugstore.


Hindi na lang ako umimik at pinikit ang mata ko habang hawak ang puson ko. Kaya ayaw na ayaw kong dinadatnan dahil palaging ganito ang pakiramdam ko. Bukod sa nawawalan ako sa mood ay grabe kung sumakit ang puson ko at likod. Para akong hihimatayin, nawawalan ako ng lakas.



Huminga ako nang malalim at muling dinilat ang mga mata. Saktong kalalabas ni Zahira mula sa drugstore kaya napatingin ako sa kaniya. Puting may kanipisang blouse ang suot nito dahil nasa akin ang coat niya kaya medyo halatado ang katawan nito ang suot niyang bra. Natucked-in ang blouse niya sa gamit niyang itim na trouser kaya halatadong-halado na naman ang kagandahan ng katawan niya. Hindi nagtatanggal ng coat si Zahira sa school, ngayon lang dahil nga binigay niya sa akin iyon.



Habang naglalakad ito papalapit dito sa sasakyan niya ay napansin ko ang pagtingin ng guard at iyong dalawang lalaking customer sa kaniya mula sa pintuan ng drugstore. Hangang-hanga ang itsura nila na parang isang artista iyong tinitignan nila. Well, hindi ko sila masisisi. Lakad palang kasi ni Zahira ay nakakapang-akit na. Ang classy ng bawat hakbang niya.



"Have you had your lunch?" Tanong nito sa akin nang makarating na siya.




"Y-yes," nauutal na sagot ko. Bakit ba ako nauutal?



"Take this, para maibsan kahit papaano iyong sakit ng puson mo. Hindi mo na rin kailangan bumalik pa ngayon sa school, I already talked to your prof. Magpahinga ka na lang muna sa bahay." Kalmadong sambit niya at binigay sa akin ang isang bottled water at gamot.


Tanging tango lang ang naisagot ko dahil hindi ko alam kung anong irereact ko sa pagiging mabait niya ngayon. Hindi ako sanay sa ganito.



Nang makarating kami sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan dahil kanina pa ako hindi komportable sa suot kong may tagos pati sa panloob ko.



"Masakit pa rin ang puson mo?" Tanong ni Zahira sa akin nang pagbuksan ko siya ng kwarto.


Tumango ako.


"Use this," inabot niya sa akin ang hot compress, "message me if you need anything. Papasok na ako." Dagdag na at umalis na, siya na rin ang nagsarado sa pintuan ng room ko pagkatapos niyang maabot sa akin ang hot compress.



Dahil hindi ko rin maitulog ang sakit ng puson ko ay naisipan ko na lang manood ng korean series sa TV. Itutuloy ko na lang iyong hindi ko matapus-tapos na pinapanood ko tital ay wala rin naman akong ibang gagawin.


Habang nanonood ay naisipan kong magcheck ng social media account ko. Walang bago, puro lang friend requests or followers ang nakita ko. Hindi ako palapost sa social media. Minsan lang kapag naisipan ko o kapag nasa mood akong gawin iyon.



Napadpad ako sa instagram at chineck ang sarili kong profile, isa lang ang nakapost na picture roon at hindi ko alam kung sino na ang nagpicture sa akin no'n dahil matagal na rin. Pakiramdam ko kasi ang ganda ng pagkakakuha no'n so I posted it.


Hindi ako active sa social media pero marami pa ring nag-aadd o nagf-follow sa akin, karamihan ay mga schoolmates ko lang din o 'di kaya'y kaklase. Marami ring nagmemessage, halos lahat ay hindi ko kilala kaya hindi ko pinapansin o binubuksan.



Ilalagay ko na sana ulit sa gilid ko iyong cellphone ko nang maisipan kong i-search ang pangalan ni Zahira. Hindi kami nakafollow sa isa't, hindi rin naman nakaprivate kaya malaya kong nakikita ang profile niya, ayon nga lang at wala naman siya ni isang post. Wala siyang fina-follow pero ang daming nagf-follow sa kaniya. Sa ganda ba naman niya, she's also famous sa school at sa kahit saan ata.

(Zahira's instagram account)

Stolen photo ang gamit niyang profile picture. Nakasuot siya roon ng sweater habang nagsusulat, nakalugay ang buhok, at hindi nakaharap sa camera. Iyon palang pero ang dami na niyang followers agad. Halata ring matagal na iyong picture niyang iyon, kung hindi ako nagkakamali ay picture niya pa iyon noong college pa siya dahil may bangs pa siya ro'n at ngayon ay wala na. Tila malayung-malayo rin ang personality niya sa picture na iyon kumpara sa Zahira ngayon na kilala ko pero iyong kainosentehan na kaniyang mukha ay hindi nawawala.

(Zahira's profile picture)

Ibaback ko na sana ito nang biglang may kumatok sa pintuan ko kaya nagulat ako at muktik ko pang mahulog ang phone ko. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin si Manang Flor dala ang isang tasa.



"Tinawagan ako ni Zahi, puntahan daw kita at sumasakit ang puson mo. Ayos ka lang ba rito?" Tanong nito sa akin at pumasok na. "Inumin mo ito habang mainit pa para sa puson mo." Sambit niya at nilapag ang tasa sa table na nasa bed side ko lang.



"Masakit pa ang puson ko pero kaya naman po. Thank you, manang." Sabi ko na lang at kinuha iyon. It's a tea. Maayos naman ang amoy no'n iyon nga lang at medyo mapakla ang lasa.



Nang umalis si Manang Flor ay muli kong kinuha ang cellphone ko at agad akong nanlumo nang makitang nakafollow na ako kay Zahira. Napindot iyon kaninanang magulat ako dahil kay Manang Flor. Ginulo ko ang buhok ko at napaupo mula sa pagkakasandal sa headboard ng bed ko. I-a-unfollow ko na sana siya namg biglang tumunog ang phone ko, may isa akong notification. Napalunok ako nang makitang finollow back ako ni Zahira. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko ngayon. Ako lang ang nag-iisang finollow niya.



Dapat ko ba siyang imessage? Dapat ko bang sabihin sa kaniya na hindi sadya iyon? Na napindot ko lang 'yon at ayaw ko siyang i-follow talaga.



Tila nawala ang sakit ng puson ko dahil doon. Nasampal-sampal ko rin ang sarili dahil sa frustration na nararamdaman. Natigil ako nang muling tumunog ang phone ko, may isang bagong message sa instagram ko. Pumikit ako at dahan-dahang minulat ang isang mata ko para tignan kung kanino galing 'yon. It's from Zahira.



Bubuksan ko ba? Babasahin ko ba? Ayaw ko sana itong buksan pero tila may sariling utak ang mga daliri ko.


Bakit kahit sa chat ay rinig ko pa rin iyong malamig at seryoso niyang boses? Pakiramdam ko ay nakikita ko siya ngayon habang sinasabi niya iyon.


I replied back dahil naseen ko na ang message niya at baka kung anong sabihin niya sa akin pagkatapos ng ginawa niyang pagtulong sa akin kanina.



zahira.hernandez

Do you feel better now?

Yeah, thank you.




Okay, kalma, Ember. Sambit ko sa sarili ko nang masend ko ang reply ko sa kaniya. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala na akong natanggap na message niya.

Oh, ba't parang disapointed ka? Parang hindi ko kakampi ang utak ko dahil sa naiisip. Gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko.

Sa inis ay basta ko na lang tinapon ang cellphone ko sa gilid ng bed ko at muli nang nahiga. Hindi na rin ako makapagfocus sa pinapanood kong korean series kaya pinatay ko na rin ito at naisipang matulog na lang dahil inaantok din naman ako.



Alas sinco na nang magising ako. Hindi na rin masakit ang puson ko kaya bumangon na ako at muling nagshower at nagpalit. Dala ang tasa ng tea ay bumaba ako at nadatnan ko si Zahira na saktong paakyat na rin ng hagdan, kararating niya lang.



Muli kong naalala iyong kanina, iyong hindi sadyang pagfollow ko sa kaniya. Baka sabihin niyang ini-stalk ko siya—chineck ko lang naman iyong profile niya dahil na-c-curious ako.




"Hindi na ba masakit ang puson mo?" Agad na tanong nito sa akin nang makita na niya rin akong pababa.




Tumango ako, "o-okay na ako. Uh," hindi ko matuluy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil nahihiya ako.




"Hmm?"



Nang-aakit ba siya?



Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Magkalapit lang kami ngayon kaya kitang-kita ko ang kulay brown at malalamig niyang mga mata. Ang hahaba rin ng pilikmata niyang nakaluhod, pointed ang maliit na ilong, ang kinis ng mukha niya at kahit ata kaunting pores ay wala akong makita. Natigil ang mga tingin ko sa labi niyang mapupula—




"Ember."



Natigil ako sa pagtitig sa kaniya at napatingin sa ibang direksyon, "uh, t-thank you... sa pagpapahiram no'ng coat mo, sa napkin, sa paghatid sa akin, at sa gamot kanina."


"Okay," iyon lang ang sagot niya at pagkatapos no'n ay dinaanan na lang niya ako, naglakad na siya papunta sa room niya.



Tinignan ko siya nang masama kahit alam ko nang hindi na niya iyon makikita dahil nakatalikod na siya sa akin. Parang gusto kong bawiin iyong pag-thank you ko sa kaniya pero hinayaan ko na lang, kung hindi naman dahil sa kaniya ay baka hanggang ngayon nasa CR pa rin ako ng school.



Pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng pagkain dahil kanina pa ako nagugutom. Nagccrave ako pero hindi ko alam kung sa anong pagkain.



Bubuksan ko na sana ang fridge nang makita kong may fries, burger, at chicken sa table. Halatang bagong order lang iyon. Natakam agad ako dahil sa nakita ko. Ngayon ay alam ko na kung saan ako nagccrave. Pero sinong bumili nito? Si Zahira?



Nakatitig lang ako roon sa mga pagkain. Iniisip kung gagalawin ko ba o hindi, kung pupuntahan ko ba si Zahira para tanungin kung kanino 'to o huwag ma lang.



"Oh, bakit hindi mo pa ginagalaw 'yan, Ember?"



Napalingon ako kay Manang Flor nang magsalita ito.



"Binili 'yan ni Zahi para sa 'yo. Sabihin ko raw na sa iyo 'yan."



Nginitian ko lang si Manang Flor. Hindi ko alam kung anong meron at ginagawa ito ni Zahira. Ayaw kong isipin na concern siya sa akin dahil alam ko namang hindi iyon totoo. Alam kong ginagawa niya ito dahil may iba pa siyang dahilan.













To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

60K 1.5K 39
Anong klaseng eskwelahan ito? Napaka misteryoso. Sino ba ang nagtayo ng ganitong klaseng unibersidad ? Anong klaseng mga estudyante ba ang mga nagaar...
4.3M 168K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
2.7M 69.4K 50
~COMPLETED~ Elite series (1) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the au...
234K 5.6K 30
Dorothea, a girl who loves to prank, she had to prank Raidon Miller, in exchange for multiple subscribers on YouTube. But she pranked the wrong perso...