Sa aming silid-aralan
Simulan natin sa unang pasukan
Mababait at napakatahimik
Pagdaan ng araw ay nagsimula nang umimik
Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan
Sa lahat ng bagay laging nagtutulungan
Sari-saring tawanan at kulitan
Kahit na pinapagalitan
Makaalis lang ang guro
Maingay na at magugulo
Pagdating ng guro
Lalo pa'ng nagkakagulo
Kapag pinagalitan
Nagagawa pang makipag-biruan
'Pag diskusyon tinutulugan
Tanungin mo at di kayang sagutan
May pang-FB, tiktok, at ML
Wala namang ballpen at papel
Lahat ng kalokohan
Sa aming seksyon matatagpuan
Kaya huwag tularan
Ang aming mga katarantaduhan
Kaya't hindi namin malilimutan
Ang aming silid-aralan
081022