Kontinenteng Asya, nasa timog-silangan
Ating mahalin, ating lupang sinilangan
Ating tangkilikin, kung anong meron sa'tin
Ating pahalagahan, ang mga gawa natin
Pambansang wika, ating galangin
Sariling wika, ating gamitin
Mga banyagang wikain, maaari namang gamitin
Huwag lang piliin, bilang pangunahing wikain
Paggamit ng po at opo,
Maipakita ang pagiging Asyano
Pagmamano at respeto,
Simbolo ng pagiging Pilipino
Pambansang awit, ating respetuhin
Pambansang bandila, ating galangin
Dapat sa puso maramdaman,
Ang pagmamahal sa ating bayan
...akin nalang sasabihin,
Salamat sa pakikinig sa akin
(08/08/19)
YOU ARE READING
Book of Poetry
PoetryThis book contains random poems that I created about love, sadness, happiness, dreams, nationalism, church, God and the likes. Feel free to read at your most comfortable time... These are written in English, Filipino and Cebuano languages, dialects...