Secretly Married To My Profes...

By EyeofMed

4.2M 135K 184K

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I h... More

Secretly Married to my Professor
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Wakas
Special Chapter-September
Special Chapter-Zahira
Special Chapter-Pamela

Kabanata 4

78.7K 2.8K 2.4K
By EyeofMed

***






Ang bango. Amoy vanilla iyong naaamoy ko ngayon. Bagong laundry ata itong unan ko.



Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa aking unan, ang komportable at parang ayaw ko nang gumising muna. Ang sarap matulog.



Dadamhin ko pa sana iyong yakap kong unan pero naisip kong exam na namin mamaya at kailangan ko ulit magising nang maaga para i-review ulit iyong notes ko at baka makalimutan ko.


Pinilit kong buksan ang mga mata ko kahit antok na antok pa pero tila nawala iyong antok na nararamdaman ko nang mapagtantong hindi unan iyong niyayakap ko kanina. Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napalunok. Dahan-dahan din akong lumayo mula sa pagkakayakap ko kay Zahira para sana hindi siya magising but I was wrong 'cause she's already awake o baka hindi siya nakatulog?



"S-sorry," kabadong sabi ko at tuluyan nang bumangon.



Pumikit lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Maya't maya ay bumangon na rin siya, she yawned, at pagkatapos no'n ay pinasadahan ng mga daliri niya ang kaniyang buhok habang ang mga mata'y nakapikit pa rin. Halata ngang hindi siya nakatulog.



"B-balik na ako sa kwarto ko." Paalam ko at kinuha na lahat ng mga reviewer ko, hindi ko na rin hinintay pa ang sasabihin niya at umalis na para magkaroon pa siya ng time makapagpahinga.


It's already 4 in the morning at alas otso pa ang start ng exam namin kaya may ilang oras pa ako para magreview at mag-ayos mamaya. At may ilang oras pa para matulog si Zahira.



Maling desisyon na pumayag akong matulog doon. Siguro ay nagsisisi rin siya sa desisyon niyang pinatulog ako roon.


Napakamot ako sa ulo ko. Parang hindi ko kayang magfocus ngayon dahil sa nangyari kanina. Parang nararamdaman ko pa rin iyong sarili niyang kayakap ko kanina. Iyong mabangong amoy niya, parang nalipat sa damit ko.


"Ilang oras ang tulog mo?" Tanong sa akin ni Pam, "mukha kang zombie."


Nasa school na ako at lahat pero iyon pa rin ang laman ng isip ko. Iyong pagkakayakap ko kay Zahira, iyong pagsiksik ko sa katawan ko sa katawan niya.


Napahilamos ako gamit ang dalawa kong palad, "antagal, gusto ko nang mag-exam," para matapos na itong araw na ito para mawala na sa isip ko iyon.


"Si ma'am Zahira raw ang proctor natin kasi nagkaemergency iyong dapat na proctor natin," narinig kong sabi ni Clarence sa harapan.


Maraming nadismaya dahil hindi uubra ang cheating kay Zahira. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat.


"Good morning, ma'am," bati ng lahat nang makapasok na siya.


Hindi siya bumati pabalik, tumango lang ito at pinapasa na ang mga test papers. Walang imik ang lahat, nakafocus lang sa sari-sariling papel dahil maya't maya nakatingin lang sa amin si Zahira.


Habang nag-eexam ay may kumalabit sa akin, si Pam na nakanguso sa harapan kaya napatingin na rin ako roon. Si Zahira ang tinutukoy niya na maya't maya ang paghihikab.


Sa totoo lang ay naguiguilty ako. Halata sa mata niyang wala siyang tulog at dahil iyon sa kagagawan ko. Pero sino ba kasi ang nagsabing matulog na lang ako sa room niya?


"Mukhang pinuyat siya ng asawa niya kagabi," bulong sa akin ni Pam.


"Gago," I mouthed back at hindi na siya ulit pinansin pa, baka mamaya ay makita kami ni Zahira.


Nang matapos kong sagutan ang papel ko ay hindi ko muna pinasa. Nagkunwari akong sumasagot pa para hindi madistract ang mga kakaklase ko kapag bigla akong tumayo at magpasa.


Muli akong tumingin sa harapan, kay Zahira pero agad akong napayuko nang makitang nakatitig siya sa akin o nasakto lang siyang tumingin sa akin nang tignan ko siya?


"Ms. Garcia, are you done?"


"H-ha? I mean, m-ma'am?" Wala sa sarili kong tanong nang marinig kong tawagin niya ako.


"Are you done?"


"Not yet, m-ma'am." Pagsisinungaling ko.


Maayos na natapos ang exam namin. Tatlong subject ang inexam namin ngayon araw kaya mabigat lalo na't puro iyon major subjects. Kahit papaano'y nasagutan ko naman ang mga tanong nang hindi masyadong nahirapan. Ganoon siguro talaga kapag nagreview.


Nasa elevator na ako ngayon, siksikan ang mga estudyante dahil pauwi na. Nasa 4th floor pa kasi ang room na pinag-examan namin kaya walang may gustong gumamit ng hagdan. Iyong iba'y nagtutulakan na para lang makauna sa loob, mabuti na lang at nakapasok na ako pero naiipit dahil sa dami na nasa loob.


"Aray! H'wag nga kayong magtulakan," naiinis na sambit ko nang masiko ako ng isa.



Magsasalita pa sana ako nang may maramdaman akong humawak sa braso ko na tila marahan akong hinihila para hindi tulak ng iba. Nang tignan ko ang may-ari sa kamay na iyon ay napalunok ako. Si Zahira. Seryoso lang ang mukha nito pero hindi siya nakatingin sa akin.



"S-sunod na lang pala kami. Sige na kayo na muna," narinig kong sabi ng isa kong kaklase at lumabas ang apat. Nakatingin silang lahat kay Zahira na ngayon lang siguro nila napansin.



Ngayon ay iilan na lang kami sa loob. Nang sumarado na ang pinto ng elevator ay naramdaman ko na ang pagtanggal ni Zahira sa kamay niya sa braso ko.



"Good bye, ma'am," paalam ng mga kaklase ko at nauna nang lumabas ng elevator.


"Uh, g-good bye, ma'am" awkward ding paalam ko dahil baka may estudyante pa.



"Hindi ka ba sasabay?"



Napalinga-linga ako, mukhang wala naman ng estudyante.



"Hindi. Baka may makakita. Magco-commute na lang ako." Sambit ko habang ang mga mata'y tumitingin sa paligid. Nauna na rin akong maglakad para mas sigurado pero natigilan ako nang magvibrate ang phone ko kaya tinignan ko muna iyon.



Pam:

HOY, GAGA! NASA BAG KO IYONG WALLET MO. NILAGAY NILA KAEL. WALA AKONG KINALAMAN SA KAGAGUHAN NILA, ISA LANG DIN AKONG BIKTIMA!



Napapikit ako at napahaplos ng noo dahil sa nabasa ko. Naglakad ulit ako paatras hanggang sa makasabay ko na si Zahira.



"Sasabay na lang pala ako." Kunwari'y parang wala lang na sambit ko, hindi nakatingin sa kaniya.



"Magcommute ka na lang."



Napamaang ako at napatigil nang marinig ko iyon. Nauna na siyang maglakad at iniwan ako pero hindi ako natinag at sinundan siya dahil kung hindi ay baka maglalakad ako pauwi. Ano ba kasing trip nila Kael sa buhay at wallet ko pa talaga iyong pinagtripan?


"Edi pahingi munang pera, bayaran ko kapag nasa bahay na." Sabi ko at ngumiti ng peke.



"I don't have cash here," malamig at seryosong turan niya.



Inis akong umirap, "okay." Nagsimula na akong maglakad nang mabilis na tila nagdadabog.


Nakita kong may isa akong kaklase sa 'di kalayuan. Tatawagin ko sana siya para utangan pero may humila sa akin hanggang sa parking lot.


"Get in," walang kagana-ganang usal ni Zahira matapos niya akong hilahin.


Tila slow motion akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Napalunok ako, naramdaman ko rin ang paglundag at pagbilis ng tibok ng puso ko.


"P-paano? Hindi mo pa ako binibitawan," sambit ko.


"Okay," sabi nito matapos niyang tanggalin ang nakahawak niyang kamay sa akin, dumiretso na rin siya sa driver's seat.



"Kalma," hawak ko sa dibdib ko at huminga muna ng malalim bago pumasok sa passenger seat.


Katulad ng dati, wala pa ring imikan habang nasa byahe pauwi. Nasanay na rin naman ako sa ganito kaya ayos lang sa akin. Hindi rin naman ako palaimik na tao. Hindi ako iyong tipong mag-uumpisa ng usapan.



Nasa kwarto na ako ngayon, tapos na ring kumain kaya hinaharap ko ulit itong reviewer ko. May tatlo pa kaming ieexam bukas, sa susunod na araw naman ay dalawa.


Bubuklatin ko sana iyong isang libro ko nang tumunog na naman ang cellphone ko. Una kong nakita ay iyong oras bago ang pangalan ni Pam na tumatawa. Alas diyes na, anong kailangan ng babaeng 'to?


"Pam?" Bungad ko pero narinig kong umiiyak ang nasa kabilang linya. "Pam, are you okay? What happened?"



"Nakakapagod," mahina ngunit rinig kong sambit niya, maya't maya rin ang paghikbi niya.


"Where are you?"


"Pupuntahan mo ba ako?" Pekeng tawa niya.


"Just tell me, nasaan ka?" Muling tanong ko at napatayo na. Nag-aalala dahil ito iyong unang beses na tumawag si Pam sa akin na umiiyak. "Pupuntahan kita."


"I'm sorry, Ember. I know you're busy right now dahil sa exam bukas pero wala na kasi akong ibang pwedeng i-contact kundi ikaw lang. Kailangan kong maglabas ng sama ng loob. Feeling ko sasabog ako kapag hindi ko ginawa 'to. Sobrang bigat na and I'm tired of pretending na okay lang ako, na okay lang lahat." Mas lalo kong narinig ang paghagulgol niya.



"Nasaan ka? Pupuntahan kita, pag-usapan natin 'yan." Pag-uulit ko at nang masabi niya sa akin kung nasaan siya ay agad kong kinuha ang jacket ko saka na lumabas. Sakto namang palabas din si Zahira sa room niya kaya nagkatinginan kaming dalawa.



"Where are you going?"


"Kailangan kong puntahan si Pam. Can I use your car?" Nagmamadaling sagot ko.


Please, say yes.


"I'll go with you, Ember. It's already late at gusto mong magdrive mag-isa? Hintayin mo ako sa baba, I'll just get the key."


Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan na lang. Hindi ko na rin inisip na baka malaman ni Pam ang meron sa amin ni Zahira.


Bahala na.


Bumaba na ako at gaya ng sabi niya ay hinintay ko siya. Muli kong tinawagan si Pam pero hindi na siya sumasagot.



"Let's go," Zahira said at nauna nang lumabas.




Habang nasa byahe ay paulit-ulit ko lang tinatawagan si Pam pero hindi na siya sumasagot, ni hindi ko na rin macontact kaya kinakabahan na ako at mas lalong nag-alala para sa kaibigan ko.



"Dito na lang. Hanapin ko lang siya," sabi ko at bumaba na nang matigil ni Zahira ang sasakyan, ni hindi ko na rin hinintay ang sasabihin niya.



Mabuti na lang at agad kong nakita si Pam. Nakaupo lang siya sa harap ng convenience store. Nakayuko at halatang umiiyak pa rin. Suot niya pa rin iyong damit niya sinula kaninang nasa school kami. Ibig sabihin ba nito ay hindi pa siya umuuwi?



"Pam," tawag ko sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.


"Ember," humagulgol ito niyakap ako nang mahigpit. "I'm sorry."


"It's okay. Gusto mo bang sa bahay ka na lang muna at doon natin pag-usapan 'yan?" I gently asked.


"Salamat sa pagsagot sa tawag ko and also for coming here."


Tumango ako, "tahan na muna. Sa bahay ka na lang humagulgol mamaya," sambit ko tumingin sa paligid. Mabuti na lang at walang katao-tao rito.



"M-ma'am Zahira?"



Napalunok ako at napapikit nang makita na ni Pam si Zahira sa driver's seat. Tanging sulyap lang ang ginawa ni Zahira at tila walang pakialam kung malalaman ni Pam ang kung ano mang meron sa aming dalawa.



"Mamaya ka na magtanong. Explain ko sa 'yo mamaya sa bahay." Sambit ko na lang at pinauna na siyang sumakay sa likod, tinabihan ko na rin siya kaya nagmumukhang driver lang namin si Zahira ngayon.



Mukhang hindi review ang mangyayari ngayong gabi kundi matinding kwentuhan na may kasamang mahabang explanations.

















To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 29.8K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
5.1M 79.2K 50
Simpleng Psychology student lang naman si Genesis eh. She took up that program kasi gusto nyang tulungan yung mama nya sa psychological clinic nila...
332K 13.4K 48
Most Impressive Ranking #1 in boyxboy out of 8.8k stories. Hoax Azrael Vazanta-a man shrouded in mystery, his emotions concealed behind a mask of cha...
8.2K 606 13
A GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle...