LABYRINTH ACADEMY SEASON II L...

By asrah028

1.8M 37.2K 7.6K

WATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, d... More

LABYRINTH ACADEMY SEASON II
CHAPTER 1: CHEAP
CHAPTER 2: NEW SCHOOL
CHAPTER 3: BLANK
CHAPTER 4: LIES
CHAPTER 5: HMMM
CHAPTER 6: KIMI GA SUKI
CHAPTER 7:GUMMY BEAR
CHAPTER 8: COMPLICATED
CHAPTER 9: GAME OVER
CHAPTER 10: NO MORE FRIENDSHIP??
CHAPTER 11: WORKING STUDENT
CHAPTER 12: SEARCH IS OVER
CHAPTER 13: HOME
CHAPTER 14: DAMOVES NI DANGER
CHAPTER 16: REGRETS
CHAPTER 17:ADDICTED
CHAPTER 18:OFFICIAL
CHAPTER 19: MALAPIT NA
CHAPTER 20:PLAYING SAFE
CHAPTER 21:
CHAPTER 22
CHAPTER 23:WAKE UP CALL
CHAPTER 24: SURPRISES
LABYRINTH ACADEMY II:...
FINALE
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT TO MY DEAREST.. ESKEPIKS

CHAPTER 15: EXTENDED ANG L.A

52K 1.2K 187
By asrah028

 

Hindi ko na itutuloy na hanggang chapter 15 lang ito.. Baka lumampas pero hindi siya aabot ng 20 parts. :)) Thank you sa mga comments niyo, grabe nakaka inspire lalong mag sulat. Ü

 

THANK YOU GUYS! :))

ENJOY READING!

CHAPTER 15: EXTENDED ANG L.A

TWAYLEM

Linapitan ko si Danita, dahil mabait ako ng 2% ngayon. Sinampal ko nalang siya bilang pambati.

''OmyGod.. Did you just slap my sister?! You're freaking crazy!'' pag lingon ko sakto nandito si Breinleigh.. Good timing, makakaganti na ako sakanya. Papakainin ko siya ng alikabok!

''OmyGod you're so arte.'' trying to immitate her annoying accent.

''Anong ginagawa ng isang kagaya mong pulube sa eskwelahan na para lang sa may class at mayaman?? Sa susunod na pupunta ka dito make sure na meron ka atleast isang daan lang sa bulsa.. Kahit siguro 50 pesos wala ka sa bulsa, tssss.. Nakaka awa ka.'' kumuha ito ng isang libo sa wallet niya.

''Ito, kunin mo na to, pandagdag sa mga gastusin mo sa buhay. Don't worry mag pre-pretend akong walang nakota. Sa susunod ko nalang igaganti ang baby sister ko.'' tumingin lang sa akin si Donald at tumawa..

''Girl, late ka bloomer kaba?? Baka hindi mo kakilala kung sino yang binangga mo.''

''Of course, alam ko kung sino siya. Siya lang naman ang nag iisang ampon ng tatay ni Tao Gonzales. Pulubi na siya ngayon kaya habol siya ng habol kay Tao.'' habang talak siya ng talak kinuha ko lahat ng pera ko sa wallet.

Kung hindi ako nag kakamali, 20 thousand yun. At madali nalang para sa akin yun na itapon yun.. Dahil mayaman kami.

''Alam mo?? Ang dami mong sinasabi!'' isinaksak ko lahat ng perang nasa wallet ko sa bunganga niya.

''Baka hindi mo alam kung sino ako? Ako lang naman si Aesha Claire Flinn.. Ako ang owner ng school na to, kaya wala ka sa lugar para sabihan mo ako ng ganyan. Tsaka pwede ba, huwag kang pumasok-pasok sa school na to..'' inilapit ko yung mukha ko sakanya,

''Dahil, bawal sa school na to ang gawa sa plastic at fake materials.. Ohh natamaan kaba?? Para kase talaga sayo yun e.. And more thing, matagal ko ng gustong gawin to e.''

Sinampal ko ito..

''Ito dahil sa panlalait sa mga kaibigan ko.'' sinampal ko ulit ito

''at yun para yun sa pgiging wannabe mo na ang sakit sa mata at ito??''

''PARA TO SA PANG HUHUSGA SA PAGKATAO KO!''

Hindi rin nag tagal at pumagitna na si Tao.

''Ano bang problema mo??''

''Ikaw ang problema ko. Bakit kailangan mong ipakita sa akin na mahalaga ako sayo?! Diba sabi mo wala na tayo pero sa ginagawa mong yan.. Mas lalo mo akong pinapahirapan na pakawalan ka.''

''Twaylem, ganyan kaba ka desperada??'' si Danita na ang pumagitna, habang hawak-hawak niya pa yung pisngi niyang namamaga pa.

''Alam ko marami kayong pinag daanan.. Pero you're love story is already over! Bakit hindi mo pa tanggapin na, ako na ang mahal niya at hindi na ikaw!''

''Hindi ka niya mahal.. Naawa lang siya sayo. Kontrabida ka!'' sabat pa ni Donald.

''Hindi ako kontrabida, nag mumukha lang akong kontrabida dahil hindi ako ang bida sa storyang to. Hindi ako masamang tao, nag mumukha lang akong masama dahil nandyan kayo.'' halos mangiyak-ngiyak na ito.

Nakatingin lang kung saan si Tao.

''Ngayon Tao, mamili ka sa aming dalawa.. Ako o siya?''

Sinong pipiliin mo Tao?? Ako o si Danita.... Kase pag siya yung pinili mo, wala na akong magagawa.

Tumingin lang ito sa akin...

Pero yung pangalan ni Danita yung sinabe nya.. And it breaks my heart to see him choosing her over me.

''And now, malinaw na sayo ang lahat. Ako yung gusto niya at hindi ikaw. And this..'' hinalikan niya ito sa labi.

''Kita mo? Hindi man siya umangal, kase MAHAL NIYA AKO.''

''Bruha k----'' sasabunutan sana ni Donald si Danita, pero pinigilan ko ito.. ''Tama Donald, Let's go.''

''Pero Fifi..''bago kami tuluyang lumabas ni Donald may sinabi muna ako kay Tao.

''Sana pag namatay ako, nandun ka. Kase malulungkot ako pag wala ka.. Sa muli nating pag kikita.. Tao Yoshida.''

''Itigil mo na ang ka dramahan mo! Kung mamatay ka, mamatay ka! Hindi na babalik sayo si Tao. Dahil akin na siya!!''

Kahit pala mayaman kana't lahat lahat, hindi mo pa rin pala makukuha yung puso ng taong minsan mong minahal at pinag tabuyan ka papalayo. Wala nga palang magnet ang pera, Hindi lahat kayang bilhin at makuha.

Pagkaalis namin ng AFA dumeretso muna kami ng mall, gusto ko kasing bumili ng red liptint, red lipstick at blush on para kahit papaano magkakulay ako. Hindi nila kailangan malaman ang kalagayan ko.

Ayokong kaawaan nila ako.

''Fifi, yung super red yung bilhin mo para magka color ka. Try wearing red nail polish din'' sabay ngiti sa akin ni Donald.

 Habang namimili ito ng mga make-up lumapit ako sakanya at yinakap siya ng mahigpit.

''Oy ano yan?? Fifi alam ko kahit bakla ako gwapo ako, pero friend.. Shuding ako, orkot, merli, bading BAKLA, SIRENA..''

''Fifi, thank you.'' humarap ito sa akin at hinawakan niya ang noo ko.

''Mamamatay kana ba?? Bakit..  Ganyan ka?? O baka naman may gusto kang ipagawa..'' mataratarantang sabi nito sa akin.

''Hindi ako mamamatay, I'm a wild grass remember?? Hindi basta namamatay ang masamang damo. Gusto lang kitang yakapin..''

''Hay nako, sige na nga.. Pero friend bawal matomboy sa akin ahh?? Girl tayong pareho.'' nung sabihin niya yun, sinapok ko na siya.

''Yun lang, pagkatapos akong harutin sasaktan ako! Ayos ka rin no?!''

''Mag rereklamo ka??''

''MAY SINABI BA AKO??'' sabay ngiti niyo sa akin. Nabibilib talaga ako dahil sa simpleng tingin lang natatakot na sila. Pero paano ko ba sasabihin sakanila yung kalagayan ko ngayon??

Ahhh! Basta, sasabihin ko nalang sakanila pag pagaling na ako.. Pero natatakot ako e, natatakot akong mamatay at iwanan sila.

Iiwanan ko ba sila?? Ngayon masaya na sila na nandito ako, kasama sila.

''Fifi! Bayad na! Let's go! Pasok na tayo..'' ngumiti lang ako at sumunod na kay Donald.

Sa L.A

Pumanik ako sa may rooftop nag babakasakaling makita ko si Boy Suks.. Nakakamiss din pala siya kahit papaano.

''Bawal tumambay dito ang mga pangit.'' pag lingon ko dun sa pintuan papunta sa hagdanan nakita ko si Shin. At may hawak-hawak itong sang katerbang comics.

''Hoy Boy Suks! Kamusta kana??! Nakakamiss ka..'' tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

''May sakit ka no??'' bakit alam niya?? Kaibigan niya ba si Danger?? Ang daldal talaga ng hinayupak na yun.

''Wala  ahh..'' hinawakan niya yung mukha ko at kinuha niya yung panyo niya, at pinunas niya yun sa lips ko. Bumili kase ako ng red lipstick, para matakpan yung kalagayan ko.

''Red spots, pale color complextion, madalas kitang nakikitang nag no-nose bleed at biglaan yata ang pag payat mo.''

''Bat..''

''Trust me, alam ko ang sakit na yan. Yan ang ikinamatay ng girlfriend ko. At ganyan din ang mga sintomas na nakita ko sa kanya.. Kaya huwag ka ng mag sinungaling..  Alam naba nila ang bagay na to??''

Nang sabihin yun ni Shin, nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib ko. Hindi naman siguro ako mamatay diba??

''Hindi pa nila alam..'' napa look down ako, at napa bite sa lower lip ko.

''Bakit hindi mo pa sabihin sakanila ang kalagayan mo?? Sasabihin mo nalang ba sakanila pag malala na yang sitwasyon mo?? Yung tipong naka higa ka nalang at hindi na kayang tumayo?''

''Pero kase..''

''Twaylem, I know you're strong and you can knock down all the cancer cells na tumatakbo ngayon sa buong katawan mo. Pero kahit gaano kapa kalakas, hindi mo masasabe kung oras mo na..'' tumingin ito sa akin..

''Pasensya kana kung nagiging ganito ako, ayoko lang kaseng maramdaman nila yung naramdaman ko nung huli ko nalang nalaman na may sakit pala si Juniel. Alam naba ni Tao yung kalagayan mo??''

Ngumiti lang ako..

''Wala na yung pakealam sa akin.'' sabay kutkot ko sa mga finger nails ko.. ''Mas pinili niya si Danita.. Kaya wala na akong laban.''

''Oo kase mas maganda si Danita sayo.'' tinignan ko lang ito ng masama.

''Wow ha? Thank you sa moral support. Kaibigan nga kita, tulak kita gusto mo??'' tininaas niya yung dalawang kamay niya na para bang sumusuko na sa pulis.

''Pero nakiki-usap ako sayo.. Na sana, huwag mo ng sabihin sakanya yung kalagayan ko. Gusto ko sumaya siya kahit sa piling ng iba.''

Pinat ni Shin yung ulo ko at bahagyang ginulo yung buhok ko.

''Kaya mo yan, pag natalo mo yang sakit mo na yan?? Sige, ibibigay ko sayo yung bago kong biling camaro'' ngumiti ako dito, yung ngiting nakaka loko.

''Walang bawian yan aa??''

''Oo.. Basta gawin mo yung part mo.. Twaylayt.''

Pagkatapos nun, bumaba na ako ng rooftop. Pero hindi paman ako nakaka pasok ng classroom may humatak naman sa kamay ko.

''Huli ka balbon, alam mo ikaw pasaway kang girlfriend.'' pinag taasan ko ito ng isang kilay,

''Anong girlfriend ang sinasabi mo?? Huwag kang mag feeling. Hindi pa kita sinasagot no.'' humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

''Danger?! Anon---''

''Mag dadate tayo.'' sabay ngiti nito sa akin..

''Pumayag naba ako??''

''kahit naman ayaw mo mag dadate pa rin tayo.'' napangiti nalang ako, dahil kahit papaano may handang mag mahal sa akin.

''Tara na??''

siguro nga dapat ko ng kalimutan si Tao. Bakit ko paba hahanapin yung taong wala sa tabi ko, kung meron namang taong handang mag mahal sa akin na nandito lang sa tabi ko..

''anong gusto mong kainin??'' pagkasakay na pagkasakay palang namin sa kotse ni Danger, nararamdaman kong sumasakit nanaman yung katawan ko. Ang bigat bigat sa pakiramdam..

''Twaylem.. Okay ka lang??'' ngumiti ako dito.

''Okay lang ako..''

''Okay? Tignan mo nga yang sarili mo, halos maligo kana sa sarili mong pawis. Hindi na tayo mag dadate.. Iuuwi na kita sa inyo.'' hinawakan ko yung braso nito.

''Okay lang ako. Tara na!'' kahit nanhihina ako, kailangan kong bumawi sakanya.. Kahit ngayon man lang.

DANGER

Dahil uminom ito ng gamot, medyo kumalma ito ng kaunti.. Bumaba kami sa may park, medyo maraming tao ngayon kase friday na.. Pinatayo ko siya sa may isang banda..

''Ewan ko lang kung hindi mo pa ako sagutin nito.'' sabi ko habang nakangiti akong tumatakbo papunta dun sa isang banda. Alam ko pwede ko namang sabihin to ng kami lang dalawa.. Pero gusto ko kaseng ipag sigawan sa buong mundo kung gaano siya kahalaga sa buhay ko.

''TWAYLEM!!!! ALAM MO BA KUNG GAANO KA KAHIRAP PAKISAMAHAN?!'' tumingin-tingin ito sa paligid at nag tataka kung anong ginagawa ko.

''ALAM MO BA KUNG GAANO KA KAHALAGA SA BUHAY KO? KAHIT YUNG UGALI MO HINDI MATIIS NG IBANG TAO?! TWAYLEM, HAYAAN MONG ISISGAW KO SA BUONG LUGAR NA 'TO KUNG GAANO KA KA-ESPESYAL SA BUHAY KO.'' naramdaman kong, nakuha ko na ang atensyon ng mga tao.

''GAGO YUNG TAONG NANG-IWAN SAYO, PERO THANK YOU KASE INIWAN KA NIYA.. ATLEAST AKO, HINDI KO GAGAWIN YUNG GINAWA NIYA. TUTUMBASAN KO YUNG PAG MAMAHAL BINUGAY NIYA!''

''SA TOTOO LANG KINAKABAHAN AKO SA MGA ORAS NA TO.. PERO ISASANTABI KO MUNA YUN, KAILANGAN MASABI KO NA SAYO 'TO..''

''TWAYLEM! KUNG IBIBiGAY MO SA AKIN YUNG OO MO, PROMISE.. HINDI KO SASAYANGIN! DAHIL HINDI AKO GAGO PARA IPAGPALIT KA SA IBA. ANONG SAGOT MO???''

lumapit ito sa akin, at hindi ko mabasa yng mukha niya.

''Ikaw, ang dami mo pang sinasatsat.. Sasagutin din naman kita e. Halika na nga, gumawa kapa ng eksena.. Pero infairness, na touch ko sa ginawa mo.'' nung hinawakan niya yung kamay ko.. Doon ko na realize kung gaano ka espesyal ang babaeng to.  

Magkaholding hands kaming umalis ng park, at huwag kayo.. Kahit lalake ako humahaba rin ang buhok ko.

kilig much?? Ano ba yan! Lakas maka bakla, ang hirap palang kiligin..

''Siguro, hindi ko na kailangan to.'' tinanggal niya yung itim na rubber band na sing-sing saa daliri niya.

''Ikaw na mag tapon para sa akin.'' kasabay ng malakas na hangin, ang mga ngiting may halong lungkot at saya.

''Sige, mamaya sa bahay.. Susunugin ko to.'' sabi ko sabay bulsa dun sa sing-sing.

''Tutal, mas pinili niya si Danita.. Siguro naman kailangan ko ng magising at tanggapin na hindi na ako yung gusto niya.. Deserve ko rin naman yung sumaya, diba?'' nung humarap siya sa akin at sabihin yun, nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan..

Natauhan kana din..

''Huwag kang mag alala, hindi kita iiwanan. Sasamahan kita sa laban mo, basta.. Huwag kang bibitiw hah??'' pagkatapos kong sabihin yun, hinalikan ko ito sa may noo niya.

Hindi rin nag tagal at nag yaya na itong umuwi.. Gusto na daw niyang mag pahinga. Pagka-kabit ko nung seat belt niya may sinabi ito..

''Danger..... Natatakot ako. Hindi ko alam kung paaano ko sasabihin sakanila yung kalagayan ko..''  bigla itong umiyak at sa bawat pag patak ng luha niya, kasabay naman nito ang pagka higpit ng hawak niya sa braso ko.

''Ayokong kaawaan nila ako. Ayokong..'' yinakap ko ito ng mahigpit.

''kaibigan mo sila, kailangan nilang malamaan yung sitwasyon mo. Hindi sila maawa sayo, kase alam nila na kaya mong kalabanin yang ACM na yan. Malakas ka diba?''

''Alam ko din malakas ako, pero kahit gaano kapa kalakas.. Minsan ikaw na rin sumusuko diba?''

Sana Lord, pawiin niyo na yung sakit niya.. Masyado pong mabilis yung isang taon para kunin niyo siya.

TWAYLEM

Pagkahatid niya sa akin sa tapat ng bahay, may sinabi muna sa akin si Danger.

''Twaylem, kung gusto mong tumalon.. Talon ka lang, huwag kang mag alala.. Nasa baba lang ako, sasaluhin kita..''

Buti nalang nandyan si Danger, atleast kahit alam kong wala na siya.. May isang tao pa rin pala na handang gawin ang lahat, maiparamdam lang sa akin kung gano ako kahalaga.

Continue Reading

You'll Also Like

66K 6K 31
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
185K 7.5K 19
May nagbalik mula sa kamatayan. May bumangon mula sa kailaliman. At isang batang Clairvoyant ang nanganganib. Sinu-sino ang mga muling nabuhay? At an...
Blood For Soul By Z

Mystery / Thriller

82.3K 3.6K 35
[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosia...
670K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...