Kingdom Warrior Series 1: Mar...

By MaybelAbutar

42.9K 2.9K 183

Fighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula p... More

BLURB
Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 51

454 32 1
By MaybelAbutar

Nakasimangot na naglalakad si Heather kasama si Gaia at Ursus patungo sa hideout ng Yin. Nang sabihin ni Gaia na dalhin ito sa pinuno ng Yin, mabilis kumilos ang mga kalaban at itinutok ang mga patalim kay Gaia. Balewala namang naglakad si Gaia na parang walang panganib na nakaamba rito. Sumunod naman sila ni Ursus kaya parang bihag na sila ng Yin ngayon. Pero hindi iyon ang dahilan kaya siya naiinis. Naiinis siya sa dalawang bagay. 

Una kay Gaia, dahil wala itong pakialam kahit sinalakay na sila kanina. Ayaw tuloy niyang maniwala na ito ang Reynang pagsisilbihan niya. Wala man lang itong malasakit sa mga tao. Hindi ganoon ang katangian ng isang Reyna. 

Pangalawa, sa grupo ng Yin. Kung kailan bumabawi siya ng tulog inistorbo na naman siya. Akala niya makakapagpahinga na siya pero sumugod ang mga ito ng tanghaling tapat. Sinong hindi maiinis doon? 

"Malayo pa ba?!" Naiinip niyang tanong. 

Gusto na niyang makita ang pinuno ng Yin para naman makabawi siya rito sa ilang gabing pagpupuyat niya. Sisiguraduhin niyang hindi lang blackeye ang matitikman nito sa kanya. 

"Basta lumakad ka at manahimik!" Sigaw ng isang lalaki sa kanya.

Nagtagis ang mga ngipin ni Heather. Umiinit ang kanyang ulo sa sagot nito.

"Huwag ka ng magreklamo, Heather. Kailangan nating tumahimik sa lugar na ito. Delikado rito kapag sumasapit ang gabi," bulong ni Ursus sa kanya.

Inirapan ni Heather ang lalaki at muling nagpatuloy sa paglalakad. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa paligid pero napapansin pa rin niya ang mga nagkalat na buto sa kanilang dinadaanan. Alam niya ang kaibahan ng buto ng hayop sa tao pero sa nakikita niya, mga buto ito ng tao.

"What happened here?" Tanong niya kay Ursus.

"Shhh!!! Hinaan mo ang iyong boses," saway na bulong ni Ursus. Kinakabahan din itong tumingin sa paligid.

Hindi niya pinapansin ang babala ni Ursus.

"Kayo! Sigurado ba kayong ito ang daan patungo sa Pinuno nyo?!" Singhal niya sa mga Yin. 

Naiinis siya kaya walang makapipigil sa pagtaas ng kanyang boses.

"Huwag kang maingay!" Singhal pabalik ng lalaki sa kanya.

"Anong huwag maingay? Inabot na tayo ng dilim dito pero hindi pa rin tayo nakakarating sa pupuntahan natin! Alam mo ba talaga ang daan?" Mataray niyang sagot.

Hindi siya pinansin ng lalaki ng lumapit ang kasama nito.

"Halika na. Narito na tayo," sambit nito.

Tumingin ang lalaki sa paligid at dahan-dahang umatras. 

"Saan kayo pupunta?" Sigaw ni Heather pero tumakbo paalis ang mga ito. "Anong problema ng mga iyon?" Nagtataka niyang tanong.

"A-anong araw ngayon?" Kinakabahang tanong ni Ursus.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Mukha ba akong kalendaryo?" Mataray pa rin niyang sagot.

"U-umalis na tayo rito!" Nagmamadaling sabi ni Ursus.

"Bakit ba? Anong meron dito?" Tanong ni Heather.

Bukod sa kakaibang simoy ng hangin at nagkalat na buto, wala na siyang nakikitang kakaiba sa paligid. Normal lang sa paningin niya ang malalaking puno, tuyong lupa at malansang amoy. Hindi na iyon nakapagtataka dahil na sa Blackhole sila.

"L-lalabas sila ngayon. Ginawa tayong pain ng Yin sa mga human eaters!" Kinakabahan nitong sabi. 

Umirap si Heather. 

"Human eaters? Pinapatawa mo ba ako? Walang ganoon!" 

"Totoo ang human eaters at ito ang kanilang teritoryo."

"So? Hindi ito ang daan patungo sa pinuno ng Yin?!" Nagsisimula na namang uminit ang kanyang ulo. 

"Relax ka lang. Kailangan muna nating umalis dito." Muling sabi ni Ursus. "T-teka... nasaan si Gaia?" 

Bumaling sa unahan si Heather. Wala na roon si Gaia. 

"Tinakasan na naman tayo! Halika na at pipilitin ko silang dalhin ako sa Pinuno ng Yin!" 

... 

... 

... 

Samantala, pamilyar na kadiliman ang bumungad kay Gaia ng muli siyang nagtungo sa kagubatan ng Blackhole.

Tumigil siya sa malaking puno sa gitna ng gubat. Lumapit ang maraming alitaptap sa kanya. Hinayaan niya iyon at pumikit. 

Naalala niya ang ginawa nilang pagsasanay noon ni Aurus sa kalagitnaan ng gabi. Kahit nagagawa nilang saktan ang isa't-isa sa bawat atake, hindi pa rin maikakaila ang pagpapahalaga nila sa bawat isa. Masaya sila habang ginagawa iyon. Hindi hadlang ang kadiliman para makita at maramdaman nila ang paligid. Dahil sa pagsasanay na iyon, tila naging umaga na ang turing niya sa gabi. Wala ng pagkakaiba ang dalawang iyon para sa kanya. 

"Aurus, namimiss na kita." Malungkot niyang bulong sa hangin.

Hindi naging madali ang lahat sa kanya. Pinipilit niyang maging matatag sa harapan ng marami ngunit palihim siyang nagdadalamhati sa pagkawala ni Aurus. 

"Masaya ka ba sa kinaroroonan mo ngayon?" Muli niyang tanong habang inaalala ang mga masasaya nitong ngiti. "Payapa ba riyan? Dito hindi e. Hindi payapa ang loob ko dahil wala ka sa tabi ko. Nasanay na kasi akong na sa tabi kita, Aurus."

Bumuntong hininga siya para mawala ang bigat sa kanyang dibdib. 

"Hindi ko nakuha ang iyong katawan sa itim na lawa dahil nakuha na iyon ng mga kawal ng Kastilyo. Gusto kong bawiin iyon para bigyan ka ng maayos na libing. Ngunit hindi magiging madali ang lahat."

Kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano makakapasok sa Kastilyo ng hindi napapansin ng mga tauhan ni Xian. Kapag nagpadalos-dalos siya baka tuluyan na niyang hindi makita ang katawan ni Aurus. 

"Buo na ang desisyon ko, Aurus. Pagbabayarin ko ang taong pumatay sa'yo. Kung papalarin akong mabuhay pagkatapos ng gagawin ko, aalis na ako rito. Pupuntahan ko si Tana at mananatili sa tabi niya. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman ang nangyari sa'yo pero malalampasan namin ang lahat ng ito." Muli niyang sabi habang nakaupo at pikit ang mga mata. 

Pakiramdam niya na sa dilim lang si Aurus kaya patuloy siyang nagsasalita na parang kausap niya ito. Sa ganitong paraan, nababawasan ang kanyang lungkot sa pagkawala nito. 

"Alam mo ba may natuklasan akong nakakatawang bagay?" Pagak siyang tumawa ng maalala ang mga pinagtagpi-tagping impormasyon na nakuha niya. "Ako ang itinuturo nilang Reyna ng Forbideria. Paano mangyayari iyon kung buong buhay ko, palaboy ako at nagtatago sa karamihan?"

Bumuntong hininga siya at nagmulat ng mga mata. Tumingala siya sa langit kahit natatakpan iyon ng malagong dahon ng mga puno. 

"Pero nararamdaman kong totoo ang sinasabi nila." Malungkot niyang sabi.

Ilang minuto siyang nakatingin sa taas habang marahang umiihip ang panggabing hangin bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Simula ng ibigay ni Sigmundo ang markang palatandaan ng Reyna, naghihinala na ako. Tulad noon ang marka sa aking mukha. Ngunit hindi pa rin ako panatag sapagkat may marka rin si Sara. Nakita ko iyon sa kanya ng makasama ko siya sa Doom's gate. Mas lalo namang gumulo ng makilala ko si Ezraya. Pero nakumpirma ko ang lahat ng makausap ko silang dalawa. Hindi isa sa kanila ang Reyna dahil sila ang mga guardian ng Reyna at ang markang iyon ay palatandaan ng pagiging tapat nila sa tungkulin. Naging matibay pa ang katotohanan ng makausap ko ang mag-anak na nakasama ko kagabi. Isa akong miyembro ng Jelrio, ang Royal family sa Forbideria. Ako na lang ang nag-iisang Jelrio sa kaharian. Nakakatawa 'di ba? Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng tadhana."

Umiling pa siya habang nakapaskil ang malungkot na ngiti sa kanyang labi.

"Mayroon pa akong natuklasan. Si Yuan, katulad din siya ni Liberty. May tatak siya ng Sandevil sa balikat pero hindi ko naramdaman na may masama siyang intensyon. Puro at walang halong pagkukunwari ang ipinakita niya sa atin." 

Iyon din ang dahilan ni Gaia kaya niya binalaan si Yuan. Palihim niya itong sinusubaybayan kahit tila wala siyang pakialam sa paligid. Nagkaroon siya ng kutob sa katauhan nito ng mahagip ng kanyang mata ang marka nito sa balikat. Nagbibiruan ito at si Hugo ng araw na iyon. Nililis ang damit ni Yuan dahil sa pabirong kilos ni Hugo ng hilahin nito ang kwelyo ng isa. Simula noon nakiramdama na niya ang kilos nito. Pero tulad ng kanyang sinabi, wala itong ginawa para mapahamak sila. Hindi rin kahina-hinala ang kilos nito. 

"Naguguluhan pa rin ako sa totoong motibo ng mga Gentry. Maaaring inutusan sila ni Xian para gawin iyon. Isang Sandevil si Xian at gusto niya akong patayin, pero hindi ko naramdaman na gusto akong patayin ng mga Gentry. Alam kong may iba pang rason kaya nila ginagawa iyon. Nararamdaman kong hindi sila masama, Aurus." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita. Dinama niya ang paligid at pinagmasdan ang mga lumilipad na alitaptap. 

"Alam ng mga Gentry kung sino ako, Aurus. Samantalang ako, walang alam sa katauhan ko. Nagtataka ako noon kung bakit tinatawag nila akong Mahal na Ina, iyon pala ay dahil ako raw ang Reyna. Mahal na Inang Reyna. Kalokohan 'di ba? Pero ang kalokohang iyon ay isang katotohanan." Walang buhay siyang tumawa habang iniisip ang mga nangyari. 

"Kung narito ka alam kong hindi ako maguguluhan ng ganito. Sana naghahanap na tayo ng ibang paraan para makalabas sa kaharian. Wala akong intensyon na tanggapin ang tungkulin bilang Reyna. Ayoko maging Reyna sa kahariang ito. Ang gusto ko lang ay magbayad si Xian sa kasalanan niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa'yo, Aurus." 

Matalim na tingin ang pinukol niya sa dilim kahit wala siyang nakikita roon.

"Sinabi ng Aces na gagamitin nila ang mga herbs para gisingin ang totoong pinuno ng Sandevil.  Nararamdaman ko na ang masama nilang plano. Pero, huli na ang desisyon kong itigil ang paghahanap sa mga herbs. Aksidente pa rin nating natagpuan ang itim na lawa."

Kung hindi siya nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin, baka hindi nasira ang yelo sa itim na lawa. Nagkaroon na ng lamat ang yelong nakapalibot doon ng suntukin ni Aurus ang libro pero tuluyan iyong nawasak ng atakehin niya si Xian. Sa lawang iyon nahulog ang katawan ni Aurus pero nagawa pa rin iyong kunin ng mga kawal. 

"Marahil hawak na nila ang mga herbs na dala mo. Kapag nangyari iyon, isang herbs na lang ang kailangan nila para makumpleto iyon."

Sa ngayon wala pa siyang ideya sa totoong adhikain ng Sandevil. Bukod sa kunin ang pamumuno sa Kaharian, anong papel ng dating pinuno ng mga ito? Bakit kailangan gisingin ang taong iyon? 

Marahan siyang umiling para alisin sa isip ang bagay na iyon. Ang problema lang niya ay kung paano babawiin ang katawan ni Aurus. Doon siya dapat magfocus at hindi sa ibang bagay. 

"Nakatulong din sa akin ang ibang herbs pero ikaw ang labis na nakatulong sa akin, Aurus." Patuloy niyang pagkausap sa dilim. "Nagawa mong palabasin ang mga nakatago kong emosyon. Napansin ko rin na isa iyon sa dahilan kaya nagbago ang kulay ng aking buhok. Masaya ako sa piling mo Aurus pero ngayon, hindi ko alam kung paano alisin ang sakit sa aking puso dahil sa pagkawala mo. Kahit katawan mo na lang ang makuha ko, mapapanatag na ako. Pangako Aurus. Babawiin ko ang katawan mo sa kahit anong paraan." Buo ang loob niyang sabi. 

Kapag nakalabas na sila ni Heather, iyon agad ang gagawin niya. Papasok siya sa Kastilyo at kahit halughugin niya ang bawat sulok ng Kastilyo, gagawin niya. Makita lang ang kawan ni Aurus.

Sa ngayon hindi niya niyaya si Heather na umalis sa Blackhole. Hahayaan muna niya itong ilabas ang sama ng loob sa grupo ng Yin. Hindi rin ito sasama sa kanya kung may maiiwan itong dapat gawin. Hindi ito papayag ng hindi nakaganti sa grupong iyon.

Pumikit siya at binalikan ang mga alaala nilang dalawa ni Aurus. Simula ng iligtas niya ito sa Hell entrance hanggang sa mahulog ito sa queirmone.

"Parehong tubig ang una at huli nating pagkikita," bulong niya.

Unti-unti ng naglandas ang luha sa kanyang pisngi. Niyakap niya ang sariling tuhod at ipinatong doon ang kanyang ulo.

"Aurus," umiiyak niyang sambit sa pangalan nito. "Sana hindi mo ako iniwan."

Hindi siya nabahala kahit malakas ang ginagawa niyang pag-iyak. Hindi siya nag-aalala na may ibang nakakaalam ng kanyang pagdadalamhati sa kadiliman. Tanging mga ligaw na hayop lang ang na sa paligid. Walang kakayahan ang mga iyon na ipahayag sa iba ang nangyayari ngayon sa kanya.

"M-mahal kita, Aurus." Sambit niya sa pagitan ng pag-iyak.

"D'mmit! There's no silence in this f'cking kingdom!"

Biglang tumayo si Gaia ng marinig ang galit na boses ng isang lalaki.

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
286K 17.6K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
67.3K 3K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...
191K 4.4K 49
(Alferez Series 2) (Agent Series 1 ||Part 1|| ) Started Writing:June 22,2019 Finish Writing:Sept.30,2019 Written By:Shireroseee