The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 42

237 27 12
By breakerdreamer


Naipasok nga ni sakuragi ang free throw kaya naging 60-43 na ang score nila. Seventeen na ang lamang ng okaido sa shohoku at pinag hihinaan narin ng loob ang mga ito na lumaban. Ngunit tanging si mitsui lang ang pursigido na ipagpatuloy parin ang laro kahit na hirap na silang maabutan ang mga ito. Humingi rin sila ng time out upang mapag usapan ang susunod na gagawin na plano, ngunit lamang parin talaga ang lungkot na nararamraman nila para sa team nila.



"Hindi ako naging MVP noon para lang sa wala, naging masama man ako pero nasa alaala ko parin ang mga masasayang araw na naging best player ako." Saad ni mitsui na kinagulat naman ng buong shohoku dahil sa sinabi nito. Maging si miyagi na wala sanang balak pang pakialamanan ito ay napapatango dahil agree din ito sa isang bagay na pinaniniwalaan din niya.




'magaling din naman ako at kinikilala sa buong kanagawa na magaling na point guard, dapat hindi ko iyon sayangin dahil lang sa nalamangan kami.' saad ni miyagi sa kanyang sarili upang kumbinsihin pa ulit na maging matatag para sa buong team.




"Kahit galit ako kay mitsui, some point ay tama siya dahil may kanya kanya tayong abilidad na maaari nating magamit sa laban. Kung sila hindi sumusuko, dapat ganon din tayo kahit na negatibo ang kalabasan ng gagawin natin." Paglalahad na saad ni miyagi, muli niyang sinusubukang buksan ang mga isip nito at determinasyon na muling bumangon.




"Tama ka miyagi, lalaban tayo sa abot ng ating makakaya. Kahit pa hindi na tayo katulad ng dati ay dapat ipag malaki parin natin na naging malakas tayo at nakatungtong tayo rito." Saad naman ni ayako na tumayo pa at lumapit kay miyagi para akbayan ito na kinapula naman ng mukha ng huli.




"Oo nga, tama sila team. Kaya wag kayong susuko hanggat hindi pa nagiging zero ang oras." Napatingin sila ng sabay sabay ng marinig nila ang boses ng kanilang coacg anzai na nakangiting nakatingin sakanila.



"COACH!!" Gulat at masayang bati ng buong team shohoku. Naging hudyat naman iyon upang tignan din ng kabilang team ang nangyayari sa kabila, hindi maipaliwanag ni sakuragi ang nararamdaman makita niya ang coach anzai nila na nakangiti.



naramdaman nalang ni sakuragi ang paghawak ni aki sa kamay niya kaya nabalik siya sa wisyo. Nakangiti si aki nang lingunin niya ito.




"Hmm. Okay lang yan sakuragi, nandito kami para samahan ka mamaya." Pagpapalakas ng loob ni aki kay sakuragi, napatitig si sakuragi kay aki ng ilang segundo bago bumuntong hininga ng malalim at tumango.





"Salamat sainyo, pero mas mabuting ako nalang ang  mag isa na pupunta mamaya. Gusto ko rin kasing makausap ng... matagal si coach." Hindi napigilan ni sakuragi ang emosyong naramdaman niya kaya nagulat pa sila ng tumulo ang luha nito na agad din namang pinunasan kalaunan bago ngumiti sa mga kasamahan niya.





"Sasama ako, gusto ko rin kamustahin si coach.. wala ka nang magagawa pa doon." Sabad ni rukawa na nakatingin kay sakuragi ng masama. Wala namang nagawa si sakuragi kundi ang tumango nalang sa gusto nitong mangyari.




Nang muling pumito ang referee hudyat na tapos na ang time out, pagkapasok na pagkapasok palang nilang lahat ay ramdam na agad ng team okaido ang pagbabago ng aura ng buong shohoku team. Nababalot sa mga mukha nito ang determinasyon na manalo at ipagpatuloy ang laban na walang sukuan.




"sana ganyan din nararamdaman ko ngayon at si coach ang makakapag palakas ng loob ko" bulong na saad ni sakuragi sakanyang sarili ngunit narinig iyon ni rukawa.




"Tsk. Wag ka ngang pang hinaan ng loob dyan, alam mo ang kapalit kapag natalo tayo dito diba? Hindi natin mapupuntahan si coach." Saad ni rukawa na kinasimangot naman bigla ni sakuragi.




"Pambihira, narinig mo parin iyon kahit na ibinulong ko nalang sa sarili ko." Ngumisi si rukawa ng may pang aasar bago proud na ngumiti kay sakuragi.




"Naman. Bestfriend mo ako e." Saad ni rukawa na inakbayan pa si sakuragi, napa face palm si sakuragi sa sinabi nito bago inalis ang kamay nito sa balikat niya.




Nang mag patuloy ang laro hawak na ni miyagi ang bola at ipinapasok na nito iyon. Agad siyang binantayan ni takasugi kaya agad namang gumawa ng fake cross over si miyagi dahilan para matungo ang atensyon ni takasugi sa direksyon iyon. Dahilan din upang mabilis na makaatake si miyagi palusot, napapalakpak naman ang buong team shohoku sa ginawa ni miyagi.





'Miyagi'



'miyagi'



'miyagi'



Sigawan ng mga kateam nito, kinikilabutan si miyagi dahil sa kakaibang pakiramdam na sayang nararamdaman niya ngayon. Iyong feeling na magagawa niya na ng maayos ang lahat dahil wala ng humaharang sa kanya na negatibo kundi positibong makahabol. Isipin palang niya na nandito rin ang coach nila ay mas lalo lang siyang ginaganahan na mag laro.




At sa isang mabilis na pag atake mula sa pagbabantay din sakanya ni kazuko at tetsu ay mabilis niya rin iniiba ang posisyon ng kanyang kamay na may hawak ng bola. Mabilis nitong ipinasa patungo sa direksyon ni akagi kaya wala namang sinayang nag pagkakataon si akagi kundi gumawa ng gorilla dunk.





Umalog alog ang head board dahil sa lakas ng impact na ginawa ni akagi. Napapalakpak naman ang buong manunuod dahil sa comeback muli ng shohoku sa paglalaro.




'Shohoku'



'shohoku'



'shohoku'



Pag che-cheer ng mga manunuod sa buong shohoku. Ramdam ng okaido ang pagbabago ng atmosphere dahil doon ngunit balewala lamang iyon kay sakuragi na walang pakialam sa nangyayari.




60-45 na ang score at fifteen nalang ang lamang ng okaido team. Malaki pa ang lamang para mag saya sila.



"Lamangan nalang ulit natin sila." Saad ni kazuko ngunit wala namang sinabi si sakuragi o ang kahit na sinong kateam nila .




"May pakiramdam ako na may magbabago sa paglalaro natin ngayon. Kaya sana pag tuunan niyo ng pansin ang gagawin nilang kilos." Saad ni sakuragi, napatango sila sa sinabi ni sakuragi at maging si tetsu ay napabilib sa pagiging observant nito.






"Kami na ang bahala pa sa bagay na yan sakuragi." Saad ni takasugi ngunit nginisihan siya ni kazuko ng pabiro dahilan para maalala niya na naman ang ginawang pag lusot sakanya ni miyagi kanina.



namumulang sinamaan nito ng tingin si kazuko.




"Tss. M-magaling naman kasi siya." Sagot nalang ni takasugi




"Pero magaling ka rin kaya wag mong hahayaan na maulit pa ang nangyari kanina. Umaasa din kami sayo takasugi." Saad ni sakuragi na kinalaki ng mata nito. Gulat kasi siya sa mga naririnig mula kay sakuragi.





"S-sige. M-makakaasa kayo." Sagot ni takasugi na nauutal pa.




Sa labas ng gymanasium na pinag dadausan ng laban, naglalakad si sendoh habang nakapamulsa ang mga kamay. Nagtungo kasi ito sa CR, kaya nagmamadali rin siyang makabalik sa loob para makapanuod.


Paliko na sana siya sa hallway nang may makita siyang pamilyar na bulto ng isang babae. Nilapitan niya ito at pinakatinitigang maigi at nang makumpirma niya ang kanyang naisip ay tinawag niya ito.





"Miya? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni sendoh kay miya na bahagya pang napatalon sa sobrang gulat.




"Ano ka ba naman kuya sendoh, bat bigla bigla ka nalang nanggugulat dyan." Singhal ni miya na hawak hawak pa ang dibdib..




"Pasensya naman, ano ba kasing ginagawa mo dyan at masilip silip ka pa. Nasan ba kuya maki mo?" Tanong muli ni sendoh, sumimangot si miya bago tinuro ang direksyon ng loob.




"Oh! Nasa loob naman pala e. Bakit hindi ka pumasok. Tara samahan na kita." Umiling iling naman si miya na tila nahihiya pa sa pag anyaya sakanya ni sendoh.





"H-hindi na kuya, kakalabas ko lang din kasi. Balak ko na sanang mag paalam kay kuya kaso nandoon siya sa pinakababa, nakakahiya naman kung pupuntahan ko pa." Saad ni miya na nakanguso pa.




natawa naman si sendoh bago umiling, hinawakan nito ang ulo ni miya bago ginulo gulo ang buhok.



"sige na sige na, umalis kana. Ako na ang bahalang mag sabi sakanya na umalis kana." Saad ni sendoh na kinatuwa naman ni miya ng sobra.




"thankie kuya sendoh. Your the best talaga." Pang bobola pa nito umiling si sendoh bago nag paalam na papasok.


Nang wala na si sendoh ay agad namang pumasok si miya upang manuod ng laban sa baba.



"ang galing galing mo talaga sakuragi, paano ba kita lalapitan ng hindi na lalaman ni kuya maki?" Pagkausap niya sakanyang sarili bago muling napapangiting pinag mamasdan si sakuragi.





*****
(a/n: Wews! Another update para sainyo ulit. Ginanahan kasi nauto ulit ako😂😂 biro lang. Pero salamat sa votes and comments maging ang inspiring comment niyo. Siya nga po pala, hinay hinay lang po tayo ah! Balak ko kasing gulatin pa kayo sa mga bawat chapters na gagawin ko, para more excitement ang ganap. Tutal, unti unti na pong sumisikat si sakuragi try natin lagyan ng konting twist. Haha! Pakihintay nalang dahil kahit ako nag iisip pa kung paanong twist ang gagawin ko. Yun lang. Muli maraming maraming salamat. More inspiring comments please.)

Continue Reading

You'll Also Like

91.2K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
897 282 7
Lists of all the wattpad stories that I have read and still reading on wattpad. . . .
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
29.6K 118 1
Makulit, Maingay, Sweet, Matalino, Friendly ganyan ilarawan ni Kiarra Kiyota ang ugali nya... Ano kayang mangyayare kung magtagpo ang landas nila ni...