Hello, My Lady

By lazyianaelle

300 88 26

Si Zaralyn Wei ay isang babae na ang alam lang ay mag aral, mag drawing, manood ng anime o mag laro ng mobile... More

HELLO, MY LADY
CHAPTER 1 : Bitter Alert
CHAPTER 2 : First interaction
CHAPTER 3 : Trio to Quadro
CHAPTER 4 : The Sayout
CHAPTER 5: Bestfriends
CHAPTER 6 : Who is he?
CHAPTER 7 : Happy crush
CHAPTER 8 : Hello, My Lady
CHAPTER 9 : Confession
Author's Note

CHAPTER 10 : Committed

20 7 0
By lazyianaelle

Zaralyn Wei's 18th Birthday

Abala ang lahat sa gaganaping kaarawan ni Weiwei. Umuwi pa nga noong isang linggo ang nanay nya para dito.

Sa katunayan ay hindi naman mahalaga kay Weiwei na magkaron ng engrandeng debut. Pero nais ng magulang nya na bigyan sya nito dahil once in a life time lang daw.

"aww hindi ka na minor next week" sabi ni Mads

"sasabihan kita ng, shut up minor" pagbibiro agad ni Weiwei dahil mas una ang birthday nya, next month pa si Mads kaya unang tutungtong sa legal age si Weiwei

They hired a make up artist and photographer for her debut.

"ako ba'to" tanong ni Weiwei sa sarili habang nakaharap sa salamin, sobrang ganda ng ayos nya at halos hindi sya makapaniwala na may ganito syang side

Elegant.

"dalagang dalaga na ang anak ko ah, wag munang mag aasawa" sabi ng kanyang ama

"daddy naman!"

"hindi pa yan mag aasawa, wala pa yung aasawahin" sabi ng kuya nyang hindi nya alam kung saan nanggaling, bigla biglang sumusulpot

Hinila nito ang girlfriend at pinaupo din para lagyan ng make-up.

"hoy hindi naman ako ang mag dedebut" reklamo ng babae

"ate make up-an nyo nga din po itong girlfriend ko" proud nyang pagkakaangkin kay Mads, nabatukan naman sya ng daddy nya

"halika nga doon at gawang marami pang aasikasuhin puro ka kaharutan" sabi nya sa anak "Mads, anak pa make up kana at tayo'y mag pipicture mamaya"

Abot langit ang ngiti ni Mads nang marinig nya ang sinabi ng Daddy ng boyfriend nya. "opo!"

"mga kabataan nga naman, when kaya" sabi ng baklang nag memake-up dahil naiinggit at wala pa syang bebe

"sa ganda mong 'yan ate baka bukas ay sampu na ang manliligaw mo" pambobola ni Weiwei

"naku ako pa ang binola mo beh"

Nag ayos at nagbihis ang magkaybigan. Ganon din ang mommy nya para sa photo shoot.

Parang kapatid na talaga ang turing nya kay Mads kaya gusto nya ay laging kasama ito sa mahahalagang araw ng buhay nya. Syempre ganon din sya sa kaybigan. Bonus na lang dahil naging girlfriend ito ng kuya nya.

Pumunta sila sa isang magandang café na nasa rooftop kung saan napaka ganda ng view. Doon nila ginanap ang photo shoot.

"nice, another pose hija. Poly, ibigay mo yung bulaklak" utos ng photographer

Paminsan minsan ay lumalapit pa ito para iayos si Weiwei.

Sumunod ay magkakasama na ang buong pamilya. Mayroon ding solo ang bawat isa. Litrato na si Mads at Wei lang or si Mads at Weiwei.

Mga naka wacky, serious or stolen shot na pwede ng ipang magazine. Hindi maikakaila na magaling kumuha ang photographer.

Habang nagpapahinga at tinitingnan ang mga litrato ay hindi maiwasan ni Weiwei na mamangha sa mga ito.

Maya-maya ay tinawag sya ni Mads para nag retouch ng lipstick.

"sayang noh, mas maganda siguro kung nandito laloves mo" sabi nya habang nilalagyan ng lipstick ang kaybigan

Wala si Zae dahil may inaasikaso itong family problem and family business.

Almost a year na siguro simula ng umalis sya. Long distance relationship, sa chat or video call lang sila nagkikita at nagkakausap.

Hindi din madalas dahil talagang busy nitong mga nakaraan dahil naka focus din kase si Weiwei sa pag aaral nya sa grade 12. College na si Zae at mahirap din ang course na architecture.

Kahit ganoon naman ay okay lang sa kanila at gumagawa ng paraan para makapag kumustahan.

"I miss him. Sobra." pag amin nya kay Mads

"makaka attend kaya sya?" hindi nya maiwasan ang mapaisip, pero kung tatanungin sya ay gusto nyang umattend si Zae

"ewan, siguro, kung hindi ay ulitin na lang natin ang birthday mo pag dating nya para maisayaw ka" tinawanan na lang nya ang sinabi ng kaybigan, alam nyang gusto nitong wag sya masyado mag isip lalo na't malapit na ang kanyang kaarawan

Pagkatapos ng photo shoot ay umuwi na sila at kaagad agad ay nagbihis at nagtanggal ng make up si Weiwei. Gusto nyang tumulong sa pag dedesign ng venue.

"ako na nga, bawal mapagod prinsesa namin" sabi ni Wei, nagpupumilit ang kapatid nya na sya na ang magbuhat ng mga artificial flowers na idedesign pero ayaw nya pumayag

Hindi nya napilit ang kuya nya kaya kay Mads naman sya nagkukulit.

"ayoko nga, kaya ko na 'to. What if mahulog ka pa pag ikaw tumungtong dito careless mo pa naman"

Hindi din sya hinayaan ni Mads na tumulong. Pumunta sya sa kusina pero tinaboy lang din sya ng nanay nya dahil masikip na daw doon.

"doon ka na lang sa kwarto mo ako na lang bahala dito anak, mag handa ka na lang ng speech oh ano riyan wag mo akong abalahin mamaya magkamali pa ako dito"

Napabuntong hininga na lang si Weiwei bago umakyat sa kwarto nya.

Kinuha nya ang cellphone at tiningnan kung may mensahe ba si Zae pero wala syang nakita. Nag iwan na lang ulit sya ng chat

Zae changed her nickname into Lady, mga dalawang taon na siguro.

Lady: wag mo kalimutan kumain ng lunch ha

Inilagay nya sa side table ang cellphone pero hindi ito pinatay. Naka full volume at bukas pa ang Wifi para kung sakaling magreply si Zae ay alam nya agad.

Hindi pa nagtatagal ay bored na agad sya at gusto nyang may gawin. Nagpalit sya ng damit, dinala ang cellphone at wallet tapos nagpaalam na aalis.

Kahit ayaw ni Wei ay ipinahiram nya ang motor sa kapatid dahil wala naman syang magagawa.

"ingat sa pag dadrive ha" paalala nya dito

"san punta non katanghalian eh?" tanong ng ama nya ng makitang umalis ang anak

"di'ko natanong, yaan mo sya dad don't panick it's organic, kahit mamayang gabi na sya umuwi okay lang"

"aba!"

"dadating na son in law nyo mamaya hindi surprise pag nakita agad sya ni Weiwei"

"aba'y... edi tawagan mo sabihin mo'y mamayang gabi na bumalik at ng makapag bonding bonding muna kami ni ano.. ano ngang pangalan?"

napailing si Wei "ewan ko sayo daddy, lagi mo ng kinalimutan. Anak na lang itawag mo" sabi nya bago bumalik sa ginagawa

Napakamot naman sa ulo ang daddy nya "aba'y hindi pa sinabi tarantado"

Maya maya ay dumating nga si Zae sakay ng isang BMW. Gwapo, malinis at mabango syang tingnan sa suot nyang white polo shirt, maong shorts at converse.

"sigurado kang mamaya pa ang balik ni Weiwei?" tanong nya agad ng salubungin sya ni Wei at Mads, tumango naman ang dalawa

Pero saan na nga ba nakarating si Weiwei?

"ang gandaaaaaa" sobra ang pagkamangha nya sa ganda ng tanawin dito sa beach, sulit ang 1 hour na byahe

Naglibot lang sya at kumuha ng maraming litrato sa lugar.

Pagkatapos ay nag drive na ulit sya papunta naman sa sikat na Anime café na matagal na nyang gustong puntahan.

Umorder sya ng isang cappuccino at ang napili nyang design ay ang favorite character nya mula sa Spy X Family na si Anya.

Sa sobrang pagkamangha ay hindi nya ata kayang inumin ang kape. Nakailang take sya ng picture bago ito tikman.

Nang maubos nya ang kape ay naghanap naman sya ng malapit na food park.

Nasa bucket list nya ang kumain sa food park mag isa.

Kagaya ng nakagawian ay kumuha muna sya ng mga litrato bago kumain.

Napansin nyang hapon na at baka hinahanap na sya dahil baka kaylangan ng kuya nya ang motor kaya binilisan na nya ang kain at umuwi na.

"masaya pala gumala mag isa, pero mas masaya siguro pag kasama ko sya." sabi nya sa sarili

Pagdating nya sa bahay ay mag aala-sais na. Nadatnan nyang nagkukwentuhan habang kumakain ang mga tumulong kanina.

"hello po" nahihiya nyang sabi

si Mads sa di kalayuan ay bumulong kay Wei "buti na lang umalis na si Zae, di kaya sila nagkasalubong?"

"hindi yan, magkasama sila ngayon kung nagkita sila"

"sa bagay" nakumbinsi nya si Mads

Kinaumagahan ay abala ulit sa pagluluto ng iba pang ulam na ihahanda ang mga matatanda.

Ngayon ang araw ng kaarawan ni Weiwei at talagang busy ang lahat.

Si Weiwei ay naligo na agad at nagbihis ng damit na regalo ng mommy nya. Pinilit din sya ni Mads na magsuot ng accessories at maglagay ng light make up.

Bati dito, bati doon. Thank you dito, thank you doon.

Walang ibang ginagawa si Weiwei kundi ang pag-ngiti at pag welcome sa mga dumadating na bisita.

"salamat po, kain po kayo"

"mano po, opo salamat"

"ang bait mo today ah" pang aasar ni Mads nang magkasalubong sila

"shut up, minor" dahil dito ay napairap na lang si Mads bago ngumiti at alukin ng pagkain ang mga bisita

Gabi na at simula na ang event.

Natapos na ang eighteen eighteen. Marami syang natanggap na regalo, pagbati at mga paalala mula sa matatanda.

Ngayon ay oras na para sa eighteen roses.

Isinayaw sya ng mga pinsan nyang lalaki, ninong, lolo, syempre ang kuya wei nya pagkatapos ay ang daddy nya.

"ang sweet naman ng father and daughter, pero mas sweet siguro pag si anooo" pang aasar ni Mads na naka mic pa nang malapit na matapos ang sayaw ng mag ama

Pagkatapos ng oras ng daddy nya na isayaw sya ay hindi nito binitawan ang kamay ng anak.

"now let's all witness the last dance, the eighteenth rose, the guy she miss the most..." nakangiting pinagmasdan ni Mads ang ekspresyon ng kaybigan

Agad na hinanap ng mga mata ni Weiwei si Zae.

"our celebrant's... first love..." sobrang lakas ng palakpakan at hiyawan ng mga bisita ng marinig ang sinabi nya

Ibinaba nya ang hawak nyang papel at pumunta kay Weiwei para iabot ang mic.

Mahigpit padin ang kapit nya sa kamay ng daddy nya "kinakabahan po'ko..." bulong nya dito

Huminga sya ng malalim at magsasalita na sana nang marinig nya ang tugtog mula sa lalaking may hawak na gitara na papalapit na sa kanya ngayon.

I would never fall in love unless it's you I fall into

I was lost within the darkness but then I founf you

I found her

Nang matapos ang kanta ay kinuha ng daddy nya ang mic sa anak.

"parang, pakiramdam ko'y inihahatid kita sa.. altar ah" napatawa si Weiwei sa sinabi ng ama at bahagyang napayakap dito

Si Zae ay medyo nahihiya pa dahil sa dami ng tao pero naglaho din ang kaba nang ituon nya ang atensyon sa magandang dilag na nasa harap nya.

"Zae... ikaw na ang bahala sa anak ko ha" yun na lang ang nasabi ng daddy nya bago iabot ang kamay ng anak sa binata

Nakangiti naman itong kinuha ni Zae, nag usap na sila kanina kaya kumportable na sya sa daddy ni Weiwei.

"nahihiya ako eh" sabi ng ama nya sa mga bisita nang makabalik sa upuan

"Allow me to be your last dance, my beautiful lady" he offer his hands to Weiwei

"I miss you" napangiti si Zae nang bigla syang yakapin ng dalaga, sinabayan nila ang musika

"I miss you too."

inilayo ni Weiwei ang hawak na mic "aren't you going to say its better if it's a kiss?"

"kinda, but your father might kill me"

Humiwalay sya sa pagkakayakap. Nasa bewang nya ang kamay ni Weiwei at ganon din ang kanya.

Kinuha nya ang Mic kay Weiwei "You're 18 na?"

Mas matangkad si Zae kahit na may suot na heels si Weiwei kaya nakatingala padin sya. Tumango lang ito "hm"

"not a minor anymore..." natatawa nyang sabi

"Back then, there are only 2 important girls in my life, my mother and my little sister. But now there are 3, including you."

"You painted my black and white life. You made every detail of my existence more meaningful."

"You are my safe haven, my source of happiness."

"I can't explain how much I like and love you..."

"but I've been waiting for this day when I can finally say... I love you, Zaralyn Wei. Happy 18th birthday"

"where's my gift?" nakangiting tanong ni Weiwei na pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak

"can you be mine, officially?" pagtatanong nya din

"call me girlfriend then"

"girlfriend."

"I love you."


THE END



Continue Reading

You'll Also Like

17.4M 545K 37
"It's like he's a different breed of werewolf. Something... beyond us." • • • Adrienne Gage has spent her entire life being shunned and punished for...
46.9K 415 22
This is not the desire I wanted to.
912K 81.4K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...