Nasaan na ang Prince Charming...

By maegelxoxo20

1.8K 210 253

Tingin sa kanan, may nagkikilitian. Sa kaliwa, may naghahalikan. Sa harapan naman, may nagho-holding hands. L... More

Prologue
My Prince 1
My Prince 2
My Prince 3
My Prince 4
My Prince 5
My Prince 6
BEST OF BEST KPOP CONCERT (not an update)

My Prince 7

37 0 2
By maegelxoxo20

ANGEL
"I'm Chloe, Chloe Anika Perez." Halatang-halata ang pagkagulat sa mukha ni Xav.
Ano kaya ang relasyon nila ni Anika?

"Anika? Si Anika iyakin? Anika payatot? Ikaw ba talaga yan?"
Nagtataka ata si Xav kung kilala niya ba talaga ang babaeng nasa harapan niya matapos ang ilang segundo kitang-kita na sa mukha ni Xav ang tuwa na may halong pananambik. Pansin mo sa mga mata niya ang spark.

"Yup, ako nga si Anika na iyakin at si Anika na payatot ano pa bang ibang gusto mong itawag sa akin Agustin Patpatin? Hahaha"

Agustin pala ang tawag ni Chloe kay Xav at Anika naman ang tawag ni Xav kay Chloe.
Sweet naman nila parang terms of endearment nila sa isa't isa ah. (Insert selos face here).
Hoy anong selos-selos ka diyan Angel maghunos-dili ka nga.

Bakit ka magseselos ka-anu-ano mo ba si Xav? Bakit ka magseselos eh wala ka namang karapatan at tsaka wala kang panlaban sa kagandahan at kayamanan ni Chloe oh.
Isang hamak na nerd girl ka lang at pobreng scholar sa prestihiyosong paaralan na ito kaya gumising ka sa katotohanan.

"Hoy hoy anong Agustin Patpatin? Hindi mo ba nakikita na machong-macho na ako ngayon?"

With matching fold-fold pa ni Xav sa kanyang mga braso yung post ba na pinapakita ang biceps mo.

"Hahaha. Ewan ko sayo Agustin Patpatin tsaka wag mo nga akong matawag-tawag na iyakin at payatot for your information hindi na ako iyakin ngayon, palaban na ata to tsaka hindi na rin ako payatot noh ang ganda-ganda ko na kaya. Hahaha"

Galak na galak silang makita ang isa'-isa. Pansin mong tawa lang ng tawa si Xav at tsaka panay naman ang biro ni Chloe. Infairness bagay sila, parehong gwapo at maganda tsaka mayayaman.

"Basta payatot ka parin Anika. Haha."
"Anong sabi mo Agustin Patpatin? Nakakainis ka talaga."
Sabay lagay sa isang braso nito sa leeg ni Xav yung akmang iipitin niya ang leeg ni Xav.

"Oops, tama na yang kulitan na yan. Kain na muna tayo at nang mai-celebrate natin ang pagkapanalo ng Team natin sa Basketball."
Biglang sulpot ni Anthony.

"Oh sige sige"
Sagot naman ni Xav at Chloe.

Pati ba naman sa pagsagot pareho pa talaga ang mga salita tsaka sabay pa talaga ha.

"Gaya-gaya" Sabay na naman sila.

"Hahahaha" sabay na namang tawa. Wow! Sila na talaga ang meant to be.

Nakarating na kami ngayon sa KFC at nag-order na ng pagkain.
Napakaraming pagkain ang inorder at halos mapuno na ang mesa para lang fiest ang peg ah.

Magkatabi si Chloe at Xav sunod sina Geoff at Mike sa kabilang banda naman kami nina Denver, Ako, Ann at Anthony so bale magkaharap kami ngayon ni Xav.

Si Anthony busy naman sa pangungulit kay Ann, si Geoff, Mike at Denver naman nagkukulitan rin ang pinag-uusapan nila ngayon ay kung sino na naman ang sunod nilang target na babae kaya ako rito walang kausap at nakikinig na lamang sa mga pinag-uusapan nila.
Tawa-tawa lang nang tawa sina Xav at Chloe habang nagku-kwentuhan.

"Agustin naman eh, wag mo na nga akong tawaging payatot sexy na kaya ako."

"Anong sexy payatot ka pa rin! Hahahaha"

"Ah ganon pala ha" kinikiliti ngayon ni Chloe ang tagiliran ni Xav.

"Hahahaha. Madali ka pa ring nakikiliti Agustin wala ka pa ring pinagbago."

"Waaah! Tama na Anika! Hahahaha. Tama na. Hingal. Stop na. Hingal ulit. Please Anika! Hingal na naman"

"Hahaha. Ayaw kong tumigil. Hahahaha." Sundot pa rin nang sundot sa tagiliran ni Xav.

"Ayaw mo palang tumigil ah" biglang hinawakan ni Xav ang dalawang kamay ni Anika at ginapos gamit ang isang kamay. Hawak-hawak na ni Xav ang dalawang kamay ni Chloe.

Oras naman para makaganti si Xav, siya naman ang nangingiliti kay Chloe ngayon.
"Awat na. Hahahaha. Awat na Agustin" Tawa pa rin nang tawa si Chloe.

"Stop na Agustin!! Haha"

"Sige na nga. Pero next time na kikilitiin mo ako hindi lang yan ang aabutin mo sa akin."
Pagbabanta ni Xav kay Chloe.

"Oo na Agustin. Haha"

"Ahem! Ahem!" -Ann
Biglang nagsitinginan kaming lahat kay Ann.

"Tama na ang harutan" Mahinang sabi ni Ann pero narinig ko pa rin kasi magkatabi kami.

"Hoy ano ka ba? Baka marinig ka." -Ako

"Eh ano naman? Kanina pa sila naghaharutan, gutom na ako tsaka baka nasasaktan ka na sa nakikita mo.

"Hindi kaya" Mabilis kong dineny ang sinabi Ann eh sa hindi naman talaga totoo eh. (Author's note: Hindi nga ba totoo? Hahaha)

"O siya, tama na yang kilitian na yan at kumain na tayo. Gutom na kami pre!!" -Anthony

Nakakatuwa namang pagmasdan si Chloe at Xav, bagay na bagay sila sa isa't-isa. Maganda tsaka gwapo. Eh kami kaya ni Xav? Obvious na rin naman ang sagot, hindi kami talo. Napakalayo ng agwat namin ni Xav.

"Di ba paborito mo ang chicken drumstick Anika?" Tanong ni Xav kay Chloe.

"Oo, naalala mo pa pala yun Xav. Mabuti naman."
Kumuha ng isang pirasong drumstick si Xav tsaka inilagay sa plato ni Chloe.

"Eto oh"

"Wow, thank you naman Mr. Patpatin" Napakalaki ng ngiti ni Chloe.

"Walang anuman Anika Payatot. Haha"

"Tama na nga yan, ikaw talaga Agustin Patpatin" Natatawang sagot ni Chloe.

"Bes, selos ka noh?" Tanong ni Ann sa akin dahilan kung bakit bigla akong nabulunan sa kinakain kong wings.
*Bulonan* *Ubo* *Ubo* *Ubo*

"Ang tubig oh" Nag-abot ng tubig si Xav. Uminom ako tsaka nakaraos na rin sa pagkabulonan ko.

"Salamat" With matching maliit na tawa kay Xav.

"Walang anuman. Hinay hinay lang sa pagkain Ang." Tugon ni Xav.

Anong akala mo sa akin Xav PG, nabulunan lang talaga ako dahil sa nakikita kong mga kaganapan sa harap ko ngayon. Haay naku. -_- Maka-concentrate na nga sa pagkain. Bakit ba na-ba-bad trip ako? Huhue. I don't like this feeling.

Nakalabas na kami ngayon sa KFC pero ang mukha ko nakasimangot pa rin kahit busog na. Hindi ako umiimik at nakiking lang sa pinag-uusapan nila.

"Oh ano Agustin uwi na ako ha" -Chloe

"Anong uuwi ka na? Mamamasyal pa tayo Anika ang tagal kaya nating hindi nagkita"

"O siya, mauna na kami sa inyo" Sabay na sabi ni Geoff at Denver.

"Psst, huwag sumimangot napapag-halataan ka na eh" Biglang may nagsalita sa tabi ko at nalamang si Mike pala ito.

"Hindi naman ako nakasimangot ah kita mo ang laki nga ng ngiti ko oh" tsaka binigyan ko siya ng isang malaki at mapagpanggap na ngiti.

"Kitang-kitang pilit oh. Hahaha"

"Ewan ko sa'yo" Inirapan ko nalang si Mike.

"Oh sige pare mauna na rin kami ni Ann." Sabi ni Anthony

"Hoy anong sabay tayo? " gamit ang nagtatanong na mukha ni Ann

"Sabay na tayo, ihahatid na kita sa inyo"

"Ayoko nga, kaya ko naman ang sarili ko"sagot naman ni Ann.

"Tara na nga" tsaka hinila ni Anthony si Ann sa braso.

"Hoy ano ba?? Bitiwan mo nga ako!"

"Ayoko nga, paano na si Bes. Hoy! Hoy!" patuloy na hinila ni Anthony si Ann hanggat makalayo na sila sa amin.

"Okay lang ako dito Bes! Sige enjoy!" Sigaw ko sa kanya.

"Umm, Ang gusto mo ba sabay nalang tayong tatlo ni Anika umuwi?" Tanong ni Xav sa akin kahit na alam kong napipilitan nalang siyang isama ako.

"Huwag na Xav okay lang ako. Enjoy your time nalang with Anika. Hehe" binigyan ko si Xav ng isang mapagkunwaring tawa.

"Sure ka ba?"

"Oo okay lang talaga"

"Sige Angel mauna na kami" paalam ni Chloe tsaka tuluyan na silang lumayo.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit masikip ang dibdib ko? Umasa nga ba talaga ako na magkakagusto si Xav sa akin? Ano ba kasi ang problema sa isang katulad ko?
Dahil ba hindi ako maganda? Hindi mayaman? Bagay naman talaga kay Xav ang isang maganda at mayaman na babaeng katulad ni Chloe. Magka-lebel kasi sila. Pero bakit parang may namumuong luha sa mga mata ko?

"Hoy okay ka lang ba?" Nagulat nalang ako kasi akala ko ako nalang mag-isa.

"Hoy! Hoy!" Hawak ni Mike ang dalawang braso ko tsaka inaalog-alog ako.

"Hoy huwag ka ngang umiyak"

"Anong umiyak, hindi naman ako umiiyak ah" pinahiran ko ang mga mata ko bago paman tumulo ang mga luha ko.

"Tara na nga, hatid na kita sa inyo" tsaka hinila ako ni Mike.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong ni Mike habang naglalakad kami.
Sinabihan ko si Mike sa address namin.

---------------------------------------
Hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa amin.

"Hoy Angel nandito na tayo sa bahay ninyo."

"Ah, Eh, ganon ba. Sige salamat sa paghatid"

"Sige magpahinga ka na. Huwag mo nang alalahanin si Xavier."

"Hog hindi naman ako nag-aalala sa kanya ah"

"Ah hindi ba? Iba kasi ang pinapakita ng mukha mo sa mga sinasabi mo"

"Haay naku Mike para kang ewan. Sige na nga papasok na ako. Salamat sa paghatid"

"Sige na pasok na. Goodnight Angel!"

---------------------------------------------

Waaah! Pasensya na kung natagalan ako sa pag-update guys! Naging busy kasi ako. Huhuhu. Anyway I'll try my best na makapag-update agad-agad. For now enjoy this chapter muna.

Comment naman kayo guys para maganahan akong mag-update. Hehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...