SPARKLES (One-Shot Stories)

By Faerie_Sparkles

1.1K 147 29

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆ This a compilation of my one-shot stories. Th... More

Miss Papansin
Friday 13th
Last Beat
Time-Out
Meant To Be Alone
Si Mr. Heart Ko
Casanova God
The Vamp's Present
I Love You Zac
Afterlife Marriage

Mahal ko o Mahal ako?

23 3 0
By Faerie_Sparkles

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

May nagmamahal sa akin. May mahal ako. May mahal s'yang iba. Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? Mahal ko na may ibang sinisinta? O... Mahal ako, ngunit 'di ko kayang masuklian 'yung pagmamahal niya?

 ☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆


I remember that day when I told him I love him. Ilang araw kong pinaghandaan 'yung araw na 'yun. Lahat ng natitirang lakas ng loob ko, hinugot ko na.


"T-tylan, ma-h-hal kit-a." Hindi ko mapigilan ang mautal. Sa lakas ba naman ng kabog ng dibdib ko, pinanghihinaan na ako.


I bowed my head, fixed my eyes on the ground and bit my lower lip. Nahihiya ako sa ginagawa ko. Pero in the name of love, dapat kong gawin 'to.


Bigla na lang napaangat ang ulo ko nang magsalita siya.


"The feeling's not mutual."


Well, hindi ko naman inexpect na sasabihin niya din na mahal niya ako. Confessing my feelings to him is enough. Kaya lang, nasaktan ako sa sunod niyang sabi.


"I love someone else. And that someone else, is not you."


Masakit ang fact na he doesn't love you. Pero mas masakit ang fact na he doesn't love you 'cause he loves someone else.


Para akong nastatwa sa kinatatayuan ko. I can't move. Tila ayaw ding gumana ng utak ko. Ang tanging parte lang na alam kong gumagana ay 'yung puso ko na naninikip at tila hindi na makahinga.


Na-realize ko na lang, nakaalis na pala siya.


It hurts. A lot. Sino ba namang hindi masasaktan. Love is like a buy one take one process. You buy love, you take pain. 'Yun 'yun eh.


Isang buwan lang naman ang lumipas mula nung araw na 'yun. Even if we're classmates, we don't share words from each other. Pasimple ko na lang s'yang minamanmanan. At least, kahit 'di kami, updated pa rin ako sa buhay niya.


Kaya lang nababagabag 'yung kuryusidad ko. I've been stalking him for quite some time now, still, I haven't seen him with other girl. Sino ba 'yung someone else kuno niya?


Nagulat ako bigla nang tumunog ang speaker ng computer namin, indicating that I received a new message.


From August.


"Hey! 'Sup Sheen!"


'Yun ang bumungad na mensahe sa akin sa pagbukas ko ng chatbox.


Siya si August. We met at a certain online gaming website. Gaming website, pero hindi ang maglaro ng online games ang purpose ko dito, kundi ang maka-chat ng mga strangers. Trip ko lang. At isa siya sa mga strangers na 'yun. Although, hindi na siya masyadong stranger para sa akin dahil halos gabi-gabi kaming nag-chachat at halos alam ko na lahat tungkol sa kanya.


Sheen ang tawag niya sa akin dahil 'yun ang username na gamit ko. Kinuha ko sa real name ko na Yosheenalyn.

"Nothing changed. Iniisip ko pa din siya."


I replied.


Alam naman niya ang tungkol kay Tylan at ang nararamdaman ko sa kanya. He also knew that Tylan don't feel the same towards me.


"Too much thinking of something you can't have doesn't give you anything but pain."


Palagi kong kinukwento lahat ng hinanakit na nararamdaman ko at palagi ding malalim ang mga replies niya.


"There are 7,107 islands in our country. There's not only one but millions of guys in the world. Surely, one of those millions felt the same love as your love for him. Why don't you fix your eyes on that guy? Why don't you ask that guy to mend your crumpled heart?"


August never failed to make my nose flooded with red liquid. He's too deep.


Kahit naintindihan ng utak ko ang sinabi niya ay ayaw naman iyong intindihin ng puso ko.


"Lahat ng subject sa klase, hindi ko alam. Lahat ng gawaing bahay, hindi ko alam. All I know is to love him. 'Yun na nga lang  alam kong gawin eh."


Reply ko sa kanya.


Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa ako nakatanggap ng reply mula sa kanya kaya nag-send pa ako ng message.


"Kahit magka-amnesia pa ang utak ko, hindi naman nagkaka-amnesia ang puso, kaya kahit anong gawin ko, hindi madaling makalimutan 'yung feelings ko for him."


Puno ng hugot kong sabi.


"I'm willing to be a rebound, you know."


Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Matagal ko ng alam na may gusto siya sa akin. He confessed his love to me. Sa tuwing sinasabi ko sa kanya na may mahal na akong iba, sinasabi naman niyang hindi naman ako ang mahal nu'n pero siya daw, mahal niya ako.


"I don't want to be selfish. Just because I'm hurt, doesn't mean you should be hurt too. Masasaktan ka lang kung gagawin kitang panakip-butas."


'Yun ang huli kong reply sa kanya nung gabi na iyon. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at nag-log out na lang. I don't like it every time he opens up that topic.

 ***


"Yoshee, andito ka lang pala sa library, wala ka namang pasabi."


Nginitian ko na lang ang kaibigan kong si Felice.


"Still confuse, eh?"

Biglang tanong niya nang makaupo na siya sa tapat ng silyang kinauupuan ko.


Tumango na lang ako. Nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil nasasaktan ako at nakakasakit ako.


"I'm hurting because I know you can never love me back just as that guy whom you love can never love you back. But if happiness to you means loving that person you love, I'd be willing to let you go even if it's the same as stabbing my own heart."


'Yun ang reply ni August kagabi na kaninang umaga ko lang nakita. Mga katagang pumisil sa aking damdamin gaya ng pagpisil ni Tylan nung sinabi niyang hindi niya ako mahal.


"Felice, ayokong masaktan at ayokong makasakit."


Felice, being a good friend, she looks eager to give all her ears to the words, escaping my tongue. And so I continued.


"Mahal ko o mahal ako?"


Felice heaved out a heavy sigh. Mukhang nahihirapan din s'yang sagutin ang tanong na bumabagabag sa aking isipan.


"'Pag pilit mo namang isiksik 'yang puso mo sa puso ng mahal mo, ikaw din ang masasakal sa sikip dahil walang nakalaan na espasyo para sa iyo. Kapag naman binigay mo 'yung puso mo sa taong nagmamahal sa iyo, makakahinga ka nga ng mabuti, pilit naman at hindi kusa."


"Sa pag-ibig, hindi naman pwedeng walang masaktan. Ngunit kahit ayaw ng taong masaktan ay kailangan kung para din naman iyon sa ikasasaya ng taong kanyang minamahal."


Sa sobrang lalim at haba ng sinabi ni Felice, hindi ko pa rin alam kung sino dapat ang aking piliin.


"Sino ba dapat?"


Ngumiti siya at pinisil ang aking kamay.


"Yoshee, hindi naman ako ang nasa lugar mo. Ikaw. Ikaw ang dapat pumili. Andito lang naman ako bilang kaibigan mo para gabayan ka sa mga desisyon na gagawin mo."


Ngunit hindi pa rin ako nakuntento sa sagot niya at nagtanong uli.


"Kung ikaw Felice ang nasa posisyon ko, sino ang pipiliin mo?"


Tumawa siya ng mahina na para bang sinasabi na ayaw ko s'yang tantanan kapag hindi siya sasagot. Which is true. Gusto ko malaman kung anong gagawin niya kung sakaling mangyare sa kanya ang sitwasyon ko ngayon.


"Ako? Siguro para walang masaktan..."


Pinabitin pa niya kaya lalo kong nilapit ang mukha ko sa kanya para marinig ang sasabihin niya.


"Magmamadre ako."


Patawa niyang sabi. Nainis naman ako dahil mukhang hindi naman siya seryoso.


"Felice naman eh."


"Bakit? At least 'pag pumasok ako sa kumbento, maiintindihan nung taong nagmamahal sa akin, hindi siya masyadong masasaktan dahil hindi ko naman siya inayawan dahil sa pinagpilitan ko 'yung sarili sa taong mahal ko. At 'pag pumasok ako sa kumbento, makakalimutan ko ng unti-unti ang taong mahal ko dahil tanging ang Diyos na lang ang lalaking dapat kong mahalin."


Kung sabagay, may point siya.


Matalino si Felice. Alam niya ang sagot sa mga ganitong bagay. Kaya nga tuwing may "love problems" kuno ako, siya 'yung takbuhan ko na laking pasalamat ko ay hindi niya naman ako binibigo. Napaka-ironic lang pakinggan na kung sino pa 'yung walang experience sa love, siya pa 'yung nagbibigay ng hugot lines sa love. Kaya laking pasalamat ko talaga at biniyayaan ako ng isang Felice.


"You have no idea how many times I thanked God to have you, Felice."

Abot tengang nakangiti ako sa kanya habang sinasabi ang linyang nagpapaskil din ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi.


"And you got zero percent idea how I thanked God that I have so much worth for you."


We gave each other one last hug bago namin nilisan ang library.

 ***


"Really?"


Alam kong na-shock si August sa sinabi ko. Sinabi ko lang naman na may balak akong pumasok sa kumbento, mag-madre, at hindi magmahal ng lalaki maliban sa Diyos.


Alam kong biro lang iyong sinabi ni Felice sa akin kanina, ngunit bakit hindi ko subukan? After all, I don't think I can manage to seek for a new love.


"Buo na ang desisyon ko. I already told my parents about this and they agreed. After graduation, didiretso ako sa kumbento."


Pinaalam ko na din kay Felice na sineryoso ko ang sinabi niya kanina. Nung una ay nanghinayang siya dahil masyado daw akong maganda para magmadre pero kalaunan ay sinabi niyang,


"Very well then. Kung hindi kayang suklian ni Tylan ang pagmamahal mo, nariyan naman ang Diyos na higit pa sa pagmamahal mo ang ibibigay."


'Yun ang sinabi niya na mas lalong nag-ingganyo sa akin na gawin ang pasya ko.


"I'm not in your foot to decide about your life. But at least, give me a chance to meet you face to face before you leave."


Oo nga pala. Sa dami ng pagkakataon naming nag-uusap ay ni hindi pa kami nagkikita ng magkarap.


Pinaunlakan ko naman ang pabor niya. Kahit 'yun man lang magawa ko.


"Let's meet at the public plaza, tomorrow around 6 PM."


"Expect me to be there."

 ***


Nakikita ko na siya. Nakatalikod s'yang nakatayo malapit sa isang poste. Sa bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa kanya, ay mas lalo akong kinakabahan. I don't even know why. Ang alam ko lang, habang mas napapalapit ako sa kanya, mas bumibilis din ang tibok ng dibdib ko.


'Why am I tensed? Si August lang naman 'to 'diba?'


Nasabi ko sa isip ko.


Kung sabagay, malamang kinakabahan lang ako dahil una namin itong pagkikita.


Nung ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa, huminga muna ako ng malalim. Hinahanda ko ang sarili ko na hindi mautal sa kaba.


"August?"

Pagtawag ko sa kanya.


Dahan-dahan s'yang tumatalikod upang harapin ako.


"Sheen, you're he—-re."


He seemed to be surprised. Maski ako ay nasurpresa sa pagharap niya. Kahit silhuotte lang iyung mukha niya na natatanaw ko dahil hindi madilim na, hindi pa rin maikakailang gwapo siya, sa boses pa lang niya.


Muli pa akong nagulat nung banggitin niya ang pangalan ko.


"Yosheenalyn?"


T-teka...


"Tylan?"

***


(A/N: Sinadya kong bitinin 'yung ending. Basta, bahala na kayo kung anong ending ang gusto niyong i-kabit d'yan. Anyway, arigato sa lahat ng nagbasa! ♥ )

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...