The Museum Of History

Door yellowbei

1.1K 106 25

Nagsimula ang lahat sa museo ang lugar na magpapabago nang lahat. Maari bang' ang dalawang taong nag mula sa... Meer

TMOH.
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 12

Kabanata 11

31 3 1
Door yellowbei

"Umagang umaga sira na agad ang araw ko kung ikaw ang una kong makikita dito."

Pinipigilan kong h'wag matawa dahil mainit na naman ang ulo ni Julia, naabutan namin si Enrico na prenteng nakaupo sa sofa.

"H'wag mo nalang pansinin, dedmahin mo ganuon." Sambit ko na kinatango nalang niya.

Alas-osto palang ng umaga at naghanda na kami ni Julia pumunta sa bayan, oo at mas maganda sa gabi kami pupunta sa perya pero hindi pinayagan si Julia ng kaniyang ama at baka raw mapahamak kami tiyak rin kasing madaming tao ang darayo sa perya.

Dumiretso nalang kami sa kusina para kumain, kahit na bawal sumabay ang mga taga-silbi sa kanilang amor ay wala silang magagawa. Gusto ko ni Julia na lagi niya akong kasabay.

Hindi rin ako nakatulog kagabi kahit na pagod na pagod ako dahil buong araw kaming gumala nitong si Julia. Kasalanan 'to ni Julio. Hanggang ngayon hindi parin nag-si-sink-in sa utak ko ang gusto niyang mangyari.

"Magandang umaga, Binibining Julia at Esteria." Si Mela ang unang bumungad sa amin pagpasok namin sa kusina para mag-umagahan.

Si Don Fernando ay kausap si Enrico sa sala at tiyak na nauna n itong kumain.

"Maganda umaga rin, Mela," sabay naming bati sa dalaga. "nasaan si Ina?" Tanong ko rito.

Ako ang naglagay sa plato ni Julia ng sinangag at isda, si Mela naman ang nagtitimpla ng kape para sa amin.

"Umuwi muna sa inyo, dadalhan ng pagkain ang iyong ama at bilin rin niya na dumaan ka muna sa bahay niyo mamaya bago kayo pumunta sa bayan."

Kumunot ang noo ko, baka may ipapagawa o ibibilin si Ina. Sa mga nakaraang araw ko rito, nakasanayan ko nang tawagin sila ama at Ina.

Ibang iba ang trato nila sa akin kahit na hindi naman talaga ako ang kanilang anak. Kung pwede ko nga lang sabihin ay matagal ko nang ginawa pero hindi pwede. Misyon ko ito na dapat kong tapusin!

Nakaka-isang linggo palang ako sa panahon na 'to pero ibang ibang ang buhay ko rito. Nagkaroon ako ng kaibigan at parang kapatid na si Julia, close rin kami ni Mela dahil lagi siyang may kwento sa aming dalawa ni Julia. Alagang alaga ako ni ama at ina na hindi ko naranasan sa tunay kong buhay.

My mother hates me, my father leave me, my stepfather harassed me, I hate my school, I hate my friends, I hate my entire fuckin' life. I wish I had died.

Akala ko nung gabing maaksidente ako mamatay na ako, hanggang sa magising ako sa katawan ng ibang babae. Hanggang sa sunod sunod ang nangyari. Pero wala na akong takot katulad nung una, kada gigising ako sa umaga nakaka-excite dahil gagala kami ni Julia, makakapaglibot kami, at makakapag-enjoy na parang wala akong problema.

Iniisip kaya ako nila mama? 'yung mga kapatid ko napapakain ba niya nang maayos? may nagbabantay ba sa 'kin sa hospital? nakulong ba si tito dahil sa ginawa niya sa akin? pero alam ko ni isa sa mga katanungan na 'yan walang masasagot.

"Lalim ng iniisip mo, may problema ba?"

Napatingin ako kay Julia sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na naglalakad na kami papunta sa bahay kung saan tanaw ko na si ina at ama na halatang naghihintay sa aming pagdating.

"Wala naman. . ."

"Magandang umaga po," sabay naming bati sa mag-asawa.

Tango at ngiti ang sinagot nilang dalawa.

"Sabi po ni, Mela ay pinatawag niyo ako, Ina?" Tanong ko sa matandang babae.

"Oo at aking binalot ang iyong mga kasuotan, baka kasi wala ka nang masuot. Kinuha ko narin ang mga madudumi mong damit para malabhan," saad niya at may inabot na supot sa akin. "sige na at baka gabihin kayo sa bayan."

Nagpaalam na muli kami sa dalawa bago umalis at magtungo sa bayan. Inarkila naman namin ang kalesa kaya sabi ni Julia ay iwan ko nalang duon ang mga gamit namin. Plano naming magtagal hanggang hapon at uuwi agad.

"Julia," tawag ko sa kaniya at agad naman siyang humarap. "pwede bang bumili tayo ng kagamitan para sa pagpinta?"

"Oo naman, saan mo ba gagamitin?"

"Kasi ano. . . k-kuya Julio mo ay humiling na . . . i-ipinta ko siya," humina ang aking boses samantalang nanlaki ang sa kaniya.

"Talaga? edi maganda't siguradong nagustuhan ni Kuya Julio ang 'yong pininta na mukha ni Ina sa aming magkakapatid kasi siya ang pinakamalapit kay Ina."

"Wala ako pera!" angal ko agad, totoo naman kasi wala akong kahit na anong kagamitan para ipinta siya tapos ang sabi niya ay mamaya na agad. Wala pa naman akong sweldo.

"Ano ka ba!" natawa siya bago ako hatakin papuntang tindahan ng mga kagamitang pagpinta. "nandito ako, akong bahala sa mga kailangan mo!"

Nagsimula kaming maglibot sa maliit na tindahan at masasabi kongang magaganda at abot kaya ang presyo ng tinda nila. Pero sa panahong ito kahit singkong duling mahirap kitain pwera nalang kung mayayaman kayo katulad ng pamilya nila Julia. Na hindi na nila kailangang magbanat ng buto para magkapera.

Naalala korin at napag-aralan namin sa AP na sa panahong ganito hindi nakakapag-aral ang ilang kabataan lalo na ang mga babae. Dahil narin sa murang edad ay nag-aasawa na sila at bumubuo ng pamilya. Ganuon kasi ang paniniwala nila na dapat ang mga babae ay nasa bahay lang at pinagsisilbihan ang mga asawa nila. Samantalang ang mga kabataan sa panahon ko—natin hindi na big deal ang mga ganitong bagay dahil iba naman daw ang panahon natin sa panahon nila. They didn't get the lesson about it.

Nakabili kami ng iba't ibang brush, paints, at papel na gagamitin ko mamaya. Iniwan ulit namin ang mga 'yon sa kalesa at naglibot na. Maaga pa pero madami nang dumarayo dito sa bayan may mga ilaw nangang nakabukas e' tapos may mga batang sumasali na sa mga palaro.

"Ang sabi ni ama malapit na akong ikasal,"

Napabaling ako kay Julia dahil sa biglaang pag-imik niya nasa isang stall kami ng mga alahas at pumipili siya.

"Ilang taon kana? bakit ang agad naman 'ata,"

She just shrugged.

"Labing walo na, ganuon naman talaga ang mga mangyayari. Ipagkakasundo nila ako sa isang mayamang angkan pero hindi ko pa alam kung kanino." Lumungkot ang boses niya.

Bata pa naman kami pareho at hindi korin maiwasang malungkot para kay Julia. Imagine matatali agad siya ng maaga tapos ikakasal pa sa lalaking hindi naman niya mahal!

"H'wag mo munang isipin 'yan, tiyak naman na pipili nang maayos na lalaki ang ama mo para sa 'yo dahil hindi ka naman niya hahayaang mapahamak ganuon rin ang mga kuya mo. Tsaka mo nalang isipin 'yan. Nandito tayo para magsaya hindi ba?" Ngumiti ako at nag thumbs up na agad naman niyang ginaya kaya nagtawanan kami pareho.

Madami kaming nabili, nakakain narin kami ng tanghalian sa isang karinderya at ngayon at naglalaro kami dito sa perya. Oo mas maganda naman talaga ang perya sa gabi pero wala kaming magagawa at maya maya rin ay aalis na kami.

"Ah! Ang saya nun," natatawang sambit ni Julia kaya napatawa nalang din ako, totoo naman kasi puro kami tawanan habang naglalaro.

"Tara na? hindi tayo pwedeng magpagabi." Sambit ko dahil medyo kumulimlim narin at baka mamaya ay umulan pa.

"Sayang, sa susunod na taon na ulit bubuksan ang perya." Nakasimangot na saad niya.

Naglalakad na kami at may sari-sariling bitbit kami na mga supot dahil sa mga pinagbibibili ni Julia at mga napanalohan namin sa palaro.

Pareho pa kaming naka-idlip habang nasa kalesa at ginising nalang kami ni manong nung nasa harap na kami ng masyon.

Dumiretso kami sa silid ni Julia para dalhin ang mga pinamili niya nandito rin kasi ang iba kong gamit kahit na may sarili namang kuwarto para sa mga taga-silbi pero ito ang gusto ni Julia para raw may kasama siya kahit papaano.

"Pumunta ka sa silid aklatan nanduon si, Kuya Julio baka naghihintay na sa 'yo."

Tumango ako bago ko kunin ang mga kagamitang aming binili. I don't know why I'm so nervous especially when it's come to him. Sa paraan panga lang nang pagtingin niya para na akong nalulunod isama mo pa ang boses niyang malalim. Lubog na lubog ako.

Hindi na ako nahirapan makapunta sa library nila dahil na tour na naman ako ni Julia dito at minsan nakakalito dahil malaki talaga ang bahay nila.

Amoy ng libro ang bumungad sa akin at sasabihin kong sobrang sarap sa pakiramdam nito. Book worm rin ako kaya gustong gusto ko ang amoy ng libro.

"Kanina ka pa ba dito?"

I gasps. Boses pa lang niya ay nakilala ko na pero hindi agad ako nakasagot dahil sa sobrang lapit niya at nararamdaman ko narin ang hininga sa batok ko.

Marahan akong humarap at bumungad sa akin ang halos perpektong mukha ni Julio.

"Ah. . . A-Ano hindi kararating ko lang din," humina ang boses ko.

Bukod kasi sa medyo masikip ang lugar na kinatatayuan naming dalawa mas uminit tuloy ang atmosphere parang ang awkward!

Ilang minuto kaming nasa ganuong pwesto bago siya muling magsalita.

"Ang 'yong mukha,"

Hinawakan ko naman ang pisnge ko. Mainit ito pero nagtaka kasi ako sa sinabi niya.

"May dumi ba?" takang tanong ko.

"Nagkakasala na ako nito," sabi niya. "paano ko maiiwasang hindi titigan ang mukha mo kung ganoon ito kaamo at kaganda. K-Kailangan kong itigil 'to, masyado akong naaakit sa 'yo."

———
@yellowbei

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

622K 35.1K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
Way Back To You Door Eros

Historische fictie

457K 35.1K 99
Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa p...
Babaylan Door Ann Lee

Historische fictie

1.3M 79.8K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...