(a/n: thank you sa mga nag comment at nakiramay sa pighati ni sakuragi. AilaRivas3 SlamdunkFan1 RichelleMetiam 🥰😍😘 thank you so much sainyong lahat. Para sainyo itong update ko for today. Sorry kung maiksi.)
*******
"kung hindi niyo ipapasa sakin ang bola, mapipilitan akong agawin iyon mula sa kanila." Saad ni sakuragi sa mga kasamahan.
"Hindi ko lang masisiguro kung hindi ko sila matatamaan." Dagdag pang muli ni sakuragi sa malamig na boses bago tinignan ang mga kaibigan..
"Ano bang nangyayari sayo? Huminahon ka sakuragi, walang magagawa iyang galit na nararamdaman mo." Saad ni kiyo na pilit paring pinapakiusapan si sakuragi na maging mahinahon..
"Kung gagawin ko ang gusto niyo, edi mamaliitin na naman nila ako. Sa galit ko na nga nailalabas lahat ng nararamdaman ko pati ba naman ito pagbabawalan niyo pa." Hindi na mapigilang saad ni sakuragi na naiinis na rin dahil ang hilig nilang punahin ang pag kakamali niya..
"Galit ka lang kaya mo na sasabi ang mga bagay na yan sa amin." Anas naman ni takasugi na ikinatawa naman ng pagak ni sakuragi
"Ha? Oo, galit na galit ako dahil hanggang ngayon wala paring nakaka appreciate ng mga ginagawa ko. Hindi ko maintindihan kong bakit galit na galit si mitsui sakin, wala akong ginagawang masama." Ramdam ng lahat ang biglaang pag burst out at bigat na nararamdaman ni sakuragi ng sabihin nito iyon sa kanila.
"mamaya na tayo mag usap, nasa laro pa tayo." Malamig ang boses na saad ni sakuragi bago muling tumalikod at nagbantay kay mitsui na nagulat pa ng makita ang galit sa mukha ni sakuragi..
Sa kabilang banda naman kung saan naguusap si tetsu at rukawa.
"Ikaw na muna mag bantay kay mitsui, baka kung ano na naman sabihin niya kay sakuragi at uminit na naman ulo niyan." Saad ni tetsu na kinatango na lamang ni rukawa.
Palapit palang si rukawa sa pwesto ni sakuragi ay masama na itong nakatingin sakanya kaya agad namang lumiko si rukawa patungo sa babantayan niya. Napa face palm naman si tetsu sa ginawa ni rukawa.
"Pambihira, sana sa iba ko nalang inutos iyon. Kaibigan nga pala ng isang 'to si sakuragi." Tila na po-frustrate ba saad ni tetsu sa sarili bago nailing.
Muling nag simula ang laro at gaya nga ng inaasahan muli na namang nagkaharap si sakuragi at mitsui. Hawak hawak ni mitsui ang bola habang nakangisi itong nakatingin kay sakuragi.
"Agawin mo nga kung kaya mo?" Pang aasar pa na saad ni mitsui. Narinig iyon ni kiyo na nainis pa sa pang poprovoke nito kay sakuragi.
"Wag mo siyang intindihin sakuragi, kulang lang iyan sa aruga." Natatawang saad ni kiyo.
"Sinong kulang sa aruga, may mga magulang pa ako samantalang itong nasa harapan ko wal--." Napasinghap kaming lahat ng bigla nalang mawala sa harapan ni mitsui si sakuragi.
naagaw kasi nito ang bola kay mitsui at mabilis na inatake ang depensa nito. Dala ng malakas na pag daan ni sakuragi sa gilid ni mitsui ay napaupo pa ito dahilan para tawanan siya ni kiyo.
"Deserve." Tatawa tawang saad ni kiyo bago nilagpasan si mitsui.
wala namang sinayang na pagkakataon si sakuragi, mula sa free throw line ay agad siyang tumalon ng pagkataas taas, buong pwersahan ng kanyang lakas at galit ay nagsama na sa bolang idadunk niya.
Nakipag sabayan pa si akagi sa ere kaya naramdaman niya ang sakit ng tumama ang likod niya sa sahig ng maidunk na ni sakuragi ang bola. Muling umalog alog ang ring sa lakas ng impact na ginawa ni sakuragi.
okaido 43
shohoku 33
Nang makababa ito mula sa pagkakalambitin, doon lang talaga makikita ang namumuong pagpipigil ng galit ni sakuragi. Gustong gusto niyang saktan si mitsui ng mga oras na ito, mas lalo ng ipaalala na naman nito ang mga magulang niya.
Tiim na tiim ang bagang ni sakuragi at pilit na inaalis ang namumuong luha sa kanang bahagi ng mata nito dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman nito.
"Sakuragi huminahon ka, pakiusap." Saad ni takasugi na hirap na hirap pigilan si sakuragi.
"Dinamay niya ang MAGULANG ko na wala na dito sa mundo takasugi, iyong timping iniipon ko para lang wag magalit nag uumapaw na sa ulo ko. Gusto ko siyang suntukin sa galit. Bwesit! Hindi ko magawa dahil inaalala ko kayo. Pero tangna masyado mana yatang pagpapahirap ito. Durog na durog na ako." Nagulat sila ng tumulo ang luha sa mga mata ni sakuragi dahilan para mag tawag ng tine out si tetsu.
Narinig iyon ni miyagi at akagi, kaya agad nilang nilapitan si mitsui.
"Sumusobra kana mitsui, hindi na maganda yang pinapakita mo doon sa tao. Wala ka bang kahit konting awa para doon sa tao? Tapos iuungkat mo pa ang magulang niya. Nasaan na ang konsensya mo mitsui. Napakasama ng ugali mo." Saad ni akagi na bahagya pang tinulak si mitsui dahilan para mapaupo ito.
"Laki talaga ng pagsisisi ko kung bakit nanatili parin ako sa team na to, kung alam ko lang na mangyayari ito. Noon palang umalis na ako." Saad ni miyagi na galit na galit na rin.
"Hindi na ikaw ang mitsui'ng nakilala namin. Nag bago kana, sana talaga ikaw nalang iyong nawala dito sa team imbes na si sakuragi na kung tutuusin ay mas may pakinabang pa kesa sayo." Saad ni akagi na wala nang pakialam pa sa nararamdaman ng kaharap niya.
"Magmula ngayon mitsui, mag solo kana. Gawin mo ang gusto mo hindi ka na namin pakikialamanan." Saad ni miyagi na malamig ang boses.
Nang matapos ang time out, hindi parin nila nakumbinsi si sakuragi na magpahinga doon sa bench. Mas gusto nitong maglaro at maibaling ang galit na nararamdaman niya sa paglalaro.
"Sana maging okay na siya no? Sobrang hirap na ng pinag daanan niya, tapos malalaman natin na bukas na pala ang death anniversary ng papa niya." Saad ni kiyo sa mga kasamahan.
(a/n: gawa gawa ko lang po ang death anniversary 'kuno' ha? Wag niyong seryosohin, baka maheat stroke. Char!😂😂)
"Kaya nga e. Sinisisi niya pa rin ang sarili sa nangyari sa papa niya, dahil sa pambubulakbol niya namatay ang papa niya dahil sa mga nakaaway niya." saad ni takasugi na chismoso dahil nalaman niya pa ang bagay nayon. Napaka pribado na non.
"Saan mo naman nasagap ang balitang yan?" Tanong ni kiyo
"Sa mga kaibigan niya." Sagot ni takasugi
"Sino? Tayo lang naman kaibigan niya e." Saad ni kiyo.
"Ayon oh! Nanunuod silang apat." Saad ni takasugi na tinuturo ang direskyon nila mito. Nakatingin ang mga ito kay sakuragi na may pag aalala.
Mabalik tayo sa mga naglalaro, si mitsui ay nanahimik habang nakabantay kay sakuragi. Hindi na ito nag sasalita pa ng kung ano kay sakuragi pero hindi naman non naibsan ang galit na nararamdaman ni sakuragi sakanya.
nagpatuloy ang laro na hindi na pinapansin nila miyagi at akagi si mitsui dahil sa ginawa nito. Matatanggap lang nila ito kung hihingi ito ng tawad kay sakuragi at sa lahat ng mga ginawa niyang masasakit para dito.
Habang tumatagal ang laban pumapanget na ang performance ng shohoku dahil sa nangyari, tila nawalan narin ng gana ang ilang player dahil sa nangyari..
At si mitsui na naman ang may kagagawan non sa umpisa palang.
okaido 54
shohoku 41
Natapos na ang second half na hindi na naman nakahabol pang muli ang team shohoku sa okaido. 10 minutes pa bago muling mag simula ang second half.
Habang nasa loob ng kwarto ang buong Okaido team, pilit nilang pinapagaan ang nararamdaman ni sakuragi habang nagpapatawa ang iba. Si aki naman ay todo effort para dito ngunit tanging tango lang ang naisusukli ni sakuragi sakanya pabalik.
Naiintindihan naman ng lahat kung bakit ito nagkakaganito ngayon. Pero sana maging maayos na rin ito.
******
(A/n:, Sorry kung harsh na ang eksena kay mitsui at sakuragi, kailangan ko kasing gawin ito para mas maintindihan nila ang side ni sakuragi in a way na magkakasakitan sila ng damdamin at sa huli magkakaintindihan sila. (siguro😂) nageexplain lang ako ngayon just in case na may mag sabi na bakit sobrang sama 'kuno' ni mitsui dito e sa anime at manga naman hindi. (Exactly) dahil FANFICTION po ito na gawa gawa lamang ng aking imahinasyon, in short hindi siya kabilang sa kahit na anong anime series or manga. Yun lang po, salamat!! :))