CTBC: Carrying The Billionair...

By Summer_Alli

3.4M 77K 4.4K

Siya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturi... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
CTBC: Prologo
CTBC: Kabanata 1
CTBC: Kabanata 2
CTBC: Kabanata 3
CTBC: Kabanata 4
CTBC: Kabanata 5
CTBC: Kabanata 6
CTBC: Kabanata 7
CTBC: Kabanata 8
CTBC: Kabanata 9
CTBC: Kabanata 10
CTBC: Kabanata 11
CTBC: Kabanata 12
CTBC: Kabanata 13
CTBC: Kabanata 14
CTBC: Kabanata 15
CTBC: Kabanata 16
CTBC: Kabanata 17
CTBC: Kabanata 18
CTBC: Kabanata 19
CTBC: Kabanata 20
CTBC: Kabanata 21
CTBC: Kabanata 22
CTBC: Kabanata 23
CTBC: Kabanata 24
CTBC: Kabanata 25
CTBC: Kabanata 26
CTBC: Kabanata 27
CTBC: Kabanata 28
CTBC: Kabanata 29
CTBC: Kabanata 30
CTBC: Kabanata 31
CTBC: Kabanata 32
CTBC: Kabanata 33
CTBC: Kabanata 34
CTBC: Kabanata 35
CTBC: Kabanata 36
CTBC: Kabanata 37
CTBC: Kabanata 38
CTBC: Kabanata 39
CTBC: Kabanata 40
CTBC: Kabanata 41
CTBC: Kabanata 42
CTBC: Kabanata 43
CTBC: Huling Kabanata
CTBC: Epilogo
PASASALAMAT!

CTBC: Kabanata 44

56.8K 1.2K 66
By Summer_Alli


Precious Gem

MAHIGIT isang buwan na ang lumipas simula ng malaman ko ang katotohanan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang tingnan ng diretso si Dior. Hindi ko ito magawang tingnan hindi dahil sa galit ako dito kundi dahil nahihiya ako sa nangyari.

Kung si inay ay hindi nakokonsensiya sa ginawa nito, kabaliktaran naman ang sa akin dahil ako ang nakokonsensiya sa ginawa nito. Hindi ko iyon mapigilan dahil naging kasangkapan ako para masira ang isang pamilya.

Hindi ako galit kay Dior. Hindi ako galit kung naisip nitong paghigantihan ang inay ko gamit ako dahil alam ko kung gaano kasakit dito ang nangyari. Wala rin naman akong inasahan dito no'ng binayaran ako nito kaya hindi dapat ako magalit. At naniniwala ako sa sinabi nito lalo na't pinagtibay iyon ng kaibigan at kapatid nito.

"Cander always visit that bar where you are working just to see you. That asshole is really crazy over you" Natatawa na wika ni Rayven no'ng minsan ako nitong makausap.

Hindi ko kilala si Dior no'ng mga panahon na iyon at hindi ko ito napapansin na pumupunta pala sa bar na pinagtatrabahuhan ko kaya nagulat ako na kilala pala ako nito noon pa man.

"My damn brother asked me once to follow you, to check on you. That's why I know that you are carrying his child" wika naman ni sir Diom no'ng kinailangan ako nitong kunan ng litrato. Nagulat pa nga ako sa nalaman ko dito.

Napatigil ako sa paglalakad papasok ng kusina no'ng mapansin ko na naroon si Dior habang nagbubukas ng beer. Napakunot-noo dahil masyado pang maagap para doon. Nang mapansin ko na kumuha ito ng isang sigarilyo at sinindihan iyon ay agad akong tumalikod para maglakad palabas.

"M-masaya ka ba na iwasan ako? G-ganito nalang ba t-tayo?" Garalgal ang boses na tanong ni Dior dahilan para mapatigil ako sa aking paglalakad.

"H-hindi. A-ayoko lang malanghap ang amoy ng sigarilyo, m-masama 'yun sa baby" sagot ko na akmang maglalakad na ulit sana kung hindi lamang ito muling nagsalita.

"Damn! Fine, I will not smoke again. And now, I turned off the light of my cigarette. Can you look at me now---- sweetheart?" Nasa boses nito ang pangungulila. "I-I damn miss you!" wika nito bago ko naramdaman ang mga bisig nito na yumayakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa akin.

Napapikit ako para damhin ang yakap nito. Ngayon ko lang napagtanto ang sobrang pangungulila ko dito. Isang butil ng luha ang nahulog mula sa aking mata.

"A-are you mad with me? Tell me, sweetheart please. I-I'm willing to do anything for you to forgive me. Please sweetheart. What do I----"

Humarap ako dito at hinawakan ang pisngi nito. "Hindi ako galit"

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha nito kung kaya't lalo akong nakonsensiya sa ginawa kong pag-iwas dito. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito. Gusto ko lang naman kasing makapag-isip. Pero sa tingin ko ay sumobra ako. "I-I'm sorry"

Inilapat nito ang noo sa aking noo habang hawak-hawak ang magkabila kong pisngi. "H-hindi mo ba alam na sobrang sakit sa dibdib kapag iniiwasan ka ng taong m-mahal mo? Hindi ako mapakali, puro negatibo ang pumapasok sa isip ko"

Napapikit ako. "I-I'm really sorry"

"I-I even thought that you will never forgive me and y-you will leave me. I-I can't accept that thought" Madamdaming wika nito bago inilapat ang labi sa aking noo. "I-I can't lost you, sweetheart"

"H-hindi naman ako mawawala" wika ko dito habang pinapahid ang mga luha nito. Ramdam na ramdam ko ngayon ang labis nitong pagmamahal sa akin at lihim akong nagpapasalamat doon.

Parang hindi naman ako nito naririnig dahil patuloy pa rin itong nagsasabi ng mga saloobin nito sa akin. Natutuwa naman ako dahil nagiging open ito sa mga nararamdaman nito. Para sa akin ay isa iyong paraan para maging maganda ang isang relasyon.

"Y-you caused pain to me, sweetheart. B-but I know, I deserve that pain. I hurt you once, so I'm willing to accept the consequences. If you are mad with me, y-you can slap me, sweetheart. You can say bad words towards me but----- but please, don't be quiet. Your silence is killing me more. Please sweet---"

Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita nito dahil hinalikan ko na ito sa labi dahilan para mapamulaga ito. "Ang sabi ko, h-hindi ako galit" Nag-iinit ang magkabilang pisngi na wika ko no'ng bumitaw ako sa labi nito.

Mga ilang segundo rin siguro ang lumipas no'ng sa tingin ko ay naintindihan nito ang sinabi ko.

"T-totoo?" Hindi pa rin makapaniwala na tanong nito sa akin.

Sunod-sunod naman ang ginawa kong pagtango. Bigla namang sumilay ang malawak nitong ngiti kasunod ang walang tigil nitong pagluha. Alam ko na dahil iyon sa kasiyahan.

Nagulat pa ako no'ng mabilis nitong sugurin ng mapusok na halik ang aking labi. No'ng makabawi ako sa pagkagulat ay napangiti nalang ako. Tinugon ko na rin ang halik nito pagkatapos. I miss him!

"Hindi ka dapat makonsensiya sa mga bagay na hindi mo naman ginawa, sweetheart. Wala ka namang ginawa, naging biktima ka lang din ng kasinungaling ng Linda na iyon. Pare-parehas lang tayong naging biktima nina mom and dad" wika nito pagkatapos kong sabihin dito ang dahilan kung bakit ko ito iniwasan nitong nakaraang buwan. "Hindi dapat ikaw ang mahiya kundi ang inay mo at----ako" Dagdag nito na napabuntong-hininga pa pagkatapos.

Humarap ako dito dahilan para matigil ito sa ginagawa nitong pagbo-blower sa aking buhok. "Bakit pati ikaw?" Nakakunot ang noo na tanong ko dito.

Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga bago pinatay ang blower at tumitig sa mga mata ko. "B-because I thought of using you to make revenge to----"

Ako naman ang napabuntong-hininga. "Wala na 'yun sa akin. Hindi kita masisisi pagkatapos ng nangyari sa mom mo. At saka ang sabi nga natin, huwag nating hayaan ang ibang tao at ang nakaraan natin ang sisira sa kaligayahan natin" Pagpapakalma ko dito habang nakangiti at hinahaplos ang mukha nito.

Napapikit naman ito habang dinadala ang haplos ko. "Thank you so much, sweetheart" wika nito bago nagmulat ng mata at hinalikan ang aking kamay na humahaplos sa pisngi nito kanina. "I love you, my Gem"

Napangiti naman ako. "I love you too, my Dior" Tugon ko kung kaya't sumilay ang malawak nitong ngiti sa labi.

"Nice" Napapakagat sa labi na wika nito. Halata sa itsura nito ngayon na pinipigilan nito ang sarili sa patuloy na pagngiti. "And because of that, I'll give you 50,000, sweetheart"

"Huh? 50,000? P-para saan?" Naguguluhan na tanong ko dito.

Natawa naman ito ng mahina. "I'm just very happy, sweetheart" sagot nito na lalong nagpakunot sa aking noo.

"A-ano ang----"

"Tsk! Stop asking question" Putol nito sa iba ko pang sasabihin bago ako mabilis na hinalikan sa labi.

Masyadong mapusok at mapang-akit ang halik nito kung kaya't mabilis akong nadarang at sumabay sa paghalik nito. Kinandong ako nito habang hindi pa rin bumibitaw sa labi ko.

Noong maramdaman ko na unti-unting dumadama ang mga kamay nito sa iba't-ibang parte ng aking katawan ay hinayaan ko ito. Bahagya pa akong napa-ungol noong lumapat ang labi nito sa aking leeg habang dumadaloy ang kamay dito sa aking dibdib.

"Fuck!" Reaksiyon ni Dior na nagpagulat sa akin. Mabilis itong bumitaw sa akin kaya nagtaka ako bigla.

"H-huh? A-anong nangyari?"

Bumuntong-hininga ito. "M-muntik na, sweetheart. I-I'm sorry if sometimes I can't control myself to touch you" wika nito na para bang may malaki itong nagawang kasalanan. Parehas lang naman kaming hindi makontrol ang sarili. Napangiti nalang ako. "M-mabuti nalang sumipa si baby Glecander Gemor natin" Dagdag pa nito bago hinaplos ang aking tiyan.

"Glecander Gemor?"

"Yes, sweetheart. Glecander Gemor Montemayor, that's our baby name" sagot nito habang nakangiti. "Ayaw yatang masundan agad siya" Natatawang dagdag pa nito.

Natawa nalang din ako sa sinabi nito. Napahaplos rin tuloy ako sa aking tiyan na ngayon ay malapit nang mag-pitong buwan. Kaunti nalang at masisilayan na namin ito.

"Glecander Gemor Montemayor" Usal ko habang napapangiti. Sa tingin ko ay iyon na talaga ang magiging pangalan ng anak namin. Ayos lang naman sa akin kung anong pangalan ang gusto ni Dior para sa anak namin.

Dahan-dahan akong pinatalikod ni Dior. Muli nitong binuhay ang blower at tinuyo nalang ang aking buhok. Ninamnam ko nalang ang ginagawa nito.

"Sweetheart?" Basag nito sa katahimikan.

"Hmm?" Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito kung kaya't napakunot-noo ako. "May problema ba?"

"Is-is it ok with you to send----"

Lalo akong napakunot-noo noong tumigil ito sa pagsasalita, para itong nagdadalawang-isip. Humarap ako dito kaya muling napatigil ito sa ginagawa.

"Send?"

"S-send your mother in jail?" Tanong nito na nagpatigil sa akin.

Ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dito dahil kahit papaano ay naging inay ko si inay Linda sa kabila ng binigay nitong pasakit sa akin. Binuhay pa rin ako nito at pinalaki kahit pa hindi ko ito tunay na ina.

Narinig ko ang pagpapakawala ng isang malalim na hininga ni Dior na nagpabalik sa aking diwa.

"I know how kind you are, sweetheart---- but we should send her in jail"

Napayuko ako at hindi pa rin umimik. Hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin. Muling bumuntong-hininga si Dior.

"Ang kasalanan ay dapat pinagbabayaran. Gusto ko siyang ipakulong hindi dahil galit ako sa kanya o dahil sa nangyari sa mom ko. Gusto ko siyang makulong para wala na siyang mabiktima na katulad mo, sweetheart" wika nito na nag-angat ng aking mukha.

"Huh? A-anong ibig mong sabihin?"

Sinakop ng mga kamay nito ang magkabila kong pisngi. Tumitig ito sa mga mata ko. "H-hindi lang ikaw ang binenta ng inay Linda mo, sweetheart. N-naging bugaw rin siya ng iba pang mga inosenteng babae para lang kumita at matugunan ang bisyo niya" sagot nito na nagpagulat sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na gano'n na pala kalala si inay. At natatakot ako sa kaya pa nitong gawin.

Hahayaan ko ba na may mabiktima pang iba?

"Is it ok with you now, sweetheart? Gusto ko lang kunin ang permiso mo dahil inay mo pa rin siya at alam ko na----"

"Hindi mo na kailangan pang kunin ang permiso ko, Dior" Putol ko sa iba pa nitong sasabihin. Napakunot-noo naman ito. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago muling nagsalita. "D-dahil dapat lang niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya"

🌞 Huling kabanata na ang next then epilogue 😊 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 206K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
198K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
2.4K 355 41
#Plagiarism is a Crime My poem collection, Is my way showing my imperfection, That can be your inspiration, To unlock the light of your vision... #2n...