Secretly Married To My Profes...

By EyeofMed

4.2M 135K 185K

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I h... More

Secretly Married to my Professor
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Wakas
Special Chapter-September
Special Chapter-Zahira
Special Chapter-Pamela

Kabanata 3

89.5K 3.1K 3.9K
By EyeofMed

***







"Do you have any questions? If none bring out 1/4 sheet of paper, let's see kung naintindihan niyo lahat ng naituro ko. Parang review niyo na rin for your midterm examination."




Agad kaming kumuha ng papel nang sabihin iyon ni Zahira. Katatapos lang ng discussion about sa natapos na naming topics noon, inulit niya lang ulit idiscuss ito para mas lalo itong maintindihan at hindi makalimutan, parang review na lang din namin. Kung may babagsak man sa amin sa midterm exam ay hindi na niya iyon kasalanan because she already did her part. Nasa student na iyon kung mababagsak pa.



"M-ma'am, pardon po, but can you repeat the question po sa number 4? Thank you po." Tila natatakot pa si Pam nang magtanong ito kay Zahira. Nag-aalangan at baka mapagalitan.



"What are the provisions relating to deduction of tax at source from income chargeable under the head salary," pag-uulit nito sa tanong niya kanina and quoted the word salary with her fingers.


Kung hindi ka mag-aaral at hindi ka makikinig sa bawat tinuturo ni Zahira ay malamang at sa malamang ay babagsak ka. Halos i-spoon feed na niya kami dahil isa-isa ang pag-explain niya sa bawat topic, hindi katulad ng ibang prof na sinasummarized ang tinuturo. Ang ayaw lang kasi minsan ng students sa kaniya ay iyong pagiging terror niya at tila ang hirap niyang iapproach dahil sa pagiging cold niya.



Mabilis din namang natapos ang quiz namin sa kaniya. Walang bumagsak sa amin. Naging highest pa nga ako bagay na ikinakatuwa ko. Kahit papaano'y matalino rin naman ako kaya hindi nakakahiya sa katalinuhan ni Zahira. Kaya ko rin namang makipagsabayan.



"Hi, Ember. Saan kayo ni Pam? Magrereview kayo? Sama ako."




Natigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nang lumapit si Clarence sa akin at kinausap ako.



"Sus, ayan ka na naman Clarence!" Sigaw ng isa naming kaklase kaya lahat ay napatingin sa amin maging si Zahira sa harapan na hindi pa pala nakaalis hanggang ngayon.



She just looked at me with her cold eyes. Walang pakialam as usual.



"Sure, sa library kami ni Pam after lunch." Sagot ko na lang kay Clarence tutal ay pag-aaral o pagrereview naman ang gagawin.




"Sabay na rin ako sa lunch, sa canteen ba kayo?" Nakangiting tanong nito.




May itsura rin naman si Clarence. Matangkad siya at sakto lang din ang pangangatawan but he's not my type. Hindi ko rin alam kung anong mga tipo ko dahil wala pa akong nagugustuhan. Hindi ko alam kung normal pa ba 'to o ano dahil 22 na ako ay wala pa rin akong nagugustuhan.





"Yes sa canteen kami. Let's go," si Pam na ang sumagot para sa akin.




Umalis na rin si Zahira. Hindi ko na rin siya napansing lumabas kanina dahil nakaharang si Clarence. Pero ano namang pakialam ko, 'di ba?




Nang maayos ko ang mga gamit ko ay dumiretso na kami sa canteen. It's already 1 kaya wala nang masyadong pila. Wala na rin naman kaming sunod na klase kaya after naming kumain ay pwede kaming tumambay ng kahit ilang oras sa library bago umuwi.



"Miss Garcia?"




Napalingon ako sa likuran ko nang may lalaking tumawag sa akin. Kasalukuyan akong nag-oorder ng pagkain ko ngayon, sila Pam at Clarence ay nauna na sa table.



"Yes?"



"You are September Garcia, right? Nahulog mo itong ID mo." Sambit nito at tinaas ang hawak niyang ID ko.




"Ay hala, thank you."




"No problem. Here," ngumiti ito at nang maiabot niya sa akin iyong ID ko ay umalis na siya.



Ngayon ko lang siya nakita rito sa campus namin. Sa tingin ko ay sa ibang department siya. He's wearing a black t-shirt na hapit sa katawan niya at black pants. Ang manly ng datingan niya. He's a fourth year student for sure.



"Sino 'yong kausap mo kanina?" Tanong ni Pam nang makabalik na kami sa table namin. "Pogi, ha."



"Sus, mas pogi naman ako roon," pagyayabang ni Clarence.



"Tumigil ka nga. Kasuka," irap ni Pam na ikinatawa ko na lang.




"I don't know, ngayon ko nga lang din siya nakita rito. Napulot niya iyong ID ko kaya binalik niya." Sagot ko na lang at nagstart ng lumamon.




"Dapat ay tinanong mo ang pangalan niya. Sayang naman. Sa susunod kusa ko nang ihuhulog ang ID ko at baka mas pogi ang makapulot no'n, malay natin iyon ang magiging kaforever ko. 'Di ba?"



"Ayan ka na naman sa imagination mo, Pam. Bilisan na lang nating kumain nang makapagstart na tayong magreview," sabi ko na lang. "Dala mo mga reviewer mo, Rence?"



"Yes, nasa bag ko lahat. May ipapaexplain sana ako mamaya, may topic kasi akong hindi maintindihan sa auditing. Pangit kasi mag-explain ni Sir Ricky. Hindi maintindihan."



Sa totoo lang ay mahirap talaga ang mga subjects namin sa accountancy lalo na kapag hindi pa naeexplain ng maayos ng prof iyong topic. Mangangapa ka at magsusunog ka ng kilay hanggang sa makuha mo iyon. Kaya maraming nagshshift sa amin dahil hindi kinakaya iyong hirap.



"I'll try to explain that later sa library. Pwede rin namang si Pam tutal it's her favorite subject."



"Manahimik ka, Ember. Kinasusuklaman ko 'yang subject na 'yan dahil kay Sir na hindi maayos mag-explain. 2 nga grade ko sa kaniya hindi naman maayos magturo."


"Buti nga ikaw 2, kumusta naman akong naka-3. Sana si ma'am Hernandez na lang prof natin sa lahat ng subject. She's terror but at least she does her job very well, galing niyang magturo."



I agree with him. Kahit sino talaga sa amin ay iyon ang masasabi about Zahira.



"Crush mo?" Pam asked Clarence.


Agad na umiling si Clarence, "she's beautiful pero may iba akong nagugustuhan," ngiti niya at sumulyap sa akin.


"Huwag mong sabihing gusto mo si Ember? Masasapak kita."



"Tama na 'yan," putol ko sa kanilang dalawa dahil ayaw ko na ang napupuntahan ng usapan namin. "Tara na sa library." Nauna na akong tumayo at sumunod naman sila sa akin.



"Hindi ba't usap-usapan noon na may gusto si Sir Jacob kay ma'am Zahira?"


Naglalakad na kami ngayon patungong library. Akala ko ay matatapos na iyong kwentuhan kanina about Zahira pero heto na naman si Pam, walang ibang bukambibig kundi si Zahira.



"Hanggang ngayon naman ata. I'm a guy too, I can sense it kung may gusto ang lalaki sa babae. Iba tumingin si Sir kay Ma'am, eh." Maging si Clarence ay nakisabay sa chismis ni Pam.


"Look at them. Ano kayang pinag-uusapan nila?"


Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Pam at tinignan ang direksyon na tinuturo niya. She's right, magkasama nga ngayon sila Zahi at Sir Jacob, they are talking. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? At talagang doon pa sila sa labas ng office nila nag-uusap.


"Just one dinner, ma'am. After that titigil na ako. I promise. Just one dinner." Rinig naming sabi ni sir Jacob dahil medyo malapit na kami sa kanila.




"Grabe, he's so desperate. Ganoon na lang ba siya kainlove kay ma'am Hernandez? Nagagawa niya 'yon to think na kilala rin siyang prof dito. Gwapo naman siya at matalino bakit hindi na lang maghanap ng iba, for sure naman makakasulot siya ng maganda at single." Mahinang sabi ni Pam.




"I can't do that, Sir. Pwede ka namang tumigil na without the dinner." Malamig na sagot ni Zahi at umalis na. Iniwan niya si Sir Jacob doon na nakatayo lang at nakatingin pa rin sa kaniya na papalayo na.


Dismayadong-dismayado ang mukha ni Sir.



"Panis! Angas naman mangreject ni ma'am. Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur."




Natawa ang dalawa dahil doon samantalang ako ay napangiti lang and I don't know why. Dahil sa sinabi ni Clarence o dahil sa pagreject ni Zahira kay Sir.




Sa dami ng nagkakagusto kay Zahira, mapaestudyante man o kapwa niya professor ay walang napapala. Masyado niyang pinaninindigan ang marriage namin o sadyang hindi niya lang tipo iyong mga nagkakagusto sa kaniya. Ano bang tipo niya?



"Nagets mo na?" Tanong ko kay Clarence matapos kong i-explain sa kaniya iyong topic na hindi niya maintindihan.


Nandito na kami ngayon sa library. Nasa pinakadulo kami para hindi kami marinig, lalo na't nadidiskusyon kami rito.


Habang nagsusulat si Clarence ay tumango ito. "Gets ko na. Thank you, Ember. Hulog ka ng langit."




"Baka hinulog ng langit?"




Inirapan ko si Pam, "baka gusto mong ihulog kita ngayon?"



"Sabi ko nga isa kang anghel na may angking kademonyohan."



Natahimik kami nang may sumita sa amin kaya tinignan ko na lang nang masama si Pam.



Pagkatapos ng review namin ay naisipan na naming umuwi. Ihahatid sana ako ni Clarence pero hindi ako pumayag dahil baka malaman niyang iisang bahay lang ang tinitirhan namin ni Zahira. Ayaw kong mangyari iyon. Kahit nga si Pam ay hindi alam ang bagay na iyon.




Habang naghihintay ng masasakyan sa harap ng school ay biglang may tumigil sa harap ko. Sasakyan iyon ni Zahira. Maya't maya ay bumaba ang bintana ng passenger seat. Walang kaemo-emosyong nakatingin siya sa akin mula sa driver's seat.



"It's already 6. Hindi ka pa rin sasabay?" She asked coldly.




Napalinga-linga ako sa paligid. Tama siya, it's already 6 ata wala na rin namang masyadong estudyante, nagsiuwian na o 'di kaya'y nasa libarary pa at nag-aaral.



Tutal ay wala na rin namang masyadong estudyante at gumagabi na ay sumakay na ako. Sana lang talaga ay walang makakakita kung hindi ay siguradong magkakalat agad iyon sa buong school lalo na't kilala ng lahat si Zahira hindi lang sa department namin.



"Where do you want to eat?" She asked while she's driving.




"Hindi ba nagluto si Manang Flor?"




"She took a day off."



"Magdrive-thru or padeliver na lang ng pagkain," sambit ko dahil naisip kong baka may makakita sa amin kapag kumain kami sa labas.




Sunod no'n ay hindi na siya umimik. As if naman kasing mag-uusap kami nang matagal. Siguro'y puti na ang buhok ko kapag nangyari iyon.



"What do you want?"



Tumigil kami sa isang fast food restaurant. Hindi na ako mahihirapang mag-isip ng restaurant na pagbibilhan dahil siya na ang bahala, ni hindi na rin nagtanong kung gusto ko iyong napili niyang restaurant o hindi.



"Dalawang fried chicken with tworice, isang burger, fries, tapos," tinignan ko pa iyong menu kung ano pa ang pwede kong i-order, "vanilla ice cream, and large iced tea." Dagdag ko at iniabot sa kaniya ang 500 pesos ko na kinuha ko pa mula sa wallet ko.



Hindi umimik si Zahira kaya lumingon ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso, tila nagtatanong kung seryoso ba ako o ano.




"B-bakit?"




"Are you a pig?"


Tinignan ko siya nang masama, "pig agad? Hindi ba pwede nagutom lang?"




Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at nag-order na mula sa driver's seat. Hindi niya rin kinuha ang inaabot kong 500 pesos kanina kaya inulit ko uling ibigay ito pero hindi niya pa rin iyon binigyan ng pansin kaya hinayaan ko na lang kaysa makipagtalo pa ako.



Nang makuha namin ang mga order namin ay dumiretso na kami ng uwi. Nang makarating ay kumain na agad kami para wala nang ibang gagawin mamaya kundi magreview na lang para sa exam bukas.



"September?"



Aakyat na sana ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Zahira. "Yes?"



"Do you want me to help you sa pagrereview?" Walang kaemo-emosyon niyang tanong.



Nagulat ako nang marinig ko iyon. Totoo ba iyon o nabingi lang ako o baka guni-guni ko lang iyon? Si Zahira nagtatanong kung kailangan ko ng tulong niya?




"Kung may kailangan ka at kung may gusto kang ipaexplain just tell me."



Totoo ba ito? Anong nakain niya?



"T-thank you," sabi ko na lang at dumiretso na ako sa kwarto ko.




Matapos kong magshower ay agad kong nilabas lahat ng reviewer ko. Tinignan kung anong mga hindi ko pa naintindihan na topic para roon na lang ako magfocus. Napunta ako sa advanced accounting dahil medyo naglalack ako roon ng knowledge. Iyong prof namin dito ay hindi masyadong nagtuturo, tamang bigay lang ng activity and files and after that ay wala na, sariling sikap sa pag-aaral.




Tutal ay sinabi naman ni Zahira iyon, susulitin ko na iyong chance na ipaexplain sa kaniya itong topic na hindi ko maintindihan.




Nandito na ako ngayon sa harap ng pintuan ng room niya. May pag-aalangan akong kumatok at baka nagbago na iyong mood niya.




"May gusto akong ipaexplain sa advanced accounting, especially sa consolidation of balances, hindi kasi naiexplain ni Ma'am Cess." Agad kong bungad sa kaniya nang mabuksan niya ang pintuan.




Nakashower na siya ngayon, napansin ko iyon dahil medyo basa pa ang kaniyang buhok at nakasatin pajama na rin siya. Ready na sa pagtulog pero suot na naman niya ang kaniyang salamin kaya malabo iyon. Siguro'y nagbabasa siya ngayon or paper works.



Hindi siya nagsalita, lalo lang niyang binuksan ang pinto sign na pinapapasok niya ako. Sa loob ay may medyo mahaba siyang study table, sa ibabaw no'n ay mga papel na nakaayos at nakabukas na laptop. Ang organized ng mga gamit niya at ang linis ng loob ng kwarto niya, nahiya iyong room kong kung wala na si manang flor ay kalat na lahat dahil siya lang naman ang naglilinis doon.




"What? Hindi ka uupo?"



Kung wala lang akong kailangan ay baka lumayas na ako rito pero kailangan kong mag-ipon nang mahaba-habang pasensya para sa grado ko. Umupo na lang ako sa bakanteng upuan, sa harapan niya.




"Anong hindi mo naiintindihan sa consolidation of balances?" Tanong nito, ang mga mata ay nasa screen lang ng laptop niya.





Sinabi ko iyong part na hindi ko maintindihan. She just nodded and after that nagstart na siyang mag-explain at magturo.




Habang ineexplain niya iyong topic na hindi ko maintindihan ay tango lang ako nang tango, sinusulat ko rin iyong mga mahahalagang sinasabi niya at nagtatanong ako kapag may gusto pa akong ipaexplain sa kaniya. Hindi rin naman ito mahirap intindihin lalo na't siya ang nagtuturo. Nakakaramdam lang ako minsan ng awkwardness lang titig na titig ito sa akin habang nagtuturo siya.




"Did you get it?" She asked in a monotone voice.




Tumango ako, "yes, thank you."




"Iyon lang ba?"



"Titignan ko pa kung may mga hindi pa ako naintindihang topic. Irereview ko lang," sagot ko na lang at tatayo na sana para bumalik sa room ko pero muli siyang nagsalita.



"You can review here, Ember. Para kapag may hindi ka naintindihan you can ask me."



Pumilig ang ulo ko at tinitigan siya. Hindi na siya nakatingin ngayon sa akin kundi nasa laptop na ulit ang atensyon niya. Si Zahira ba talaga 'to?



"Okay," sagot ko na lang at muling binuklat ang mga reviewer ko.




Wala na rin naman akong hindi maintindihan na topic kaya nagfocus na lang ako sa pagrereview. Nang tignan ko ang orasan ng room niya ay mag-aalas onse na. Kaya pala nakakaramdam na rin ako ng antok at nawawalan na rin ako ng focus sa pagbabasa.



"Magtitimpla lang ako ng kape," paalam ko.



"Hindi ka pa ba matutulog? It's already eleven, hindi ka rin makakapagfocus ng exam mo bukas kung magpupuyat ka nang sobra. Gumising ka na lang nang maaga bukas."



Nakanganga lang ako hanggang na natapos siyang magsalita. Iyon na ata iyong pinakamahabang nasabi niya sa akin. Madalas kasi ay puro tipid kung kausapin niya ako, nabibilang lang na words.




"You can sleep here. Gisingin na lang kita nang maaga bukas," dagdag niya, ang tingin ay nasa papers na ngayon, ni sulyap sa akin ay hindi niya ginawa kaya hindi ko alam kung seryoso siya o hindi.




Dahil sa pagod ay pumayag na lang ako. Tinatamad na rin naman akong bumalik sa kwarto. Pero kung sakali mang matutulog nga ako rito ay eto na ata iyong pinakaunang pangyayaring matutulog ako sa kwarto niya. Tatabi ba siya sa akin? Malamang because it's her room. Okay lang sa kaniya?




"Good night."



Napakurap-kurap ako, tila nawawala na ang antok na nararamdaman ko.





"Ikaw ba talaga si Zahira? O baka doppelganger ka lang niya?"




"Tsk," iyon lang at hindi na niya ako inimikan pa.































To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 95.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
3.6M 117K 55
Venine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Nag...
233K 5.6K 30
Dorothea, a girl who loves to prank, she had to prank Raidon Miller, in exchange for multiple subscribers on YouTube. But she pranked the wrong perso...
4.3M 168K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...