That Barrio Guy

By AmariFlames2

4.4K 211 68

COMING SOON!!! Cover by: @PopoyKolokoy2 More

DISCLAIMER
SYNOPSIS

Prologue

1.8K 98 60
By AmariFlames2


Kakatapos ko lang magsulat ng aking diary.

Parang kailan lang ng nagsimula akong magsulat nito. Ang tagal na rin pala.

Ilang taon na rin ang dumaan ng isinulat ko ang aking buhay sa araw-araw na lumilipas. This will remind me of the days that I miss him. The days, weeks, months and years. For all those passing remnants of years that he left me hanging as he chose to left me alone.

Gusto kong isulat ang mga nangyari sa akin. Ang mga nangyari sa amin. Ang lahat ng mga bagay na nagpasaya at nagpaluha sa akin. I don't want to forget him in my memory. His smell, his body, his smile, his eyes. I want to cherish every bit of memory we had. The memories I had with him.

I don't want to forget. I guess... I don't want to move on.

Hindi tulad ng ginawa ng lalaking minahal ko. Na basta-bastang kinalimutan na lamang ang lahat.

Bakit hindi niya ako hinanap? Bakit lumayo siya ng hindi nagpapaalam? Bakit?

The years are quickly fading and here I am stuck in my past. Slowly picking up the broken pieces of myself. Ilang lalaki na ba ang dumaan sa akin simula ng mawala siya? Sa dami ay hindi ko na mabilang at maalala.

Ilang lalaki na ang nakasama ko sa init sa magdamag. Pero hindi pa rin nila kayang tapatan at higitan o kahit man lang tumbasan ang lalaking kumulong sa aking puso. Hindi ko siya maikukumpara. No one even comes close. Nakakapagod man ay hindi pa rin siya maalis sa aking isipan. Sa aking puso. Siya pa rin... siya pa rin talaga.

Nasaan na kaya ang lalaking yun? Masaya kaya siya? Iniisip din ba niya ako?

Nakaupo ako ngayon sa aking swivel chair sa loob ng aking opisina. Pagod na pagod sa dami ng dapat kong gawin. Masakit na nga yung batok ko sa dami ng iniisip. Napabuntong-hininga ako. Napatayo at nagtungo sa wall glass while overlooking the city of Manila. This noisy city yet an empty place for me. The same old big boring place.

Abot-tanaw ko ang Manila bay sa aking kinatatayuan at ang mga gusaling nagsisitaasan. Pati na ang nagsisimulang paglubog ng araw.

"Nakikita din kaya niya ang nakikita ko ngayon?"

Tahimik akong nagmuni-muni habang nagbabalik tanaw sa aking kahapon. Hanggang sa may mahinang katok akong narinig.

"Boss?" tawag ng aking sekretarya.

"Yes? Come in." sabay bukas nito ng pinto.

"Boss, we already selected the security team for you. As you have requested."

Napapikit ako at napahawak sa 'king sintido.

"Didn't I tell you that I don't need a security team? I said, I need a guard not a security team. One is enough. Just one!" pagbibigay ko pang diin sa huling sinabi.

"But boss, you must understand. We don't want to risk it. It would be better if you have a lot of security so it won't happen again."

Ito talaga ang kinaiinisan ko. Simula ng muntik na akong ma-kidnap ay sobrang praning na ng aking pamilya. Pati na itong secretary ko.

"It will not happen again! Nakakulong na yung mga yun pati yung mastermind. Claire, you know how I hate it when there are a lot of people who follows me around, right? One guard will be fine. It's more than enough! Narrow them down and just pick the best of all the best. An entourage will never be an option."

"But—"

"No buts and no ifs! Just one, Claire!" I said it with finality and conviction.

"Boss, nag-aalala lang naman kasi ako. Pati na rin si Sir Alejandro."

"Kung ang inaalala mo ay si dad. Don't worry. I can handle him." napanguso na lang ang aking secretary.

Wala ng nagawa si Claire sa aking kagustuhan. Lumabas siya sa aking opisina na bagsak ang balikat.

Muli akong dumako ng tanaw sa malayo. Napabuntong-hininga at muling napaisip ng malalim. Ang dami at ang layo na ng narating ko. In the business world I am now one of the most sought out bachelors out there. Ang dami ko ng natanggap na mga awards dahil na rin sa aking mga kawang gawa at dahil sa mga affiliations ko.

I'm successful, influential and affluent. Well, getting here was not hard because I was born wealthy. Hindi ko nadaanan ang hirap ng ibang mayayaman dahil ipinanganak na akong mayaman. I'm not some nouveau rich bachelor. I've come from and old rich money and from an old rich family.

Kaya parang walang kahirap-hirap lang ng ibinigay sa akin ang pinakamataas na posisyon sa aming kompanya. Ibinigay ito ng sarili kong ama. I'm the new CEO of our company and the new head of our business conglomerate as my father is now the chairman.

The empire that my grandfather built and his grandfather before him.

Pero hindi ako masaya. Hindi naman kasi ako deserving sa posisyon na ito. Sa dami ng mga efficient at mas suitable kaysa sa akin ay ako pa rin ang nakakuha ng posisyon. Nang dahil ako ang anak ng may ari. This is what you get when you are born with a silver platter and born with a silver spoon in your mouth. Everything will be handed to you so easily.

Wala na rin naman akong magagawa. I wanted my older sister to have my position. Pero ang gaga, umayaw! Kaya ako ngayon ang pumapasan sa lahat ng hirap sa kompanya.

Napakalaki at ang dami ng mga kompanya namin dahil isa itong industrial conglomerate. Our businesses are link and interconnected with each other. Mula sa construction firms hanggang sa mismong paggawa ng mga semento, metal, kahoy at bato. Pati produksyon ng raw materials ay parte ng daloy ng aming mga negosyo. Kahit pa nga ang real estate ay pinasok na rin namin.

Sa probinsiya ay may mga negosyo rin kami. From fresh food produce to sugar milling. Sobrang dami!

As my father once said, "We are not just building... instead, we are creating the future." He's a very business minded person. To the point na nakalimutan niya dati ang pamilya niya. But I'm glad he's trying to mend the broken bond that we had. It's better late than never. He's trying his best to win me over and my sister. Kung kailan kami tumanda, saka lang din siyang nagpakaama.

Parang nasa tugatog na ako ngayon ng tagumpay. Nasa akin na yata lahat.

Pero hindi pa rin ako masaya. If I can trade all of my possessions just to turn back time. I will gladly do it and I will never think twice! Kung sana ngayon lang ang kahapon. We can revisit the past but we cannot fully grasp it with our hands.

All the memories I had are just memoirs. I will never experience it again even if I want to.

Lahat ng meron ako ngayon ay handa kong itapon at iwan. Basta makasama ko lang ang taong yun. Kung sana ay pwede lang mabalikan ang nangyari noon ay hindi talaga ako magdadalawang-isip.

Pero hindi na maari.

Tahimik lang akong nakamasid mula sa malayo. Ang payapa ng gabing ito.

Nang may marinig na naman akong katok.

"Come in." sagot ko.

"Boss, um... everything is finalized. May napili na po para maging bodyguard niyo." sabay lapag ng aking secretary ng file sa aking lamesa."

"His credentials?" sabay baling ko sa dokumento na kakalapag lang sa aking desk. "Sabihin mo na lang sa akin dahil wala akong panahon para basahin pa yang file niya."

"Okay boss, So ito nga. He's a black belter in taekwondo and aikido." sabi ng aking sekretarya na lumalaki-laki pa ang mga mata at nakangisi. "He was once a part of a paramilitary group in US and his very skilled when it comes to guns. A certified sharpshooter." patango-tango pa niyang sabi habang nagpapatuloy. "Also, he's a very tall guy... and when I say tall, I mean that he's really... really... tall, boss! Parang poste ng meralco. Ang tangkad 'di ba? Mas matangkad pa nga kay sa kang Lebron James." salaysay ng aking secretary na mukhang nangtsitsismis.

Ang tangkad naman ng taong yun.

"And..." I probed.

"Well built. Also, very flexible. He can also be your driver para hindi ka na magmaneho. Bakit kasi ayaw mong may personal driver boss?"

"Claire?" sabay irap ko.

"Okay okay. Ito pa, he also had a lot of experience protecting VVIP. I'm telling you his very commendable. This guy is a certified commando. You see, he passed the Navy SEAL! But he had chosen other career. So... naging bodyguard." ani niyang parang nangtsitsismis lang talaga. "But not just an ordinary bodyguard! Bodyguard siya ng isang mayamang french magnate before, who's currently residing in Monaco."

"So bakit siya umalis dun sa amo niya? I mean, was he fired?"

"Yup, he was fired!" parang natutuwa pa nitong sagot. "Alam mo kasi boss. Nagustuhan siya ng asawa nung billionaire kaya nung nalaman nito. Ayun, kick out agad si pogi." sabi pa nitong may patakip-takip sa kanyang bibig.

Asal tsismosa talaga nitong secretary ko.

"Boss ang pogi talaga! Feel ko magugustuhan mo siya." sabay kindat nito.

"Hoy, Claire! Baka pinili mo lang yan kasi gwapo."

Hindi na rin kasi iba itong secretary ko kaya alam niya ang totoo kong sexuality.

"Boss naman. Syempre, hindi noh! Your safety is my number one priority. Alam mo namang ayaw kong may mangyaring masama sa'yo. Sa lahat naman kasi ng nasa security team mo sana ay matatangkad naman lahat. Pero siya yung pinakamatangkad. Siya rin ang may pinakamagaling na record sa lahat when it comes to skills and experience. Supposedly, siya yung magiging team leader sana ng security team. But since ayaw mo talaga ng maraming alipores. Siya yung pinili ko."

"Is he outside?"

"Yup, nasa labas lang, boss."

"Okay, let him come in."

"'Tsaka boss. Siya rin yung pinakagwapo sa kanila. Hehe." sabay kindat pa ng gaga.

"Claire, do you wanna keep your job?" sagot kong nagbabanta.

"Boss naman! Okay okay. I'm leaving."

Napailing na lang ako.

Sumandal ako sa aking swivel chair at umikot patalikod. Ipinikit ang aking mga mata para magpaghinga saglit. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang mahinang pagsarado nito.

"Good evening po, boss." bati sa akin ng lalaki.

Isang napakalamig, napakalalim at buong-buong boses ang narinig ko na dahilan kung bakit nagsitayuan ang aking mga balahibo.

This voice... I-I know this voice! I know it! I'm sure of it. I am not mistaken!

Kumakalabog ang aking dibdib habang paunti-unti akong umikot para harapin ang lalaki. Nang masilayan ko na siya ay parang nakakita ako ng multo.

Hindi ako makapaniwala sa aking makikita ngayon.






Itutuloy...





Vote and comment para mabilis ang update!

I missed you people! Oh yeah! Let's party! HAHAHA  \(^_^)/

Continue Reading

You'll Also Like

338K 503 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
169K 6.4K 55
(ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ sᴇʀɪᴇs 1) Lalaine died in a car accident on her way to her sister's shop. but when she woke up she was already on the rooftop, she tho...
58.1K 95 12
❌️ MATURE CONTENT ❌️ | one-shot | smut | mature | | bxg | g×g | bxb | random | People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take...
258K 700 74
If you love Wattpad stories about poly. Then this is the perfect compilation for you... Enjoy Reading!! WARNING! For mature and Open Minded only... I...