My Hottest Sin (PROFXSTUD / I...

By MaHeartKita

2M 49.1K 12.9K

Warning: Very mature content. And this book is written in Tagalog and English Strong use of inappropriate la... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2πŸ”ž
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23πŸ”ž
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40⚠️
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44 πŸ”ž
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 - Ending

Chapter 6

30.6K 907 216
By MaHeartKita

Maraming ng mga estudiante sa cafeteria nang dumating kami ni Irish. Malaki at malawak ang lugar at may dalawang makalaking fridge sa gilid na may mga lamang soft drinks at ibat-ibang klase ng mga milkshakes. Lumapit ako sa fridge and swipe my ID at agad kinuha ang isang choco strawberry milkshake na lumabas.

" Beh, dito tayo dali!"

Tawag sa akin ni Irish sa may gitna at tinaasan ako ng kamay. Agad akong lumapit sa kanya dala yung binili ko.

" Anong gusto mo? Ako na bibili at bantayan mo nalang 'tong table natin. "

" Kahit ano, wag lang gulay."

Bored na saad ko sa kanya bago binigay yung ID card ko. Tahimik lang akong humihigop sa straw ng milkshake nang biglang may lumapit sa aking grupo ng mga kababaihan, apat sila to be exact.

" So, you're the new girl right?"

Ani nang may short at kulot na buhok at mukhang leader yata nila.

" Ako nga. Ano naman ngayon.."

Walang gana kong sagot sa kanya at patuloy lang na humihigop habang tinatanaw ko si Irish sa may counter at umu'order. Para namang nagulat yung mga kasama niya sa inasta ko at agad nila akong pinalibutan. Umupo yung leader sa harap ko t tinarayan ako ng tingin.

" Bitch, hindi mo yata ako kilala! "

" Hindi nga... Sinong unggoy ka ba ha?"

Humawak naman siya bigla sa dibdib niya at umaktong na offend sa sinabi ko.

" Oh my gosh,the nerve!"

" You better know who you're talking to girl"

" Oo nga!"

Saad ng mga alipores niya sa gilid ko. Bumuntong hininga ako at nilapag yung karton ng milkshake sa mesa bago nag halukipkip sa harap ng leader nila.

" Look, nana'nahimik ako dito at ayoko ng disturbo kaya pwede ba umalis na kayo sa harap ko."

Natawa yung leader sa harap ko at biglang sumeryoso agad siyang suminyas sa mga kasama niya at tapos bigla nalang akong hinawakan sa mga kamay ko. Nabigla ako at hindi nakapalag nang hinila nila ako patayo at agad akong sinabunutan nung leader nila.

" Yah! Bitawan niyo ko mga walang kwentang nilalang!"

" Kilalanin mo muna kong sino binabangga mo bitch!"

Sabi nang nakasabunot sa akin at plano pa yatang kalbuhin ako. Hindi ako makapiglas dahil napakahigpit ng kapit ng mga alipores niya sa akin. Agad nagkagulo sa cafeteria at may nagsisigawan na sa gilid, may iba pang kumukuha ng video.

" Hoy gago! Bitawan niyo siya!"

Agad na sigaw at tumakbo palapit sa akin si Irish at dinumog yung mga babaeng may hawak sa akin. Nakawala yung isang kamay ko kaya sinamapal at sinabunutan ko rin yung leader nila.

" Arrgh! How dare you!"

Sigaw nito habang patuloy parin kaming nagrarambulan dito. Mas lalong umingay sa loob at mukhang walang may balak na umawat sa amin. Nawala lang yung ingay nang may striktong boses ang biglang sumigaw

" What is going on here!"

Agad natigil yung rambulan namin at nakita kong yung maganda kong professor pala ang sumigaw. Dahan dahan siyang nag lakad palapit sa amin, agad namang nahawi yung mga nagkukumpulang mga estudiante sa dinadaanan niya. Nang makalapit na siya ay agad na nag halukipkip sa harap naming anim.

" You let go of each other's hair this instant."

Anya at napakaseryoso ng mukha. Ayaw pa sanang bumitaw nung babae sa buhok pero nang tiningnan niya ito ay agad namang siyang bumitaw. Hindi ako agad bumitaw at hinigpitan ko pa yung kapit sa buhok niya kaya napa ingos siya dahilan para sa akin naman tumitig si prof.

" Talaga ba'ng napakatigas ng ulo mo, at hindi ka marunong sumunod?"

Anya habang nakatitig sa akin ng seryoso. Kaya binitawan ko yung buhok nang babae pero may dala iyong tulak para maalog yung utak niya!

" Wala naman po sigurong ulo na malambot ma'am."

Sarkastikong sagot ko sa kanya kaya mas lalo siyang nagalit sa akin.

" Detention office, now! Sumunod kayo'ng lahat sa akin. "

Nauna siyang naglakad bago yung apat na kampon ni satanas. Nasa dulo kami ni Irish habang pasimple niya akong kinakausap.

" Bakit ka ba si pumatol kay Tiffany eh, laking bitch 'yan at laging pasimuno ng gulo."

" Me? Siya kaya ang lumapit sa akin at bigla nalang nila akong sinabunutan!"

Inis na saad ko sa kanya ng pabulong. Agad naman kaming tumigil ng makarating kami sa harap ng pintuan ng Detention office.

" Get inside and wait for me. Subukan niyong mag away sa loob at hindi ako magdadalawang isip na ipa expelled kayong lahat."

Sabi nito bago umalis at iniwan kami sa loob at ni lock yung pinto galing sa labas. Nakita ko pa siyang naglalakad palayo sa may maliit na glass sa pinto. Napatingin ako sa pwet niyang kumikimbot habang naglalakad siya. Hinila ako ni Irish doon sa may dulo para lumayo kami sa apat na mga baliw. Masama ang tingin nila sa amin habang nasa kabilang dulo sila.

" Huwag mo na nga silang pansinin, mga baliw talaga 'yan. "

" We can hear you, you know!"

" Ay nakakarinig rin pala ang mga palaka beh, akala ko kasi eh wala silang kwenta at ang papangit pa ng mukha."

Pairinig ni Irish sa kanila kaya nagalit yung leader nila at akmang lalapit nang pigilan siya ng mga alipores niya at umiiling kaya wala siyang nagawa at nagsama nalang ng tingin sa aming dalawa ni Irish.

" Ayos ka lang ba? May sugat ka gilid ng pisngi mo beh, nakalmot ka ata ng pangit na palaka. Hayaan mo na gagamutin kita at baka mahawa ka sa kapangitan nila."

Natawa ako sa turan niya at tinuro yung mukha ko

" This face? Kahit punuin pa ito ng kalmot at sugat,maganda parin 'to."

Mayabang na sabi ko sa kanya kaya natawa rin siya at tinulak akong bahagya sa balikat.

" Ang hangin ah, sigi palakasin mo pa nang mailipad papalayo yung mga pangit na palaka."

Mahinang sambit niya habang kinukumpas pa sa itaas yung kamay niya, tumawa lang kami dito sa gilid. Ilang minuto pa ay bumukas ulit yung pintuan at pumasok si professor Vanessa. Seryoso niya kaming tiningnan sa magkabilang dulo bago nag salita.

" All of you, follow me."

Anya at agad nag lakad ulit kaya sumunod na kaming lahat. Nakarating kami sa may gym at walang ka tao-tao doon kundi kami lang. Agad lumapit si ma'am sa isang moving rack na puno ng bola ng volleyball at hinila iyon sa gilid niya. Agad siyang humarap sa amin at nag fold ng mga kamay.

" All of you, get one ball and make a line and face each other."

Nagkatinginan kami ni Irish bago kami sumunod at kumuha ng tig iisang bola. Agad kaming pumunta sa gitna ng court at tumayo bitbit yung bola. Nasa kabilang dulo namin namin yung apat. Agad namang nagsalita si ma'am Van sa gilid namin

" Now I want you to throw the ball on each other an-"

Hindi na siya natapos sa sasabihin niya ng pinauntog ko ng isang beses yung bola bago ko ito malakas na itinapon sa mukha nung leader ng mga palaka kaya ayun. Sapul siya sa mukha at agad nabulagta at nawalan ng malay!

" Why did you throw it directly at her?!"

Galit na galit na sigaw ni ma'am at lumapit sa akin.

" Sabi mo ibato ko kaya yun ang ginawa ko ma'am."

" You didn't let me finish talking and that is only a test! Kahit kailan ay hindi ka talaga marunong sumunod!"

Nanggigigil niyang saad sa akin at namula na yung mukha niya, hinilot niya yung sintidi niya at agad na nilapitan yung palakang nakabulagta.

" All of you, carry miss Quijano all the way to the clinic."

Agad namang sumunod yungmga alipores niya at alang alala

" Oh my gosh Tiff... "

Sabi nung isa at tumingin pa sa akin ng masama. Lumapit kami ni Irish para tumulong kahit papaano ay mabait parin kami nuh, nakasunod ako sa likod ni Irish at ang tanging nahawakan ko lang ay yung dulo ng sapatos ni palaka kaya may ambag parin ako sa pagbubuhat sa kanya.

" Except you Hendrix. You stay and I need to speak to you in my office."

Anya kaya napatigil ako at tumingim kay Irish. Ito namang isa ay binulungan pa ako ng

" Good luck nalang sa'yo beh."

Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Nilampasan ako ni ma'am at nag sabi ng

" Follow me.."

Kaya sumunod nalang ako sa kanya. Habang naglalakad ako ay pasimple kong sinusuri yung likod niya, naaamoy ko yung pabango niya na tila ba'y kumakapit sa kung saan siya dumadaan. Maraming bumabati sa kanyang istudyante pero deadma lang siya. Tumingin ako sa mga kapwa mag-aaral ko na may mapanghusgang tingin sa akin. Sinamaan ko lang sila ng tingin at dahil hindi ako nakatingin sa harap ay nabunggo ako sa likod ni ma'am. Nasa harap na pala kami ng office niya.

" I-Im sorry ma'am."

Sabi ko agad sa kanya nang tiningnan niya ako ng napakasama. Napalunok pa ako dahil dun. Hindi naman ako natakot sa kanya nabigla lang ako, yun lang. Agad niyang binuksan yung pinto at pumasok sa loob, sumunod ako sa kanya. Sobrang linis at ang bango rin ng office niya, may isang bookrack sa gilid na puno ng mga libro, may halaman din sa bawat dulo ng epasyo dito sa office niya. May pang isahang couch sa harap ng mesa niya, at may mini table rin doon na may nakalagay na iba't ibang klase ng candies. Nagtaka ako bakit may candies doon.

" Sit down."

Sabi niya ng makita niya akong nakatunganga at sinusuri yung loob ng opisina niya. Agad naman akong umupo at tumingin sa kanya, nakaupo na siya sa swivel chair niya sa likod ng mesa at naka fold ang kamay na nakatingin sa akin.

" B-bakit po ako nandito ma'am?"

Tumaas ang kilay niya sa akin bago nagsalita

" I heard na bago ka palang sa dito sa school. And yet sangkot ka na sa isang gulo. Hindi lang 'yun, you are not also paying attention to my class kahit unang araw mo palang, even if my subject is just a minor still I want my students to be responsible. At hindi ka pa marunong sumunod sa mga rules ko which I very hate so much."

Mahabang saad niya sa akin. Her eyes is like looking straight to my soul. Napalunok ulit ako bago mag salita.

" I-I'm sorry ma'am kung hindi ako marunong sumunod. And yung kanina, I was just sitting all alone in my table when they approached me, at sila ang nagsimula ng gulo at hindi po ako."

Sabi ko habang nakatitig sa kanya.

" Still, you throw a ball on her face. The next time I speak, you let me finish first before you make foolish actions. You get me, Miss Hendrix?"

Seryoso niyang saad habang nakatingin sa gawi ko, nakita kong lumandas yung tingin niya sa pisngi ko bago siya nagsalita ulit.

" I'm sorry ma'am, I won't do it again."

Sabi ko dito habang nanatili siyang nakatingin sa akin. Hindi ako ni kaylan man humingi ng sorry sa mga professors ko. But to her it feels like I am willing to get on my knees and beg for the rest of my life. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngunit pasimple niya akong binabago nang wala sa intensyon niya. Nailang ako sa pagtitig niya sa akin kaya napatikhim ako.

" Uh, 'yun lang po ba ang sasabihin niyo ma'am? Can I leave na po?"

Hindi ko alam kung sa kanya ay tumitino ako, I have never been like this especially sa school.

" No, you can't leave yet.."

Sabi niya at biglang tumayo at lumapit sa may maliit na drawer niya at may kinuha doon. Napalunok ako ng bigla siyang naglakad palapit sa akin at nagsalita.

" Sit properly and look to your right."

Hindi ko alam kung ilang beses akong napakurap at lunok nag yumuko siya ng bahagya at sinuri yung mukha ko nung tumagilid na ako. Napa hiss ako ng makaramdam akong ng hapdi sa pisngi ko

" Oh shush, konting sugat lang 'yan don't be such a baby..."

Anya na sobrang lapit sa mukha ko, naramdaman ko pa yung pag blow niya sa sugat ko at damn. Gusto kong pumikit nang maamoy ko yung napakabango niyang hininga.

" There.... Don't get yourself in trouble again at hindi na kita ulit gagamutin, you can leave now."

Sabi niya matapos malagyan ng bandaid yung sugat ko at bigla nalang tumayo at agad binalik sa drawer yung first aid.

" T-Thank you po ma'am. And hindi po ako baby.."

Sabi ko sa kanya habang nakaupo na siya ulit at nagsusulat sa papel. Napaangat yung tingin niya sa huli kong sinabi kaya nag smirk ako sa kanya. Dahan-dahan niyang inabot yung glasses niya at isinuot bago ako sinamaan ng tingin

" Leave."

She said that to me in the most coldest way ever.

" I'll see you around ma'am."

Sabi ko sa kanya bago ko tuluyang binuksan yung pinto at lumabas na. Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili kong natawa at nakangiting hinawakan yung bandaid na nilagay niya sa pisngi ko. Napailing nalang ako habang nakangiting binabaybay ang hallway patungong dorm. Doon na ako didiretso at wala na naman siguro akong pasok sa susunod kaya gusto ko nalang magpahinga muna. Pinagtitinginan na naman ako ng mga estudiante kaya I slowly make myself serious and wear my Idgaf look habang nakapamulsang naglalakad....


Continue Reading

You'll Also Like

24.5K 1.8K 24
People who has the nature to save usually the one who needed to be saved. Would you agree? Or no? Then let's find out with this story.
1.7M 54.9K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender πŸ¦‹ Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****